Chapter 28

2247 Words
“Pretentious people everywhere.” Naikiling ni Emrys ang kaniyang ulo sa kanan. Siguro kung natatakpan din ang kaniyang mga mata’y napairap na ang mga iyon sa inip. Inihinto niya ang paglalaro sa straw ng kaniyang drinks at pinagtuunang pansin niya na lamang ang pagsimsim niyon. Pangatlong sipsip niya na ngunit hindi pa rin niya ma-gets ang lasa ng kaniyang inumin. It was her first time to drink something like it. Kung hindi tubig, gatas, juice, ay tea lamang ang hilig niya. Her father ordered it for her. She remember him saying something like a girl should never get drunk unless she turned into a woman. In her father’s eyes, bata pa rin ang turing nito sa kanila kaya naman marahil alak pa rin ang iniinom niya, hindi nga lamang nakakalasing. “Sa awa ng Diyos, wala namang naging problema sa planta nitong mga nagdaang buwan, kumpare,” rinig niyang sambit ng matandang kausap ng ama. Kanina niya pa pinakikinggan ang usapan ng mga ito. “Well that’s good, kumpare,” masiglang sambit ng kaniyang ama sa kumpare nito. “Nawa’y magtuloy-tuloy na upang manatiling masagana ang ating mga ani.” Napalingon siya sa mga ito. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na may malawak na lupaing pag-aari ang kaniyang mga pamilya. Isang iyong plantasyon. Sa pagkakaalam niya, may porsyento ng ari-arian ng mga ito na sumusustento sa mga batang nasa lansangan. Maging sa mga batang nasa bahay-ampunan. Agad na inilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa loob ng bitbit niya na purse nang maramdaman ang pag-vibrate niyon. It must be Gorgie! Or Ruan! Or even Emanya! Chinat niya ang mga ito at lihim siyang umaasa na makikita niya nga ang mga ito ngayong gabi. Matagal-tagal na oras pa ang igugugol nila rito ngayong gabi ngunit hindi niya yata kakayanin na ang mga katabi ay pawang matatanda. But then kumunot ang kaniyang noo nang taliwas sa kaniyang inaasahan iyon ang pinagmulan ng natanggap na mensahe. Isang mensahe iyon mula kay Gila. Gayunpama’y binuksan niya iyon upang basahin. At least, may mapagkakaabalahan pa rin siya kahit papaano. Gila: Balita ko nasa party ka raw. Napakunot ang kaniyang noo. Sabagay ay imbetado nga rin pala ang mga Cox sa party. Malamang ay nakarating sa mga ito na imbetado ang pamilya niya. Hindi niya naman ito nakita. Marahil ay hindi pumunta. Iilan pa lamang na mga pamilyar na mukha sa paaralan ang nasisilayan niya. O masyado lamang yata silang maaga na mga magulang. Parang mga matatanda pa lamang ang karamihan sa mga naroroon. Agad siyang nagtipa ng mensahe niya. Siya: Yes, why? Wala pang ilang segundo ay may reply na agad ito sa kaniya. Gila: Siguro nakasimangot ka na naman ngayon. Hindi niya napigilang matawa nang tahimik dahil sa sinabi nito. Saglit niyang inilibot ang paningin upang masiguro na walang nakatingin sa kaniya ngayon at nag-iisip na nababaliw na siya. Bahagya siyang naalarma nang biglang tumawag ang numero ni Gorgie sa kaniya. Agad niya iyong sinagot. “Nasa’n na kayo?” agad niyang pag-usisa rito habang inililibot ang paningin sa paligid. Maingay sa background nito. “Emrys!” anito. “Nandito na kami. Ikaw ba?” Kumunot ang kaniyang noo. “Kanina pa ako rito bakit hindi ko kayo makita?” “Huwag mo sabihing nasa loob ka, Emrys?” Maloloka yata siya sa narinig. Saan ba dapat? “Hoy, bruha! Lumabas ka rito sa garden. Nandito kami,” tumatawang sambit nito. “Ano?” mariing tanong niya rito. “Okay. Magpapaalam lamang ako. Huwag mong papatayin ang tawag,” mahigpit niyang kabilin-bilin rito. Tumayo siya at nag-excuse. “M-Mom,” kalabit niya sa kaniyang ina. Nakangiti siya nitong nilingon. “Bakit anak?” malambing na tanong nito sa kaniya. “Hmnn. Magpapaalam lamang po sana ako na pupunta ako sa bandang garden. Naroroon daw po pala kasi ang mga kaibigan ko, mom,” paliwanag niya sa kaniyang ina. Nanlaki ang mga nitong napangiti. “Aba’y sure, anak… Mag-iingat ka lamang, ha? And, no hard drink.” Paalala nito sa kaniya. Masaya siyang tumango rito. “I understand, mom.” “Have fun!” pahabol nito sa kaniya. “Opo!” Tumalikod na siya at naglakad palabas ng malaking hall na iyon. “Palabas na ako,” sabi niya kay Gorgie. “Dali,” anito. “Nakaabang na ako sa’yo rito.” Binilisan niya naman ang hakbang gaya ng iniuutos nito. Sa pagmamadali niya’y aksidente siyang natapilok. Bahagyang umawang ang kaniyang bibig. Mariin siyang napapikit. Handa na siyang tanggapin ang kahihiyan. Ngunit imbes na ang matigas na sahig ang sumalo sa kaniya ay isang matigas na braso ang naramdam niyang pumulupot sa kaniyang katawan at pumigil sa kaniyang pagbagsak. “Got you.” Awtomatikong nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo pagkarinig niya sa pamilyar na boses na iyon. Nanuyo ang preskong amoy at mainit na hininga na tumatama sa kaniyang noo pababa sa kaniyang ilong. Awtomatiko siyang napadilat. Napatuwid siya ng pagkakatayo nang makilala ito. “Gila?” “Hi, gorgeous!” malaki ang pagkakangiti na bati nito sa kaniya. Kinindatan pa talaga siya nito. Naiiling na tinawanan niya lamang ito. “Thank you,” she mouthed at him. Nagkibit-balikat lamang ito. “So that’s why you texted me,” naiiling na sambit niya rito. “Yeah. Kanina pa kita nakita sa loob. Natakot lang akong mag-hi at baka mapurwesyo ko ang pananahimik mo,” pang-aasar nito sa kaniya. “Nagpapatawa ka,” nakangiting sambit niya rito. “Emrys!” Naputol ang pag-uusap nila ng lalaki nang marinig niya ang malakas na boses ni Gorgie. Papalapit ito sa kaniya. Hinawakan niya sa kamay si Gila. “Come here,” sambit niya rito. Awtomatiko siyang napabitaw nang mapagtanto na nakatingin ito roon. “Hmnn. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.” Maang na ipinaglipat-lipat ni Gorgie ang tingin sa kanilang dalawa ni Gila. Mariin siyang kinurot sa tagiliran ng kaibigan at binulungan. “Gosh! Muntikan ko nang makalimutan na friends kayo ni Gila,” kinikilig na bulong nito sa kaniya. “Gila, this is my friend, Gorgie. And Gorgie, si Gila nga pala.” Pagpapakilala niya sa mga ito. “A-Ah, nice meeting you po,” pa-cute na bati nito kay Gila. Muntikan na siyang mapahagalpak ng tawa. Mabuti na lamang talaga at napigilan niya. Halos ayawan nang bitiwan ng bruha ang kamay ni Gila. “Ayos na ‘yan,” pagpapaalala niya kay Gorgie bago pa ito tuluyang mawala sa isipan. “Hmnn. Gila, puntahan lang namin ang iba pang mga kaibigan. Bye!” paalam niya sa lalaki. Nag-thumbs up lamang ito. “Look at your way!” pahabol na paalala nito sa kaniya. Tuloy ay bahagya siyang pinag-initan ng mga pisngi nang maalala ang mga katangahan kanina. Tumango siya rito at hinila niya na nga si Gorgie paalis. “Dala mo ba si Hesa, Emanya?” agad na tanong ni Ruan pagkalapit niya sa mga ito. “No,” anito. Tila nabunutan naman ng tinik si Ruan sa narinig. “Mabuti naman. Napakaganda ni Emrys ngayon baka maiuwi niya pa ang titibo-tibo mong ahas, Emanya,” eksaheradong sambit nito na ikinahagikhik niya. “Kanina pa pala kayo rito,” nakalabing sambit niya sa mga ito. “Exactly,” ani Ruan. Naupo siya sa bakanteng upuan. “Maging kami man ay kanina pa rito,” hindi niya naitago ang himig pagtatampo sa kaniyang boses. Tinawanan lamang siya ni Ruan at Gorgie. “Buong akala ko pa naman ay ibang party na ang napuntahan mo, Emrys,” pang-aasar ni Gorgie sa kaniya. “Ay true!” Sinang-ayunan naman iyon ni Ruan. “Alam mo ba, Emrys. Kanina pa kami kinukulit ni Galena. Akala niya siguro itinatago ka namin,” nakangiwing sumbong ni Ruan sa kaniya. Napailing si Emanya. “Sinabi mo pa. Naiirita talaga ako sa tuwing nakikita ko ang babaeng ‘yon,” anito. “Ano ba ‘yan,” ani Gorgie. “Change topic. Huwag na natin pag-usapan ‘yang mga bagay na makakapagsira ng mood natin. We are here to party guys. Haleeer!” maingay nitong sambit. Namumula ang pisngi nito. Halatang nakainom na ang mga ito. “Idi umpisahan mo na magkuwento,” ani Ruan rito. Makahulugang tingin ang iniukol ni Gorgie sa kaniya saka tumili bigla nang malakas. Halatang hanggang ngayon ay kilig na kilig pa rin ang bruha. “Kyahhh! Hmmn… Paano ko ba ipapaliwanag ‘yong feeling na nakadaupang palad ko lang naman si Gila Cox. Goshness!” pagbabalita nito. Gulat na napatayo si Ruan. “Where did you see him?” “Doon banda.” Inginuso ni Gorgie rito kung saan nila nakita kanina ang lalaki. Nagpalingon-lingon si Ruan at hinanap ang tinutukoy ni Gorgie. Malakas nitong hinampas sa balikat ang kanilang kaibigan. “Bakit hindi mo sinabi? Sana nakadaupang palad at nakausap ko rin. Ano ba ‘yan?” dismayadong napabagsak ito ng upo. Gulat siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Hindi siya makapaniwala na pinag-aawayan ng mga ito si Gila. “Huwag kang mag-alala. Nandito ang friends nating si friend ni Gila, ‘diba? Nakakalimutan mo na ba?” ani Gorgie. Napapalakpak naman si Ruan pagkatingin sa kaniya. “Ay, oo nga pala ‘nuh!” “Bakit kayo nakatingin sa’kin ng ganiyan?” kabadong tanong niya sa mga ito. Ipinagsiklop ni Ruan ang mga daliri sa kamay nito at nakiusap sa kaniya. “Emrys, please… Nais ko lamang makakita ng future Alpha,” nakalabing sambit nito. “Haysss!” angil niya. “Ganiyan talaga ‘yang mga iyan. May tama na kaya huwag ka nang magtaka, Emrys,” ani Emanya habang iiling-iling. “Sige na nga,” sumusukong sambit niya. “Wait lang kayo.” Inilabas niya ang kaniyang phone at itinext si Gila. Her: Hey, puwede bang puntahan mo kami magkakaibigan? Nais ka lang makilala ng iba ko pang kaibigan. Ayaw mo pa niyon, sikat na sikat ka. Hehe. “Na-text ko na,” aniya sa mga ito. Kumuha siya ng French fries mula sa plato at isinubo iyon. Bahagya siyang nagutom. “Bakit ka kaya hinahanap ni Galena? Hindi ka niya sana makita. Serves her right,” ani Ruan. Sumubo muli siya ng French fries at ngumuya. Inibot niya ang tingin at naghanap siya ng pagkain. “There you are, Emrys,” nakangiting bungad ni Galena sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya. “B-Bakit?” nauutal na tanong niya rito. “Speaking of the devil,” bulong ni Ruan na ang totoo’y ipinarinig nito. Sinasadyang inilapit ni Galena ang bibig sa kaniyang tainga at bumulong. “Gila’s here… Puwede mo ba akong ipakilala sa kaibigan mo? Pleaseee!” Tuluyan nang nalaglag ang kaniyang panga. Ano bang meron sa mokong na iyon at gustong-gusto ng mga itong maipakilala sa lalaking iyon? Masamang tingin ang iniukol sa kaniya ng tatlo. Magsisinungaling sana siya na hindi niya pa nakikita ang lalaki ngunit biglang sumulpot si Gila sa kanilang harapan. “Hello, ladies!” guwapo ang ngiti na bati nito. May hawak baso ng inumin sa kamay nito. “H-Hi,” parang mahihimatay na sambit ni Galena. Sa huli’y napaikot niya na lamang ang kaniyang mga mata sapagkat hindi nakaligtas sa kaniya na gustong-gusto rin ni Gila ang atensyon na natatamo nito ngayon. “Excuse me,” hindi siya nakapagtiis. Nagpaalam siya sa mga kaibigan ngunit tila wala man lang nakapansin sa mga ito ng kaniyang sinabi. Dismayado siyang naglakad palayo sa tumpukan na iyon at nagtungo sa gilid ng hardin. “I bet she’s very relax now. Tsk! Natulog na lamang sana ako,” mahinang sambit niya sa sarili. Nabuburyong pinagpipitik niya ang hintuturong daliri ng kaniyang kaliwang kamay. Nakatayo lamang siya roon, malayo sa mga kaibigan nang makarinig siya ng mahinang pagsipol mula sa kaniyang likuran. Laking gulat niya nang mabungaran niya ang isang lalaki na mayroong pulang buhok. “Hello, Miss!” nakangiti siya nitong kinawayan. “Anak ng teteng!” gulat siyang napatalon. Tinawanan lamang siya nito. Bahagya siyang nailang. This is the very first time na may nag-approach sa kaniya na stranger sa isang party. “Sobra mo naman palang magugulatin, miss!” nakangising pang-aasar nito sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya agad nagustuhan ang sinabi nito. “Excuse me.” Awtomatikong sumeryoso ang kaniyang mukha rito. Akmang lalagpasan na niya ito nang mahigpit nitong hawakan ang kaniyang braso at pigilan siya. “Saglit lang miss,” lumaki ang pagkakangisi nito sa kaniya. Tuluyan siyang kinilabutan at nag-umpisang magpumiglas dito. “I don’t know you. Bitiwan mo ako,” mariing banta niya sa lalaki. “That’s impossible, miss.” Inayos nito ang suot na necktime at lumuhod sa kaniyang harapan. Ang sumunod na pangyayari ay tuluyan nyang ikinatili. Halos kaladkarin na siya nito palapit sa gitna ng garden kung saan nagsasayawan ang mga binata at dalaga. “Let’s dance, miss…” Nanlalaki ang mga mata niya sa pinaggagawa ng estrangherong lalaki sa kaniya. “Please stop this!” mariing pakiusap niya rito. Pilit niyang iwinawaksi ang kamay nito sa kaniyang braso. “I don’t know you so stop touching me or else, I’ll scream for help and you’ll be dead.” Humalakhak lamang ito at ipinatong ang mga kamay sa kaniyang bewang. Ngunit hindi pa nito iyon nagagawa ay may kamay nang humila sa mga kamay ng maniac na lalaki. “Excuse me. Masama ang ginagawa mong pamimilit sa babae, dyud,” Muntik nang lumuwa ang kanyang mga mata pagkakita kay Gila. Kumunot lamang ang noo ng lalaki dahil sa sinabi ng heneral. “Gila!” nasisiyahang sambt niya sa kaniyang tagapagtanggol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD