Chapter 24

2222 Words
CHAPTER “Saan niyo gustong kumain?” tanong ni Gila sa kanila habang nagda-drive. “Ite-treat ko kayong magkapatid ng meryenda.” Ramdam niya ang paglingon ni Graza sa kaniya. Hindi man ito magsalita, alam niyang madami itong iniisip ngayon din tungkol kay Gila. Napangiti siya nang sumagid sa kaniyang isipan ang isang lugar na matagal niya nang balak puntahan ngunit ayaw naman silang payagan ng magulang gumala sa mga mall. “Gusto ko sa samgyupsal!” walang preno ang bibig niyang sagot rito. Isang malakas na pag-preno ang ginawa nito at muntikan na silang mapasubsob ni Graza. Mabuti na lamang at napakapit sila agad. “Sh**!” Sa nakalipas na mga taon, ngayon niya na lamang ulit narinig na magmura ng gano’n kalutong ang kapatid. At siya naman awtomatikong tumaas lahat ng dugo niya sa ulo. Agad niyang sinilip ang likuran para lamang sana pag-aralan kung ano ang ginagawa Naisuklay niya ang mga daliri ng kamay sa kaniyang buhok. “Marunong ka ba talagang mag-drive, Gila?!” galit niyang asik rito. They could have died! For goodness’ sake! “I’m sorry…” ramdam niyang sinsero ang paghingi nito ng tawad this time. “Nagulat lamang ako sa sagot mo, Emrys.” Kunot ang noo niyang napatitig rito. Inilapit niya pa talaga ang mukha upang ihawin sa matalim niyang tingin ang lalaki. “What? Nagulat ka sa sagmyupsa—al” nabitin sa ere ang pahinang boses niya. Huli na para mapagtanto ang kaniyang katangahan. Samgyupsal? Ni hindi sila friends ng lalaki. In fact, magkaaway sila nito. Galit ito sa kaniya. May atraso siya rito. Iniiwasan niya ito kanina lang. Isa pa, meryenda ang inaalok nito at paanong napunta sa samgyupsal? Nais niyang batukan ang sarili. Hiniling niya na rin na bumukas na lamang ang sahig at lamunin siya nito ngayon din mismo. Ngunit siya si Emrys. “What’s wrong with it?” pagtatapang-tapangan niya rito. Ayaw niyang isipin na napahiya siya. “Nagbibiro lang naman ako. Hindi pa nga ako tapos magsalita.” Inikot niya ang kaniyang mga mata sa ere. “Sana man lang ‘diba, pinatapos niyo ako?” Walang umimik. “You can choose na lang,” ani Graza kay Gila. Pinagpawisan siya nang malapot. “Yeah,” sang-ayon nia kunwari. “Hindi naman kami chossy magkapatid.” Tumango si Gila. “Okay,” tipid nitong sagot at muli ng pinaandar ang sasakyan. Nalaglag ang panga niya nang inihinto nito ang sasakyan sa tapat ng isang samgyupsal house. “Nagbibiro ka ba?” asar na tanong niya sa lalaki. Kung totoo ngang nais lamang siya nitong asarin, puwes, hindi siya nakikipagbiruan. Kumunot ang noo nito. “Ofcourse, no.” Tipid at seryosong sagot nito. “I realized na gutom na na rin ako. I skip my lunch to come here. Kailangan ko ng matinong pagkain sapagkat magda-drive na naman ako pauwi mamaya,” paliwanag nito na ikinatahimik niya. Nakonsensya tuloy siyang bigla sa lalaki. Hindi na siya nakaimik dahil kiankain na siya ng kahihiyan. Nauna itong pumasok sa loob. Samantalang makahulugang tingin ang iniukol ng kapatid sa kaniya. “Tigilan mo na ang pagsusungit mo sa kaniya, Emrys. Pagod ang tao.” Napayuko siya. “I understand,” nahihiyang paghingi niya ng tawad sa kapatid. Magkasabay silang pumasok sa loob. Hindi niya napigilan ang sariling magdiwang sa kaniyang loob-loob. Hindi siya makapaniwalang nauto niya ang lalaki at nasa samgyupsal sila ngayon. Pumuwesto sila sa harapan ng glass window. Bahagya siyang nag-panic nang mag-umpisang ilatag sa ibabaw ng lamesa ang ibat-ibang ingridients sa kanilang harapan. Kapwa yata sila naestatwa ni Graza mula sa kanilang kinauupuan. Ngayon niya lamang na-realized na hindi siya handa para rito. Kung may plano man sila noon na magsamgyupsal ni Graza, paniguradong magsasama sila ng katulong. “Let’s get started,” seryosong sambit nito. Kitang-kita niya ang pagpikit ni Graza nang mariin. “Hmnn. I just want to say that—“ “—Ako na!” maagap niyang putol sa sasabihin ng kapatid. Hindi sila puwedeng mapahiya sa harapan ng lalaki. Una niyang pinagdiskitahan ang portable stove. Naging malikot ang kaniyang mga mata at hinahanap ng tingin kung saan iyon gagalawin upang gumana. Gusto niyang sumigaw sa katuwaan nang makita niya iyon sa wakas. Basta na lamang iyon na inikot dahil ayaw niyang mahulaan ni Gila na pinag-aaralan niya pa lamang iyon. “Baliktad ang ginawa mo, Emrys,” hindi nakatiis na puna ni Gila sa kaniya. Natameme siya. Mataman nga itong nakamasid sa kaniya. “Ah. I know,” maagap niyang sagot na sinundan ng pagak niyang tawa. Nakangiwi lamang na nakamasid si Graza sa kanilang dalawa. Marahil sa loob nito’y pinagtatawanan na nito ang pinaggagawa niya. Inalalayan siya ng lalaki. “There’s an instruction there, nakalimutan mo na rin ba?” Natigalgal siya. Sinasabi ba nitong bobo siya magbasa? Umayos siya ng pagkakaupo at itinuwid ang kaniyang likod. Hindi niya tuloy nakita ang pagpipigil ng ngiti ni Gila habang nakatingin sa kaniya. “Pfft.” Nandidilat ang mga matang napalingon siya sa kapatid. Hindi siya makapaniwalang pinagtatawanan siya nito ngayon. “May nakakatawa,” sarkastikong sambit niya sa kapatid. “You should cook.” Utos niya sa kapatid. Awtomatikong nanlalaki ang mga mata nito. “Bakit ako?” defensive nitong tanong pabalik sa kaniya na ikinangisi lamang niya. “Hindi niyo alam magluto?” hindi makapaniwalang tanong ni Gila sa kanilang dalawa. Kagat-labi siyang umiling rito kasabay ng kapatid. Hindi iyon inaasahan ng lalaki kaya naman tuluyang nalaglag ang panga nito habang ipinagpapalit-palit ang tingin sa kanila. “Haysss!” Maang siyang nag-angat ng tingin kay Gila at ngumiti nang malawak rito. Gusto niya itong i-cheer. Hindi siya makapaniwalang napakasarap ng luto nitong inihaw. Saktong-sakto, juicy at sobrang sarap. “I can’t believe this.” Naiiling ito. Wala itong nagawa sa huli kundi lutuin ang kanilang pagkain sapagkat hindi sila marunong ni Graza. Sa sobrang sarap ng kinakain niya’y hindi niya na pinansin pa ang pagkabugnot nito. “Y-You should eat,” nasisiyahang yaya niya sa lalaki. Kahit na mukhang kulang pa iyon sa kanila ni Graza, kailangan pa rin nitong kumain. Napairap ito sa kaniya. “Hindi ka dapat nagsasalita kapag puno ng pagkain ang bibig mo,” maarteng saway nito sa kaniya. Nginisihan lamang niya ito. Tama naman ito. Totoong mahirap ibuka ang bibig kapag madaming laman ang bunganga. “Bakit naman?” hindi niya namalayang nagingiti na siya sa lalaki. Masungit nitong ipinagkrus ang dalawang braso sa harapan ng dibdib. “Kung ako ang crush mo at nakita kitang ganiyan, matu-turn off ako,” seryosong pangangaral nito sa kaniya. Isang segundo ang nakalipas bago niya na-gets ang ibig sabihin nito. Crush? She’s too young for it. Nag-uumpisa pa lamang siyang i-enjoy ang college life niya. Tila bago pa rin siya at in-explore niya pa ang reyalidad ng mundo. Nanliliit ang kaniyang mga matang inilapit ang mukha rito. Itinutok niya rito ang hawak na kutsara at ngumisi, “Mabuti na lamang at hindi kita crush. Hahaha!” nang-aasar niyang sambit rito. Seryoso itong napatikhim. “That’s a relief,” mayabang na sambit nito. “Ayaw kong magkaroon ng admirer na may gatas pa sa labi at walang alam sa buhay.” Natameme siya dahil sa sinabi nito. Nasagid yata nito ang kahinaan niya. Narinig niya ang pagbagsak ng mga kubyertos ni Graza sa kaniyang gilid. Tumayo ito at handa nang giyerahin ang lalaki. “Hey, be careful with your words. Nakakasakit ka na.” Saway nito kay Gila. Handa siyang ipaglaban. Agad niyang pinigilan ang kapatid. “I’m fine, Graza,” saway niya sa kapatid at hinila ito paupong muli. Sumubo siya muli ng karneng naluto na ng lalaki. Ayaw niyang ipakita sa mga itong nasaktan siya. Totoo naman at hindi niya iyon ikinakahiya. Matutunan niya rin naman iyon. That’s for sure. “Kumain ka na rin bago ka pa namin maubusan,” ani niya rito habang nakangiti. “Para naman hindi mo kami masisi kapag umuwi kang gutom.” Nagkibit-balikat lamang ito at tahimik naman siyang sinunod sa huli. “Maraming salamat ha?” walang kangiti-ngiting sambit ni Graza saka naglakad pabalik sa loob ng kanilang mansyon. Nakatango muna si Gila rito bago ito umikot sa likod ng rangler nito na sinakyan nila. “Emrys,” mahinang tawag nito kaya naman sumunod siya rito. “Dinalhan ko ng mga pataba ang forever rose—“ “Skiah,” she corrected Gila. “I named it. I hope you won’t mind.” Nanlaki ang mga mata nito dahil sa narinig. “Skiah?” ulit nito bago nakangiting napatango sa huli. “Nice! I mean, Skiah sounds nice and perfect. I love it!” “Sure,” tipid niyang sagot rito. “So nagdala ka ng mga pataba. Thanks!” pormal ang tonong pasasalamat niay rito. Sumandig siya sa sasakyan nito. Ngumiti lamang ito. “Hindi lang ‘yan. Nagdala na rin ako ng mga librong mababasa mo tungkol sa pag-aalaga ng isang forever rose.” “Well, thank you!” pasasalamat niya rito habang nakayuko. “Hmnn.” Nag-iisip ito ng sasabihin. “About earlier, I just want to apologize. Mali ang sinabi ko. It was too early to say that… I mean, bata ka pa. For sure, kapag nagsumikap ka, marami ka pang matututunan. Just like taking care of that forever rose. I mean, si Skiah.” Nararamdaman niyang sinsero ito sa mga sinasabi ngayon. Nag-angat siya ng paningin rito at ngumiti. “Thank you, Gila.” Pasasalamat niya sa lalaki. “Huwag kang mag-alala… Aalagaan ko nang mabuti si Skiah.” Napatango ito at namulsa. “Salamat sa pag-aalaga kay Skiah!” “Pero G-Gila,” nag-aalalang sambit niya para sa isang napakahalagang bagay. “Ano ‘yon, Emrys?” Nakagat niya ang ibaba niyang labi. Sabi ni Graza, it would be better for the both of us to be honest right now. “What if mamatay si Skiah?” kabadong sambit niya. Inaasahan niya nang bubulyawan siya nito o kukuwestiyunin nito ang kaniyang pangako noon rito bagkus ay ginulo nito ang kaniyang buhok gamit ang kanang palad nito. “Ibig sabihin niyon, hanggang doon na lamang ang buhay niya at hindi na maipipilit pa. I won’t blame you for that, Emrys. So don’t you worry about it but of course, you have to take care good care of it because that flower is so special.” Napakurap siya. Hindi niya inaasahan ang sagot nito. “Sigurado ka?” bahagyang tumaas ang boses niya. “Once in a lifetime lamang ‘yon.” “It’s not okay but I’ll definitely move on,” anito. “Gano’n naman pala, eh. Bakit hindi na lamang ikaw ang mag-alaga?” bahagyang tumaas muli ang boses niya rito. Hindi pa rin siya kumbisido sa sagot nito. “You’re the expert here. Why would you risk its life on me when you can easily take care of it?” Nagkibit-balikat lamang ito. “Soon, I’ll have to take care of my father’s responsibility on our pack. Demanding si Skiah sa time ng nag-aalaga sa kaniya kaya naman noon pa ako naghahanap ng yaya niya—” “Yaya?!” hindi makapaniwalang sambit niya rito. So ginawa pa siya nitong yaya ngayon? Hindi siya makapaniwalang naging yaya siya ng isang halaman. “I mean mag-aalaga sa kaniya,” pagtutuwid nito. Nakapamaywang niyang dinuro ito. “Kailangan mo lamang pala ng yaya. Sana nagpasabi ka na lang at marami akong maibibigay sa’yo.” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Not everyone has a heart like you,” anito. At doon siya natigilan. “H-Ha?” Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Habol niya pa ang kaniyang paghinga. “Trust me, Emrys,” mahinang sambit nito. “No one would compromise to me like you did.” “R-Really?” tulalang kuwestiyon niya rito. Bahagya niyang naikiling ang kaniyang ulo sa kanan nang mapagtanto ang kaniyang sinambit. “I mean, ano bang pinagsasabi mo riyan?” Defensive siyang napakurap. Natatawa itong napailing. “Te’ka lang, little wolf,” bilin nito sa kaniya saka nagmamadali na nagtungo sa compartment ng sasakyan nito. Nagtatakang sinundan niya lamang ito ng tingin. Nanlaki ang kaniyang mga mata pagkakita sa inilabas nito mula sa sasakyan. “Ano ‘yan?” nanlalaki ang mga matang tanong niya rito. “A journal notebook,” nakangiting inabot nito iyon sa kaniya. “Haysss!” angil niya rito. “Marami na akong ganiyan, Gila—” “This is different from others,” he intercepted. “Forever rose inspired ito. Someone told me this journal notebook is the very last one left,” anito. Kyuryos ang mga matang inabot niya iyon mula sa lalaki. Marahan niya iyong hinaplos gamit ang mga daliri sa kamay. “Bakit mo ibinibigay sa akin ‘to kung gano’n?” maang niyang tanong rito. “I thought you’d be interested,” laglag ang balikat na sambit nito. Inabot niya iyon mula sa lalaki. “Hindi kasi ‘diba kung very especial itong notebook na ito bakit sa akin mo pa ibibigay?” prangka niyang tanong rito. Nakangiti itong namulsa at sumandig sa sasakayan nito. “I just want to thank you in my very simple way dahil panatag na ang loob ko sa kalagayan ni Skiah.” “Skiah? pagkaklaro niya rito. Agad naman itong tumango na ikinangiti niya. “Yeah, for taking care of it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD