Chapter 56
Buong biyahe pauwi ay hindi siya kinausap ni Graza. Ipinipilit nito ang kagustuhan sa kaniyang plano ngunit mahigpit niyang pinanindigan ang sinabi rito.
Hindi naman siya tanga. Alam niyang may panganib pero bakit naman siya mag-aalala? Mag-iingat naman siya. Tinanggap niya ang hamon na iyon ng kagipitan dahil ayaw niyang maliitin sila ng iba.
Napakahalaga ng kaniyang desisyon na ito. Ngayon lamang siya nagdesisyon para sa ikabubuti ng lahat. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa kanya.
Ibinaba niya ang kaniyang kubyertos sa gitna ng hapagkainan at seryosong nag-ipon ng maraming lakas ng loob upang magsalita. Nais niyang malaman ng mga ito ang kaniyang desisyon.
“Emrys?” Mayroong tipid na ngiting sumilay sa gilid ng mga labi ng kaniyang ina.
“P-Po?” gulat niyang sambit. Tuloy ay awtomatiko siyang pinamulahan ng mga pisngi at napayuko. It feels like she was caught in the act of doing nothingness. Lalo na’t maging ang striktong titig ng kaniyang ama ay nakaukol na sa kaniya sa mga oras na ito.
Nagsalin ang kaniyang ina ng tubig mula sa pitsel habang ang tingin ay nanatiling nakamata sa kaniya. “Malalim yata ang iniisip mo anak,” anito sabay abot sa kaniya ng isang baso na puno ng tubig pagkatapos.
Kumibot ang kaniyang labi. “Thanks, ‘ma!” mahinang pasasalamat niya rito. Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa baso. “May nais po sana akong ipagtapat sa inyo…”
This time, kyuryos na nag-angat na ng tingin si Graza sa kaniya.
“Ano ‘yon, anak?” tanong ng kaniyang ama.
“Sasali po sana ako sa Luna’s dance contest,” sa wakas ay naisawalat din niya ang nais niyang sabihin.
Nagkatinginan ang kanilang mga magulang.
“Makikinig ka ba anak kung tututulan ka naming sumali sa patimpalak na ‘yan?” mahinahon ngunit pasimpleng tanong ng ina sa kaniya.
Mariing nanginig ang kaniyang panga dahil sa narinig. Maging ang mga ito ay tutol. Wala iyong duda.
“I can give up any contest but not this po… And I have my important reason.” Maikli ngunit sigurado niyang sagot sa mga ito.
Napakurap ang kaniyang ina at problemadong napahugot ng isang malalim na buntong-hininga.
“Hindi ka maaaring sumali sa contest na iyan, Emrys.”
Maang siyang napayuko nang tuluyan nang magsalita.
“Pero I want and I need to do this, papa…” Hindi niya alam kung paano niya nasambit sa kaniyang ama ang nais niyang sabihin.
“You want to do what exactly, Emrys?” nanliliit ang mga mata nito sa kaniya.
Hindi agad siya nakasagot kaya naman laking gulat niya nang tumayo ang kaniyang ama.
“Mahal,” sambit ng kaniyang ina rito.
“Tapos na ako. Kausapin mo iyang anak mo, Calope… Hindi ko na nagugustuhan ang mga desisyon niyan sa buhay.” Iniwan na agad sila nito sa hapagkainan.
Mariin siyang napapikit at napasapo sa kaniyang bibig.
“Emrys… Anak.”
Nais niyang isipin na matapang siya kahit na walang nagtitiwala sa kaniya. “Alam ko pong kasalanan ang sumuway sa inyo na aming magulang ngunit buo na po ang desisyon ko…” Mariin siyang napapikit at nagdesisyong nais niya nang mapag-isa. “Tapos na po ako, ‘ma. Nais ko na pong magpahinga.”
Iyon lamang at tumayo na siya at naglakad na paalis.
“Graza.” Narinig niyang sambit ng kaniyang na pagkatalikod niya. Pagkaraan lamang ng ilang segundo ay nakaakbay na sa kaniya ang kapatid.
Marahan siya nitong tinapik sa kaniyang braso. “We have to talk,” anito sa kanya.
Napalingon siya rito at napatango siya nang ngitian siya nito na tumunaw sa lahat ng kaniyang alalaanin.
Dumiretso silang dalawa sa terrace ng kaniyang kuwarto.
“Anong pag-uusapan natin?” hindi tumitinging tanong niya rito. Nakatingin siya sa kawalan.
Narinig niya ang pagpakawala nito ng isang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay nagsalita na rin ito kapagdako.
“Ano nga ba talaga ang nangyari at gustong-gusto mo na may lumaban sa Luna’s dance contest na iyon?” seryoso ang tono na tanong nito.
Napayuko siya at bahagyang umigting ang kaniyang panga dahil sa narinig. Binalikan niya sa kaniyang isipan ang buong pangyayari pagkatapos niyang um-attend ng meeting.
“This is my own decision, Graza… Walang kinalaman ang iba rito.” Seryoso ang kaniyang mukha nang harapin ito.
It maybe sounds selfish to others ngunit nais niyang ipakita sa lahat ng nangmamaliit sa kanilang magkakaklase na kaya nilang makisabayan.
“You’re lying,” nanlulumong sambit nito. “Ano ba kasing napag-meeting-an niyo kanina, ha? Bago ka magtungo sa gymnasium, masakit na ang ulo mo pero hindi pa naman ganiyan katigas ‘yan…” May diin ang boses nito.
“Just understand me,” pakiusap niya rito.
Nilakihan lamang siya nito ng mga mata. “Lagi na lamang bang ganito, Emrys? Nakakatandang kapatid mo ako kaya naman I always try my best to understand you… But this thing now is different and far more serious. Nanganganib ang kaligtasan mo.”
Nanginig siya. Ayaw niyang aminin kaninuman na natatakot kahit na iyon ang buong katotohanan. At paano kung sa kaniya iyon sunod na mangyari?
Humugot siya ng isang malalim na hininga saka ibinuka ang bibig upang magsalita. “I am the class president, Graza… Hindi mo lamang ako kapatid. Kung iniisip mong madali lamang para sa akin na tanggapin ang kapalaran na ito, ang mga bagay na nakaatang ngayon sa balikat ko, puwes sinasabi ko na sa’yo na hindi,” mariin ang pagkakasambit niya sa binitawan niyang salita. “May mga bagay na kailangan kong gawin dahil responsibilidad ko… Maiintindihan niyo kaya iyon?” habol ang hiningang sambit niya.
Hindi naman agad ito nakapagsalita. Dataptwat napakurap ito sa huli sa hinaba-haba ng kaniyang sinabi.
“W-Wait,” maang na sambit nito. “But I want to know what actually happened.”
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga saka niya hinarap ang katanungan nito. Napasandal siya sa riles. “Kanina sa meeting naming mga classroom president, everyone’s talking about their own representative but when it comes to us, lower years, pinangunahan na agad nila kami na huwag kami masyadong aasa sapagkat masasaktan lamang kami… And that, mas madaling tumanggap ng parusa kaysa kahihiyan sa pagkatalo.”
Napasinghap ito at agad siyang dinaluhan. Inakbayan siya nito nang mahigpit. “So that’s the reason why you are so eager to find a representative?” naningkit ang mga mata nito.
“Exactly,” tiim-bagang sambit niya.
Hindi niya alam ang tumatakbo sa isipan nito ngayon ngunit nakahinga naman siya kahit papaano pagkatapos niyang maisawalat rito ang lahat.
Inayos niya ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nakatabing sa mukha at inipit iyon sa gilid ng tainga niya. “Gusto kong ipakita sa kanila na qualified tayong sumali at manalo.”
“But you are not supposed to take it to the extent that you’ll put yourself in danger,” anito.
Mapakla siyang napangiti rito. “Sino ba kasing nagsabi na mapapahamak ako? Manghuhula ba sila?” Hindi nakatiis na inikot niya ang mga mata sa ere.
Napailing ito. “Natatakot lamang sila sa maaaring mangyari… I mean we are all afraid.”
“Graza ganito kasi ‘yon...” Nagsusumamong tingin ang kaniyang iniukol sa kapatid at inabot ang mga kamay nito. “This is the very first time I’ll fight for the thing I wanted to do so I am asking for your sincere respect and utmost support. Ano naman kung may magtatangkang masama sa buhay ko sa oras na sumabak ako sa contest na ‘yan? Hindi ako natatakot! Isa pa alam kong nariyan ka kaya wala talaga akong dapat ikatakot.” Mahabang pahayag ang inilitanya niya rito.
Napakamot pa ito sa sariling ulo pagkarinig sa kaniyang sinabi. Mababanaag niyang hindi man lang niya to nakumbinsi.
Laglag ang kaniyang balikat na hinintay niya ang sasabihin nito. “Are you really willing to contradict our parent’s decision just for that? Masasaktan sila at sa isang napakaimportanteng bagay, itinabi mo ang utos nila na walang ibang hangad kundi ang mapanatili ka lang naman nang maayos. They are obviously don’t want you to put your life into danger. Pero mukhang napakatigas na ng ulo mo!”
Napayuko siya. “I understand that there’s danger but I can promise my safety as long as you guys permit me. After all, I will still do it even if you won’t support me… And that’s my final decision.”
Natameme na yata ito dahil sa kaniyang sinabi. Pero kitang-kita niya ang seryosong pagkunot ng noo nito. “Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon, Emrys? Gusto kitang sampalin upang magising ka na mismo sa katotohanan na nakikita ko ngunit hindi na kailangan dahil mas matalino ka sa akin. Alam mo na iyon. As of now, gusto ko na lamang muna magpahinga sa loob ng kuwarto ko at mapag-isa pagkatapos ng araw na ito. Mag-usap na lamang tayo bukas. Huwag kang mag-alala. Pag-iisipan ko nang suportahan ka dahil sino pa bang susuporta sa’yo ngayon kung hindi lang rin ako?”
Nakalabi siyang napatango rito. “A-Aasahan ko ‘yan, ha?” nauutal niyang sambit.
Sobrang bigat ng kaniyang dibdib pagkatapos niyang marinig ang mahinang pagsara ng pinto ng kuwarto niya.
“Skiah…” Mahihimigan sa kaniyang boses ang kalungkutan sa mga oras na ito habang kausap ang inosenteng bulaklak.
Ngunit nanatiling tahimik ang paligid at walang umiimik.
“Wala na ba talaga akong makakausap ngayon?” Problemado siyang napasuklay sa kaniyang buhok. Napatingala siya sa kalangitan at parang timang na napaismid sa buwan.
Tumitig siya roon. Matagal. Nang-uurok. Umabot iyon ng ilang segundong sandali hanggang sa bigla siyang mapakislot pagkarinig niya ng tunog sa kaniyang cellphone. Nagpatuloy ito sa pagtunog mula sa bulsa ng kaniyang pantalon.
Kunot-noo niya iyong inilabas at tinignan kung sino ang tumatawag sa kaniya sa oras na ito.
Hindi niya alam kung bakit gano’n ang kaniyang reaksyon ngunit nanlalaki talaga ang kaniyang mga mata pagkakita na si Gila ang tumatawag.
“Huwaaat?!” Napatalon siya sa sobrang pagkamangha dahil sa nakita.
Ngunit tanging pagpagaspas lamang ng munting dahon ni Skiah na hindi niya pa naririnig ang nakuha niya.
Napasulyap siya sa buwan. “Is this a sign?” nanliliit ang mga matang sambit niya sa kawalan.
Tumikhim siya bago niya sinagot ang tawag ni Gila.
“Magandang gabi!”
Ang masiglang boses nito ang agad na sumalubong sa kaniyang tainga.
“M-Magandang gabi rin,” mahinang sambit niya. Mariin siyang napapikit nang mautal siya. Nahihibang na ba siya? Bakit naman siya pumiyok? Kay sarap batukan ng sarili niya.
“Are you okay?”
Katahimikan ang namayani. Kagat-labi niyang inawat ang kaniyang sarili sa hindi niya lubos mapagtantong dahilan.
“A-Ayos lang naman ako. Bakit mo nga pala naitanong?” Sa ikalawang pagkatataon ay napasambunot na siya sa sarili niyang buhok.
Nakakaloka naman kasi. Bakit kailangan niyang mataranta kapag ito ang kaniyang kausap?
“Masyado kasing mahina at tila ba matamlay ang boses mo. Anything bad that happened? Baka naman wrong timing ang pagtawag ko at papatayin ko—”
“No!” mariing pigil niya rito bago pa nito tuluyang mapatay ang tawag.
Hindi iyon maaari. Sobrang suwerte niya nga at sakto ang tawag nito.
Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. “Na-miss mo ba ako?”
Napahagikhik siya dahil sa sinabi nito at tuluyang napahagalpak nang tawa. “Aba’y neknek mo! Kupal nito!” nakangising sambit niya.
Huli na nang mapagtanto niya ang mga salitang lumabas mula sa kaniyang bibig. Ipinagkibit-balikat na lamang niya sa huli iyon.
Masyado na silang komportable nito sa isa’t-isa. Hanggang ngayon medyo nakakapanibago pa rin na nakakapagbiruan na sila ng ganito.
“Masyado kang defensive!” giit nito.
“Hindi ah,” muli niyang tanggi rito. “Ang sabihin mo… Ako ang na-miss mo.” Napangiti siya sa huli niyang sinabi.
Napangisi siya nang hindi agad ito nakaimik.
“Nakaka-miss ka naman talaga, eh.”
Nanlalaki ang mga mata niya. “What did you say?” Nabingi na yata siya. Wala siyang tiwala sa naintindihan niya at sa kaniyang narinig.
“Wala,” anito. “Ang sabi ko, hindi ka naman nakakamiss…”
Tinawanan lamang niya ito. “Hindi iyon ang narinig ko,” pang-aasar niya rito.
“Sige nga,” anito. “Ano ba ang narinig mo?” hamon nito sa kaniya.
“Ewan ko sa’yo!” ani niya rito. “Hindi naman kaya iyon so what’s the use of repeating it?” pagsusungit niya rito.
Tinawanan lamang siya nito. “Ikaw ang bahala… Sabagay, you’ve got the whole point naman, eh.”
Hindi niya alam kung bakit mas lumawak bigla ang kaniyang ngiti dahil sa sinabi nito.
Humugot siya ng isang malalim na hininga kapagdako. “Thanks for making me laugh,” sinserong pasasalamat niya rito. “I badly need to.”
“Are you really okay?” paniniguro nito.
Tipid siya napangiti at napailing kahit hindi pa siya nito nakikita. “Honestly, not…” Nakagat niya ang ibaba niyang labi nang tuluyan niya nang naipahayag ang sariling nararamdaman.
“May nangyari bang masama?” tanong nito sa kaniya. “You can tell me… Makikinig ako. Ilabas mo lamang para naman gumaan ang pakiramdam mo.”
Napatango siya. Natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili na seryosong nagkukuwento rito nang walang pag-aalinlangan.