“E-Emrys.” Agad na lumapit sa kaniya si Graza. Hinilod nito nang marahan ang kaniyang likod. Nakahinga naman siya nang maluwag sapagkat nakinig naman ang dalawa sa kaniya kahit papaano. “Let’s stop wasting our time. May topic pa na ipinapaaral sa atin si Professor Tim. Ayaw niyo rin naman sigurong bumagsak sa subject niya, ‘di ba?” inis na tanong niya sa mga ito. Walang umimik. “Excuse me,” maarteng singit ni Gorgie sa kaniyang pagsesermun. Nagtaas pa talaga ito ng kamay sa ere. Bahagya lamang na tumaas ang kilay niya rito. Agad naman nito iyong na-gets. “Can we study in the library instead?” kimi ang ngiting tanong nito sa kaniya. Agad siyang tumango rito. “Yes, everyone can go,” sang-ayon niya rito. “Ok

