Chapter 30

2297 Words
“Good morning!” malakas niyang sambit saka nagtalon-talon sa ibabaw ng kama ni Graza. Ilang beses niya na itong tinatawag ngunit tila ba napakahirap talaga para sa kaniya na gisingin ito ngayon. Nagtakip ito ng mga tainga. “Ano ba, Emrys?” nakangiwing sambit nito. “Gumising ka na kasi,” pakiusap niya rito. “Kanina pa kita hinihintay.” Para na siyang mauubusan ng pasensiya rito. Pasado alas diyes na ngunit tulog pa rin ito. Kinuha nito ang unan at itinakip nito sa sariling mukha. “Tsk,” anito. “Sabado ngayon, Emrys. Ano ka ba?” Nanlalantang ibinagsak niya ang sarili sa tabi nito. “Sabi ko na nga ba at makakalimutan mo, eh!” nagtatampong angil niya rito. “Nakalimutan?” mukhang naagaw niya ang atensyon nito at tuluyan nitong inalis ang unan na nakatabing sa sariling mukha. Piningot niya ang tainga nito. “Nagpresinta kang sasamahan ako mamali ng mga ingridients sa paggawa ng maraming cookies,” nagmamakaawang sambit niya rito. Kaya niya namang lumarga mag-isa ngunit paniguradong pagagalitan at hindi siya papayagan ng kaniyang mga magulang. Nagdilat ito ng isang mata. “Anong oras na?” tanong nito sa kaniya. “Ten twenty-six na,” sagot niya rito. Nagpakawala ito ng isang malalim na hininga at tumayo bigla. “Give me ten minutes,” nakangiting sambit nito sa kaniya. Napangiti siya dahil sa narinig. “Thank you! Yey!” nagdiwang siya habang pinagmamasdan itong pumasok ng banyo bitbit ang tuwalya. Tahimik silang kumakain ng ice cream ni Graza. Iyon ang una nilang ginawa pagkatuntong nila sa loob ng mall. Sarap na sarap talaga sila sa ice cream ng lugar na pinagkakainan nila ngayon. “Ang haba naman ng listahan na ito, Emrys,” nakangiwing angil ni Graza sa kaniya. Ipinalista niya pa iyon kay Chef Rudy. Nangako itong tuturuan siya nito mag-bake na hindi niya nagagawa sa tanang buhay niya. Magpa-practice siya ngayon. Kahit ilang beses. Hindi siya susuko. Inirapan niya ito. “Palibhasa’y hindi ka marunong magluto,” komento niya rito. Nginisihan lamang siya nito. “Pareho lamang tayo, sis,” pang-aasar nito sa kaniya pabalik. Inirapan niya ito. “Hindi tayo pareho. Mag-aaral na ako at matututunan ko na rin ‘yan soon,” pagyayabang niya rito. “At ikaw,” inikot niya ang mga mata sa ere, “taga kain na lamang kita.” Walang pakialam na tumango lamang ito. “Mas gusto ko nga ‘yan,” anito. Napahinto siya nang mamukhaan ang isang lalaki na kanina niya nakikita sa ibang lugar na pinupuntahan nila. “Sa palagay mo, ilang bodyguards ang nakabantay sa atin ngayon?” tanong niya rito. Kumunot ang noo nito. “Napansin mo rin?” pasimpleng tanong nito sa kaniya nang hindi tumitingin sa mga iyon. Tumango siya rito. “It’s so easy to spot them,” aniya sa kapatid. Sumusukong napatango ito. “Fine, I’ll get start na,” anito. “Mahigpit fifteen.” Nagkatinginan sila ng kapatid. Fourteen lamang ang bilang ni Emrys kaya naman nalito siya nang tuluyan. Napakamot siya sa kaniyang buhok. Hanggang ngayon ay nininerbiyos pa rin siya. “Sino pa bang hindi ko nabibilang?” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “The waiter,” anito. Nagkatinginan sila ng kapatid. “Here’s your order, ma’am.” Muntikan na siyang matilihan pagkalapag ng waiter sa pagkain nila. Tama nga ito. Excited silang namili ni Graza. First time niya itong maranasan. Iyong tipong hindi lamang mga pagkain ang ipinapasok niya sa cart kundi mga ingridients na kakailanganin niya sa paggawa ng cookies. “Napakadami na nito, Emrys. Mabubuhat pa ba kaya natin ‘to?” tanong nito sa kaniya. “Shhh!” saway niya sa kapatid at nag-concentrate sa ginagawa. Hindi nila inaasahan ang nakita pagkaliko nila sa isang section ng grocery store. “Emrys? Graza?” hindi makapaniwalang sambit ni Ruan. May tulak din itong cart. Nagtatalon sa tuwa nitong binitawan ang hawak na cart. “Uy! Ruan!” Masaya siyang lumapit rito at hinawakan ang braso ng kaibigan. Natawa ito. “See?” panggigilas nito. “Napakaliit nga naman ng mundo at hanggang ngayong Sabado ay nagkita tayo dito ngayong tatlo.” “Yeah!” nakangising sang-ayon niya rito. Tinanggap niya ang pakikipag-apir nito sa kaniya. Nanlaki lalo ang mga mata nito nang may maalala. “Sakto magkikita nga pala rin kami ni Emanya ngayon,” anito. “Talaga ba, Ruan?” natutuwang sambit ni Graza. Alam niyang gustong-gusto nito kasama si Emanya. Tumango si Ruan. “Yeah! Magpapatulong daw siya maghanap ng gift na ibibigay sa pamangkin niya at nagkataong hindi naman ako busy.” “Ah,” napatango siya. “That’s good to hear,” aniya. Kumunot ang noo nito pagkakita sa lamang ng cart nila. “Napakadami naman niyang pinamili niyo. Isang buwang supply?” tanong nito sa kanila. Nagkatinginan sila ni Graza. Pagak siyang natawa. “Ingridients ‘yan ng mga cookies,” amin niya rito. “Cookies?” kuminang ang mga mata nito sa narinig. “Uy, mukhang matitikman na namin sa Lunes ang cookies mo, Emrys,” excited na sambit nito. “A-Ah,” maang silang nagkatinginan ni Graza sa isat-isa. “Kapag sinipag ako magluto bukas.” Sinabi na lamang niya. Ayaw niya rin naman mangako ng alanganing araw. Pagkatapos nila mag-grocery, dumiretso sila sa isang stall. Hinintay nila roon si Emanya. Wala pa ang kalahating oras ay hinihingal nang dumating si Emanya. Nagdesisyon sila na mag-lunch na lamang ng sabay. Sumakay sila sa service nila Emanya at agad naman silang nakarating sa isang sikat na sea-food house. Si Ruan mismo ang nag-suggest niyon dahil sobrang nagugutom na daw talaga ito at nagki-crave raw ito ng sea foods kaya naisipan nitong yayain si Emanya. “Mahilig kayo sa sea foods?” pansin niya kay Ruan. Sarap na sarap kasi ang mga ito sa paglantak niyon. Tumango si Ruan. “Yes,” walang pag-aalinlangan na amin nito. “Better than heavy meals like noodles. Ikaw ba?” tanong nito pabalik sa kaniya. “Basta hindi palagi. Madali lamang kasi akong magsawa,” amin niya rito. Pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Napangiwi si Graza. Ayaw talaga nitong magpaawat. Palibhasa’y mahilig rin ito sa gano’n. Pagkatapos nilang kumain ay nag-usap lamang sila saglit habang naghahanap sila ng regalong ibibigay sana ni Emanya sa pamangkin nito. “Babae ba ang pamangkin mo, Emanya?” tanong niya rito. Mabilis naman itong tumango. “Yes, babae nga siya, Emrys.” Napangiti siya. “Try mo regaluhan ng mga damit.” “Damit?” kumunot ang noo nito. “Yeah,” mabilis niyang sagot rito. “Parang ayos nga iyon, Emanya,” pagsang-ayon ni Ruan sa kaniya. “Okay,” ani Emanya. “Ang cute nito.” Itinaas niya ang isang aesthetic na gown na nasa kaniyang kamay. “Akin na ‘yan, Emrys,” untag ni Emanya sa kaniya. “Ito na ang bibilhin ko.” Nagulat siya sa ipinahayag nito. “Sure ka?” paniniguro niya rito. Nasambit lang naman niya ang cute out of nowhere. Of course, cute naman talaga ang gown ngunit hindi siya makapaniwalang may sumang-ayon sa taste of fashion niya. “Iyan na ba ang bibilhin mo, Emanya?” tanong ni Ruan dito. “Oo,” sagot nito. “What do you think, Ruan?” kagat-labing tanong niya sa kaibigan. Nais niya pa rin marinig ang opinyon nito. Sinuri nito ng tingin ang hawak na gown ni Emanya. “Nice!” tatango-tangong saad nito. “Gusto ko ang design niya. Simple lamang pero very attractive. Lakas maka-classy.” “See?” makahulugang sambit sa kaniya ni Emanya. Tila ba proud ito sa naging suhestiyon niya samantalang heto siya kanina at nagdadalawang isip. “Iyan na ang ireregalo mo?” tanong ni Graza rito. “Akala ko maghahanap ka ng gamit sa pagpi-paint?” Iyon naman pala. Inilibot niya ang kaniyang tingin upang hanapin kung saan ang section para sa mga school supplies. Itinuro niya ang nasilayan sa mga ito. “Doon ang section para sa school supplies, oh,” nguso niya pa sa mga ito. Tumango naman agad ito. “Don’t worry, bibili pa rin naman ako no’n, Graza.” “Uhm, okay,” ani Graza. Nagpatiuna na itong maglakad. “Hintayin mo ako, Graza!” pakiusap ni Emanya dito. Napangiti siya habang tinatanaw ang mga ito. Sa kanilang magkakaibigan, napansin niya na higit na magkalapit ang loob nina Emanya at Graza. Masaya siya para sa kaniyang kapatid. Hindi naman kasi nagkakalayo ang ugali ng dalawa. Kung sa kaseryosohan lamang ay walang tatalo sa mga ito. Magkasabay na tinungo ng mga ito ang school supplies section. “Kita mo nga itong dalawa na ito,” naiiling na komento ni Ruan na nasa kaniyang tabi ngayon. “Hindi na tayo hinintay. Grabe lang!” Natawa na lamang siya. “Hayaan mo na.” Naikiling nito ang ulo sa kanan kapagdako. “Sabagay… Nakita mo naman noon, halos hindi mahiwalay sa tabi mo ang kapatid mong si Graza. Mabuti na ‘yang ganiyan ngayon.” Saglit siyang hindi nakaimik. Tama nga ang tinumbok ni Ruan. Iyon ang mga panahon na hindi nila maialis dalawa ni Graza ang pag-aalala kapag hindi nila nakikita ang isa’t-isa. Simula pagkabata’y hindi na talaga sila mapaghiwalay kaya naman hindi nila agad iyon naiialis. Ngunit masaya siya at nakilala nilang dalawa magkapatid sila Ruan, Gorgie at Emanya. Masaya silang kasama ang mga ito. Ramdam niyang itinuturi talaga sila ng mga ito na tunay na kaibigan. “Natutuwa akong nakikita na nagtitiwala si Graza sa ibang tao ngayon Ruan puwera sa akin. Alam mo bang hindi ko maipaliwanag ang saya ko na nakilala ko kayong lahat,” sinserong pahayag niya sa mga ito. “Ipinaramdam niyo sa amin magkapatid kung gaano kasaya at kasuwerte na magkaroon ng sinserong kaibigan.” Huminto si Ruan at hinarap siya. Inabot nito ang kaniyang mga kamay. “Masayang-masaya rin kami at naging parte kayo ni Graza ng aming pagkakaibigan, Emrys. Huwag sana kayong magbabago kahit na palagi’y para kaming mga sira.” Sinundan nito ng pagak na tawa ang sariling biro. “Mahilig sa pagpinta ang pamangkin ni Emanya,” sambit niya. “Yeah,” anito. “Alam mo bang napakahusay ng batang iyon? Tuwing birthday ng Pinunong Salya ay ipinapadalhan niya ito ng regalo—” “Ipinipinta niya ang Pinunong Salya?” hindi nakatiis na dugtong niya sa sasabihin nito. Napapitik ito sa ere. “Exactly, Emrys. Paano mo nalaman?” nagdududang tanong nito sa kaniya. Bahagya siyang natigilan. Tuwing kaarawan ng Pinunong Salya’y palagi siyang naroroon at inaanyayahan siya palagi ng pinuno na tulungan itong magbukas ng mga regalo. “I think I saw that paint you were talking about,” halos pabulong na sambit niya rito habang nanliliit ang mga mata. “Ha?” gulat na singhal nito sa kaniya. “Papaano namang nangyari iyon gayong tanging ang pinuno lamang ang may karapatang magbukas ng mga regalong natatanggap niya. That’s impossible, Emrys. Baka ibang paint ang tinutukoy mo,” alumpihit na atungal nito sa kaniya. “No,” mariin niyang sambit dito sabay iling. Sinenyasan niya itong lumapit sa kaniya at may balak siyang ibulong dito. Agad naman itong tumalima sa kaniya. “I will tell you a secret, just between us, okay?” paniniguro niya rito. Hindi iyon alam ni Graza kasi wala naman itong balak makinig tungkol sa gano’n klaseng usapin. Isa pa, kung nabanggit man niya sa kapatid, paniguradong nakalimutan na rin agad nito. Kilala niya na ito. Maang na napatango ito. “Okay,” mahinang sagot nito sa kaniya. Inakbayan niya ito at inilapit ang bibig sa gilid ng tainga nito. “Tuwing kaarawan ng pinuno, doon niya ako pinapatulog sa palasyo at ako ang lihim na pinagbubukas niya ng mga natatanggap niyang regalo,” mahabang pahayag niya sa kaibigan. Awtomatikong bumilog ang mga mata ni Ruan dahil sa kaniyang sinabi. “Nagbibiro ka ba, Emrys?” nanliliit ang mga mata nito. Naiintindihan niya naman kung bakit hindi siya agad nito mapaniwalaan. “Bakit naman kita lolokohin?” asik niya rito. “Mukha ba akong nagbibiro?” Tinawanan lamang niya ang naging reaksyon nito saka namaywang at nagpatiuna nang maglakad upang habulin ang dalawa. “Weh? Hindi nga?” Hinabol nito si Emrys. “Shhh!” saway niya rito. “Huwag kang mag-iingay sa iba. Sekreto lang natin ‘yon.” Sinadya niya muli itong hintayin at pagbantaan. Mahirap na at baka isipin nitong nagbibiro lamang siya kahit hindi naman talaga. Nakaawang nang bahagya ang bibig nito at halatang hindi talaga ito makapaniwala. Napangiti siya nang tumango naman ito sa huli. “T-Tatandaan ko ang sinabi mo.” “Good!” sambit niya rito saka ito hinila paalis. Naabutan nila ang dalawa na nagtitingin ng mga aesthetic na gamit. Na-excite siyang bigla pagkakita sa mga paint brush. “Ruan!” tawag niya rito. “Halika bilis. Tignan mo itong mga paint brush. Ang ku-cute!” Tinignan naman nito ang hawak niyang paint brush. Pagak itong natawa pagkadako. “Ang ganda nga…” Ngunit tila ba wala pa rin ito sa sarili. Hindi niya na lamang pinansin pa ang aksyon nito. “E-Emrys.” Kunot-noo siyang napalingon dito. “Oh?” Napahugot ito ng isang malalim na hininga at tila ba nagdadalawang isip na magsalita. “Kung totoo nga ang sinasabi mo, ibig sabihin… Pinagkakatiwalaan ka ng pi—” “Sige, Ruan…” Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. Mabuti na lamang at maagap niyang natakpan ng palad ang bibig nito. “Mamaya! Ha! Pag-usapan natin ‘yan mamaya.” Kabado siyang kumindat dito. Nakahinga naman siya nang maluwag nang tumango ito. Mukhang naintindihan naman na siya nito. Napahawak siya sa kaniyang dibdb. Muntikan na itong marinig ng babaeng dumaan sa kanilang gilid. She swear, hindi nila gugustuhin ang epekto kamag narinig iyon ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD