“Kung sinuman ang gumawa ng kalokohang iyon, umamin na agad ngayong mabait pa ako,” seryoso ang tonong sambit ni Professor Tim. Napayuko si Emrys. Nahihiya siya sapagkat siya ang presidente ng klasrum nila at dito pa mismo sa kanila nagmula ang kalokohan na ipinagpuputok ng butsi nito ngayon. “Sa dinami-rami ng naturuan kong mga estudyante, ngayon pa lamang nangyari na may nagpost ng exam ko sa internet. Exam, pi-picturan tapos ipopost sa internet. Very papansin!” nanginginig ang boses ng kanilang professor sa sobrang galit. Nag-angat siya ng kaniyang kanang kamay. May isang tanong na palaging gumugulo sa isipan niya. Kanina niya pa iyon nais isatinig ngunit hindi niya talaga magawa sapagkat natatakot siya na mapagbuntunan ng galit ng kanilang guro. Ngunit nakaipon na si

