Chapter 58

2216 Words
     “Buong akala ko pa naman ay mapagkakatiwalaan kita!” nanliliit ang mga matang asik niya kay Galena. Awtomatikong lumakas ang kaniyang boses. “I was sincerely good to you tapos sa tuwina na lamang ay tinatraydor mo ako, dapat talaga nakinig ako sa mga kaibigan ko. Isa ka nga lang naman pala na malaking sinungaling, manggagamit at ipokrita!”       Isang malawak na ngisi lamang ang sumilay sa gilid ng mga labi nito. “Walang manggagamit Emrys kung walang siraulong nagpapagamit! Tandaan mo ‘yan…” Mayabang nitong iminuwestra sa bandang likuran ang ilang hibla ng buhok nito.   Nanginig siya sa galit. Alam ng lahat iyon. Ang likas na masamang ugali ni Galena, ngunit inakala niya talaga na may magandang maidudulot ang pakikisama niya rito gaya sa sinasabi ng kaniyang ama.       Ngunit nagkamali siya. Sobra siyang nasaktan sa hindi inaasahang agad siya nitong ipapahiya sa lahat. Hindi niya deserve maranasan iyon sapagkat matalk nga silang magkaibigan.       Itinaas niya ang kaniyang kanang palad at akmang sasampalin niya ito nang hulihin ni Fazi ang kaniyang kamay at binaluktot.       Naging alerto siya at kaya naman mas pinagtuunan niya ng pansin ang kaniyang maskara. Kasalanan niya kapag nahila iyon at natanggal. Iyon ang dapat niyang iwasan na mangyari. Napangiwi siya sa sobrang sakit na kaniyang nadama. “A-Aray!” nasasaktang sambit niya. Mangiyakngiyak na siya at hindi siya makakilos nang maayos dahil sa pinagkakaisahan na siya ng mga ito. Mahigpit niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamao at nagtiis.      “Anong ginagawa niyo?!” Mula sa malayo ay sumulpot ang isang striktong boses ng guro niya sa Mathematics.  Napangisi siya kahit na hindi niya pa ito nakikita ngayon ay nakita niya naman na itong papalapit kanina kaya naman nasisiguro niyang ito ang nagsalita. Awtomatiko siyang binitawan ng mga bitches.       “G-Good morning po, prof! A-Ah, kasi po tinuturuan lamang po namin ng dance steps si Emrys kanina… Sasali po kasi siya sa Luna’s dance contest.” Mautak na palusot ni Galena.  Nakangisi siyang napatango. Matalino nga naman talaga ang bruha. Sadyang sa kalokohan lamang nito ginagamit ang katalinuhan pagdating sa kaniya.     “Totoo?” nanlilit ang mga matang itinuro ng Professor ang dulo ng hawak na ruler sa kanila. Napatango naman ang mga ito. Paniwala na ang guro kaya naman tumango na rin siya upang kahit papaano ay matuwa si Galena sa kaniya.       “Totoo po ang sinasabi ni Senior Galena, ma’am.”             Ibinalik ng guro ang ruler pasingit sa mga pahina ng libro nito na bitbit nito. “Gano’n ba? Well, this place isn’t appropriate for you, children, to practice so I suggest you go to gymanasium.”       “Yes, ma’am!” sabay-sabay nilang kaway dito. Masyadong tutok ang mga ito sa papaalis na guro kaya naman nagmamadali siyang sumibat. Pasimple siyang dumaan sa likod at tumakbo nang hindi lumilikha ng ingay.     “Thanks God—” nabitin sa ere ang sinasabi ni Galena nang mapagtanto yata nitong wala na siya. “Where’s Emrys?!”  Napatalon sa gulat si Emrys mula sa malayo pagkarinig niya ng kaniyang pangalan sa bibig ni Galena.   “Emrys!” rinig niyang malakas na tawag ni Fazi sa kaniyang pangalan. Hinihingal siyang huminto sa harapan ng mga kaibigan. Ramdam niya pa ang pagkabasa ng pawis sa kaniyang katawan at hapo sa kaniyang pakiramdam.   “Emrys!” Si Ruan ang unang nakakita sa kaniya sapagkat sa harapan siya mismo nito huminto.       Sunod ang iba pa nilang kaibigan at ang kaniyang kapatid na si Graza.       “Saan ka ba nanggaling?” muling tanong ni Ruan sa kaniya.       “Ayos ka lamang ba?” si Graza.       “Bakit parang daig po sa hingal ang nagjogging sa bundok?” si Gorgie.       “Do you need water?” seryosong tanong ni Emanya sa kaniya. Sarkastiko niyang inikot ang mga mata sa ere. “Oh, shut up, Gorgie…” Nanghina ang kaniyang boses sa sobrang pagkahapo. “Haysss! Water please.” Napapikit siya sa sobrang hingal niya.       “Here, Emrys…” Si Emanya iyon at inabutan nga siya nito ng tubig.     Ngumiti siya rito nang tipid saka inabot ang isang baso na puno ng tubig mula sa palad nito. Uminom siya agad.     “Dahan-dahan lamang, Emrys,” paalala ni Ruan sa kaniya.      Naubos niya ang lahat ng laman ng isang basong tubig. “Thanks, Emanya!” pasasalamat niya rito saka naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi nito.    “Kumain ka na rin. Malapit na kaming matapos,” ani Gorgie sa kaniya.     “Okay,” tipid niyang sagot sabay tango.       Balak niya sanang ikuwento sa mga ito ang nangyari kanina ngunit ayaw niya namang mag-alala na naman si Graza. Kung makapag-react pa naman ito.     Tahimik siyang nag-umpisang kumain. “Saan ka ba nanggaling, Emrys?” hindi nakatiis na tanong ulit ni Ruan sa kaniya pagkatapos nilang kumain. “Nagtungo kasi kami sa library, pagkatapos ay tumakbo ako pabalik dito at iniisip ko na baka ubusin niyo ang pagkain ko,” nakalabing sambit niya kunwari.      Natawa si Ruan at itinuro si Gorgie. “Sinabi mo pa. Kanina pa nitong babaeng ito pinag-iintirisan ang shanghai mo,” pambubuko nito sa tahimik na si Gorgie.  Binatukan ito ni Gorgie. “Ano bang pinagsasabi mo riyan?” nanliliit ang mga matang saway ni Gorgie sa kaibigan.      Natawa na lamang siya sa pag-aasaran ng mga ito. Tinusok niya sa tinidor ang kaniyang shanghai at inilipat iyon sa mismong plato ng kaibigan. Napapalakpak nang malakas si Gorgie. “Thank you so much, Emrys!” Halata na tuwang-tuwa talaga ito sa isang pirasong shanghai na ibinigay niya rito.       “Hoy, ano ‘yan? Ang daya!” ani Ruan na nakatitig din sa shanghai na ibinigay niya kay Gorgie. Sinulyapan niya ang natitirang shanghai na nag-iisa sa kaniyang plato. “Gusto mo rin?” nakangiting tanong niya sa kaibigan.   Umismid naman ito. “Na’ko paborito ko ‘yan, Emrys, pero busog na ako. Hindi ako katulad ng iba riyan na kahit busog na’y tira pa rin nang tira,” anito na animu’y may pinaparinggan sa kanila.       At alam niya namang si Gorgie iyon na walang pakialam sa parinig ng kaibigan nila.     Tinusok niya ang natitirang shanghai sa kaniyang plato at inilipat iyon sa plato ni Ruan.      “Anong ginagawa mo, Emrys? Huwag na…” Natulirong angil nito.    Ngingiti-ngiting napailing si Gorgie. “Kunwari ka pa riyan. Kainin mo na at hindi dapat tinatanggihan ang grasya. Kung ayaw mo akin na lang.”     “Siraulo ka talaga, Gorgie.” Natawa na lamang si Ruan. “Ayaw ko nga, bigay sa’kin ito ni Emrys. Thank you, Emrys!” nakangiti nang malaki na sambit nito.     Ngumiti lamang siya sa mga ito. Sumandok siya ng pagkain sa kanyang plato nang makita niya ang isang shanghai. Napasulyap siya sa kaniyang katabing si Emanya. Tahimik lamang ito at nang siguro’y napansin nito ang tingin niya’y inginuso nito si Graza.  Napangiti siya nang tuluyan. Agad niyang inumpisahan kainin ang shanghai na bigay nito sa kaniya.       Peace offering siguro ito ng kaniyang kapatid. Marahil napagtanto nito na maaari na siya nitong iwan. Sinulyapan niya ang oras pagkatapos niyang kumain. May ilang minuto pa siya upang magligpit.       “May nangyari ba kanina habang papunta ka sa canteen, Emrys?” tanong ng kapatid sa kaniya. Pabalik na sila ngayon sa kanilang klasrum.       Hindi pa rin ito nakatiis na tanungin siya kapagdako. Kaya pala sinadya nitong magpahuli silang dalawa. Hindi naman sila marinig ng tatlo sapagkat abala ang mga ito sa sariling topic. Ang lalakas pa nga ng tawanan ng mga ito.     Umiling siya sa kapatid. “Wala, Graza…” Seryosong tingin ang iniukol nito sa kaniya. “You’re lying,” anito. Hinuhuli siya. Napalunok siya. “Kung ano ang kuwento ko kanina iyon na lamang lahat iyon, Graza. Walang labis, wala ding kulang. Huwag ka sanang magdalawang-isip…”       “I don’t know if the others noticed this but your hair is unlikely messy when you got in the canteen earlier,” mahinang sambit nito.      Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ng kapatid. Impossible iyon! Natatandaan niya na inayos niya saglit ang kaniyang buhok at sinuklay sa pagitan ng kaniyang mga daliri bago siya pumasok.    “Really? Sa hangin siguro,” palusot niya saka siya nagkibit ng kaniyang balikat. “Hindi ko alam,” pagmamaang-maangan niya.     Inirapan siya ng kaniyang kapatid. “You’re lying!” akusa nito sa kaniya.        Napailing siya. “You are just overthinking, Graza.”       Hindi na ito umimik kapadagko.       “Ang tahimik niyo riyan?” untag ni Gorgie sa kanila na ikinagulat nila.       Maang na nakamasid ang tatlo sa kanilang magkapatid. Napansin yata nila ang kakaibang pananahimik niya.       Pagak siyang natawa at napailing. “Hindi ah,” tanggi niya rito. Hilaw na hilaw ang kaniyang ngiti.       “Guys, please pay attention to small details!” sigaw ng kanilang lider. Nagsibagsakan na ang kaniyang mga kasamahan sa sahig pagkatapos ng unang practice nila. Nanatili naman siyang nakatayo at kinabisado niya ang mga steps.       “Guys, stand up!” Pagkatapos ng ilang segundo’y pumalakpak muli ang kanilang lider at in-encourage sila na magsitayuan muli.    “Puwede bang break muna, saglit?” angil ng isang sa kanilang mga kasamahan.       “Break ba kamo?” kunot-noong sambit ng kanilang lider. “Nakakalimutan mo na yata na isang beses niyo pa lang natapos ang steps para sa araw na ito. “You guys have to execute this and that better. Paano kayo mag-iimprove kung ang tamad ng mga katawan niyo? Tayo!” malakas ang boses na utos nito sa kanila.  Napadaan sa kaniyang harapan ang lider kaya naman bahagya siyang naging conscious sa kaniyang ginagawa. “You’re doing great, Emrys!” nakangiting sambit nito na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Awtomatiko siyang napangiti dahil sa pagpuri nito sa kaniya.      “Thank you, Kami!” masayang sambit niya rito.      Masaya siyang malaman na sakto ang kaniyang pag-excute ng mga steps. It’s like hindi na siya mag-aalala ngayon kung tama pa ba o mali ang mga steps niya. “Pagbutihin mo pa!” anito sa kaniya.   Tumango siya rito at masayang inihatid ito ng tingin palapit sa bench kung nasaan ang mga kaibigan nito.       Isang malakas na hampas sa kaniyang balikat ang pumutol sa kaniyang pagkatulala. Paglingon niya’y si Gorgie pala iyon.     Nanliliit ang mga mata nito. “Anong ipinakain mo sa babaeng ‘yon?” nakangusong tanong nito sa kaniya.      Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi nito. “Hoy,” saway niya rito. “Ano bang pinagsasabi mo riyan? Mamaya may makarinig sa’yo. Nakakahiya kaya. Ngayon nga lamang ako kinausap ng lider natin.” Inikot niya ang mga mata sa kaibigan.       Nang-aasar na siniko lamang siya nito sa kaniyang tagiliran. “Pero hindi rants ang pinagsasabi niya sa’yo kundi pinuri ka pa niya! Naks! Iba ka nga talaga, Emrys.”    Umisang hakbang siyang palikod sapagkat kinikiliti siya nito sa kaniyang tagiliran.      Nabigla siyang nang may maatrasan siya sa kaniyang katawan mula sa kaniyang likuran.     “Ouch!” Isang malakas na pagtili ang kaniyang narinig. Awtomatiko siyang napalingon sa kaniyang likuran.    “Lexie!” tawag ng mga kasamahan nila mula sa malayo.      Nagulat siya nang makita ang isang babae na nakasalampak sa kaniyang likuran. “I’m s-sorry!” awtomatikong sambit niya bilang paghingi ng tawad dito.       “What happened?!” si Gorgie. Tinulungan siya nitong daluhan ang babae paupo ngunit nagulat siya nang iwaksi lamang nito ang kanilang mga kamay palayo.       “Don’t touch me!” galit na angil nito sa kanila. Maang silang nagkatinginan ni Gorgie.       Kahit na kasalanan niya’y hindi naman niya inaasahan na magagalit ito nang gano’n at bubulyawan pa sila.     Masama ang tingin sa kaniya ng babae. Na para bang hindi lamang ito tungkol sa pagkaupo nito pagkatapos niya itong maatrasan.      “Tabi!” Nagsidatingan ang mga kaibigan nito palapit sa kanila.       Agad naman silang napatabi magkaibigan.       “What happened, Lexie?” tanong ng mga kasamahan nila rito.       “I think I hurt my ankle,” anito sa mababang boses.      “What?!” eksaheradong sambit ng kaibigan nito. “Natapilok ka ba?” Kinabahan siya nang sulyapan siya nito ng tingin. “Binangga niya kasi ako,” itinuro siya ni Lexie na tuluyang ikinalaglag ng panga niya.       “Ulitin mo nga ang sinabi mo, miss!” nanlalaki ang mga matang asik ni Gorgie rito. Handa siyang ipagtanggol ng kaibigan. Hinawakan niya sa baywang si Gorgie at pinigilan. “Kumalma ka na muna,” pakiusap niya rito.     Tumayo ang kaibigan nung Lexie at hinarap sila. “Bakit parang kayo pa ang nagagalit sa kaibigan ko ngayon? Ha? Ang yayabang niyo naman!” matapang silang hinarap nito habang nakapamaywang. “Nanghingi na ba ng tawad itong nakabangga sa’yo, Lexie?”     Umiling ang babae. “Hindi pa,” maikling sambit nito.    Ikinalaki ng mga mata niya ang narinig. Aakalain mo nga naman na sa kabila ng inosente nitong mukha ay naroroon ang hindi mo mahuhulaan na kasamaan nito.     “Excuse me, miss,” mahinahong pakiusap niya rito. “Nanghingi agad ako ng tawad sa’yo hindi ba? Kung hindi mo narinig idi, sorry ulit… Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Hindi rin iyon tulad ng sinasabi mo na sinadya ko ang pagkabangga ko sa’yo. Pasensiya na talaga, miss. Ngunit nagkakamali ka.”       “Ibig mong sabihin, nagsisinungaling ang kaibigan ko?” maang siyang dinuro nito. “For your information, miss. Hindi sinsero ang paghingi mo ng tawad sa’kin. Hindi porke’t pinuri ka ng ating lider kanina’y magmamayabang ka na.”     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD