Chapter 25

2277 Words
“Emrys!” “Wahhh!” gulat siyang natilihan sa narinig sa patalon na pagsulpot ni Graza sa mismong harapan niya. Bumagsak ang journal notebook na ibinigay ni Gila sa kaniya. “Graza naman kasi, eh.” “Sorry,” agad na paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. Yumuko siya at dinampot iyon mula sa sahig. Tipid ang ngiti niyang sinalubong ang tingin nito. “Ayos lang basta sa susunod, huwag mo nang uulitin, ha? Aatakihin na talaga ako sa puso dahil sa pinaggagawa mo.” Nginisihan lamang siya nito kaya naman napailing na siya. “Hmnn. What’s that?” pakikipag-usyuso nito sa journal notebook na ibinigay ni Gila sa kaniya. “W-Wala,” nahihiyang tanggi niya sa kapatid. “Diyan ka na nga. At dahil may atraso ka sa akin mauna na ako!” Inunahan niya na ito paakyat ng hagdan nang hindi ito hinihintay. “Ang daya mo talaga, Emrys!” pahabol na sigaw ng kapatid sa kaniya. Tahimik siyang tumatawa habang naglalakad patungo sa kaniyang kuwarto. Ganito talaga silang magkapatid mag-asaran. Bardagulan lang. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kuwarto ay inihagis niya agad sa ibabaw ng kama ang kaniyang bag at masayang inilapag nang maingat ang regaling bigay sa kaniya ni Gila. “Look at this, Skiah!” Nakangiti niyang ibinahagi sa inosenteng halaman ang bigay ng amo nitong journal notebook. Naupo siya sa gilid ng kaniyang kama at nangalumbaba sa ibabaw ng kaniyang lamesa. “Alam mo ba? This is my very first time receiving a gift from somebody.” Gustong-gusto niya iyon. Ang amoy nito kahit pa nahulog na ito kanina dahil sa panggugulat ni Graza sa kaniya. “Te’ka lang.” Natigilan siya nang may maisip bigla. Inilabas niya ang kaniyang ohone mula sa kaniyang bulsa at nagtipa ng mensahe para kay Gila. To Gila: Safe driving… Thanks for the gift! I love it! Nagbihis siya at pagkatapos magligpit ng mga gamit ay inaantok niyang ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama. Iidlip muna siya at babawu ng lakas bago ang oras oara sa hapunan. Saktong hapunan ay nagising siya dahil sa mahihinang katok mula sa pinto ng kaniyang kuwarto. “Okay na po!” maagap niyang sagot rito. “Miss?” Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang boses ng katulong. “Ano ‘yon?” “Nauna na po si Miss Graza sa baba, miss. Sunod na lamang daw po kayo,” paliwanag nito sa kaniya. “Sige po,” mabilis niyang sagot rito. “Anong oras na ba?” Sinilip niya ang oras. Alas-siyete na nga pala. Dali-dali siyang bumangon at naghilamos saka nagsuklay. “Anak.” Nasa ikalimang baitang pa lamang siya ng hagdan ay sinalubong na siya kaagad ng malawak na ngiti ng kaniyang ama na si Luki. Hawak nito ang isang baso na puno ng paborito nitong wine. Alam niyang umiinom lamang ito niyon kapag may problema ito o kung may selebrasyon. Agad siyang napaisip. May nalaman ba ito tungkol sa pagkikita nilang dalawa ni Gila kanina? Hindi siya sigurado sapagkat masaya ang timpla nito ngayon at hindi iyon ang maaaring dahilan. Imposible yata. Kung iyon man, paniguradong galit ito ngayon. “Papa?” maang niyang sambit nang tuluyan na siyang makababa. Hindi niya pa rin maiwasang kabahan. Mabilis na tumakbo ang kaniyang utak sa pag-isip kung ano ba talaga ang posibleng dahilan ng kasiyahan nito ngayon. Inabot nito ang kaniyang palad pagkatuntong niya sa pinakahuling