Chapter 29

2299 Words
“Is that cookies, Emrys?” nakangiting tanong ni Ruan habang nakasilip sa loob ng paper bag na bitbit niya. Kagat-labi siyang nagnakaw ng sulyap kay Graza ngunit may sarili itong mundo at si Emanya. Alanganin siyang tumango kay Ruan. Malakas nga pala ang pang-amoy nito at mahilig ito sa matatamis kaya naman madali nitong nahulaan ang laman ng kaniyang bitbit. Hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng pagka-guilty. The cookies were specially made for someone else. Ipinabitbit na lamang iyon ng kanilang katulong sa kaniya kanina nang paalis na siya patungo rito sa school. Ikinagulat niya iyon. Nang itanong niya kung para saan iyon ay agad naman nitong ipinaliwanag na kabilin-bilinan umano ng kaniyang ina na para iyon kay Galena. “Wow!” Nakasalamin sa boses nito ang excitement. “Alam mo mag-bake. Napakagaling mo naman, Emrys!” “No!” maagap niyang tanggi at tuluyan siyang napakamot sa kaniyang sentido. “Uhmnn,” nangapa siya ng sasabihin bago nagpatuloy at umamin, “my mom bake this for Galena.” Halatang nagulat ito sa kaniyang sinabi. “Galena?” hindi makapaniwalang sambit nito. “Muntikan ko nang makalimutan na close nga pala ang mga magulang niyo ng babaitang ‘yon.” Nahihiyang tango ang isinagot niya rito. “Ninong at ninang niya ang aking mga magulang, Ruan.” “I-Ipagbi-bake ko kayo next time,” kagat-labing sambit niya rito. Nakalabi itong ngumiti at kinurot ang kaniyang pisngi. Hindi niya iyon inaasahan. “Aba’y dapat lang, nuh,” sambit nito habang nanlalaki ang mga mata sa kaniya. “Makakaasa ka, Ruan. Ako mismo ang magbi-bake para sa inyo,” nakangising sambit niya rito. Napangiwi ito. “Depende kung mas masarap ang mismong bake mo kaysa sa bake ng mama mo,” anito. Natawa siya dahil sa sinabi nito. “Huwag kang mag-aalala,” paniniguro niya rito. “Paniguradong makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo ang cookies ko,” pagyayabang niya rito. “Siguraduhin mo lang,” nakangiwing sambit nito. “Saglit lang,” paalam niya rito. “Yayayain ko lamang si Graza. Ibibigay na namin ito kay Galena bago ang klase.” Kumunot ang noo nito at hinarangan siya. “Ako na lang ang sasama sa’yo kung gano’n,” anito. Nagliwanag ang kaniyang mukha sa sinabi nito. “Talaga. Sige ba!” ani niya rito. Nag-aalinlangan naman kasi siyang guluhin ang kapatid. Mukhang nagkakatuwaan pa naman ito sa pagkukuwentuhan at si Emanya. Nasa mismong pathway na sila nang makasalubong niya si Gorgie. “Bestfriends!” masayang pagsisigaw nito habang nagtatakbo papalapit sa kanila. It has been a month. Unti-unti na rin silang nasasanay ni Graza. Pinagtitinginan pa rin siya ng ibang mga estudyante ngunit hindi na kagaya noon na pagtatawanan pa siya ng mga ito at kung anu-anong mga masasakit na salita ang binibitawan sa kaniya. Tila ba sa paglipas ng mga araw ay naging normal na rin ang pagtingin ng mga ito sa kaniya. Parang hindi na nga siya nag-e-exist. Mayroon na rin siyang mga kaibigan na kalog at weirdo ngunit maituturo niyang tunay. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang mga ito. “Sa’n kayo pupunta?” nakangiting tanong nito sa kanila. Nagkatinginan sila ni Ruan. Inilapit nito ang bibig sa gilid ng tainga ni Gorgie at may ibinulong rito. “Ah,” nakangiwing sambit nito at sinamaan siya ng tingin. “Next time, Emrys… Kami naman ang bigyan mo ng cookies. Nangako ka kay Ruan!” nakangising sambit nito. Natatawang napatango siya rito. “Akala ko pa naman ay ano na. Don’t worry. Kahit araw-arawin ko pa ‘yan.” Inakbayan siya ni Ruan at sumunod si Gorgie. Nasa gitna siya ng mga ito. “Tatandaan namin ‘yan, Miss President.” Nagtatawanan sila nito nang marating nila ang klasrum nila Galena. Awtomatiko silang natigil sa kanilang pagtatawanan. “Bilisan mo na, Emrys.” Itinulak siya ng mga ito. “Hmnn…” Ramdam niya ang awkwardness. Nakatingin sa kaniya ang lahat. “Pssst!” Napalingon siya sa estudyanteng sinitsitan nina Ruan at Gorgie. Huminto iyon sa kaniyang gilid at nilingon sila Ruan. Nakakunot ang noo. “Ano ‘yon?” seryosong tanong nito. Agad niya naman na-gets. “Miss, pakitawag naman si Galena,” pakiusap niya rito. Tumango naman ito. “Okay,” tipid nitong sambit saka naglakad papasok. Nakikipag-usap si Galena sa mga kaibigan nito nang lapitan nito nung babae. Kunot-noo itong napalingon sa kanila at napangiti nang makita siya. Kumaway ito sa kaniya habang papalapit. “Hello, guys!” bati nito sa kanila nang makalapit. “Hi,” tipid niyang sambit rito habang nakangiti. Inabot niya rito ang paper bag na ipinapabigay ng kaniyang ina rito. “Ano ito?” kyuryos nitong tanong nito sa kaniya. “Cookies,” sagot niya rito. Bumilog ang mga mata nito. “Ikaw nag-bake?” Inamoy nito ang loob ng paper bag. Umiling siya rito. “No,” maagap niyang sagot rito. “Mom did. Ipinapabigay niya sa’yo.” Nanlaki ang mga mata nito. “Si Ninang? Gosh! It has been long time since I taste her cookies.” Sinilip muli nito iyon at nginitian siya. “Thank you, Emrys!” Pinanlakihan siya ng mga mata nang halikan siya nito sa pisngi. “Walang anuman,” nakangiting sambit niya rito. “Sige na, Galena. Kailangan na naming bumalik at baka ma-late na kami.” Naroroon pa rin ang ngiti nito. Nilingon nito ang mga kasamahan niya. “Thank you, girls!” Kumaway ito sa mga kaibigan niya. Ngunit tinalikuran lamang ito ng dalawa. “Hmnn. Bye, Galena.” Patakbo niyang hinabol ang dalawa na nakalayo na. Inakbayan niya ang mga ito nang mahabol. “Hintayin niyo naman ako,” nakangiwing habol niya sa kaniyang hininga nang maabutan ang mga ito. “Pasensiya ka na, Emrys pero hindi ko talaga masikmura ang kaplastikan ng babaeng ‘yon,” ani Ruan. “Correct,” sulsol ni Gorgie rito. “Sorry na,” paghingi niya ng tawad sa dalawa. “Hmnn. Ganito na lang, daan tayo sa canteen. Ililibre ko na lamang kayo ng mas masarap pa sa cookies na ‘yon. Ano game?” suhestiyon niya sa mga ito. Nagkatinginan ang mga ito at iniwan muli siya. Tumakbo ang mga patungo sa canteen at kinawayan siya. “Bilisan mo, Emrys bago tayo maabutan ng first period!” singhal ni Gorgie sa kaniya. Nakangisi siyang humabol sa mga ito. “Ang sarap naman talaga kapag libre,” nangingiting sambit ni Ruan habang in-enjoy ang ice cream nito. “Exactly,” ani Gorgie na French fries naman ang nilalantakan. Malapit na sila nang makasalubong nila si Kiko. Kasama nito ang dalawang alalay nito. Ngayon niya na lamang nakita ang dalawang iyon. Nagtatawanan ngunit awtomatiko rin na nabura iyon pagkakita sa kaniya. “Oh, kumusta classmate?” nakangising tanong nito sa kaniya. Binugahan siya nito ng usok ng sigarilyo na animu’y sinong maangas. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Nagkaamnesia ba ito? Last time she check, kaawa-awa ang kalagayan nito at paniguradong mas kawawa ito kung hindi niya ito tinulungan. Napairap na lamang siya sa ere. “Huwag mo na lang pansinin ang loser na ‘yan, Emrys,” ani Ruan at hinila na siya paalis. “Sinong loser ang tinutukoy mo?” hindi na maipinta ang mukha nito sa pangangalit. “Ikaw, sino pa ba?” ani Ruan sa mismong mukha nito. Akmang manununtok ito nang isang bola ng soccer ang tumama sa mukha nito. Nagtataka itong napalingon. “P**yeta! Sino ‘yon?!” asik nito. Maang na nagkibit-balikat ang mga kasamahan nito. “B-Boss, nagdurugo ang ilong mo,” nanginginig na sambit ng isa habang nakaturo sa ilong ng lalaki. “Sh**!” anito. “Dalhin niyo ako sa hospital.” Nagpanic ito pagkakita sa dugo. Napapailing na napabuntong-hininga sila tatlo saka sila nagpatuloy sa paglalakad. “Digital na talaga ang karma ngayon,” nakangising parinig ni Ruan sa mga ito. “Sinabi mo pa!” dagdag ni Gorgie. Iniwan nila ang mga itong natataranta. “Hindi pa tayo tapos, Emrys!” rinig niyang sambit nito. Itinaas lamang niya ang kaniyang thumbs-up sa ere habang naglalakad sila paalis. Hindi inaasahan na napahinto siya habang nagda-drawing. Naputol ang dulo ng kaniyang lapis. Maang siyang napatitig roon. “Mali,” bulong niya sa kaniyang sarili. “Anong sabi mo, Emrys?” tanong sa kaniya ni Graza. Hindi niya akalain na naisatinig niya pala ang iniisip. “Ah,” anito habang nakatingin lapis niya. “Akin na. Tatasahan ko,” suhestiyon nito. Hindi na siya nakatanggi nang bitbitin nito ang kaniyang lapit at tumayo ito upang magtungo sa pinakamalapit na trashcan. Napahawak siya sa gilid ng kaniyang tainga. Paano’y ang kaninang bumabagabag sa kaniyang isipan ay tuluyan niya nang nahanapan ng butas. Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. Kagat-labi niyang nakagat ang ibabang labi habang matamang pinagmamasdan ang daliri ng kamay niya. “Walang kuko ang isang hinliliit ng kaniyang kamay,” sambit niya sa sarili at napapitik siya sa hangin. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang napagtanto. Iyon mismo ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Nilingon niya ang case sa ibabaw ng lamesa ni Graza at kinuha mula roon ang lapis ng kapatid. Nag-umpisa siyang gumuhit sa blangkong pahina ng kaniyang notebook. Masyado siyang nakatutok doon na hindi niya na namalayan ang pagbalik ng kapatid sa kaniyang tabi. “Ano ‘yang idinu-drawing mo?” kyuryos na tanong nito sa kaniya. Napangiti siya at ipinakita rito ang hinlilit na kukong iginuhit niya. “See for yourself,” nakangising sambit niya. Awtomatikong kumunot ang noo ng kaniyang kapatid. “You’re so weird.” Umiiling na inagaw nito ang sariling lapis mula sa kaniyang kamay at ipinalit doon ang sarili mismo nitong lapis. “I knew,” nakangising sagot niya rito saka napairap sa ere. Naupo na muli ito seryosong itinuon ang sarili sa pagkokopya ng notes na nasa whiteboard. Ibinalik niya na lamang ang tingin sa kaniyang idinudrawing at nang matapos ay naisip niyang ilagay ang petsa roon. “Ano na ngang petsa ngayon, Graza?” tanong niya sa kapatid. Nakukulitan na inismiran siya nito. “Naroon sa whiteboard, oh,” nguso nito sa harapan. Nagpipigil ng tawa na napatango siya rito. “Sorry naman, Graza. Nakalimutan ko nga kasi.” Natatawa na talaga siya. “Okay,” tipid nitong sagot. Nakalabi niyang isinulat ang petsa sa kaniyang drawing ngunit natigilan siya nang mapagtanto na biyernes ang araw ngayon. “Byernes pala ngayon?” nanlalaki ang mga matang sambit niya. “Napakadami mo namang tanong, Emrys,” muling angil ni Graza. Talagang naiirita na yata ito sa kaniya. Humugot siya ng malalim na hininga at tumingkayad sa upuan upang mapadikit sa kapatid. “Graza, may sasabihin nga sana ako.” Nangingiti siya at handa nang maglambing sa nagsusungit na kapatid. Salubong ang kilay na nilingon naman siya nito. “Ano na naman ba kasi ‘yon?” nanliliit ang mga matang tanong nito. Napalabi siya. “Bakit ba napakasungit mo bigla?” inis niyang tanong dito. Tila natauhan naman ito kapagdako at awtomatikong umayos ng upo. “Pasensiya na, Emrys. May narinig lang kasi ako sa likod na ikinairita ko kanina.” “Ha?” gulat niyang tanong sa kapatid saka inilibot ang kaniyang tingin. “Ano ba ‘yang narinig mo?” Ngunit kagat-labi lamang itong umiling at nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Nevermind, Emrys,” mahinang sambit nito. “It was really nothing. Masyado ko lamang pinairal ang init ng ulo ko. Hayaan mo sa susunod, paniguradong ilalabas ko na iyon agad sa kabilang tainga ko.” Hinilot nito ang sariling sentido sa noo. Hindi agad siya nakaimik. Tahimik niya na lamang na tinapik ang balikat nito. “Hindi kita pipiliting sabihin sa akin kung ano ang nangyari pero tama ka, kung hindi naman totoo at importante’y mas mabuti pang palagpasin na lamang.” Tumango naman ito. “Iyan nga ang ibig kong sabihin,” anito. Katahimikan ang saglit na namayani. Umayos na siya nang pagkakaupo sa kaniyang upuan. Nakatitig siya kay Graza habang tinatantiya ito. “Ano nga ulit ang sasabihin mo, Emrys?” untag nito sa kaniya kapagdako. Napahugot siya ng isang malalim na hininga at napailing dito. “W-Wala ‘yon. Nakalimutan ko na rin,” palusot niya rito. Nilakihan siya nito ng mga mata. “That’s impossible. Niloloko mo yata ako, Emrys, eh. Bahala ka.” Napakamot siya. “Eh, kasi yayain lang naman sana kita mag-grocery bukas ng mga ingredients na kakailanganin sa pag-bake ng cookies,” nagawa niyang aminin dito. “Cookies?” sambit nito. “Yes,” nakangiting kumpirma niya rito. Nangalumbaba ito. “Are you sure with that?” nakangiwing tanong nito. “Bakit naman hindi?” nakangising tanong niya rito. Mataas ang kaniyang confidence pagdating sa bagay na iyon. Excited na nga rin siya. Nginisihan lamang siya nito. “I wonder kung hanggang saan aabot ang dedikasyon mo.” Nag-umpisa na naman itong mang-asar mukhang nakalimutan na nito nang tuluyan ang sama ng loob kanina. “Kilala mo ako, Graza.” “Yeah. Pero pagdating sa—” Nanlalaki ang mga mata na agad niya itong pinutol. “Graza naman!” iring niya rito. Mas lumawak ang pagkakangiti nito. “Kalma, Emrys… So sasamahan kitang mag-grocery bukas?” “Exactly, Graza!” mabilis niyang sagot dito. “Wala kang ibang choice kundi pumayag.” Napahugot ito ng isang malalim na buntong-hininga. “Ano pa nga ba?” “Uhuh,” aniya rito. “But,” nanlalaki ang mga matang sambit nito na ikinabahala niya. “Ano na naman ba ‘yon, Graza?” “Siguraduhin mong sa pag-grocery lamang kita tutulungan? Others will depends on your hard work, and dedication as you said a while ago, okay?” Sinasabi niya na nga ba. “Oo na!” mariin niyang sang-ayon sa kapatid. “Good,” tipid nitong sambit habang ngingiti-ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD