“Galena,” aniya ng Presidente pagkakita nito sa kaklaseng kadarating lamang nito.
Taas-noong naglakad si Galena papalapit at huminto ito sa harapan ni Emrys. Mukhang kadarating pa lamang nito.
“Anong ginagawa niyo rito?” seryosong tanong nito habang ipinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang magkakaibigan.
Saka niya lamang napagtanto na higher years nga pala ang mga ito kaysa sa kanila.
Wala agad nakaimik sa kanila. Maging siya man, ngayon niya lamang napagtanto ang sariling pagkakamali.
Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pag-ikot ng mga mata nito nang walang umimik sa kanila. Nilampasan sila nito at naglakad ito papasok.
Galena’s here. Hindi niya iyon nagustuhan. She already promised to herself. Hangga’t maaari ay iiwasan niya na itong makabangga.
Maarte nitong inilapag ang mamahalin nitong bag sa isang upuan marahil ay puwesto nito at ipinagkrus nito ang dalawang braso sa harapan ng dibdib.
Galena smirked at them. “Bilib din naman ako sa inyong mga juniors, ano?” sarkastikong sambit nito. “Sobrang lakas ng apog niyong sumugod sa teritoryo naming mga seniors ninyo…” Nakangisi ito.
“Manahimik ka, Galena. Hindi ikaw ang sadya namin dito. Iharap niyo sa’min ang chismosong si Johnson at may kailangan kaming itanong sa kaniya. Huwag kang mag-alala, aalis din kami agad, matapos ng aming pakay.” Si Emanya iyon na salubong ang mga kilay.
Nakangising inilibot ni Galena ang tingin nito at hinarap ang Presidente. “Where’s Johnson, Benilda?”
“A-Ah. Kasi Galena…” Naging malikot ang tingin nito sa palibot ng klasrum.
“Anong kasi?” asik nito.
Napakamot sa ulo ang babae. “I can’t tell them,” anito.
Napairap lamang si Galena. “That brat is getting out of control. Kapag kailangan mo, hindi mo na mahagilap. Puro problema na lamang idinudulot niyon sa klasrum natin.”
“Hindi ko pa nakikita ngayong araw si Johnson. That’s the truth,” anito. Hindi masalubong nang tuwid ang tingin ni Galena.
Napairap lamang si Galena rito at nakangiting hinarap si Emanya. Galena will always be fond of Emanya. “Ano bang atraso sa’yo ng babaeng ‘yon, Emanya?” nakangising tanong nito.
“Talaga bang hindi mo pa nakikita, Galena? O nagmamaang-maangan ka lamang?” kuwestiyon ng kaibigan sa babae.
Napunit ang ngiti ni Galena. “I am being nice here, Emanya. Mukha ba akong sinungaling?”
Ngumisi si Emanya. “Patunayan mong inosente ka. Ilabas mo si Johnson.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Galena.
Salubong ang kilay na naglakad ito patungo sa isang malaking aparador at sinipa iyon ng malakas.
“Kyah!” Isang malakas na sigaw ang nagmula sa loob ng malaking aparador.
Nagkatinginan silang magkakaibigan. It was a girl’s voice. Mayroong tao sa loob niyon.
“What are you doing, Galena? Pigil ni Benilda sa kaklase.
Iwinaksi lamang ni Galena ang kamay ng kaklase na nakapigil sa braso niya. “Shut up, Benilda and don’t touch me with those filthy hands of yours,” asik nito sa babae.
Pagkalipas ay walang takot nitong binuksan ang aparador. “Hello, Johnson!” nakangising bati ni Galena rito.
“Walanghiya ka, Galena!” nangangalit na sambit nito sa babae.
Isang babae na may suot na eyeglasses ang lumabas mula sa aparador.
“Talaga ba?” sambit ni Galena rito. “Sino nga ba talaga sa atin ang walanghiya ngayon?” sinundan nito iyon ng sarkastikong tingin.
“Wala akong pakialam, Galena.” Akmang aalis ito nang magtama ang paningin nito sa kinaroroonan niya.
Ngumisi ito sa kaniya na ikinatigalgal niya.
Blangko ang ekspresyon na pumasok siya sa loob ng klasrum at naglakad palapit sa babae.
“Emrys!” puna sa kaniya ng mga kaibigan ngunit hindi siya nagpapigil.
“Ikaw ba ang nagpakalat ng fake news sa tabloid?” nanggigigil ngunit may pagtitimpi na tanong niya rito.
Lalong lumawak ang pagkakangisi nito. Inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa at kinalikot. “Heto ba?” mayabang nitong ipinakita sa kaniya ang mismong fake news na ipinakalat nito.
Larawan nila iyon ni Gila na kuha kahapon at may konting detalye sa baba.
Kumuyom ang kaniyang mga kamao. “Iyan nga,” kagat-labing sambit niya.
Tumangu-tango ito. “Yup, ako nga. May problema ba?”
Mahigpit niyang hinawakan ang braso nito habang nakataas iyon sa ere. “Burahin mo ‘yan ngayon din,” mariing utos niya rito.
“Paano kung ayaw ko?” nakakainsultong hamon nito sa kaniya.
“I’ll sue you,” pinagkadiinan niya. “Sisiguraduhin kong hindi ka na muli makakatapak pa rito sa Aswun.”
Napasinghap ang lahat dahil sa kaniyang sinabi.
Tinawanan lamang siya nito. “Iniisip mo bang madali lamang akong mauto? Dream on!” Nilagpasan siya nito ngunit bago nito iyon magawa ay hinablot ni Galena ang cellphone mula sa kamay nito.
“S-Sino ito?” kunot-noong tanong ni Galena sa kanila. “Bakit kasama mo si Gila, Emrys?”
“Obvious ba, Galena?” nakangising sambit ng babae. “May relasyon silang dalawa ni Emrys.”
“Well that’s not true!” mariing sambit niya.
“Stop talking non-sense, Johnson!” singit ni Ruan.
“Oo nga naman, Johnson. Hindi k aba nahihiya sa sarili mo?” pang-aasar ni Gorgie rito.
“If it’s not true then what does the picture mean?” naguguluhang tanong ni Galena.
“Family friend ang pamilya ni Gila. We are just friends. Nang araw ding ‘yan, first time niyang magtungo rito sa Aswun kaya naman sinamahan namin siya mamasyal ni Graza,” pagdadahilan niya.
“Is it true?” paniniguro ni Galena kay Graza.
“Yes. Hindi magsisinungaling ang kapatid ko,” ani Graza. “That’s why you have to clear that s**t already bago pa tuluyang makarating ‘yan sa nakakataas. To tell you frankly, masuwerte ka kung hindi pa nakakarating sa mga Cox ang pandadagit mo sa pangalan ng kanilang anak or you’ll be doomed forever.”
Nanghihinang napaupo si Johnson dahil sa narinig. “I really thought there’s something about you and Gila,” anito.
“Well, nagkakamali ka,” ani Emrys.
Napangiti si Galena. “Close lang talaga kayo, Emrys?” pakikipag-usyuso nito.
Napipilitan siyang tumango sa babae.
Umupo si Galena at pumantay kay Johnson. “Alam mo na ang gagawin, Johnson. May oras pa para ituwid ang kalokohan mo sa buhay. Tsk.” Naikiling nito ang ulo saka naglakad paalis.
Sa huli ay na-delete naman na nito agad ang pinapakalat nito. Nag-post na rin ito ng paghingi ng tawad sa kaniya sa site ng kanilang school.
Akmang aalis na sila nang tawagin siya ni Galena.
“Emrys!” paghabol nito sa kaniya.
Maang siyang napatingin rito. That’s the first time na ito ang pumansin sa kaniya.
Hinintay niya itong makalapit nang tuluyan. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang kaba at pananabik na makausap ito.
“Y-Yes?” ani niya rito.
Nagulat siya nang ngumiti ito sa kaniya nang malaki.
“Tell me if ginulo ka ulit ni Johnson. I’ll handle her for you.” Hindi niya inaasahan ang paghawak nito sa kaniyang mga kamay.
Napakurap siya. “T-Thank you!” naiilang niyang pasasalamat rito.
“How’s Ninong Luki and Ninang Calope nga pala, ha, Emrys?” pag-uusisa nito sa kaniya.
Mas hindi niya iyon inaasahan. So Galena knew about it too. “A-Ah, ayos lang naman sila, Galena.”
“Emrys!” tawag sa kaniya ni Gorgie. Nakakunot ang noo nito. “We are going to be late na!”
Nilingon niya muli si Galena. “Sige na, Galena. Maraming salamat sa pagtulong sa’min!” sambit niya rito.
Tumango naman ito. “Walang anuman,” anito.
Kumaway siya rito at tumalikod na. Patakbo siyang humabol sa mga kaibigan.
“Anong sabi ng bruhilda sa’yo, Emrys?” seryosong tanong ni Ruan sa kaniya.
Napalunok siya. “Hmnn. Nangangamusta lang.”
“Nangangamusta?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Gorgie sa kaniya. “You have to be careful, Emrys. Galena’s very sceptical. Being kind to her will bring no good to you.”
Natigilan siya at maang na napasulyap kay Graza. Tumango naman ito sa kaniya. “Kinakapatid nga pala naming si Galena kaya naman malapit siya sa aming mga magulang. Kaya marahil nangangamusta siya kay Emrys,” paliwanag nito.
“Still—” nabitin sa ere ang sasabihin ni Gorgie nang putulin ito ni Ruan.
“Kaya naman pala,” anito. Siniko nito ang kaibigan.
Bumalik na sila sa kanilang klasrum bago pa sila mahuli sa klase. Maingay ang kanilang mga kaklase sa pagbalik nila. Nagkakagulo ang mga ito.
“Gorgie!” salubong ng kaklase nilang babae rito.
“Bakit, Sam?”
“Pupunta ka sa nalalapit na party ng mga Samendiez, ano?” excited na tanong nito sa kaniyang kaibigan.
Ngumiti si Gorgie rito. “Siyempre naman. Ako pa ba? Nakahanda na nga ang isusuot ko.”
Naiiling na nauna na sa paglalakad si Ruan. “Ang feeling talaga,” nakatawang sambit nito sa kaibigan.
“Eh, si Ruan?” tanong ulit ng babae.
“Ewan ko,” sambit ni Gorgie. “Itanong mo sa kaniya. Huwag sa akin. Diyan ka na nga.”
Tahimik silang bumalik ni Graza sa kani-kanilang mga upuan.
Hinarap niya ang kapatid at akmang kakausapin ito nang agad siya nitng pigilan. “Let’s talk about it later,” anito.
Tumango naman siya rito bilang pagsang-ayon.
Nagi-guilty tuloy siya ngayon sa nagging pag-uusap nila ni Galena. Mali bang kausapin niya ito? Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali.
Lunch time. Nanatili siyang tahimik.
“Hi, Emrys!” Nagulat siya nang lapitan siya ni Galena sa kanilang upuan.
Huminto pa talaga ito upang batiin siya.
Kitang-kita niya ang pag-ismid ni Emanya at pag-irap naman ni Ruan pagkasulpot ni Galena. Bumili ng kanilang pagkain sina Gorgie at Graza kaya naman sila lamang ang natira ngayon.
“Dadalo ka ba sa party ng mga Samendiez, Emrys?” nakangiting tanong nito.
“Galena?” singit nung Fazi sa kanilang pag-uusap ni Galena. Tila hindi ito makapaniwalang kinakausap siya ng kaibigan nito.
Nilingon ito ni Galena. “Saglit lang naman, Fazi. I’m still talking with Emrys. Huwag kang bastos,” madiing sambit nito.
Nalaglag ang panga ng babae at nalumukos ang mukha nang mas piliin siyang kausapin ni Galena kaysa rito.
“Emrys?” agaw muli nito ng kaniyang atensyon.
“H-Ha?” nauutal niyang ibinalik ang tingin sa babae. “Ano na nga ulit ang tinatanong mo, Galena?”
“Are you attending the Samendiez’s party?” pakikipag-usyuso nito sa kaniya.
Umiling siya rito. “I-I don’t know. Hindi ako mahilig sa mga party,” sambit niya rito.
Sa nakaraan, tanging si Graza na lamang ang pinagpapanggap niyang siya kapag kailangan siyang isama ng mga magulang.
“Ay!” nakangiwing sambit nito. “Sayang naman. You should come, Emrys. Paniguradong pupunta ang mga kaibigan mo. Right, Ruan, Emanya?”
Umismid lamang si Ruan. Walang umimik sa mga ito.
Hilaw siyang napangiti. Hindi niya talaga maipaliwanag ang awkwardness ng paligid. Nakakapanibago ang pakikitungo ni Galena sa kaniya.
Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “Titignan ko, Galena,” maagap niyang sambit rito.
Buong akala niya’y magpapaalam na ito ngunit muli itong nagtanong. Hindi niya inaasahan ang pangalan na binanggit nito kapagdako.
“Isa pa, paniguradong imbetado rin ang pamilya Cox. Gila will be there. That’s for sure,” anito.
Bumilog ang kaniyang mga mata. “A-Ah. Gano’n ba.”
“Yes,” anito. “Wala bang nababanggit sa’yo ang kaibigan mong si Gila?” nananantiyang tanong nito sa kaniya.
Napalingon siya sa kaniyang mga kaibigan. Alam niyang naiirita na ang mga ito sa presensiya ni Galena. “Hindi ko naitatanong, Galena at hindi niya rin naman nabanggit.”
Napatango ito. “Gano’n ba?” tila dismayadong sambit nito. “You can ask him pa rin naman, ‘diba? Don’t worry. Hehe.”
“Gano’n na nga,” hilaw na tawa ang kaniyang pinakawalan.
“Sige na, Emrys. Enjoy your lunch! See you around!” Nagpaalam ito sa kaniya at naglakad na paalis. “Let’s go girls.”
Naglakad na ito papalayo habang nakasunod dito ang mga kaibigan ng mga ito.
Nanatili siyang walang imik pagkalabas ni Emrys. Iniisip niya ang nalalapit na party ng mga Sarmendiez. Pupunta kaya siya? Napalingon siya kina Ruan at Emanya na nanatiling walang imik.
Marahil ay sasama siya kung pupunta naman ang mga ito. Bakit naman hindi, ‘diba?
Mas maganda sana kung pareho silang makakasama ni Graza. Ang kaso nga’y mahirap pilitin si Graza na sumama kung alam naman nitong kaya niyang gawin mag-isa o hindi kinakailangan na sumama ito. Mahal na mahal yata nito ang pahinga nito.
“Guys,” si Gorgie iyon. Maingat nitong inilapag sa ibabaw ng lamesa ang tray ng pagkain.
“Emrys, please help us. Meron pa roon kay Graza.” Nanghingi ng tulong sa kaniya ang kaibigan. Mabilis naman siyang tumayo at dinaluhan ang kapatid.
“Can you believe this?” si Gorgie iyon habang nakangisi nang malawak. Puno pa ng pagkain ang bunganga nito.
Nag-angat siya ng tingin dito pagkatapos sumubo ng pagkain.
Kumunot ang noo ni Ruan. “Believe what?”
“Malapit na ang birthday party ng galanteng Don Sarmindiez. Guys, iyon yata ang pinakabonggang party kung mag-celebrate. Pati mga Araceli ay imbetado. Just like the Cox family,” mahabang kuwento nito.
“Ano ngayon?” tanong ni Ruan dito.
Maingat nitong inilapag ang hawak nitong mga kubyertos sa gilid ng plato at pinagsiklop ang mga daliri sa kamay. “Heto lang talaga ang party na excited ako. Basta! Walang kokontra,” nakangising sambit nito.
“So pupunta ka nga, Gorgie,” ani Emanya.
“Yes, ako pa ba.” Nakangiti ito.
“How ‘bout you, Ruan?” tanong ni Emanya rito.
Blangko ang tingin na napasulyap si Ruan sa kaniya. “I’ll go if Emrys and Graza would go too,” anito.
Nagkatinginan sila ni Graza. Hindi niya naiwasang mapangiti dahil sa sinabi nito. “Talaga, Ruan?” Hindi niya naiwasang magsaya. “We should go too, Graza.”
Wala sa oras na napaubo ang kaniyang kapatid sa pagdating niya ng pangalan nito. “P-Puwede ba, Emrys. Ginugulat mo’ko.”
Nakangiwi siyang naghingi ng paumanhin dito. “So sorry,” aniya sa kapatid.