Matamlay na naglakad si Emrys pabalik sa loob ng kanilang klasrum. Kung anong sakit ng ulo niya kanina’y siyang mas dinoble ngayon. Hindi niya na alam ang gagawin.
So this is why they say we should always respect those students above our grade level. Sa mata ng nakararami, sila ang nasa itaas. Sabagay ay hindi niya naman kailangang lahatin ang mga ito. Alam niyang iba-iba pa rin ang ugali nilang asong lobo gaya ng mga tao. Marami pa rin naman sa kanilang mga seniors ang mapagpakumbaba at nakakaintindi.
Malayo pa lamang ay naririnig niya na ang ingay na nagmumula sa kanilang klasrum.
Pinilit niyang bilisan ang kaniyang kilos paakyat. Nanghihina ang katawan niya ngunit hindi siya maaaring panghinaan ng loob. Iyon ang kailangan niya ngayon.
Napakurap siya pagkabungad niya sa loob ng kanilang klasrum. Akala niya ayos lamang kung madalas ay magulo at maingay sila sa loob ng klasrum. Mali pala. Hindi pala dapat masyadong magulo. Nanginig siya habang nakahawak sa pader ng pinto.
“G-Guys!” Sinubukan niyang tawagin ang atensyon ng mga ito sa kabila ng munting bara sa kaniyang lalamunan ngunit ni isa’y walang nakapansin sa kaniya.
“Emrys!”
Mapait siyang napangiti. Meron nga pala. Ang kaniyang kaibigan na si Emanya. At pagkatapos ay nagsisinunuran na rin sa paglingon ang kaniyang kapatid at iba pang mga kaibigan.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at pagkatapos ay naglakad patungo sa pinakagitna ng klase.
Naagaw niya ang atensyon ng ibang mga kaklase sa pagtayo roon. Ngunit ang iba ay agad ding nagbawi ng tingin mula sa kaniya at inisnab siya.
“Guys, listen…” Hinabaan niya pa lalo ang kaniyang pasensiya.
Ngayon niya naiisip lahat. Naging presidente siya ng klasrum hindi dahil boto sa kaniya ang mga kaklase kundi dahil sa kaniyang katangahan. Kung iba ang nakaupo sa kaniyang posisyon maaaring mas matagumpay ang patakaran sa loob ng klase.
The truth is panakip-butas lamang siya sa posisyon na ito. Mali talaga na tinanggap niya ang responsibilidad na ito gayong hindi niya pa lubos nalalaman ang patakaran sa bawat paaralan. Ngayon ay nagsisisi siya at sampal sa kaniyang mukha na isa lamang siyang malaking katatawanan sa paaralang ito.
“Emrys?” Rinig niyang sambit ng isa kaniyang mga kaibigan.
Mariin niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamao. Napailing siya. Ngayong nagising na siya sa katotohanan. Hindi niya hahayaan na magpatuloy ang ganito. May kakayahan pa naman siya at natatanging pag-asa. Wala na siyang pakialam pa kahit na kakapiranggot na lamang iyon.
“What’s happening to her?”
“Ayos lang ba siya?”
“Do you guys think na ayos lang siya? Look at her.”
“Makinig naman kasi kayo!” Dinampot niya ang eraser na nasa ibabaw ng lamesa at inihagis iyon sa whiteboard.
Tila ba may dumaan na anghel dahil sa kaniyang inakto.
Lahat ay tahimik na nakatitig na sa kaniya.
Seryoso siyang tumikhim at nagtanggal ng bara sa kaniyang lalamunan. “I hope you all are concern na nagkaroon kaming mga classroom president ng meeting kanina sa gymnasium at tungkol iyon sa nalalapit na Luna’s dance contest…” Nanliit ang kaniyang mga mata pagkakita sa ibat-ibang dramatikong reaksyon ng mga ito. Buong akala niya’y tuluyan na maagaw niya ang atensyon ng mga ito pagkabanggit niya sa activity ngunit nagkakamali siya.
Awtomatikong nagsi-ismiran ang mga ito. May ibang napalabi at nagkibit-balikat saka nagbawi ng tingin mula sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari.
Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit na ang iba sa mga ito’y wala na naman talagang balak na pakinggan siya.
“Each classroom should have a representative or else, magkakaroon tayo ng parusa—”
“Are you nuts?” sarkastikong tanong ng kaklase niyang hindi niya naririnig na madalas magsalita. Nakangisi ito sa kaniya habang nandidilat ang mga mata. Kung hindi siya nagkakamali, ito si Chantal.
Nagtawanan ang buong klase. In short, pinagtawanan siya ng lahat. Puwera sa kaniyang kapatid at mga kaibigan na ngayon ay lubos na nag-aalala ang tingin para sa kaniya.
“If you are lot better than me then bakit hindi ikaw ang nasa posisyon ko ngayon?!” galit niyang singhal kay Chantal pabalik.
Napasinghap ang lahat ng nakarinig sa kaniyang sinabi. Natameme ito at nahihiyang napaupo naman ito pabalik sa sarili nitong upuan.
Maging siya man ay hindi inaasahan na magkakaganito siya. Mismong siya hindi hinagap sa tanang buhay niya na mawalan ng control sa sariling emosyon.
May nagtaas ng kamay habang nagpipigil ng ngiti. Si Hannie. Itinuro niya ito. “Yes, Hannie. Nais mong mag-join?” seryosong tanong niya rito.
Seryoso itong umiling bago nagsalita. “May nais lamang akong ipahayag at naniniwala akong karapatan mo itong malaman,” tipid nitong sagot.
Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. “Ano ‘yon?” seryosong pagkakatanong niya rito.
“Sana aware ka na ang contest na ‘yan ay para lamang sa may lakas ng loob na bumangga sa matayog na pader—”
Napatango siya. “Iyan ang hindi ko alam,” blangkong sambit niya rito. “Don’t worry… Hindi pa naman pudpod ang memorya ko, last time I check, ang contest ay para sa lahat ng estudyanteng nais sumali,” mariin niyang paliwanag dito. Pilit niyang pinapalawak ang kaniyang pasensiya.
Sinadya niyang balewalain ang panghihina ng kaniyang katawan at pagkirot ng sentido sa ulo. Kailangan niyang magtiis. Konting sakripisyo lamang ito kumpara sa mabuting mangyayari sakaling magtagumpay silang maiuwi ang korona.
Nagulat siya sa biglaang paghalakhak ni Dana. Maarte itong tumayo at nakataas ang kilay na dinuro siya. “Kung ako sa’yo, Emrys, manahimik ka na lamang! Wala kang alam! Bagong salta ka pa lamang pero napakaambisyosa mo na. Ghads! Sige nga, kung pabida-bida ka talaga bakit hindi ikaw ang lumaban doon? And let’s see kung hanggang saan ka dadalhin niyang pangarap mo! Cheh!” Padabog itong napaupo na ikinalaki ng kaniyang bumbunan.
Nagtawanan ang karamihan sa kanilang kaklase at tila nanlolokong tuwang-tuwa pa ang mga ito,
Mas humigpit ang pagkakakuyom niya sa kaniyang kamao. Aatakehin yata siya sa puso dahil sa sobrang sama ng kaniyang loob.
Napatango siya at ngumisi sa mga ito. “Sige!” nanghihinang sambit niya habang nakangiti. Humugot siya ng isang malalim na hininga at pilit ikinalma ang sarili sa kabila ng grabeng panghihina. “Ako ang lalaban!” mariing sambit niya sa mga ito.
Napasinghap ang lahat.
“No, Emrys?!” Halos magkakapanabay na sambit ng kaniyang mga kaibigan.
“Go!” Nagulat siya nang sumabat si Vim. “Ipahiya mo ang sarili mo at huwag mo kaming sisisihin! Huwag mong sabihin na hindi ka namin binantaan!” nakangising hamon nito sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mga mata.
“Vim!” nanliit ang mga matang napatayo ang kaibigan niyang si Ruan at padabog nitong itinulak ang sarili nitong upuan. “Ang sama sama mo talaga!” duro nito sa babae.
Ngumisi lamang si Vim. “I know,” anito. “At least, I’m not stupid like your friend…” Sinundan nito iyon ng nakakainsultong tawa.
Natawa na rin ang marami sa mga kaklase kanila.
“Bawiin mo ang sinabi mo!” singhal ni Graza na nandidilim ang mga mata at handa nang sugurin si Vim.
“Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?” sarkastikong hamon ng babae rito.
Nanginig siya sa galit. Masamang tingin ang iniukol niya kay Vim saka siya nagsalita. “How sure you are na matatalo ako?” nanliliit ang kaniyang mga mata na nakatingin dito.
“Duh?” Napairap ito sa ere. “One hundred fifty percent!” mariing sambit nito.
“Talaga lang ha?” umigting ang kaniyang panga. She was trying to provoke Vim.
Inilibot nito ang paningin sa iba nilang mga kaklase. “Handa akong ipusta ang kotse ko. Matatalo ka talaga!” mayabang itong nakangisi.
Napailing siya rito. “You’re not sincere. I don’t want your car,” mahina ang boses na tanggi niya rito.
Natawa naman ito. “Gano’n? Sobrang taas naman ng confidence mo… Tanggapin mo na lamang kasi na matatalo ka. Hmn. Ganito na lamang, kapag nanalo ka, I’ll give you three wishes. Ayos na ba ‘yan?” nakangisi ito.
Napalunok siya. Talagang confident ito na matatalo siya.
“Thanks,” sarkastikong pasasalamat niya rito. “Para hindi ka kabahan, kapag natalo ako, I’ll give you that three wishes!” taas noong sambit niya rito. Hindi siya magpapatalo.
Unang-una sa lahat, wala siyang problema sa babaeng ito ngunit sumusobra naman na yata ito ngayon. Kung makapagsalita ito para namang hindi ito naging presidente sa klasrum noon. Dapat nga ay ito pa mismo ang pinaka nakakaintindi sa kalagayan at paghihirap niya ngayon.
Sumilay sa labi nito ang malawak na ngiti. “That’s a deal, Miss President,” nakangisi ito.
Lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kaniyang kamao. Matalim na irap ang iniukol niya rito, And please, Vim, huwag kang plastic kasi naging presidente mo ba talaga ako?” galit niyang tanong rito.
Hindi naman ito nakaimik dahil sa kaniyang sinabi.
Iyon lamang at mabibigat ang yabag na naglakad na siya paalis sa harapan ng klasrum.
Inabot niya ang kaniyang bag. Lunch na rin naman kaya naman maaari na siyang umalis. “Guys, tara na,” yaya niya sa kaniyang mga kaibigan na tahimik lamang na nakamasid.”
Tumango naman ang mga ito. Mabilis ang kilos na tumayo si Graza at inalalayan siya. “Are you alright?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya sa mahinang boses. “You look pale.”
Ngumiti lamang siya rito nang tipid. “Yes, I’m totally fine…” Pilit niyang pinapatatag ang kaniyang sarili ngunit nababanaag niya ang kalungkutan at pag-aalala ng kapatid.
Naglakad sila palabas ng klasrum. Nakaalalay ang mga ito sa kaniya.
“Hindi na ba masakit ang ulo mo, Emrys?” si Emanya iyon.
“Kaya ko pa naman,” ani niya rito.
Tumango naman ito at hindi na nagsalita pa. Lihim siyang nagpasalamat sa mga ito sapagkat hindi na siya kinuwestiyon pa ng mga ito.
Nasa pathway na sila nang hapuin siya mula sa paglalakad. “G-Guys,” hinihingal niyang sambit. Pakiramdam niya’y sobrang hinang-hina na ang kaniyang katawan at matutumba na siya.
“Maupo ka nga muna rito,” nag-aalalang sambit sa kaniya ni Graza. Inalalayan siya nitong umupo sa bench na nasa gilid ng pathway.
“Namumutla ka, Emrys… Hindi pa ba nawawala ang sakit ng ulo mo?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Ruan.
Kagat-labing umiling siya rito. “Pasensiya na at pinag-aalala ko pa tuloy kayo ngayon.”
“Huwag mo nang alalahanin ‘yan,” anito.
Napatango lamang siya sa mga ito.
“May tubig ba kayo riyan?” muling tanong ni Graza sa mga kaibigan nila. “Painumin nga natin siya.”
“Meron ako!” Nagtaas ng kanang kamay si Gorgie at agad nitong inilabas ang lalagyan nitong may lamang tubig.
Pinainom siya ng kaniyang kapatid. “Maraming salamat sa inyo,” ani niya habang nangingiti.
“Ang mabuti pa,” ani Ruan. “Mauna na kami ni Emanya sa canteen upang pumila para sa pagkain natin. At sumunod na lamang kayo nang hinay-hinay.”
“Mabuti pa nga,” ani Gorgie. “Kami na ang bahala kay Emrys. Huwag niyong kalilimutan ang paborito namin, ha?”
“Puro ka talaga pagkain!” natatawang puna ni Ruan dito.
“Parang ikaw hindi!” puna rito ni Graza. Natawa naman sila dahil sa sinabi nito.
“Sige na umalis na nga kayo,” nakangising taboy ni Graza sa mga ito.
“Nakakaloka kayo, uy!” natatawang sambit ni Emanya sa mga ito.
Tatawa-tawang naglakad paalis ang mga ito.
Pagkaraan ng ilang minuto ay kinamusta siya ni Graza.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong sa kaniya nito.
“Kaya ko naman na yata,” ani niya rito.
“Sigurado ka ba, Emrys?” nanliliit ang mga mata ni Gorgie.
Tumango siya sa mga ito.
“Salamat sa bisquit at candy mo. Medyo nagkaroon ako ng lakas sa katawan,” sambit niya sa mga ito.