Chapter 57
“That’s too risky, Emrys,” he said in a baritone voice.
Napalunok siya. Pagkatapos niyang ipaliwanag dito ang buong rason kung bakit siya malungkot ay sobra isang minuto na hindi siya nito inimik. Pagkatapos ay sobrang seryoso naman yata ng sinabi nito ngayon.
Pagak siyang natawa. “Don’t worry, Gila. Alam ko na nga kasi iyan. Hindi ako ‘yong tipong susugod sa giyera nang hindi handa. Well, that’s not me…” Sabi niya na lamang para naman huwag na itong magbigay pa ng negative feedbacks.
“But is that what you really want?” muling tanong nito sa kaniya, naniniguro.
“Yes,” mabilis pa sa alas-kuwatro niyang sagot dito. Ito ang kagustuhan niya. “Wala nang makakapagpabago ng isipan ko.”
“In that case, you should follow your heart and do what you want,” seryosong sambit nito na hindi niya inaasahan.
“You’ll support me, right?” nanliliit ang mga matang pagbibiro niya sa lalaki.
Nais lang naman niyang pagaanin ang athmosphere sa paligid.
“I’m so busy, Emrys… I can only give you my moral support,” may himig pagbibiro sa sinabi nito.
Natawa na tuloy siya ng tuluyan. “Anong moral support ang pinagsasabi mo riyan?! I don’t want that… Dapat present ka sa araw ng contest at gawan mo ako ng banner! Kaibigan mo ako, ‘diba? Gano’n dapat!” mariing sambit niya habang patuloy na humahalakhak.
“Iyon lamang ba?” anito na ikinagitla niya.
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa narinig. “Anong iyon ka lamang riyan?” ungkat niya rito sa namamanghang boses at naiwan pa na bahagyang nakaawang ang kaniyang bibig.
Napakabilis naman yata nitong sumang-ayon. Naloloka siya nang wala sa oras.
“Siyempre ay nagbibiro lamang naman kasi ako. Ano ka ba?” nanliliit ang mga matang saway niya rito.
Natawa naman ito dahil sa sinabi niya.
“Aba’y seryoso naman kasi ako, Emrys… But why are you laughing then?” Bigla ay sumeryoso naman agad ito sa kabilang linya.
“Nagbibiro ka kasi. Sino namang hindi matatawa?” tanong niya rito.
“Let’s be serious now…” Pangungumbinsi nito sa kaniya. “Huwag sanang sumama ang loob mo sa’yong mga magulang. I think they are just doing what they think will be the best for you. Alam kong wala ako sa posisyon upang sabihin ito sa’yo, Emrys, but like what you said, we are friends.”
Para siyang naliwanagan bigla dahil sa sinabi nito. Kagat-labi niyang dinala ang daliri sa kaniyang bibig at kinagat ang sariling kuko.
Sobrang suwerte niya naman at naging kaibigan niya itong masungit na alpha na ito. She’ll be in great hands. Ramdam niya lamang.
“Emrys?” muling untag nito sa kabilang linya.
“Y-Yes?” maang niyang sagot dito kapagdako. Kung saan-saan na pala dumako ang isip niya. Naikiling niya ang ulo sa bandang kanan.
“Kumusta na nga pala si Skiah?” bigla’y tanong nito sa kaniya.
Napangiti siya nang muling dumako ang kaniyang tingin sa kaniyang halaman. “You won’t believe this, Gila…” sambit niya rito.
“Believe what?” agad nitong ungkat.
“She’s a lot of better now. She’s even glowing!” ani niya rito.
“Glowing or growing?” nagugulumihang tanong nito sa kabilang linya.
Napaikot ang kaniyang mga mata. “Can I say both?” ani niya rito. “May maliit na dahon na siya. Sayang nga at hindi ako ang unang nakapansin kahapon kundi ang katulong namin.”
“Uy!” untag niya rito. “Bakit natahimik ka na riyan? Don’t tell me na umiiyak ka?”
“Sira!” anito kapagdako. “Nakaka-speechless naman kasi ang ibinalita mo. Alam kong nasa mabuting pangangalaga ang forever rose ko—”
“It’s Skiah!” mariin ang boses na putol niya rito.
Umikot ang mga mata nito sa ere. “I’m sorry, si Skiah—te’ka nga lamang pala… That’s my plant, I can call it everything I want, okay? Bakit ba kinokontra mo ako?”
Tinawanan lamang niya ito. “Kasi nga po ako na ang nag-aalaga sa kaniya ngayon. I call her Skiah so you just have to follow.”
“Whatever,” anito. “Nakalimutan mo na yatang ako pa rin ang nagmamay-ari niyan.”
Mas natawa siya dahil sa sinabi nito. “Ano na nga ulit ang sinasabi mo, Gila?” tanong niya rito nang nakangiti.
“Don’t ask me, pinutol mo ang pagsasalita ko kanina, remember?” pagsusungit nito sa kaniya.
Napaismid siya. “Ang sabihin mo, hindi mo lang alam dahil nakalimutan mo na. Nagpapalusot ka pa!” ngingisi-ngising sambit niya.
“Bakit naman ako magpapalusot?” bubulong-bulong na sambit nito sa kabilang linya. “Siya nga pala. Kailan ang contest niyo na iyan?” biglang pag-iiba na lamang nito ng topic.
Nagustuhan niya naman ang tanong nito na iyon. “Bakit dadalo ka? Panonoorin mo ba ako tapos igagawa mo ako ng malaking banner pang-cheer sa’kin?”
“Did I say something like that? Wala naman ‘diba?” sarkastikong tanong nito sa kaniya ngunit nanatiling mababa ang boses nito.
Napukaw ang ngiti sa kaniyang mukha dahil sa narinig. Umasa pa naman siya agad tapos ganito lang pala.
“Napakapaasa mo naman,” ingos niya rito. “May patanong-tanong ka pang nalalaman. Ano ‘yon, ask mo lang?”
Ewan niya ba puro na lamang bardagulan ang usapan nila ng lalaking ito. Walang may gustong magpatalo sa kanila. Ano pa kayang patutunguhan nito?
Natawa ito sa kaniyang sinabi. “Ang ibig kong sabihin… Malay mo naman maalala kita bigla sa araw na iyan at mapadalhan kita ng flowers, but wait, in case na mananalo ka lamang kaya naman kailangang manalo ka nga talaga.”
Naibagsak niya ang malayang kamay sa kaniyang gilid. “Ang supportive mo talaga, Gila Cox! Promise! Salamat sa pagmotivate, ha?” nanlalaki ang mga matang sambit niya.
“I knew,” anito. Nakikini-kinita niya na agad na ngingisi-ngisi ito sa kabilang linya.
Napatalon siya sa gulat bigla nang marinig niya ang marahang pagkatok bigla sa labas ng pinto ng kaniyang kuwarto. Ang gatas niya na marahil niya ang inihatid ng kanilang katulong.
“Sige na! Maraming salamat sa time mo… Papatayin ko na itong tawag at may importante pa akong gagawin!” paalam niya rito.
“Good—”
Bahagya niyang naikiling ang kaniyang ulo sa kanan.
Nagpapaalam pa lamang yata ito tapos biglang pinatayan niya na agad ito ng tawag sa huli.
Mabilis ang hakbang na nagtungo na siya palapit sa nakasaradong pinto ng kaniyang kuwarto.
Gaya ng kaniyang hinala, nabungaran niya ang kanilang katulong na may bitbit na isang baso ng gatas sa labas ng pintuan,
“Ang gatas niyo po, Miss Emrys,” blangko ang ekspresyong sambit nito sa kaniya.
Mas lumawak ang kaniyang ngiti pagkatapos nitong iabot ang baso sa kaniya.
“Maraming salamat po!” Iyon lamang at isinarado niya na muli ang pintuan.
Kakanta-kanta siyang naglakad pabalik sa terrace ng kaniyang kuwarto at pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan.
“Ano na kayang ginagawa ni Gila ngayon?” nakapangalumbabang sambit niya habang nakatitig lamang sa kawalan. Bakit ba kasi kinalimutan niyang tanungin ang lalaki kanina? Idi sana ay hindi siya nanghuhula ngayon. Nasaan kaya ito habang magkausap sila? Saan ba nagpupunta ang mga lalaking babaero kapag gabi?
Siya rin mismo natigilan sa kaniyang iniisip. Kung saaan-saan na pala napadpad ang isip niya.
Inisang lagok niya ang natitirang laman sa kaniyang baso na gatas saka binuhat si Skiah pabalik sa loob ng kaniyang kuwarto.
“Emrys and Masha.” Napasulyap siya sa kinaroroonan ng kaklase niyang si Masha. Ito ‘yong palaging tahimik sa sulok at sa tuwina’y umiiwas sa mga tao.
Nakatabing ang mga bangs nito sa mata kaya naman hindi niya masyadong mapagmasdan ang mukha nito ngayon.
“Ma’am,” nagtaas siya ng kaniyang kamay. Sunod namang nagtaas ay si Masha.
“Kayong dalawa ang magkaparehas,” ani ng kanilang guro.
“Noted, ma’am,” mahina ang boses na sagot niya. Muli siyang napasulyap kay Masha at nagulat siya nang ma-lock ang titigan nila sa isa’t-isa. Ngumiti siya rito at tumango.
Magkakaroon sila ng group report about sa topic nila sa math. Magkasama sila nito ngayon kaya naman masaya siya.
Recess. Naiwan silang dalawa ni Masha sa loob ng klasrum. Kinausap niya ito kanina at tinanong niya ito kung ayos lamang ba rito na mag-usap sila pagkatapos ng recess.
Inilabas niya ang librong hinaram niya sa kanilang guro. Pumayag naman ito sapagkat silang dalawa ni Masha ang unang reporter sa Lunes.
Humila siya ng upuan palapit sa upuan ng kagrupo saka pnagpapawisang naupo na. “Hinati ko na ang content nitong topic natin, Masha,” pagbabahagi niya rito. Pinagmasdan niya ang ekspresyon nito ngunit muntikan na siyang matawa sapagkat hindi man lang ito umimik kahit simpleng tango.
Ibinuka niya ang kaniyang bibig at nangtakang magpatuloy. “Heto, ikaw na nga lamang pala ang mamili kung anong topic ang nais mong i-explain.”
Walang imik itong tumango at kinuha mula sa kaniya ang libro. Pinagmasdan niya lamang ang pahinang binabasa nito habang naghihintay.
“Ito na lamang fraction ng different signs ang akin,” anito kapagdako pagkatapos siyang sulyapan.
Awtomatikong ngiti naman ang sumilay sa gilid ng kaniyang mga labi.
“Sige ba,” agad niyang pagsang-ayon dito. “Akin na itong PEMDAS.”
Seryosong tango naman ang iginawad nito sa kaniya.
Mabilis na natapos ang kanilang naging pag-uusap nito. Wala naman kasi silang naging tutol sa desisyon ng bawat isa sa kanila.
“Masha,” tawag niya nang tila ba wala itong balak luamabas ng kanilang klasrum.
“Y-Yes?” nauutal na tanong nito sa kaniya.
“Hindi ka na ba pupunta sa cafeteria?” kunot-noong tanong niya rito. Umiling lamang ito sa kaniya bilang sagot.
Umiling ito at muling itinuon sa shoes nito ang pansin.
“May pagkain ka na ba?” muli niyang pangungulit. Marahil naiinis na ito sa kaniya. Sa sobrang kakulitan niya ngunit hindi talaga siya makatiis na hindi ito tanungin.
Sa unang pagkakataon, nginitian siya nito. “Pasensiya ka na, miss, pero naiirita talaga ako kapag may nangungulit sa akin.” Nalaglag ang kaniyang panga pagkarinig sa pahayag nito sa kaniya. “Kung tapos ka na. Ewan mo na lamang ako sapagkat nais ko nang mapag-isa at tinatamad na talaga akong magsalita.”
Silent. Iyon ang namayani sa loob ng mahabang segundo bago niya nabawi ang katinuan. “S-Sige, mauuna na ako. Pasensya ka na.”
Dali-dali siyang naglakad palabas ng kanilang klasrum. Dire-diretso siya sa sobrang pagkapahiya na kaniyang natamo.
“Hays!” Mahina niyang idinantay ang kanyang ulo sa pader. “Ganoon ba talaga si Masha?” Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng grabeng pagkapahiya sa pagsusungit nito.
Malapit na siya sa cafeteria nang biglang may humila sa braso niya. “W-wait,” gulat niyang sambit.
Mga nakakairitang pagmumukha ang sumalubong sa kaniya. Isa na roon ang kaniyang kinakapatid na si Galena.
“Sa wakas ay nagtagpo nang muli ang landas nating dalawa, Emrys.” Nakangisi ito habang nakatitig ang naniningkit na mga mata sa kaniya. Nakapamaywang pa ito at napakataas ng kilay. “Miss me?”
Napahugot lamang siya ng isang malalim na hininga dahil sa sinabi nito. “Totoo ba?” sarkastikong tanong niya rito. Nangako siya sa kaniyang sarili na hindi niya muli ito hahayaang maipahiya at maliitin siya nito. “Huwag ka na ngang magpaliguy-ligoy pa. Ano bang intensyon mo sa pagkikipagkapit sa akin.”
Napakurap siya. “Hindi ka pa rin ba nadadala, Galena?” hindi makapaniwalang kuwestiyon niya rito.
Nginisihan lamang siya nito. “Ako, madadala?” nandidilat ang mga matang tanong nito sa kaniya. “Bakit, sino ka ba? Nakalimutan mo na ba na ikaw ang napakalaking hadlang sa buhay ko? I never like you from the start now--"
“Kahit na ngayon pa! Well that's totally true because no one invited each of us here but look what happened…” Mariing pagpapaalala niya rin sa dalawa.