Chapter 33

2357 Words
Tahimik siya ngunit ang isipan niya'y tumatakbo sa posibilidad na anumang oras ay bababa si Emrys at maaaring mag-atubili na itong imikin siyang muli. Nakokonsensiya siya. Pakiramdam niya ay nainsulto niya ang babae. “Pasensiyahan niyo na kung medyo mabagal kumilos ang aking mga dalaga,” paghingi sa kanila ng paumanhin sa kanila ni Beta Luki. “Maaari na tayong mag-umpisa. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain,” matigas na sambit nito. Walang imik na nagpatianod na lamang din siya sa mga ito kahit na ang kaniyang isipa’y na’kay Emrys pa rin. “About the flower farm resort that we are planning to build, Alpha Raun. For the beautification of my land, I extend our grateful to the project you offered,” nakangiting sambit ni Beta Luki sa kaniyang ama. Tatangu-tango pa ito. Hindi maiwasan ng kaniyang ama na bigyan siya ng may pagmamalaking tingin. “Honestly, kumpare, it’s not my business idea at all, but my son’s.” Nanlaki ang mga mata ng beta nang mapadako sa kaniya ang titig nito. “Wow,” pumapalakpak na sambit ng kumpare ng kaniyang papa. “Great ideas are fruit of great mind,” humahangang papuri sa kaniya ni Luki. Nakangiti siyang yumuko rito. “Thank you, sir,” nakangiting pasasalamat niya rito. Tila may-iisang leeg na napalingon sila sa pinagmulan ng ingay, mga munting yabag ng papalapit, para lamang mapagtanto kung sino iyon. Si Emrys. Kung ano ang suot nito kanina, iyon pa rin ang suot nito ngayon. Ang ipinagkaiba nga lamang, suot na muli nito ang sariling maskara sa mukha. She must be very upset, isn’t she? Agad niyang iniwas ang tingin rito. Nahihiya siyang salubungin ang tingin nito. Ayaw niya naman kasi itong mailing. “You're here, bumati ka agad kay Alpha Raun at sa kaniyang anak na si Gila, Emrys. Nagkita na kayo noon sa family dinner hindi ba?” kunot noong sambit ng ama nito. “Opo,” walang kaarte-arte na sagot nito sa ama. Ramdam niyang tinatamad itong magsalita at ingat na ingat itong huwag mapadako ang tingin sa kaniya. Yumuko ito sa kanilang harapan at bumati. “Magandang gabi po Alpha Raun,” magalang na sambit nito, “at sa’yo rin, Gila.” Nakangiti namang tumangu-tango ang kaniyang ama habang nakamasid kay Emrys. Tumayo siya at ipinaghila ng upuan ang babae. Naupo nga ito mismo sa kaniyang tabi. “Where’s Graza, Emrys?” biglang tanong ng ina nito rito. Napasulyap ito sa pinto saglit bago nagsalita. “Susunod na raw po siya, papa,” magalang na sagot nito. Nais niya sanang magbukas ng usapin at kausapin ito ng casual ngunit tila ba namimilipit ang dila niya kapag susubukan niyang magsalita. Patapos na silang kumain. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na rin ang pinakahihintay na makilala ng kaniyang ama. “Magandang gabi ho, Alpha Raun, at maging sa’yo rin, Gila,” walang kangiti-ngiti ngunit magalang na pagkakasambit nito. Ngumiti ang kaniyang ama. “So this is Graza,” tatangu-tangong sambit nito. Alam niya ang iniisip nito. Kung may katangian man itong nais sa babaeng pakakasalan niya’y wala iyong iba kundi isang babae na mature. Inaasahan niya na agad ang pagiging madaldal ng ama. “Are they twins?” kyuryos na tanong ng ama na ikinaangat niya rin ng tingin. Bahagya niyang naikiling ang kaniyang ulo sa kanan. Hindi nga rin pala niya alam ang kasagutan sa tanong na iyon ng kaniyang ama. Ngumiti lamang ng tipid si Calope samantalang natawa naman si Luki. “They aren’t twins, Alpha Raun,” mahinahong sagot ni Calope na ayaw mapahiya ang alpha. “Oh, I’m sorry,” naiiling na sambit ng alpha. “I really thought they are twins.” Nakakaintinding tumango si Calope. “Huwag kang mag-aalala, Alpha Raun, madami na ring nakapagsabi niyan,” anito. “Totoo iyan, alpha,” nakangiting sambit ni Alpha Raun. “What can I say, parehong anak ko sila at nakita mo naman kumpare, hindi nagkakalayo ang tangkad nila.” Natawa ang alpha na madalas ay seryoso lamang. “I know now, kumpare.” Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawang matatanda tungkol sa kanilang pinaplanong business. Halatang walang gustong umimik sa pagitan nila Emrys at Graza. Maging siya ay nadadala na rin. Siya ang pinakaunang natapos kumain. He just wanted to excuse himself right there. Nasa tabi niya lamang si Emrys ngunit wala siyang lakas ng loob na kausapin ang babae. Heaven’s call. Iyon ang maituturi niya nang biglang mag-ring ang phone niya. Tumayo agad siya nang hindi tinitignan kung sino ang kaniyang savior. “Excuse me,” paalam niya sa mga ito. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa hardin ng mga Arison. Sinagot niya na nga ang tawag. “Hello,” bati niya sa kung sinuman ang nasa kabilang linya. Mahabang katahimikan ang namagitan. “Hello!” kunot-noong bati niya muli ngunit hindi niya lubos maisip kung bakit tila yata walang balak na magsalita kung sinuman iyon. Hindi nakatiis at inalis niya ang aparato mula sa pagkakalapit niyon sa kaniyang kanang tainga upang tignan ang pangalan ng caller. Natigilan siya. Hindi niya inaasahan ang pangalang nakita. He was too stunned to speak. “I’m back.” Maikli ngunit nanunuyot ang boses na iyon sa kaniyang pandinig. Napakurap siya at nagwawala ang kaniyang mga paghinga. “Gila,” sambit nito sa kaniyang pangalan. “I miss you.” Pinatayan niya ito ng tawag at namaywang na napatingala sa kalangitan habang pilit na pinapakalma ang kaniyang paghinga. Muli iyong tumawag kaya naman nakapagdesisyon siyang patayin agad ang tawag. Hindi niya alam kung ilang sandali siyang nasa gano’n na sitwasyon hanggang sa maputol iyon nang marinig niya ang hindi inaasaang boses. “What are you doing?” Nabitin sa ere ang akmang pagsuntok niya sa puno. Saka lamang niya napagtanto iyon ngayon na saglit siyang nawala sa kaniyang sarili. It was Emry’s voice that brought him back to reality. Humarap siya rito at maging siya ay nagulat nang yakapin niya ito bigla palapit sa kaniya. Maging siya man ay nagulat sa sariling inasal. Kapwa nanlalaki ang mga mata nila ng babae. Napapikit na lamang siya at napangiti nang awtomatikong umangat ang kanang palad nito at ipadako nito iyon sa kaniyang mukha. Inaasahan niya na iyon. “You really are pervert!” asik nito sa kaniya habang nanliliit ang mga mata na nakaukol sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit. Napangiti na lamang siya rito. Sa huli’y nakatanggap siya ng irap mula rito. “Bakit mo ako sinundan rito kung kung pervert ako?” nag-umpisa na siyang asarin muli ito. Nangingiti siya at namulsa. “Ilang beses mo nang sinasabi sa akin ‘yan.” “Ikaw!” nanggigigil na sambit nito ngunit nanatili itong hanggang salita lamang sa kaniya. Sarap kasi nitong inisin lalo. Alam kaya nito iyon? “Binibiro lang kita, Emrys.” Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Naagaw ang kaniyang atensyon ng isang bench malapit sa kinaroroonan nila. “Pinuntahan mo ako. Hindi ka na ba nagtatampo sa akin ngayon?” Kumunot lamang ang noo nito at marahan siyang dinuro sa dibdib. Napatitig siya sa daliri nito pabalik sa inosente nitong mga mata. “Hindi ako nagtatampo sa’yo kanina ngunit ngayon ay muntik-muntikan na kitang masapak, alam mo ba iyon?” Iniukol nito sa kaniya ang maliit na kamao nito. “You little naughty wolf,” nangingiting sambit niya rito. Ipinatong niya ang sariling kamay sa ibabaw ng ulo nito at maingat na ginulo ang buhok nito. Nagulat siya nang samaan lamang siya nito ng tingin. “I’m not your little pet or what so stop calling me little wolf!” asik muli nito sa kaniya. Tinawanan lamang niya ito at tinanguan sa huli. “Buong akala ko talaga ay nagalit kana sa akin kanina. Pasensiya ka na. Hindi ko naman alam. I was too excited to meet you earlier,” humalukipkip ito. Buong akala niya’y hindi na ito magsasalita tungkol doon. “Wala kang dapat ihingi ng tawad. It was totally my fault for being such reckless,” sambit nito nang hindi sinasalubong ang tingin niya. Sa oras na ito, ikinatataka niya na napakadaming tumatakbo sa kaniyang isipan niya ngunit hindi niya maapuhap ang tamang sasabihin. Sinadya niya na lamang na itinuon ang kaniyang paningin sa kalangitan. Baka sakaling kapagdako’y makahanap din siya ng kasagutan. Saka niya lamang napansin ang buwan. Tila ba mas kakaiba yata ang liwanag na hatid niyon ngayong gabi dahil sa isang dahilan. Natigilan siya nang awtomatikong nag-shift ang tingin niya patungo rito nang bigla itong magsalita. “Do you think human also adores the moon as we, werewolves do?” kyuryos na tanong nito habang nakatingala at nakatitig ang mga mata sa bilog na bilog na buwan. He swear, he’s also watching the moon in that very moment ‘cause he was looking at her eyes which reflects the lights coming from the moon. Sa sobrang titig niya rito’y hindi niya na namalayan na hindi pa pala nasasagot ang mga tanong nito. “Hoy, future alpha,” nakamaang na untag nito sa kaniya. Nanliliit ang mga mata na nakagat niya ang kaniyang labi. “I don’t know,” sabi na lamang niya rito at nagkibit ng balikat. “Tsk,” anito. “I thought alphas know everything.” Namaywang ito. Natatawa siyang napailing. Of course, he knew the answer to her question but he won’t say it anyway. “Who says?” kyuryos ang mga mata niyang iniukol rito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang malawak. Madramang tumaas ang kanang kilay nito. “Hindi mo alam?” “Ang ano?” nginisihan lamang siya nito. Inirapan siya nito. “Everyone’s talking about it. Alpha’s are the most hardworking werewolves because they have to learn everything,” inosenteng sambit nito habang nakatitig sa kaniya. Napakamot siya sa tuktok ng kaniyang ilong at napangiti. “Hays!” angil nito. “Anad you really believed them?” Awtomatikong tango ang iginawad nito. “Bakit naman hindi?” Napatango siya. “So you guys, really believed that gossips,” nakangising sambit niya rito. Napasinghap ito. “Gossips?” Napahawak pa ito sa bahagyang nakaawang na bibig. “That’s just gossips?” Tumango siya rito. “I don’t think so,” anito. “Alam kong pinag-aaralan niya rin ang buhay ng mga tao. And correction, hindi lamang mga kapwa ko ang nagsasabi niyan kundi nabasa ko mismo sa libro. Don’t try to fool me, future alpha,” sarkastikong sambit nito. Tuluyan na siyang natawa sa nakataray nitong mga mata. “You’re smart,” ani niya rito. “That’s another trap,” nakangising sambit nito. Mas lalong lumakas ang kaniyang tawa. “You’re just overthinking. Parang hindi ka naman mabiro,” pang-aasar niya rito. Muli itong napairap. “Nagbibiro ka samantalang hindi maipinta ang mukha mo kanina,” kapagkuwa’y sambit nito. “Pardon?” maang niyang tanong rito. Hindi niya nagustuhan ang pag-describe nito sa kaniya. Ito naman ang natawa ngayon. “Kitams, hindi ka nga rin mabiro,” panghuhuli nito sa kaniya. Natatawang napailing na lamang siya. “So hindi naman pala seryoso ang mga Asong Lobo rito sa Aswun,” ani niya rito habang nangingiti. “Hindi, bakit sa inyo ba kagaya mo lahat na seryoso sa buhay?” Inaasar talaga siya nito. “Hindi, I’m unique. Hindi mo naitatanong, wala ring kasing guwapo ko,” pagyayabang niya rito. Nanliliit ang mga mata nito. “Aba’y ang yabang mo! Lumakas bigla ang hangin. Alam mo, hula ko, ikaw ang pinakamahanging playboy sa inyo!” patuloy nitong pagkontra sa kaniya. Tinawanan lamang niya iyon. “How’s Skiah?” nakangiting tanong niya rito. Napangiti ito. “Tinatawag mo na rin siyang Skiah. I chose a good name, right?” tanong nito sa kaniya. Tumango siya na ikinangiti ng mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam agad siya ng urge na kontrahin muli ito. “Alam mo ba, ikaw pa lamang ang kilala kong nagbibigay ng pangalan sa isang halaman.” “Hmp! Kontrabida ka talaga!” sambit nito. Naniningkit ang mga mata. He can’t help but laugh out loud. “So how’s Skiah?” “Ayos lamang naman,” anito. “The book you lend to me, I was learning it.” Napangiti siya. Saka niya lamang naalala ang paper bag na bitbit niya kanina. Naiwan nga pala niya iyon sa mismong upuan niya. “Puwede mo ba akong hintayin dito?” tanong niya rito. Nagulat ito. “Ha?” Napamaang naman ito. “Bakit naman?” Ngumiti siya rito. “Basta,” ani niya rito. “Babalik din naman agad ako.” Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niya ang bench sa malapit. “Hintayin mo ako roon,” inginuso niya ang lugar. “Anong gagawin ko roon?” Napakamot ito sa sariling ulo. Tumakbo na siya at iniwanan ito roon. “Basta,” bilin niya rito. Nagtungo siya pabalik sa sala at umaktong normal na pumasok doon. “Excuse me,” sambit niya sabay lakad palapit sa kaniyang upuan. Naputol sa pag-uusap ang mga matatanda ngunit nagpatuloy naman sa huli. Makahulugang tingin ang iniukol sa kaniya ng kapatid ni Emrys. Sinundan nito ng tingin ang kamay niya sa pag-abot ng paper bag ngunit nanatiling walang imik. Nginitian niya lamang ito nang tipid. Umalis siyang muli sa sala na bitbit iyon at patakbong bumalik sa kinaroroonan ni Emrys. Nakaupo na nga ito sa bench. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan itong nakatingala sa bilog na buwan. Huminto siya sa likod nito at iminuwestra sa harap ng mga mata nito ang bitbit na paper bag. “A-Ano na naman ‘yan?” gulat na tanong nito nang masilayan siya. Napatayo pa ito. “See for yourself,” sagot niya habang iniaabot rito ang paper bag. Napahawak ito sa harapan ng dibdib. “Pinapakaba mo naman ako,” nanliliit ang mga matang sambit nito sa kaniya na tinawanan lamang niya. Kibit-balikat siyang naupo sa bench. Sumunod naman itong naupo sa kaniyang tabi at sinilip ang laman niyon. “Another book? Awts. Thank you!” nangingiting sambit nito. “Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin,” ani niya habang nakatitig sa kalangitan. “Emrys!” Kapwa sila napalingon ng babae sa biglaang pagtawag ng kapatid nito rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD