“Bongga!” nasisiyahang tili ng baklang personal stylist niya matapos nitong ilugay ang mahaba niyang buhok na sinadya pa nitong kulutin sa bandang dulo. Hindi nga ito nagkamali, bagay na bagay iyon sa napakaliit niyang mukha.
Napalunok siya. “Required ba talaga na mag-make up pa ako gayong matatakpan din lang naman iyan ng maskara mamaya?” nanghihinayang niyang angil.
Narinig niya ang isang malalim na pagbuntong-hininga nito. “Alam mo ba kung anong sabi ng dati mong make-up artist?” Nandidilat ang mga matang tanong nito sa kaniya.
Nagbabadya ang isang ngiti sa gilid ng kaniyang mga labi. Kabisado niya na ang tanong nito na iyon at kahit nakapikit ay alam na alam niya na ang kaniyang isasagot dito. “Hindi,” tipid niyang tugon.
Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon sa harapan ng salamin. Hindi niya napigilang mapangiti at humanga sa kaniyang nakikita. Masasabi niya na walang ginawa ang Diyos na pangit. Isa siya sa mga patunay. Pangit man siya sa paningin ng iba, pagdating sa loob ng mansyon ay puring-puri naman ang kaniyang angking kagandahan.
Sa loob ng mansyon ng mga Arison, tanging ang mga Asong Lobo lamang dito na kasambahay nila at kaniyang pamilya ang nakakaalam ng lihim niyang angking kagandahan.
Inirapan siya ni Jojo sabay hawak sa bangs nitong kahawig nung kay Dorabel. “Napakasarap mo raw pagsilbihan sapagkat napakadali mo lamang ayusan. And… Did you know what does she mean for that, huh, Emrys?” Matiyaga nitong hinintay ang kaniyang kasagutan.
Inosente siyang napakibit ng kaniyang magkabilang balikat rito. Glorybelle is her previous make-up artists.
Naikiling na lamang nito ang ulo sa bandang kanan.
Ngumiti ito ng ubod tamis sa kaniya habang pinagmamasdan siya sa salamin. “You have a very beautiful face, Emrys. Napakanatural ng ganda mo at hindi na kailangan pa ng makapal na make up.”
Napakamot siya sa gilid ng kaniyang tainga. “You mean, ganda na walang ambag?” sarkastikong tanong niya rito.
“Haysss!” ani Jojo. “Ikaw, Emrys ha? Masyado mong minamaliit ang sarili mo.”
Natahimik siya dahil sa sinabi nito.
“Gusto ko ring makita ng ibang tao ang totoong ako, Jojo. Alam mo ba ‘yon? Pero napakaimposible… Dahil ipinanganak akong may kaakibat na isang sigalot ang kagandahang taglay ko. Patunay na hindi lahat ng kagandahan ay mabuti ang maidudulot.” Mahabang pahayag niya rito.
“Ano ka bang bata ka?” saway nito sa kaniya. “It doesn't matter, Emrys. Balang araw makakatagpo ka rin ng isang taong magpaparamdam sa'yo na ayos lang.”
Kumunot ang kaniyang noo. “Isang tao?” maang niyang tanong rito.
Hindi niya alam ang tinutukoy nito. Natampal nito ang noo at natatawang napailing. “I mean, kapwa natin Asong Lobo…” nakangiti ito nang malawak sa kainosentehan niya.
“Ang tinutukoy mo ba ay ang tinatawag nilang pag-ibig, Jojo?” kyuryos niyang tanong rito.
Masaya itong ngumiti. “Exactly, Emrys.”
Kuminang ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito. Gustong-gusto niya ang kuwento tungkol sa mga pag-iibigan. Lalo na ang love story ng kaniyang mga magulang.
“Nagmahal ka na ba, Jojo?” tanong niya na ikinahinto nito.
Agad itong nag-iwas ng tingin at inabala ang sarili sa pagtasa ng parang lapis na gamit nito pangguhit ng kilay. “Ano bang pinagtatanong mong bata ka? Ofcourse, nagmahal na ako. Sa tanda ko nang ito. Lagpas kalendaryo na yata ang edad ko. Batang ito! Aba'y hanggang diyan lang ang puwede mong itanong,” anito.
Napahagikhik siya dahil sa sinabi nito. “Okay, tatahimik na talaga ako. Hahayaan na lamang kitang magsalita,” nagkunwari siyang nagtatampo rito.
“Bahala ka riyan,” pagsusungit pa rin nito. “Siya nga pala, Emrys. May nanliligaw na ba sa'yo?”
Napaubo siya nang wala sa oras dahik sa sinabi nito. “A-Ano bang klaseng tanong ‘yan, Jojo?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. “Bata pa lamang ako. Wala pa sa isip ko ‘yan,” paliwanag niya rito.
Tinawanan lamang siya nito nang malakas. “Grade one pa lamang ako, may gusto na ako, Emrys. Kaya huwag kang mag-inarte riyan,” anito na ikinalaglag ng kaniyang panga.
“What?” gimbal niyang tanong rito. “Hindi ka nagbibiro?” Napahagalpak sjya ng tawa.
Seryoso itong umiling habang nagpipigil ng tawa. “Oh, my, that's crazy!”
Nagkibit-balikat lamang ito.
“Sana naman hindi ako maburyo mamaya sa party,” aniya kay Jojo.
“Balita ko, pupunta raw ang crush mo,” anito.
“Sinong crush? Wala pa ako niyon,” nakangising tanggi niya rito.
Niyuko siya nito. “Minamaliit mo ang pagkachismosa ko. Narinig ko noong isang araw kay manong guard na may naghatid sa inyo ni Graza na isang guwapong binata,” nakangising sambit nito.
Nanlalaki ang kaniyang mga mata at napatakip siya ng bibig. “Hindi siya nanliligaw, Jojo. Isa lamang siyang kaibigan,” paliwanag niya rito.
Umismid ito at malanding humagikhik. “Saan pa ba nag-uumpisa ang lahat?” makahulugang tanong nito.
“Hmpp!” sambit niya. “Hindi na nakakatuwa, Jojo.”
“Fine, magpo-focus na lang din ako sa paggawa ko rito.” Yumuko ito at isinasaksak ang pangkulot nito ng buhok. Kinulot muli nito ang ibabang parte ng kaniyang mahabang buhok.
“Are you ready?” excited na tanong ni Jojo sa kaniya.
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago tensyonadong tumango sa kaniyang make-up artist.
“You're so pretty, anak!” masayang sambit ng kaniyang ina rito.
“Wow!” manghang sambit ng kaniyang ina pagkalabas niya ng pinto. “Anak, you're extra beautiful tonight!” Napatakip pa ito sa bibig pagkakita sa kaniya.
Niyakap ni Luki si Calope. ”Dalaga na ang mga anak natin, mahal,” ani Luki sa asawa.
Naluluhang napatango ang ginang. “T-Tama ka, mahal.” Naiiyak ito sa sobrang katuwaan. “Hindi ko yata kayang isipin na balang araw ay lilisanin na nila ang ating tahanan para bumuo ng sarili nilang pamilya.”
“Too early to talk about that, mahal,” ani Luki sabay halik sa noo ng asawa.
“It has been years since sumama nang kusa si Emrys sa'tin pagdating sa mga ganitong party. Masaya ako at natutunan niya nang baguhin ang kaniyang pananaw,” ani Calope.
“It must because of her good friends,” hula ni Luki.
Napaharap di Calope sa asawa. “Do you think, magkaayos na sila ni Galena? She'll be there tonight, right?” na-excite si Calope. “Gusto kong makita na magkasama silang dalawa mamaya.”
Napatikhim si Luki. “Hindi pa natin alam kung nagkabati na silang dalawa, Calope. But let's see what I can do later,” anito sa asawa.
“Ma, pa.” Tawag niya sa kaniyang mga magulang nang tuluyan siyang makalapit sa mga ito.
“Si Graza po?” kyuryos niyang tanong sa mga ito.
Nagkatinginan ang mga ito. “Hindi raw siya sasama, anak.”
“H-Ha?” napangiwi siya. Nagsabi na ito kanina na sasama ito tapos ngayon ay binawi rin nito.
Hindi niya maiwasang manlumo.
“May problema ba, Emrys?” tanong ng kaniyang ama sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya rito at umiling. “Wala po, papa.”
Nakakaintindi namang hinaplos ng kaniyang ina ang likod niya. “Huwag kang mag-alala kung hindi natin kasama si Graza, anak. Nandito naman kami ng papa mo. Paniguradong may mga kaklase ka naman sa dadalo at kaibigan. Nando'n din si Galena. Hindi magiging boring ang gabi, Emrys.”
Napakurap siya. Tama naman ang kaniyang ina sa sinabi nito.
“I understand, ‘ma.”
Sinulyapan ng kaniyang ama ang relong suot sa kamay nito. “Okay na ba? Wala na bang nakalimutan? Tara na kung gano'n,” deklara ng kaniyang ina.
Tumango naman siya sa mga ito.
Agad niyang inilabas ang kaniyang cellphone upang itext ang kapatid. Seryoso siyang nagtipa ng mensahe para rito.
To Graza: Bakit mo naman ako hinayaang mag-isa?
Ilang sandali ang lumipas hanggang sa hindi niya na mahintay ang reply nito. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan pagkapasok niya ng cellphone sa loob ng kaniyang purse. Buong byahe nanatili lamang siyang nakatitig sa labas ng bintana. Ramdam niya ang pamamawis ng mga palad niya. Kinakabahan siya. Pilit niya iyong itinatago. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng maraming taon ay muli siyang aatend ng ganitong kabonggang party. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung nasa kalagayan niya?
Napasimangot siya. Parang nais niya na lamang mag-back out kanina pagkatapos niyang malaman na hindi na sasama si Graza sa party. Lihim siyang napahalukipkip. Kung sana ay kasama niya talaga ang kapatid.
“Alam mo naman na siguro ang dapat gawin kapag nasa party ka, anak, hindi ba?” hindi nakatiis na tanong sa kaniya ng inang si Calope.
Kalmado itong nakangiti sa kaniya ngayon. Isang tango lamang ang iginawad niya para sa ina. “Natatandaan ko po, ‘ma.”
“Good to hear that, anak.” Mas lumawak ang pagkakangiti nito. “Although si Graza lamang palagi ang um-attend ng mga party, gusto kong malaman mo na pantay lamang ang ekpektasyon ko pagdating sa pakikitungo niyo sa kapwa natin.”
Naagaw ang kaniyang atensyon dahil sa sinabi ng ina. Tahimik lamang siyang nakikinig ngunit nanatiling nakatutok ang buo niyang atensyon sa ina.
Tuluyan niyang nakagat ang kaniyang bibig nang magsalita na ang amang si Luki.
“True to say that we are werewolves anak, unlike human, we live through survival, but then I want you and Graza to remember always that the Luna’s greatest strength is her social capability in handling the pack,” seryosong paliwanag nito habang nakatuon ang mga mata sa daan.
Napatango siya. Agad niyang naintindihan ang punto ng ama. Naalala niya na ang kanilang pag-aaral bilang mga delta ay upang maihanda sila na maging Luna.
Sa kanilang lipunan na ginagalawan, sobra ang pagpapahalaga nila sa dangal at dignidad ng mga kababaihan. Lalo na’t ipinagmamalaki ng kanilang pack ang hindi maitatanggi na katotohanang lahat ng Luna sa ibat-ibang lugar ay nagmula sa kanilang pack.
“Anak,” mahinahong tawag ng kaniyang ina sa kaniyang pansin. “Your dad is totally right. What do you think is the reason why Pinunong Salya didn’t allow you and Graza to continue your home-schooling until college?” tanong nito sa kaniya.
Nahulog siya sa isang malalim na palaisipan dahil sa tanong na iyon ng kaniyang ina. “Kung hindi po ako nagkakamali, ang sagot ay nakatuon sa mga bagay na hindi namin matututunan ni Graza hangga’t nakakulong lamang kaming magkapatid sa loob ng mansion na ito.”
Napangiti ang kaniyang ina. “Exactly, anak,” mabilis na pagkumpirma nito sa sinabi niya sa masiglang tinig. “Makinig ka… Iyon ay walang iba kundi ang pakikisama. Ang pakikisama ang pinakamahalagang bagay na dapat matutunan ng mga nakatakdang maging Luna. Dapat ay marunong siyang makihalubilo sa kaniyang kapwa. Tignan mo na lamang ang ating pinuno na tinitingala sa lahat ng karatig pack. Hindi tayo nangingiming lumapit sa kaniya sapagkat alam nating lahat na maaasahan siya at pantay ang tingin niya sa bawat isa sa atin. Ang awra at postura niya ay sa isang Asong Lobo na hindi mangingiming lapitan ng mga nangangailangan. Napakatapang niya. Hindi niya kinailangan ng isang alpha upang pamunuan ang ating pack. Naintidihan mo ba lahat ng ‘yon, anak?”
Kukurap-kurap siyang napatango sa ina. “Naiintindihan ko po, ‘ma.”
“Huwag mong kakalimutan, hija, hindi humihinto ang isang bagay sa punto porke’t naintindihan mo na,” makahulugang sambit ng kaniyang ama.
Masyado iyong malalim kaya naman hindi niya agad iyon naintindihan. Maang niyang naikiling ang kaniyang ulo sa kanan. “A-Ano pong ibig niyong sabihin, ‘pa?”
Nilingon muli siya ng kaniyang ina. “Walang halaga ang isang bagay na inaral kung hindi naman natin ito isinasabuhay, anak. Sa madaling salita, magkakaroon lamang ng kabuluhan ang iyong napag-aralan kung nagagamit mo na ito sa pang-araw araw na pamumuhay at upang makatulong sa iba.”
Bigla siyang naliwanagan dahil sa kaniyang narinig.
“Speaking of friends. Ano, may naging kaibigan na ba kayo ni Emrys sa inyong paaralan, anak?” tanong ng kaniyang ama sa kaniya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya dahil sa tanong nito. Napangiti siya. “Meron na po!” mabilis niyang sagot dito.
“Oh, really?!” hindi makapaniwalang bulalas ng kaniyang ina.
“Yes, ‘mom.”
“That’s good!” natutuwang sambit ng kaniyang ama. “That’s a very nice start, anak. But may I know if there’s a progress to your connection with Galena?”
Hindi agad siya nakaimik.
“Anak,” untag ng kaniyang ina sa kaniya kapagdako.
Napakurap siya sa sandaling marinig ang boses ng ina. “A-Ayos na po kami. She’s talking to me now po,” amin niya sa mga ito kahit na medyo alanganin siya sa pakikitungo ng kinakapatid sa kaniya.
“That’s another good thing, anak!” nasisiyahang pahayag ng kaniyang ama. “Hindi niyo talaga ako binigo magkapatid. Ipagpatuloy niyo lamang iyan.”
Tipid na tango na lamang ang kaniyang iginawad sa mga magulang.