“I have difficulties in doing this part, Graza…” Nanghihingi ng saklolo na sambit niya sa kapatid na tahimik lamang na nanonood sa practice niya. Tuluyang bumagsak ang kaniyang katawan sa ibabaw ng sahig nang wala siyang marinig na kasagutan mula rito at tinapunan niya ito ng tingin. Makahulugang ngiti lamang ang rumihestro sa kaniyang mga labi pagkakita sa kalagayan nito. Nakapikit ang mga mata nito habang nakasandig sa gilid ng kama ang ulo nito. Hawak pa nito ang plastic ng sitsirya na tila ba wala talaga sa hangad nito na bitawan nito iyon hanggang sa nakatulugan na nito ang pagkain niyon. Ipinadulas niya ang kaniyang pang-upo sa sahig at inilapit ang katawan dito. Mahimbing na nga ang tulog nito. Narinig niya kahapon ang bilin ng ama rito na huwag nitong kalilimutan ang

