“Knock. Knock.”
Kasalukuyan siyang nagdidilig ng mga halaman nang makarinig siya ng malalakas na katok mula sa pinto ng kaniyang kuwarto.
Hindi niya pa tapos magdilig sapagkat madali lang naman iyon rito.
Ngayong araw ng Linggo, madami na siyang natapos na gawaing bahay. Hinihintay niya na lamang na pumunta si Galena at sinurpresa silang lahat.
“Anong oras na ba?” inusyuso niya ang oras sa malaking orasan na nakadikit sa pader ng kaniyang kuwarto. Nanlaki ang mga mata niya pagkumpirma. “Halah. Tanghali na pala. Jusmiyo!”
“Nariyan na po! Pababa na!” maagap niyang bilin rito. Patakbo niyang dinala ang notebook na ipinabasa sa kaniya ng babae.
Naabutan niya ang chef na na abala sa kusina.
“You're here,” bati nito sa kaniya.
Ngumiti siya sa matanda nang tipid. Kulubot na ang mukha nito ngunit napakaganda pa rin nito.
“Opo, Chef!” masiglang sagot niya rito.
“Let's get started,” makahulugang sambit nito.
“Yes, Chef.” Nanlulumo niyang pinagmamasdan ang mga cookies na gawa niya sa huli pagkatapos ng ilang araw. Marami siyang nagawa ngunit hindi nakakatakam ang hitsura.
“Nakakadismaya, Miss,” naiiyak na sambit niya sa ginang. “Ang pangit ng gawa ko.”
Marahan nitong hinaplos ang likod niya. “It's okay, Emrys,” anito. “Believe me or not, your output is far more acceptable than the others I knew. First time should become our experience. Not an exact perfect. Just go with the flow,” dagdag pa nito.
Nakangiti siyang tumango nginit sa ginang. “I undertand, Chef. Hindi ko po kakalimutan ang mga aral niyo.”
Masaya itong tumango at ginulo ng kaniyang buhok.
“Buksan mo, anak,” utos sa kaniya ni Calope. Mahinahon lamang ang boses nito.
Napakurap siya at bahagyang nag-alinlangan. “H-Huwag na ma,” pakiusap niya sa kaniyang sa ina.
“Ano ka ba, anak?” napahagikhik ito. “Nahihiya ka ba sa’kin? You're my daughter. Bakit ka naman mahihiya?” pangungumbinsi nito sa kaniya.
Sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang ipakita rito.
“Awesome!” hindi niya inaasahan ang pagpuri ng kaniyang ina sa kaniya. “You're pure with thought. This cookies were not perfect but it is worth it for this is your first time,” anito.
Napangiwi siya. “Mom, no one would even like to taste it,” tila siguradong sambit niya rito.
Malungkot na nagsalubong ang kilay nito. “How did you know already?” kuwestiyon nito sa kaniya. “That's too early to say anak.”
Napayuko siya at pinagmasdan ang mga ito. Kumuha siya at inabot iyon sa kaniyang ina. “Woukd you like to taste this one, mom?” tanong niya sa ina na ikinangiti nito nang malawak.
Awtomatiko itong tumango. “Yes naman, anak. Why not?” Kinuha nito iyon at tinikman. Pinagmasdan niya lamang ang ina at nagulat siya nang maubos nito iyon. “Yours isn't taste like made by a first timer,” nasisiyahang komento ng ina.
Napahagikhik siya sa papuri nito. “Binobola mo lamang po ako, eh.”
“Ofcourse, not,” anito. “Kung ayaw mo pa ring maniwala. Go, puntahan mo ang Daddy mo, si Graza at iba pang katulong dito sa bahay na malapit sa'yo.”
Nasisiyahang napakamot siya. “Paniguradong aasarin nila ang cookies ko,” nahihiyang sambit niya.
Umiling ang kaniyang ina. “Trust me anak. Magbabago sila ng isip once matikman nila ang cookies mo. Trust yourself, hija.” Pag-eencourage ng ina sa kaniya.
“Gagawin ko ‘yan, mom kaya sige na po.” Kumaway siya sa ina. “I'm going to talk to dad.”
Tumango ang kaniyang ina sa kaniya. “Have faith, anak.”
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at naglakad patungo sa opisina ng kaniyang ama. Huminto siya at tatlong magkakasunod na katok ang iginawad sa pinto pagkatapos.
“Bukas ‘yan,” rinig niyang sambit ng kaniyang ama.
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at pumasok. Nakayuko ang kaniyang ama at tutok na tutok ito sa mga papeles na nasa harapan nito.
“Dad,” kagat-labing tawag niya rito.
“Yes, anak?” nanatili itong seryoso.
Binasa niya ang kaniyang labi ng sariling laway. “Hmnn. Ipagtimpla ko kayo ng kape, dad?” suhestiyon niya rito.
Napangiti ang kaniyang ama nang malawak. “Sige anak,” anito.
Masaya siyang lumabas at tinungo ang kusina upang ipagtimpla ito ng kape ang ama.
“Anak, akala ko ba’y bibigyan mo ang ‘yong ama?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.
“Gusto ni papa na magkape ma,” masayang sagot niya rito habang inihahanda ang kape ng ama.
Nasisiyahan naman itong napangiti.
“Mom, paano po ba ang timpla ng kape ng papa?” tanong niya rito.
Ginabayan naman siya nito kaya natapos siya agad sa kaniyang ginagawa. Sinamahan siya ng ina pagpunta sa opisina ng kaniyang papa ngunit nanatili lamang ito sa labas at tahimik silang pinapanood.
“Heto na po ang mainit niyong kape, papa.” Inilapag niya iyon nang maingat sa gilid ng table ng ama. Inilapag niya rin sa tabi nito ang platito na pinaglagyan niya ng cookies.
Nagulat siya ng agad na dumampot niyon ang kaniyang papa at isinubo. Kumunot ang noo nang sunod-sunod nito iyong nilantakan.
“Anak,” tawag nito sa kaniyang pansin habang nginunguya sa bibig ang cookies.
“Yes, ‘pa?”
Nag-angat ito ng paningin sa kaniya. “I have visitors later, anak. Pagkalabas mo rito, bumalik ka na sa loob ng kuwarto mo at isiot mo ang maskara mo. You can't let any outsider see your face, anak. Not now,” mariing sambit ng ama.
“Ah,” naiwan na bahagyang nakaawang ang mga bibig niya. “Gagawin ko po ‘yan, dad.”
Napatango ito. “Good,” komento nito. “Who bake the cookies?” kunot-noong tanong nito bigla na ikinalunok niya nang malapot. Mukhang mapapagalitan pa siya nito ngayon nang wala sa oras.
Pero naubos naman nito.
“A-Ako po, dad,” medyo alanganing amin niya rito.
“Okay,” anito. “Mas masarap ito kumpara sa gawa ng ‘yong mama-"
“Really, papa? Masarap po ba talaga siya?” natutuwang tanong niya sa ama at napapalakpak.
Nakatikom ang bibig na tumango ito. “But,” nakangiting sambit nito at iniling ang hintuturo bago nagpatuloy, “please, huwag mo na lamang banggitin sa kaniya na muntik ko nang sabihin na mas masarap ang cookies mo kaysa sa gawa niya.”
Napahalakhak siya dahil sa sinabi ng ama. Wala itong kaalam-alam na nakikinig lamang ina sa labas ng pinto.
“Anong huwag mabanggit-banggit sa akin, mahal?” makahulugang ngiti na bungad ng ina sa opisina ng kaniyang ama.
Gulat na ipinaglipat-lipat ng kaniyang ama ang tingin sa kanilang dalawa ng ina.
“I was just kidding, mahal,” bawi ng kaniyang papa habang naiiling. Tumayo ito at sinalubong yakap at halik ang kaniyang mama.
“Punta lamang po ako kay Graza!” paalam niya sa mga ito at bago pa makapayag ay maingat niya nang isinara ang pinto sa kaniyang likod.
Mas lumawak ang kaniyang ngiti pagkalabas. Nakakataba ng puso na makitang wala namang ipinagbago ang pagsasamahan ng kanilang mga magulang simula pa noong mga bata pa lamang sila ni Graza. Kung meron man, iyon marahil ay mas napamahal sa kanila ang isat-isa.
Nais niya ring makatagpo ng kagaya ng kaniyang ama. Minahal sila nito, pinrotektahan, ibinigay lahat ng kanilang kailangan at hindi kailanman ito nagbago sa kanila. Ngunit matagal pa iyon dahil masyado pa silang bata ni Graza. Sa ngayon, pag-aaral muna ang kaniyang aatupagin.
Tinahak niya ng hagdan at tinungo ang kuwarto ni Graza bitbit ang naluto niyang mga cookies.
“Graza!” Ilang magkakasunod na katok ang iginawad niya sa mismong pinto bago siya nito pinagbuksan.
“May balak ka pa yatang sirain ang pintuan ng kuwarto ko,” nakapamaywang na bungad sa kaniya ng kapatid. “Samantalang bukas naman ‘yan.”
Natawa siya dahil sa narinig. “Ay, talaga ba? Haha! Aba'y malay ko ba.”
Diretso siyang pumasok sa loob ng kuwarto nito. “Magmeryenda ka na. Dinalhan na kita ng cookies, Graza,” ngingiti-ngiti niyang inilapag sa ibabaw ng study table nito. Naupo siya sa ibabaw ng kama ito.
“O, thanks!” simpleng sagot nito.
Lumapit ito sa table at dumampot ng cookies. Mas lalo siyang napangiti nang hindi man lang nito pinansin ang feature ng cookies.
Kyuryos siyang lumapit rito. “Ano, masarap?” umaasang tanong niya rito habang nakangisi.
Tumango ito. “Infairness, masarap,” nakangiting sambit ng kapatid sa kaniya na ikinangiti niya lalo nang mawalak.
Napapalakpak siya. Ngayon ay naniniwala na nga siyang masarap. “Sige, kumain ka lang. Anong gusto mong drinks? Kukuha ako sa baba,” suhestiyon niya rito.
Kuminang ang mga mata nito sa tuwa. “Sigurado ka?” paniniguro nito. “Pakitimplahan mo nga ako ng kape kung sinisipag ka.”
Kumunot ang kaniyang noo. “Sabi nang bawal ka ng kape,” nakasimangot niyang paalala rito.
Inirapan lamang siya nito. “Ayaw mo lang yata eh,” salubong ang kilay na sambit nito. Tinatantiya siya.
Sumusuko niyang itinaas ang kamay sa ere. “Aba'y bahala ka nga,” nakasimangot siyang umahon mula sa pagkakaupo. “Saglit lamang po, kamahalan,” pang-aasar niya rito.
Masaya siyang bumaba sa first floor. Wala siyang kamalay-malay na dumating na ang mga bisitang tinutukoy ng ama.
Nasa gano'n siyang sitwasyon nang may marinig siyang papalapit na nag-uusap sa kusina.
Awtomatiko siyang nataranta nang may siyang hindi pamilyar na pangalan. Saka biglang nag-flashback sa kaniyang isipan ang mahigpit na bilin ng ama sa kaniya.
Sa sobrang pagkataranta'y hindi niya namalayan na nasagi niya pala ang baso at gumulong iyon. Nanlalaki ang mga matang hinabol iyon ng kaniyang palad at sinalo. Nasalo niya naman ngunit nahulog ang kutsara. Ikinagulat niya iyon kaya naman aksidente niya ring nabitawan ang babasaging baso. Lumikha iyon ng napakalakas na ingay.
“Palaging bukas ang aming mansyon, Alpha Raun para sa inyong pagbisita.”
Mas lalo siyang nataranta nang marinig ang pamilyar na pangalan. Mariin siyang napapikit. Mukhang mangyayari na yata ang kaniyang pinaka kinakatakutan.
Hindi siya gumalaw mula sa kaniyang kinatatayuan.
“Miss, are you okay?”
Ramdam niya ang pagwawala ng dibdib niya pagkarinig ng boses ni Gila. Anong ginagawa ng lalaki rito?
Nanatili siyang walang imik.
Narinig niya ang hakbang nito papalapit sa kaniya. Mariin siyang napapikit.
“Nasugat ka ba ng bubog, Miss?” muling tanong nito sa kaniya.
Kagat-labi niyang hinigit ang kaniyang paghinga. Natatakot siyang humarap sa lalaki.
“Emrys!”
Awtomatiko siyang napadilat ng mga mata pagkatapos marinig ang boses ng kapatid. Nabuhayan siya ng dugo!
“Excuse me, Gila. Ako na ang bahala sa kapatid ko…”
“She might be in pain. Please check her out. And also, mag-iingat kayo sa bubog.”
“Don't worry. She'll be safe with me.”
Narinig niya ang ingay ng yabag nito papaalis.
Awtomatiko siyang napaharap sa kapatid at niyakap ito. “Oh ghads, Emrys!” kabadong sambit nito.
Bahagya naman siyang nakahinga nang maluwag pagkatapos nito iabot sa kaniya ang kaniyang maskara.
“T-Thanks for helping me out, Graza!” naiiyak na pasasalamat niya sa kapatid. Mahigpit ang pagkakayakap niya rito.
Alam niyang ramdam nito ang panginginig ng kaniyang katawan.
“Mabuti na lamang at naiwan mong bukas ang pinto ng kuwarto ko. I heard the housemaid, calling you out. Mukhang importante kaya sinabihan ko na nasa ibaba ka ngunit maloloka na yata ako pagkarinig ko na may bisita at maaari ka nilang makita sa kalagayan mo kanina,” mahabang paliwanag nito. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, Emrys kapag may nakakita sa'yo kanina. Ayaw mo na sanang lumabas kanina.”
“Wala kang kasalanan, Graza. Kagustuhan ko ‘yon,” walang hanggang pasasalamat sa kapatid. “Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka, Graza.”
Hinaplos nito ang kaniyang likod. “It's okay. Ikaw lang ang nag-iisang kapatid ko. Kasangga mo ako sa lahat ng bagay, Emrys. Hindi kita pababayaan,” puno ng sinseridad na sambit nito.
Napangiti siya. “Tulungan mo muna akong linisin ito,” aniya sa kapatid.
Tumango naman ito.