Chapter 32

2181 Words
“Crown Alpha,” bati kay Gila ng kaniyang butler na si Diomar. “Huh,” habol ang paghinga na sambit niya. “Ano ‘yon? Sabihin mo na agad.” Bahagya siyang na-distract mula sa pakikipaglaban ng espada kay Luno. Napangisi ito at agad na sinamantala iyon. Mabuti na lamang at naging mabilis ang kaniyang pag-ilag. Buong akala ni Luno’y nahuli na siya nito, that’s why he lose his guard for a moment. Iyon ang pagkakataong hinihintay niya upang tapusin ang laban. “Kailangan niyo daw magtungo ng inyong ama sa mansyon ng mga Arison sa bayan ng Aswun,” sagot nito na dahilan ng kaniyang malawak na pagngiti. Mas nanabik tuloy siyang tapusin agad ang laban. Sinurpresa niya ng atake si Luno pabalik ng tulis ng espada sa kaniyang likuran kung nasa’n ang kalaban. “Hah!” rinig niyang halinghing nito ngunit agad niyang napigilan ang paglapit ng talas ng espada niya rito. “The Crown Alpha won!” anunsyo ng scorer na nanonood sa gilid sabay wagayway ng hawak niyang bandila na nagtataglay ng kulay ng Alpha. Hinayaan lamang ni Gila na bumagsak ang espadang gamit sa ibabaw ng madamong lupa kung saan sila nag-ensayo ni Luno. “Let’s go,” makahulugang sambit niya habang nakarehistro ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Kumunot ang kaniyang noo nang humarang si Luno sa kaniyang harapan. “Let’s fight again, Gila,” deklara ng kaniyang pinsan. Nakangising naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Diomar, insan?” sarkastikong tanong niya rito. “Kung gano’n mangako ka na maglalaban ulit tayo bukas,” matigas na hamon nito sa kaniya. Napahugot siya ng isang malalim na hininga at napipilitang sumang-ayon. Alam niyang patuloy lamang itong mangungulit sapagkat. Sobra na yata ang pagkadesperado nitong talunin siya. “Ikaw ang bahala,” sumusukong sambit niya rito saka ito nilagpasan. Napangisi ito at tumango saka siya kinawayan. Naglakad na siya ngunit agad din siyang natigilan pagkarinig niya sa sinabi nito. “Narinig niyo iyon, ang sinumang umatras at hindi tumupad sa usapan sa aming dalawa ay siyang kikilanin na pinakaunang duwag sa balat ng buong Araceli,” mayabang nitong saad na sinundan pa nito ng isang nakakainsultong halakhak. Isang matalim na tingin ang iniukol ni Gila rito nang lumingon siya. “Cool,” sambit niya at sinigurong makikita nito ang kaniyang makahulugang ngisi. Tumalikod na siya at sumenyas ng okay rito habang naglalakad siya paalis. “Hays, that brat!” problemadong angil niya nang makaalis na sila ng tuluyan. Humabol si Diomar sa kaniya at halos magkasabay na sila ngayon. Nilingon siya nito. Kita niya iyon sa kaniyang pheriperal vision. “Ewan ko ba kung bakit walang kadala-dala ang pinsan mong iyon, Crown Alpha,” nakangiwing sambit nito. “Hihinto na kaya siya kapag lumagpas na ng limang daan ang pagkatalo niya sa’yo?” Napahinto siya. “What are you doing?” asik niya rito. “Ang alin, Crown Alpha?” maang na tanong nito at natigilan din. Hindi siya makapaniwala na nagmamaang-maangan pa ito. “Bakit mo binibilang kung ilang beses na kaming naglalaban?” Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “N-No, Crown Alpha,” gulat na tanggi nito. Takot itong napatakbo nang ilang dipang layo mula sa kaniya. “It’s not like that. Binibilang ko lamang kung ilang beses mo na siyang natatalo. Sigurado akong magagamit ko iyon sa oras na gumawa siya ng masamang bagay na ikakasira mo…” Nanliliit ang mga matang napatango siya upang magmukhang kapani-paniwala na sang-ayon siya sa sinabi nito. Huminto at inakbayan siya. “See?” kampanteng tanong nito sa kaniya. Isang mahinang pagbatok ang iginawad niya sa tuktok ng ulo nito. “Puro ka talaga kalokohan,” pangangaral niya rito. “Wala ka nang ipinagkaiba sa pasaway kong pinsan na iyon. Sa tutuusin, pareho lamang kayo na kunsumisyon sa buhay ko. Mahabaging langit, kailan ba ulit matatahimik ang buhay ko?” pangongonsensiya rito na sineryoso naman agad nito. Nanlulumong napayuko ito at lumuhod sa kaniyang harapan. “Handang tanggapin ng iyong sugo ang anumang parusa na itatalaga mo, Crown Alpha.” Nagpipigil ng tawa na nakagat niya ang kaniyang kuko sa daliri. Napakadramatic talaga ng lalaking ito. “Ehem,” he clear his throat. “Tumayo ka na riyan. Ayaw kong maiwanan ng Alpha. Nais ko pang makita ang aking sadya sa mansion ng mga Arison.” Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa gilid ng kaniyang mga labi. “H-Ha?” anito. Saka lamang umukol sa kaniya na hindi nga pala nito alam ang tungkol kay Emrys. Isang Linggo itong nawala. Kinailangan kasi nito magbakasyon sapagkat nagkasakit ang ina nito at walang mag-aalaga rito. “Sino ang nais mong makita, Crown Prince?” kyuryos nitong tanong sa kaniya. Hayan na naman ito. Inilapit pa talaga nito ang mukha sa kaniya. Hinakawan niya ang mukha nito at itinulak iyon palayo sa kaniya. “Puwede ba, Diomar,” angil niya rito. Napapadyak ito. “Hintayin mo ako, Crown Prince.” “Bilisan mo na lamang ang lakad mo,” bilin niya rito. Sobrang lapit niya na talagang maubusan ng pasensiya rito. “So sino nga kasi, Crown Prince?” Hinabol nga siya nito. Naririnding huminto siya at nakapamulsa na hinarap ito. “Kapag sinagot ko ‘yang tanong mo, mangako ka na ititikom mo na ‘yang bibig mo,” hamon niya rito. Natigilan ito. Ilang segundo na ang lumipas ngunit nanatili ito na walang kibo. “Fine.” Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya nito ng pahabol nitong sagot. “I promise, Crown Prince! Pangako!” “Haysss!” asik niya rito. “Hindi mo kailangang ulit-ulitin. “Si Skiah…” “Ha? Anong sinabi mo, Crown Prince? Hindi ko narinig.” Sumusukong itinaas niya ang kanang kamay sa ere. “Kasalanan mong nabingi ka. Bahala ka riyan at wala na akong balak ulitin pa,” tinatamad niyang atungal rito. “Crown Prince!” “Quiet,” paalala niya rito. “Sa’n ka pupunta?” maang na tanong nito sa kaniya. Tuluyan na siyang napakamot sa kaniya ulo. “Pinagloloko mo ba ako, Vasquez?” mapanganib niyang tanong rito. Nataranta naman ito at naging malikot ang mga mata. Naging maingat mula sa posibleng pag-atake niya. “H-Hindi, Crown Prince. Mukhang wala ka kasing balak na magpalit ng damit o excited ka lang talaga makita si Sky! Gusto ko lamang ipaalala sa’yo na amoy pawis ka pa,” nakangising sambit nito na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Tama nga ito. Pasimple niyang itinaas ang damit at inamoy. Hindi naman masama ang amoy ngunit hindi rin kanais-nais. “Argh! Bakit ba kasi palagi mo na lamang kinakalimutan ang mga bagay na importante samantalang puro ka naman kuda sa mga bagay na walang kuwenta at ayaw kong pag-usapan? Sino ba ang amo rito, ikaw o ako?” nanggigigil na asik niya rito. “I-I’m sorry, Alpha.” Tinakbo na nito ang pagitan papunta sa kaniyang silid. Pagkarating niya ay naihanda na agad nito ang kaniyang susuotin. “Iba talaga ang karisma ng babaaero, Crown Prince!” papuri nito sa kaniya pagkalabas niya ng silid. Ikinalaki ng mga mata niya iyon. Muli tuloy itong nakatanggap ng mahinang batok mula sa kaniya. “Sa lahat ng papuri mo, contradict talaga!” Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “Ewan ko ba, pakiramdam ko, isang araw ikaw talaga ang papatay sa’kin, Varquez.” Nginisihan lamang siya nito. “Pasensiya ka na but I love my life,” nakangising sambit nito. Huminto ang kaniyang paningin sa mga libro na nasa bookshelves. “Hey,” untag niya rito. “Bring me that book with orange cover,” seryosong utos niya rito habang nagpapabango. Nagtatakang tingin ang iniukol nito sa kaniya. “May oras ka pa para magbasa?” kyuryos nitong tanong sa kaniya habang binubuklat iyon. Pagkadako’y nakangisi nito iyong iniabot iyon sa kaniya. Inabot niya iyon at akmang ipupukpok sa ulo nito nang agad itong makaiwas. “Haysss! Pasalamat ka at nakailag ka kaagad,” sabi niya na lamang. Kumuha siya ng isang paper bag na nakasalansa sa ibabaw ng kaniyang lamesa at ipinasok doon ang librong hawak niya. Mabuti na lamang at narating na nila ang gate at tumahimik nga naman ito sa huli pagkakita sa kaniyang ama. Inihanda niya na ang kaniyang ngiti. “Dad,” bati niya sa kaniyang ama nang tuluyan silang makalapit rito. “You’re here,” seryosong sambit nito. Tinapik nito nang marahan ang kaniyang balikat. “We are going at the Arison’s mansion right now. May mahalaga kaming pag-uusapan ni Kumpareng Luki.” Nauna na itong pumasok sa loob ng sasakyan bago siya sinenyasan na sumunod. “Paano ho ako, Alpha?” singit ni Diomar nang ipasara na iyon ng alpha. “I think you should stay here, Diomar. Hindi ka rin naman makakalabas sa kotse mamaya,” seryosong bilin ni Alpha Raun sa kaniyang bulter. Literal na nalukot ang mukha ng lalaki. “Noted, alpha.” Tumingin ito sa kaniya at binato siya ng nagmamakaawang tingin. Nirehistro niya na sa kaniyang mukha ang malungkot na tingin para maging kapani-paniwala rito. “Bring me, please,” Diomar mouthed in his most pitiful face. That’s the indication, ginawaran niya ito ng isang makahulugang ngisi. Alam niyag madudurog niyon ang puso nito. “Crown Prince!” Sinambunotan nito ang sariling ulo gamit ang mga kamay. Nagpigil siya ng tawa at napansin iyon ng kaniyang ama kaya naman salubong ang kilay nitong sinundan ng tingin ang pinagtatawan niyang si Gila. “Anong nangyayari sa lalaking ‘yan?” gulat na tanong ng kaniyang ama. Huli na para mapansin ng kaniyang butler na si Diomar na nakatingin ang amang si Alpha Raun rito. Walang patawad ang naging reaksyon ng mukha nito pagkakita na nakatingin rito ang Alpha Raun. Laglag panga itong napatalikod. “Is he transforming? In a broad daylight?” kunot-noong tanong ng kaniyanga ama na taking-taka. Grabeng pagpipigil niya talaga na hindi matawa. Siraulo talaga itong butler niya na ito. “Masakit daw po kasi ang tiyan niya, Dad,” pagdadahilan niya sa ama. Inayos ng kaniyang ama ang suit nito. “Akala ko pa naman kung ano na,” seryosong sambit nito. Nag-umpisa nang umandar ang sasakyan kaya naman itinuon niya na lang ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Mahaba ang biyahe. Nasa magkabilang dulo ba naman kasi ang Aswun at Araceli sa kalupaan ng Hanyas. Lagpas isang oras na nga mahigit ang naba-byahe nila. Gustuhin man niyang umidlip saglit ay hindi niya pa rin nagagawa. Sa paglipat niya ng bigat ng kaniyang katawan sa kabilang banda ay aksidenteng nahulog ang paper bag na hawak niya na may lamang libro sa loob. “What’s that, Crown Prince?” seryosong tanong ng ama sa kaniya. Dinampot niya ang paper bag at alanganing sinagot ang tanong ng sariling ama. “It’s for someone, papa,” misteryosong sagot niya rito. Sinalubong niya ang nananantiya nitong tingin hanggang sa bawiin din nito iyon kapagdako. Lihim siyang nakahinga nang maluwag pagkabawi nito ng tingin sa kaniya. “Anong masasabi mo sa anak ni Luki?” tanong ng kaniyang ama na hindi man lang siya nililingon. Hindi niya inaasahan ang tanong ng ama na iyon. Napapitik pa siya kunwari para pagaanin ang paligid. “Ah,” ani niya. “Si Emrys ho ba o si Galena?” panglilito niya sa ama. Duda siyang alam ng ama na hindi lamang iisa ang anak ng mag-asawang Arison. Kumunot ang noo nito. “Bakit, dalawa ba sila?” gulat na napalingon muli ito sa kinaroroonan niya. Nakangiti siya tumango rito. “Sinasabi ko na nga ba at si Emrys lamang ang kilala mo, papa.” Ngunit hindi ito tumigil sa pakikipag-usyuso sa kaniya. “Emrys?” Ulit nito. “Siya ba ‘yong anak nilang palaging nakasuot ng maskara?” Nakangiti siyang tumango sa kaniyang ama. “Exactly, papa.” Ngunit hindi nawala ang pagkakakunot ng noo nito. “I wonder why she’s always wearing a mask. Siya pa lamang ang nakikita kong anak ni Luki, hijo. Kahit noon pa man,” mahabang paliwanag nito. “Marahil hindi mahilig sa mga party ang isa, ano?” May punto ang ama sa sinabi nito. “Gano’n nga ho siguro papa,” sagot niya rito. Tumango naman ito. “I was talking about Emrys earlier. Now, I’m more curious with the other daughter,” anito. “Si Graza papa? The two of them are both unique,” paliwanag niya rito. “You made it sound as if kilalang-kilala mo na ang dalawa, hijo,” nangingiting sambit nito. Napaupo siya nang matuwid dahil sa sinabi nito. “H-Hindi iyan ang ibig sabihin ko, papa—” “Fine, I believe you, hijo.” Nakangiti pa rin ito. Nawala ang atensyon ng ama nang makita na nilang pumapasok na ang sasakyan sa loob ng malawak na mansyon. “We are here,” anito. Tumango lamang siya sa ama. Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa paper bag. Sinilip niya rin iyon at ipinagpag baka may mantsa. Mahirap na. Puti pa naman ang kulay ng lalagyan niyon. Mahahalata kaagad ang dumi kapag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD