“Si Graza at Emanya na raw ang pipila para sa pagkain natin,” nakangiting sambit niya kay Ruan bago pa ito tumayo upang samahan sana si Emanya. Ang dalawa kasing ito ang nakatoka ngayon sa pagbili ng pagkain ngunit naalala niyang bigla na mayroon nga pala syang siyang mahalagang sasabihin kay Ruan at Gorgie. “Ha?” Kumunot ang noo ni Ruan at bigla itong napaupo muli sa sariling upuan. Napakamot naman si Emanya. “Si Ruan excuse, samantalang ako hindi?” Lumabi pa talaga ito. Napahagikhik naman siya sa cute nitong pag-angil sa kaniya. “Don’t worry, I’ll cover up for you guys next time. May mahalagang bagay lamang talaga kasi akong itatanong sa dalawang ito kaya naman kailangang narito rin sila.” “Okay, no problem!” ani Ruan at nakangising