baitang at inalalayan siyang bumaba ng ama. “Emrys, anak ko,” kumislap ang mga mata ng ama habang nakatingin sa kaniya. Maang siyang napatango rito. “Ano po ‘yon, papa?” kabadong tanong niya rito. Ngumiti ito at inalalayan siya pababa sa huling baitang. “Totoo bang ikaw na ngayon ang presidente sa loob ng klasrum niyo, anak?” Nagkibit-balikat na lamang siya at kiming tango ang iginawad sa ama. “Ako nga po,” pagkumpirma niya sa pahayag nito. Napapitik ang kaniyang ama sa ere. “I’m so glad to hear that about that, Emrys. Anak nga kita!” Hindi niya napigilan ang paglawak ng kaniyang ngiti. Sobrang saya niya at proud ito sa kaniya. Nag-umpisa na itong maglakad patungo sa sala at tahimik lamang siya habang nakasunod dito. Higit na lumawak ang kaniyang ngiti pagkakita sa ina na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa mismong sala. “Congrats my baby!” nangingiti nitong inilapag ang carbonara sa ibabaw ng malaking lamesa. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa dibdib niya ngayon dahil sa pagsuporta ng mga ito sa kaniya. Lumapit ang kaniyang ina sa kaniya at ginawaran siya ng isang mainit na yakap. “You make us feel so proud of you, anak." Nakangiti siyang tumango sa ina. “Thank you, mom!” pasasalamat niya rito. “You have to keep it up, anak!” ani Luki sa kaniya. “I will, papa.” “Dinner is ready!” Awtomatiko siyang napalingon sa kadarating na si Graza. Bitbit nito ang isang buong letchon manok mula sa kusina. “Graza, come here, anak.” Sinenyasan itong lumapit ng kanilang ama. Hindi niya napigilan ang paglawak ng kaniyang ngiti nang sundin ni Graza ang inutos ng ama at lumapit sa kanila. Pinuwesto sila ng mga magulang sa gitna at niyakap nang mahigpit. Mariin siyang napapikit. It feels so good. Now, she’s finally home after a roller coaster day in school. “Proud kami ng mama niyo sa inyong dalawa.” Nagising siya dahil sa mainit na sikat ng araw na dumadampi sa kaniyang balat. Inaantok na nag-inat siya ng kamay at paa. Hindi niya naiwasang mapangiti nang maalala ang naging pag-uusap nila ni Gila kagabi. Sa unang pagkakataon na umaga ngayon lamang nangyari na cellphone ang una niyang dinampot. Malapit na mag-alas sais. Ilang minuto na lamang din at kakatok na si Graza sa pinto ng kaniyang kuwarto. Natigilan siya nang mabalikan niya sa isip ang sinabi nito noong nakaraang gabi. Inamin niya rito na nangangapa siya sapagkat wala siyang mahanap na babasahin tungkol sa forever rose na ito. Tandang-tanda niya pa rin ang sagot nito kagabi. Masaya siya ngayon. Excited siyang bumangon mula sa ibabaw ng kama at tumayo sa sahig. Tinungo niya ang kinaroroonan ng kaniyang forever rose sa terrace. “Good morning, Skiah!” masiglang bati niya rito. Akmang bubuhatin niya na ito nang makarinig siya ng mahihinang katok mula sa pinto. “Emrys, gumising ka na!” Nakumpirma niyang si Graza nga iyon. “Te’ka lang!” Bilin niya rito sa malakas na boses. “Nariyan na ako.” Tinakbo niya ang pagitan sa kinaroroonan hanggang sa pinto. Nakapadyama pa rin ito. Nanliit ang mga mata nito pagkakita sa kaniya. “B-Bakit?” maang niyang tanong rito. “Kakaiba ang iyong ngiti, Emrys.” Makahulugang tingin ang iniukol nito sa kaniya. “N-Ngiti?” Awtomatiko siyang napatakip sa kaniyang bibig. “Ano bang pinagsasabi mo, Graza?” Tinalikuran niya na ito at binalikan si Skiah. “May itinatago ka sa’kin, Emrys,” anito. Naiikot niya na lamang ang mga mata sa ere dahil sa sinabi ng kapatid. “Ano namang itatago ko sa’yo, Graza? Kulang na lamang ay magtabi tayo maging sa pagtulog.” Tinawanan lamang siya nito. Ibinaba niya si Skiah sa ibabaw ng table niya. Sabik nitong sinilip si Skiah. “Nice! Gano’n pala!” Makahulugang ngiti ang iniukol nito sa kaniya. “Anong gano’n pala, huh, Graza?” Nanlalaki ang mga mata niya rito. “Kasi bakit ayaw mong ikuwento sa akin ang tungkol sa journal notebook na iyon?” may himig pang-aasar sa tinig nito at kinikilig pa itong napapalakpak. “Argh!” naiiritang saway niya rito. Nakakailang lang kasi hindi siya sanay na isang regalo ang pinagmulan ng asaran nila ngayon. “Huwag ka na kasing magulo riyan, Graza.” Alam nitong pikon siya kaya naman mas inaasar pa siya lalo nito ngayon. “Kailangan kong marinig ang kuwento mo ngayon, Emrys,” tila batang hindi napagbigyan ang patuloy na pangungulit ni Graza saa kaniya nang patuloy. Kagat-labi siyang natameme. Agad siyang nakaisip ng magandang paraan. Hinila niya ang kapatid at nakangising itinulak ito palabas ng kaniyang pinto. “Maligo na lamang muna tayo, Graza,” nakangising bilin niya rito saka niya isinarado ang pinto. Nagulat siya sapagkat pagpasok pa lamang nila sa gate ay nakatutok na ang tingin ng lahat sa kaniya. Kabado niyang kinalabit si Graza sa kaniyang gilid. “Grabe namang makatitig ang mga ‘yan sa atin,” hindi nakatiis na sambit ni Emrys sa kapatid. Labas iyon sa ilong. Awtomatiko itong napalingon sa kaniya. “Hindi kaya may nakakita sa pagsama natin kay Gila kahapon?” namumutlang tanong nito sa kaniya. Napakurap siya at nalaglag ang panga. “N-No way,” in-denial niyang sambit rito saka binilisan na lamang ang kaniyang paglalakad. Kung totoo man iyan, ayaw niya nang marinig pa ang mga panghuhusga ng mga ito. “She's very lucky!” Sanay na siya. Hindi niya papansinin ang mga ito. “Ang pangit niya pero isang future Alpha ang may gusto sa kaniya. That's very odd!” Sobrang sama talaga ng tabas ng bibig ng mga ito. “Shut up, guys! Baka arrange marriage lang naman!” Ano naman ngayon? “Ah, you mean gunshut wedding though? That's very funny, ha!” Anong nakakatawa? Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao. Mabigat ang dibdib na napayuko siya. That's so much of gossip. Sinasabi na nga ba niya eh. Isang masamang tingin ang iniukol ni Graza sa mga ito. Akmang susugurin pa nito ang isa, mabuti na lamang at agad niyang napigilan. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ni Graza. “Huwag,” mariing pakiusap niya rito. Mabuti na lamang at nakinig ito kahit papaano. “Emrys!” halos magkakapanabay na tawag sa kaniyang pangalan nila Ruan, Emanya at Gorgie. Nasa bungad ang mga ito ng pinto at tila ba kanina pa siya hinihintay dahil sa pagkaaligaga na nakapinta sa mukha ng mga ito. “Why?” pagmamaaang-maangan niya rito. Makahulugang tingin ang iniukol ng mga ito sa isat-isa. “Ikaw ang laman ng numero unong chikahan sa loob ng paaralan kanina,” agad na ipinakita ni Gorgie ang cellphone nito kung nasaan ang balita. Naestatwa siya sa narinig. “Who wrote the tabloid?” nagtaas-baba ang hiningang tanong niya rito habang pinagmamasdan ang larawan niya at ni Gila sa labas ng kanilang mansyon. “It was Johnsohn-" Kumunot ang kaniyang noo. “Where's him?” nangangalaiting tanong niya sa kaibigan saka inilibot ang tingin sa paligid. Nagsiyukuan ang kaniyang mga kaklase. “She's a student from the higher level,” singit ni Ruan. Nag-inat ito ng mga daliri sa kamay. “Anong gusto mong gawin natin sa kaniya?” makahulugang sambit nito sa seryosong boses. “What are you thinking?” hindi maipinta ang mukha na singit sa kanila ni Emanya. Inikot niya ang kaniyang mga mata. “Just leave it to me, ipakakagat ko siya kay Hesa.” “Shhhh!” Hesa hissed angrily. “Idi tara na,” nanggigigil na sambit ni Graza. Handang-handa na ito. Tipid siyang tumango sa mga ito. She gritted her teeth tightly, pinag-igting niya rin ang kaniyang mga panga at handa nang lusubin ang mga ito. “Simula ngayon, sinuman ang gumawa ng masama sa'kin, doble ang aking singil!” makahulugang sambit niya saka niya inilibot ang tingin sa mga kaklase na naroroon. Nag-iwas ng tingin ang iba. Ang iba naman nagsiyukuan at nagkunwaring walang narinig. Malakas niyang ibinagsak ang kaniyang bag sa ibabaw ng upuan. Pabagsak na ibinaba ni Graza ang bag nito malapit sa stand. Magkakasama silang lumabas ng klasrum. Gorgie leads the way. Seryoso ang kanilang mga mukha at salubong ang kanilang mga kilay habang naglalakad. Bumaba sila sa second floor at tinalunton ang mahabang pathway. Pinagtitingnan sila ng mga estudyante. “Parang may susugurin sila,” rinig niyang sambit ng estudyanteng nadaanan niya. Pagkatapos ng mahabang paglalakad ay narating din nila ang klasrum na iyon. Nakapamulsang pumasok si Gorgie sa loob ng isang klasrum at inilibot nito ang tingin. Sumunod sila rito. “Hindi ba kayo marunong kumatok?” nakapamaywang na asik ng isang babaeng estudyante. Ngumisi si Gorgie. “Marunong. Kaya nga kumatok ako, hindi niyo lang marahil narinig dahil masyado kayong abala,” sarkastikong sambit nito. Napahagikhik si Ruan. “Ano ba kasing kailangan niyo, ha?” matapang na tanong ng babae sa kanila. “Gusto naming makausap si Johnson,” walang paliguy-ligoy na pahayag ni Ruan. Kumunot ang noo ng babae at inilibot ang tingin sa kanilang lahat. Isa-isa. “Huwag kayong magdala ng gulo rito. Makakaalis na kayo,” pagtataboy nito sa kanila. “Gulo?” si Emanya. “Bakit sino ka ba?” Ngumisi lamang ang babae at naglakad palapit sa kanila. “Ako ang President ng section na ‘to, bakit may angil ka sa paraan ko?” “Tumabi ka, hindi ikaw ang sadya namin,” sarkatikong sambit ni Ruan rito. “Johnson, lumabas ka! Duwag ka balang babae ka!” pagsisigaw ni Gorgie. “Manahimik ka!” saway ng President kay Gorgie. “Huwag niyong dalhin ang masamang asal niyo rito sa klasrum namin, puwede ba?” “Nakikiusap kami nang maayos. Nais kong makausap si Johnson,” aniya sabay lakad papasok upang harapin ang babae. Natigalgal ito nang magsalubong ang kanilang mga mata. Napakurap ito. “Wala si Johnson rito,” tanggi ng babae sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo. “Is he absent?” kuwestiyon niya rito. Walang kakurap-kurap na tumango qng babae. “Mukhang gano'n nga. He's usually early.” Dismayado siyang napatango. “Salamat,” sambit niya rito saka inilibot ang tingin sa palibot. “What's happening here?” maang siyang napalingon sa nagsalita. Pamilyar ang boses na iyon. Ang boses ni Galena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD