Chapter 55

2450 Words
     Walang imik na nahiga siya sa ibabaw ng malambot na kama sa clinic. The nurse said she would have to take a rest for a little while. Pagkatapos kumain ay hindi agad nakatiis ang kaniyang mga kaibigan na ihatid siya sa clinic upang matulungan ng school nurse.   “Matulog ka na muna,” nakangiting sambit ng approachable nilang school nurse.       “S-Sige po,” nauutal niyang pagsang-ayon dito.             Umalis din naman ang nurse pagkatapos kunin ang vitals niya. Agad niya namang ipinikit ang kaniyang mga mata pagkaalis ng nurse.  “Emrys… why did you do that kasi?” nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaniyang kapatid.     Sinasabi na nga ba niya. Hindi maaaring hindi siya kuwestiyunin nito. Hangga’t maaari ay nais niya na lamang na manatiling nakapikit ngunit ayaw niya naman itong paghintayin.       “Uy, Graza!” Narinig niyang pagsaway ni Ruan sa kaniyang kapatid. Lihim siyang nagpasalamat dito. “      “Bakit?” gulat na tanong nito pabalik sa kanilang kaibigan.       “Ano ka ba naman, Graza? Huwag mo na munang guluhin si Emrys…”       “Aray ko naman, Ruan!” Base sa ingay ng mga ito’y mukhang ngayon ay naghihilaan naman ang mga ito palabas ng clinic. Ngunit nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata.       “Mag-uusap pa tayo, Emry…”       Hindi niya naiwasang kabahan dahil sa sinabi nito. Maaaring sa isip ng kapatid ay nagiging martyr na siya at kahit na ubos at kulang na ang oras niya sa pag-aaral ay patuloy pa rin siyang tumatanggap ng ibang activities.       Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan nang hindi niya na marinig ang boses ng mga ito.       “Home schooling is actually very nice… You won’t have to deal with a lot of crazy things just to please everyone, right?” Awtomatiko siyang napadilat nang biglaang may narinig na nagsalita muli. But the voice wasn’t familiar at all.    Inilingid niya ulo sa kaniyang bandang kanan. Kung saan may nakaharang na cubicle curtain na nakapagitan niya at sa kabilang bed. Napalunok siya dala ng kyuryusidad ngunit nasisiguro niyang kapwa niya ito estudyante. Siya ba ang kinakausap nito? Ipinagkibit na lamang ang kaniyang balikat at handa na siyang magpahinga nang muling magsalita ang may-ari ng tinig.       “Kilala kita,” anito na tuluyan niyang ikinaahon ng upo mula sa pagkakahiga.       Hindi niya alam kung anong pinagsasabi ng kung sinuman na nasa kabilang bed. Imbes na marelax ang kaniyang isip ay mas nababahala lang naman siya ngayon dahil sa kaniyang naririnig. Sino ba kasi ang tinutukoy nito?     Sinadya niyang tumikhim nang mahina. “Ehem.” Kung pagpaparinig man ay hindi siya sigurado sapagkat para sa kanya’y tila iyon tunog nagtatanggal ng bara sa lalamunan niyang pagtikhim.       Ngunit nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita. This time nasisiguro niya nang walang iba kundi siya ang kinakausap nito.            “You’re very lucky, Emrys…”        Awtomatikong namilog ang mga mata niya sa gulat pagkabanggit na pagkabanggit nito ng pangalan niya.       “Who are you?!” Gulat niyang naitabing ang cubicle curtain upang hulihin ang kung sinuman na nagtatago sa likod niyon.       Isang babae ang prenteng nakahiga roon habang nakapangalumbabang nakaharap sa banda niya. Literal na umigting ang kaniyang mga mata pagkatapos niyang masalubong ang mga mata nito.   Kumunot ang kaniyang noo. “Ikaw?!” Napasinghap siya sa gulat.       Ito ang kanilang SSG President. Namumukhaan niya ito dahil ito ang napakatagal nitong nagsalita kanina sa harapan pagkatapos magpakilala.       “M-Miss President?” nauutal niyang sambit habang napapakurap. Napakaganda ng mukha nito. Nakakailang tuloy titigan sapagkat bigla siyang tinubuan ng hiya. Napatango ito. “Thanks for remembering me,” nakangising sambit nito.”       “You are the SSG President, how can I forget such important student like you?” tanong niya rito. At isa pa, anga ako sa’yo.  Napangiti lamang to kapagdako’y napailng. “Well, that sounds funny now.” malawak ang pagkakangiting sambit nito.       “You look so fine naman. Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong niya pa rin rito. Alam niyang may sadya ito. Natatawang napailing ito at itinuro siya. “Alam kong mayhinala ka na kung bakit ako naririto ngayon kaya hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa… I really want to talk to you in person and make a bet with you.”   Kumunot ang kaniyang noo dahil sa kaniyang narinig. “Bet?”   Tumango ito. “Pagkatapos ng pangyayari kanina kailangan mong mag-ingat at protektahan ang sarili mo,” anito.       “A-Anong ibig mong sabihin?” kabadong tanong niya rito.       “The Luna’s dance contest is not just for fun, Emrys. Lahat ng nagbabalak mag-uwi ng korona ay nais sumabak. Karamihan nga sa kanila ay nilamon na ng pantasya at handang gawin ang lahat manalo lamang…”       “Bakit mo sinasabi sa akin lahat ng ito?” nanliliit ang mga tanong niya rito.       “Dahil ayaw kong maganap muli ang nakaraan kung saan may isang contestant ang nagpakamatay bago ang nalalapit na paligsahan,” kuwento nito na ikinagitla niya.       “N-Nagpakamatay?” nauutal niyang tanong.   Tumango ito. “Among the contestants, she’s the most beautiful and talented kaya naman maraming naiinggit sa kaniya.”       “Siya ba dapat ang nanalo kung hindi siya namatay?”   Tumango naman ito.  Nagtungo lamang siya sa backstage pagkatapos sumayaw nang matagpuan itong nakabitin sa kisame.      Umikot ang kaniyang sikmura. Muntikan na siyang masuka ngunit mabuti na lamang at mabilis niya iyong napigilan. “Gumagawa ka lamang ba ng kuwento?” nadududang tanong niya rito. “Sinong nagpadala sa’yo rito upang takutin ako?!” galit at mariin niyang asik rdito.       Kunot-noo itong napaahon ng upo. “Takutin? Hindi kita tinatakot. Mas lalong ayaw talaga kita matakot dahil ikaw ang sunod na mananalo. Kaya nga ako nandito, ‘diba?”       “M-Mananalo?” Tuluyan na siyang napangisi. “Ngayon ay ako pa talaga ang mananalo… That’s too early to tell. Ni hindi mo pa nakikitang pumilantik ang hinliliit ng daliri ko.”       “But I trust that someone who told me you are going to outshined others in the contest. Na ikaw ang tatanghaling panalo basta walang aberya gaya ng pandaraya o maiiwasan mo ang dulot nilang disgrasya, Emrys.”       “I’m sorry,” naiiling na ibinalik niya muli ang pagkakaayos ng cubicle curtain na nakapagitan sa kanila. “Kailangan ko nang magpahinga… Please.” Nakiusap siya rito. Ginugulo lamang nito ang pamamahinga niya.       Isa pa, parang hindi naman na kapani-paniwala ang sinabi nito.       “Basta huwag kang susuko at lumaban ka hanggang sa maiuwi mo nang tuluyan ang korona. Mag-iingat ka rin sana. Huwag kang basta-basta magtitiwala...” Muling bilin nito na ipinagsawalang bahala niya ulit.      Narinig niya ang paglakad nito at pagbukas nito sa pinto ng clinic. Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan na itong makaalis. Dala marahil ng pagod ay agad din siyang nakatulog pagkaraan ng ilang segundo. Naalimpungatan siya nang may may marinig siyang nag-uusap sa kaniyang gilid. “You have to take her home pagkagising niya, Graza. Tell her she don’t have to attend the practice. Kahit ngayon lamang. Kailangan niya iyon.”     Nanatili siyang nakapikit ngunit nasisiguro niyang boses iyon ni Ruan.       “Don’t worry guys, naipagpaalam ko na siya sa team leader na hindi siya makaka-attend ng practice ngayon!” ani Gorgie.  “Haysss!” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Graza. “Maraming salamat talaga sa inyo. Things can be easier because you were here guys…”       “O!” si Emanya iyon. “Huwag kang umiyak,” pang-aasar nito sa kaniyang kapatid.       “Hindi pa ba kayo uuwi, guys?” nag-aalangang tanong ni Graza sa mga ito. “Nakailang tanong ka na sa amin niyan, Graza?” Nagtawanan ang mga ito.       “Baka kasi gusto niyo ng umuwi ngunit natatakot lamang kayong magpaalam,” ani ng kaniyang kapatid sa mga ito.       This time, napadilat na siya. Hindi na siya nagdalawang-isip pa.       Nahuli niya ang paghampas ni Gorgie nang marahan sa braso ng kaniyang kapatid. “Napaka-oa mo talaga, Graza!”  Kumakain ang mga ito ng sitsirya.   Kinalabit niya si Gorgie na nakaupo mas malapit sa kaniya. “Ano ba, Emanya?” angil nito.  Napangisi siya at muling kinalabit ito. Bet niya lamang itong asarin ngayon.       “Ano ba, Emanya?! Sabi nang huwag mo akong kilitiin,” saway nito sa kaibigan.      “Inaano ka ba riyan?” tanong naman pabalik ni Emanya rito na walang kamalay-malay.     Tuluyan siyang napahagikhik dahil sa sinabi nito. Narinig ng mga ito iyon kaya naman tila may iisang leeg na nilingon siya ng mga ito.    Napaikot ng mga mata si Gorgie. “Walanghiya ka,” natatawang hinawakan nito ang kaniyang kamay at ginaganap. “Napagbintangan ko pa si Emanya. Buti at hindi ako nakapagmura sa kaniya!”     “Mauna na ako, guys!” Awtomatikong napatayo si Emanya at nag-ayos na ng kaniyang mga gamit. Kumaway ito sa kanila pagkatapos. “Ingat kayo. See you tomorrow!”       “Uuwi ka na agad?” si Gorgie iyon.                  “Oo nga,” mariing sambit ni Emanya.       “Guys, sibat na rin ako at malapit na mag-umpisa ang practice… Ikaw naman, Emrys, ipinagpaalam na kita sa team. Magpahinga ka na lamang daw muna ngayon.” Nanliliit ang mga mata na bilin nito sa kaniya.      Natawa naman siya sa inasal nito.  Napangiti siya. “Thank you so much, Gorgie!” Inabot niya ang palad nito at bahagyang iyong inuyog.    “Walang anuman,” nakangiting sambit nito. “Bawi ka na lang next time…” Napatango siya rito. “I will!” ani niya rito       Kagat-labing lumingon sa kanila si Gorgie at kumaway na rin. “Paano ba ‘yan, guys? Mauna na kami…”   Tumango siya sa mga ito. “Thank you sa lahat-lahat! Mag-iingat kayong dalawa sa byahe. See you tomorrow!” sinserong paalam niya sa mga ito. Nagmamadali naman na naglakad na paalis ang mga ito pagkatapos nilang magpaalam.  “Kumusta ang pakiramdam mo?” pakikipag-usyuso sa kaniya ng kapatid. Nagpasalamat siya nang dahan-dahan siya nitong alalayan paupo. “Ayos na ako, Graza.” Nagkatinginan ang mga ito. “Sa palagay mo ba kaya mo nang maglakad hanggang sa gate?” muling tanong nito sa kaniya.   Tumango siya rito. “Oo naman. Nagkaroon na ako ng sapat na tulog… Ayos na ako. Kumusta nga pala ang mga klase natin?”       Nag-umpisa nang magligpit ng mga kalat ang kaniyang kapatid. “Ayos lang naman. You don’t have to worry anything, Emrys. Wala naman kaming importante na ginawa buong hapon na wala ka. Nagkopya lamang kami ng notes at nakinig ng lecture.”  Napangiti siya. “Talaga ba?” Nagliwanag yata bigla ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang narinig. “Exactly!” ani Ruan saka tumango. Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Ang suwerte naman pala ng pag-absent ko ngayon at walang surprise quiz,” nakatawang sambit niya sa mga ito.      “Sinabi mo pa,” ani Gorgie na ipinaikot ang kaniyang mga mata sa ere.         “Halika na,” ani Graza pagkatapos nito sa pagliligpit. Bumangon na siya. Gayon pa man ay nakaalalay pa rin ang mga ito sa kaniyang pagtayo. Pinagitnaan siya ng mga ito upang maalalayan siya nang mabuti habang naglalakad na sila papunta sa gate.       Nang nasa parte na sila nang walang masyadong tao ay biglaang huminto si Ruan at seryoso silang sinenyasan na maupo muna sa gilid. “I have something important to say to the both of you… Lalo na sa’yo, Emrys.” Nagkatinginan silang dalawa magkapatid. “Ano ‘yon, Ruan?” nag-aalalang tanong niya rito.     “Bawiin mo ang desisyon mo na sumali sa Luna dance contest, Emrys. Please…”     Nagtaka siya sa pakiusap nito sa kaniya. Naalala niya ang SSG President kanina pagkatapos siya nitong sadyain sa loob ng clinic. Napalunok siya. That ain’t right. Impossible naman na pareho lamang rason ng mga ito. At bakit naman concern sa kaniya ang SSG President nilang iyon?      “Anong ibig mong sabihin, Ruan?” hindi nakatiis na tanong ni Graza.       “There was a myth, Graza. I don’t know kung maniniwala kayo pero sana naman ay oo. There was a missing book about this Luna dance contest at simula nang mawala ito’y nag-umpisa nang magkaroon ng nakakatakot na pangyayari sa ating paaralan sa tuwing sasapit ang paligsahan na ito. But last year was the most unforgettable and totally worst.” Walang kakurap-kurap ang pagkukuwento nito.       “What do you mean?” Napasinghap siya.       “One of the candidate died,” halos pabulong na sambit nito.      “What?!” halos magkapanabay na sambit nilang dalawa magkapatid.             Gano’n na lamang ang kanyang reaksyon sapagkat hindi niya inaasahan na totoo talaga ang sinabi sa kaniya ng SSG President nila. “Napayuko ito. “I’m not joking,” mariing sambit nito habang kukurap-kurap.    “Seryoso ka ba talaga, Ruan?” tanong niya rito. Bahagyang nabuhay lahat ng nerves sa kaniyang katawan dahil sa narinig.    “Listen,” mariing pukaw nito muli sa kanilang atensyon. “During the contest siya natagpuang patay. Bago pa siya sumalang at makapag-perform ay natagpuan siyang nakabigti sa mismong room niya.”   Tuluyang nalaglag ang kaniyang panga dahil sa narinig. Napailing siya rito. Para siyang masusuka sa narinig. Hindi agad siya nakaimik.      “Anong gagawin ko ngayon, Ruan? Hindi ko na maaaring binitawan kong salita sa harapan ng klase kanina… Isa pa, baka suicide lang naman talaga.” Seryoso niya itong sinagot.    Marahan siya nitong hinampas sa kaniyang balikat. “Ano bang pinagsasabi mo, Emrys?” saway nito sa kaniya. “No one ever believed that it was a suicide because she was the last to introduce herself in the crowd. Sobrang saya pa ng mga oras na iyon at napakabibo niya. Ayon sa mga kaibigan, magulang at kaklase niya’y grabe raw ang paghahanda nito para sa araw na iyon kaya naman hindi naniniwala ang mga ito na totoong nagpakamatay ito,” mahabang paliwaang nito.       “So it was a murder,” ani niya. Naiwang nakaawang nang bahagya ang kaniyang mga bibig.   Tumango naman ang ito upang kumpirmahin ang kaniyang isinaad.     “Huwag mo nang pangarapin na sumali pa sa contest na ito, Emrys!” mariing saway sa kaniya ni Graza. Bigla na lamang tumaas ang boses ng kapatid. Napalunok siya. “Dahil ba sa kuwento ni Ruan? How sure you are na mangyayari rin sa akin iyon…”   “Makinig ka naman, Emrys,” mariing giit nito sa kaniya. “Para naman ito sa ikabubuti mo.”       “Hindi ‘yon ang usapin dito Graza… Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo? Kung hindi ako ay sino ang representative natin?” puno ng kalituhan ang kaniyang puso.  “Pakialam ko ba sa contest na ‘yan?! Hindi natin puwedeng pagsapalaran ang kaligtasan mo.”       Hindi agad siya nakapag-react dahil sa sinabi nito. Maang lamang silang pinapanood dalawa ni Ruan. Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Pasensiya na ngunt kilala mo ako, Graza. And I have my reasons…”                                                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD