Chapter 34

2641 Words
“What's inside, Emrys?” pangungulit ni Graza sa kaniya. “Let me see…” Mariin niya iyong hinawakan at itinago sa kaniyang likod. “It's a book,” maagap niyang sagot rito. Ayaw niyang ipakita. Nalaglag ang panga nito sa kaniyang inasal. “Grabe ka, sis!” nanggigigil na angil nito na sinabayan pa nito ng tayo. Ramdam niya ang inis sa pagtawag nito sa kaniya ng sis. Nginitian niya lamang ito nang malawak. “Our books rule,” paalala niya rito, hindi binubura ang kaniyang ngiti ngunit sinadyang doblehin ang laki ng mga mata. Umirap naman ang mga mata nito sa ere, “Whatever. Owner—” Inilibot na lamang nito ang tingin sa mga libro na nasa bookshelves niya. “Wala na bang bago?” kapagdako'y tanong nito. Umiling siya. “Matagal na kaya tayong hindi nagagawi sa mall,” sagot niya rito habang inilalabas ang librong nasa loob ng stylish na paper bag. “What a nice man,” nakangising sambit nito habang nakamasid sa paperbag na pinaglagyan ng libro. Napakurap siya dahil sa sinabi ng kapatid. “Luh! Paano naman naging nice ‘yon?” nagimbal siya. Dahil lamang ba sa pinahiraman siya ng libro? Hindi ba nito nakikita na napakasungit ng dating ng lalaking ‘yon? “Look at your words, Emrys,” mariin ang boses na paalala nito ngayon. Ikiniling pa ang ulo sa bandang kanan. “Bakit?” tanong niya rito. “Wala,” nangingising sambit nito. “Nakakaloka ka, alam mo ba ‘yon?” nakapamaywang na sambit niya rito. Ipinagsawalang bahala lamang nito ang sinabi niya. “Infairness, ang suwerte mo kay Skiah,” nakangiting sambit nito habang nakangiting tinatanaw ang forever rose. Awtomatikong nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa sinabi nito. “Puwede bang paki-explain kung saang paraan ako naging masuwerte, Graza?” Pumalakpak ito ng dalawang beses at binuhat si Skiah saka iyon itinapat sa kaniyang harapan. “Hindi mo ba talaga alam?” nangingisi ito. “For sure, kung alam lamang ng mga kababaihan rito sa Aswun ang tungkol diyan kay Skiah, paniguradong hihilingin nilang pumalit sa puwesto mo. Ngayon din.” Sinalubong niya ang nandidilat nitong tingin sa kabila ng pagkunot ng kaniyang mukha. “Well if that’s true then ipapaubaya ko nang buong puso ang responsibilidad kaninuman sa kanila.” Taas-noo niyang sinabi iyon. Nanliliit ang mga matang pinag-aralan nito ang kaniyang mukha. “Talaga lang? Hindi ka magsisisi?” paniniguro nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit napaiwas siya ng tingin sa huli. “M-May dapat ba akong pagsisihan kung sakali?” nakangiwing tanong niya rito. “Tsk! Tsk!” Pinatunog nito ang sariling dila. Ipinatong nito sa sariling lamesa ang halaman. Naiiling itong naglakad patungo sa pinto ng kuwarto. “Aalis ka na agad?” pahabol niyang tanong rito. “Yes,” tipid nitong sagot. “Inaantok na kaya ako kanina pa. Isa pa, you need time.” “Time for what?” kyuryos niyang tanong dito. Humarap ito sa kaniya nang nasa harap na mismo ito ng kaniyang pinto. “You have to reflect on yourself. Si Skiah nga lamang ba ang dahilan ng pagiging malapit niyo ni Gila?” Nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa narinig. Ngumisi ito bago siya iniwan. Emrys felt like she was being strike by the lightning twice. Bakit kailangang makaramdam siya ng guilty? Hindi nga ba at iyon naman talaga ang katotohanan? Nais niyang matawa dahil sa tinuran nito. Ilang segundo rin siyang natulala at hindi nakakilos habang nakatitig kay Skiah. “Argh!” inis niyang natanggal ang suot niyang maskara kapagdako. “Kailangan mo nang bilisan ang pagtubo mo Skiah, before I lose my mind.” Matulin na lumipas ang mga araw. Sa paglipas ng maraming araw, napakadaming nangyari. “Emrys!” Awtomatikong napangisi si Emrys at isang nanghihinging saklolong tingin ang iniukol niya sa mga kaibigan na ngayon ay nakapalibot sa kaniya. Hinihintay na lamang siya ng mga itong matapos sa pagliligpit ng sarili niyang mga gamit nang biglang sumulpot si Galena mula sa pinto ng kanilang klasrum. Sobrang kikay nito sa suot nitong sleeveless polo at isang short short. Nakasuot pa ito ng boots. Kapansin-pansin din ang bagong rebond nitong buhok. “Is this real na real? Naligaw ang pinakasikat na senior sa ating klasrum!” “This is once in a bluemoon,” anito. “Guys, may naligaw na dyosa!” “Pakisampal ako!” “Sobrang ganda talaga ni idol!” Narinig niyang lahat ng iyon. Hindi talaga kaduda-duda na marami itong tagahanga. Ngunit hindi naman talaga lahat ay maganda ang impresyon para rito. “Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ang babaeng ‘yan,” nangangalaiting bulong ni Gorgie. “Normal ba na gusto kong mangalbo?” si Ruan habang nailing. “Hmp! Ayaw ko nang magsalita kasi alam kong masama lamang ang lalabas sa bibig ko.” “Guys, pasensiya na. Lapitan ko lamang ha,” nakangiting paalam niya sa mga ito. “Galena,” tipid niyang sambit sa pangalan ng kinakapatid. Ngumiti lamang ito sa kaniya nang malawak pagkalapit niya. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kaniyang kamay. “Emrys,” masuyong sambit nito. “I have something important to talk with you.” Nanlaki ang kaniyang mga mata. “Ano ‘yon, Galena?” kyuryos niyang tanong rito habang pigil-pigil ang hininga. Napangiti ito. “Hmn. Kailangan kasi namin ng model dahil may isu-shoot kaming cover para sa ilalabas naming issue this sem ng writer’s club. Balak sana namin na kunin ka. Iyon ay kung papayag ka naman. Kaya naman ako na ang nagpresenta sa team na pakiusapan ka. Please…” “H-Ha?” Lubos niyang ikinagulat ang pakiusap nito. Hinila niya pa ito patungo sa terrace upang hindi sila nakaharang sa daan. “A-Anong model?” Alam niya ang ibig sabihin niyon ngunit sa sobrang kaba niya’y kusa pa rin iyong namutawi mula sa kaniyang mga labi. “You’ll shoot a photos for us,” nakangiting paliwanag nito sa kaniya. “And also, lalabas ka sa school’s journal paper. Ayaw mo ba niyon?” Aaminin niya. Nakakaengganyo ang offer nito. Napakurap siya, nagbabadya ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha sa mga oras na ito. “But, I-I’m not a model at all, Galena. Ni hindi ko alam magpose sa harapan ng camera. A-And also… Sa’an ka nakakita ng model na may tabing na maskara sa mukha?” Hinakawan nito ang magkabila niyang balikat at pinakatitigan siya sa mga mata. “Does it matter kung wala pa?” Binalewala nito ang kaniyang naging pahayag. “Idi kapag pumayag ka, ikaw pa lamang, Emrys…” Mariin siyang napailing dahil sa sinabi nito. “Pasensiya na ngunit hindi madali ang hinihingi mong pabor, Galena.” Sa wakas ay naamin niya rin na hindi siya komportable sa hinihingi nitong pabor sa ngayon. “Pag-isipan mo munang mabuti, Emrys,” pinalaya nito ang kaniyang palad. “Pagkatapos ng isang araw, babalikan kita upang alamin ang finale mong sagot.” Napangiti si Emrys dahil sa sinabi ng babae. “Maraming salamat, Galena.” Nagulat siya nang pinagdampi nito ang kanilang mga pisngi. “Thank you din!” malaki ang pagkakangiti na pasasalamat nito sa kaniya. “Saka ka na mag-thank you kapag may nagawa na talaga ako para sa’yo,” nangingiting sambit niya rito. Ipinulupot nito ang sariling kamay sa loob ng braso niya. “Hmnn… Emrys, may isa pa akong nais ihingi ng pabor sa’yo ngunit nahihiya talaga akong sabihin,” nakangiwing sambit nito sa kaniya. “H-Ha?” hindi makapaniwalang sambit niya rito. “Ano ‘yon. Huwag kang mahiya sa akin.” “Puwede bang imbetahan ko kayong dalawa ni Graza sa bahay namin bukas ng gabi?” tanong nito sa kaniya. Napalingon siya sa kinaroroonan ng mga kaibigan at ni Graza. Hindi maipinta ang mukha ng mga ito. “A-Ano bang meron?” ungkat niya rito. Kabado siya sapagkat hindi niya inaasahan ang paunlak nito ngunit nais niya rin naman iyon tanggapin. Matagal niya nang hindi nakikita ang kaniyang Ninong Lukas at Ninang Winona na mga magulang nito. This is just once in a blue moon opportunity. Paniguradong matutuwa ang kaniyang ama lalo na’t nais nitong magkalapit silang dalawa ni Graza. Nagkibit-balikat ito habang nakatitig sa kaniya. “Wala naman. Nais lamang kitang imbetahan sa bahay ng dinner.” Humugot siya ng isang malalim na hininga at wala siyang nagawa kundi mapatango sa huli. “Sige,” pagpayag niya rito nang hindi nauutal. Napangiti ito nang tuluyan. “Talaga?” paniniguro nito sa kaniya. Tumango siya. “I’m not sure kung madadala ko si Graza ngunit susubukan ko, Galena.” “Talaga ba?” natutuwang sambit nito at napapalakpak nang tumango muli siya rito. “Aasahan ko ‘yan!” Napapalakpak pa ito. “Sige na,” paalam nito sa kaniya at kumaway. Saka lamang niya naalala na lunch time na nga pala. Ngunit nakalakad na ito paalis. Kumaway siya rito habang inihahatid ito ng tanaw. Napahinga nang malalim. Ngayon ay mamomroblema pa siya kung paano sasabihin sa kapatid ang nais ni Galena. Sabihin niya kaya muna sa kaniyang mga magulang upang ang mga ito na ang bahalang mangumbinsi rito. Ang tatanong, papayag naman kaya ang kapatid kung sakali? Nabigla siya nang may humagis na bag sa kaniyang harapan. Mabuti na lamang at na-timingan niya iyon at nasalo pa rin naman sa huli. “Tara na,” yaya ng kaniyang kapatid sa kaniya. Nasa pinto na pala ang mga ito at handa nang maglakad patungo sa canteen. Ngumiti sa kaniya si Ruan at inakbayan naman siya ni Gorgie. “Ano raw ang pakay sa’yo ng babaeng iyon?” kyuryos nitong tanong sa kaniya agad. Ngumiti ito sa kaniya. “She’s inviting me and Graza in their home for tonight’s dinner.” Makahulugang tingin ang iniukol niya sa kapatid na si Graza. “I won’t go,” mabilis pa sa alas-kuwatro na sagot ni Graza. Nangingiting siyang napailing. “Of course you will,” sambit niya rito. “Paniguradong nasabihan niya na sina mama at papa.” Napangisi si Emanya. “Hindi ka ba natatakot na traydorin ka ng kinakapatid niyo na iyon, Emrys?” hindi nakatiis na tanong nito. Maang na napatitig sa kaniya ang dalawa. Napangiti siya sa mga ito. “I understand what are you all worried about,” makahulugang sambit niya sa mga ito. “but I won’t lose my guard down.” “Sigurado ka ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Gorgie sa kaniya. Tumango siya sa mga ito. “If she’s approaching me for a motive then I’ll play along with her. I just don’t want my parents to scold me for that. They really want us to be friend with Galena,” paliwanag niya sa mga ito habang nanlalaki ang mga ito. “So that’s it,” ani Ruan. “Ang parents niyo ang dahilan. Hindi ba nila alam na may attitude ang inaanak nila na ‘yon?” pag-usisa nito sa kaniya sabay tawa. Natawa naman siya sa sinabi nito. “Paano ‘yan, pupunta si Emrys kaya naman ikaw Graza, wala kang choice,” humahagikhik na pang-aasar ni Gorgie rito. Napakamot ang kapatid sa huli. “Ano pa nga ba?” tanong nito sa kanila. “Hindi ako mahilig sa parties. Actually, there’s a reason behind kung bakit ako umaattend ng party. Kung hindi naman kinakailangan ay mas gugustuhin ko pang matulog. At ngayon, kailangan ko talagang samahan ‘yan. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang babaeng ‘yon.” Ipinulupot niya ang kamay sa braso ng kapatid at kinikilig na inaasar ito. “Malakas ang loob ko kasi alam ko naman na hindi mo ako pababayaan,” sambit niya rito. Binatukan siya nito. “Alam niyo, ang cheesy niyo kaya na magkapatid,” kinikilabutang sambit ni Ruan sa kanila. “Halika na nga, Ruan,” ani Gorgie sa kaibigan. “Nagugutom na ako.” “Akala ko hindi kayo nagugutom,” puna ni Emanya sa mga ito na sumunod na rin. “Aba’y hintayin niyo naman kami,” nangingiting pakiusap niya sa mga ito. “Bilisin niyo na kasi!” si Gorgie iyon. Pabalik na sila sa kanilang klasrum mula sa canteen nang ilabas ng mga ito ang cookies na dinala niya. Siyempre ay hindi siya ang nagluto niyon. Naunahan pa nga si Graza na i-perfect ang pagluto ng cookies. “Ang sarap naman nitong cookies na niluto mo, Emrys!” hindi nakapagtimping sambit ni Emanya sa kaniya. “Hmm. Kulang pa sa akin ito. Magdala ka ulit bukas, Emrys!” ngumunguya na sambit Ruan. Punong-puno pa ng cookies ang loob ng bibig nito. “Huwag ka munang magsalita, Ruan,” natatawang saway niya rito. “Mamaya niyan bumuswak ‘yang kinakain mo, eh.” Inaasar niya ito. “Te’ka lang naman. Kaninong cellphone nga pala iyong tumutunog?” kunot-noong tanong ni Graza sa kanila. “Kaya nga,” ani Ruan. “Tignan niyo at baka may tawag…” Saka niya lamang napagtanto na nagmumula ang ingay mula sa loob ng kaniyang bag. Nanlalaki ang mga mata na sinagot niya agad iyon. “Oo nga,” ani niya rito. “May tawag nga.” Kay bilis niyang inilabas mula sa loob ng kaniyang bag ang cellphone niya. Nanlalaki ang mga mata niya pagkakita sa pangalan ni Gila sa screen. “T-Tawag,” nauutal na sambit niya. Nag-aalinlangan siyang lubos na sagutin iyon. Nangingiting itinulak siya ni Gorgie. “Wow naman!” pang-aasar nito sa kaniya. Sinaway niya ito sa pamamagitan ng kaniyang matalim na tingin. Nginisihan lamang siya ng kaibigan. “Alam mo nakakatakot ka kapag nangangalit kasi mata mo lang nakikita namin.” Sumimangot pa ito. Agad itong nagsalita pagkasagot niya ng tawag. “Andito na ako sa labas ng school niyo,” maikling sambit nito na lubos niyang ikinagimbal. “This early?” nalaglag yata nang tuluyan ang panga niya dahil sa kaniyang narinig mula rito. Ang usapan nila, dadaan ito sa kanilang bahay mamayang gabi dahil may aasikasuhin daw ito sa Aswun. Sakto namang nagluto si Graza ng cookies kaya naman balak niya rin itong pagbigyan. “Napaaga ang meeting,” maikling sagot nito. “Hintayin mo na lamang ako!” bilin niya rito. Kagat-labi siyang napabuntong-hininga saka niya sinulyapan ang kaniyang suot na relo. Meron pa naman siyang trenta minutos. “Mauna na kayo sa room,” sambit niya sa mga ito. “Susunod na lamang ako!” Lakad-takbo ang kaniyang ginawa hanggang sa marating niya ang tapat ng malawak na gate. Agad siyang hinarang ng guard ngunit kumunot ang noo nito pagkatapos siyang makilala. “S-Saan ka naman pupunta?” kuwestiyon nito sa kaniya saka sinulyapan ang oras. “Kakatapos pa lamang ng lunch, iha.” Napakamot siya. Natatakot siyang makiusap dito dahil subok niya na kung gaano ito kaistrikto. “Nasa labas po kasi ang kaibigan ko. May iaabot lang po sana ako sa kaniya.” Inilabas niya ang isang box ng cookies mula sa kaniyang bag. Sinundan nito ng tingin ang kaniyang itinuturo. “Siya ba ‘yon, iha?” tanong nito sa kaniya. Nakatalikod si Gila mula sa kanila. Tumango siya rito. “Siya nga po,” ani niya rito. “Sige, makakalabas ka ngunit saglit lang, ha?” sambit nito sa kaniya. Napangiti siya rito. “Thank you po! Iaabot ko lang po talaga ito!” ani niya rito. Binuksan nito ang gate at tumakbo naman siya palabas. “Gila!” tawag niya sa atensyon ng lalaki na nakatayo mula roon sa labas. Gulat siya nitong nilingon at awtomatiko itong napangiti nang makita siya. Nakapamulsa nitong sinalubong siya habang nangingiti. “Akala ko ba mamayang gabi pa,” sambit niya rito. “Mabuti na lamang at dinala ko agad ito.” Nagtataka nitong tinignan ang bitbit niya. “Ano ‘yan?” maang na tanong nito at agad naming inabot. “Cookies,” nakangiting sagot niya rito. “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD