Hindi matanggal ang ngiti ang sa labi ni Gila pagkapasok niya sa loob ng kaniyang kuwarto.
Paano niya maiaalis sa kaniyang isipan ang pagngiti ng mga mata ng dalaga sa tuwing gagawa siya ng kalokohan. Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. Napasipol na lamang siya na kung may makakakita siguro ay mapagkakamalan siyang siraulo.
Kumunot ang kaniyang noo nang sa pagkatuon ng mga mata niya sa standby na pinagsasampayan niya ng jacket na ginamit sa paglabas ay may nakasampay na hindi sa kaniya. Isinalampak na lamang iyon basta roon. Kumunot ang kaniyang noo. Kulay purple iyon. “Kita mo nga naman. Siraulo talaga ang lalaking iyon,” nakangiwing sambit niya habang naiiling.
Sa pagharap niya’y nagulat siya sapagkat isang hindi inaasahan na panauhin ang kaniyang nakita sa terrace. Nakatalikod iyon mula sa kaniya.
He swear, nagulat siya. Pagkabawi’y agad niyang binuksan muli ang pinto at akmang aalis nang mabungaran niya ang kaniyang butler na may bitbit na tray ng tea.
“What the—”
Maagap niyang tinakpan ang bibig nito at tinulak ito palabas ng pinto habang maingat iyong isinasarado.
“B-Bakit, Crown Alpha?” nauutal na tanong nito habang nanlalaki ang mga mata.
Namaywang siya habang sapo ng isa niyang palad ang noo. “Bakit hindi mo ako sinabihan agad na nandito s-si—”
Napangisi ito. “Si Miss Evermore?” nanunuksong tanong nito sa kaniya porke’t hindi niya mabigkas-bigkas ang pangalan ng babae.
Mariin siyang napapikit at tumango rito. “Siya nga,” inis na sagot niya rito.
Saka lamang nito napagtanto na tutol siya sa pagkikita nilang iyon ng kaibigan.
“Naawa ako, Crown Prince. Nami-miss ka na raw kasi niya,” nagsisising paliwanag nito sa kaniya.
“Haya’n ka na naman sa puro awa. Tsk!” sita niya rito saka naglakad paalis. Iniwan niya ito roon na lito.
“Te’ka lang, Crown Prince. Saan ka na naman ba pupunta?” habol na tanong nito sa kaniya.
Itinaas niya lamang ang kanang kamay sa ere at iwinasiwas. “Dating gawi,” walang paliguy-ligoy niyang sagot rito.
“H-Ha? Paano si Miss Evermore?”
“Bring her home safe and sound,” walang likod-lingon niyang sagot rito.
“Pero, Crown Prince!”
Tuloy-tuloy lamang siya at hindi na huminto pa.
“Long time, no see, pare!” bati kay Gila ng kaibigan niya pagkaupo niya sa harap ng counter.
Napatango lamang siya rito.
“Yong dati nga, Roju,” pakiusap niya sa mabait na bartender.
Pinanood niya lamang itong magmaniobra ng kaniyang inumin. Inilibot niya ang kaniyang paningin upang pagmasdan kung naroroon ang kaniyang mga barkada.
Nasilayan niya si Yuan mula sa malayo.
Huling-huli niya ang pasimple nitong pagporma sa babae. Bahagya siyang napahagikhik dahil sa nakita. Sobrang lapit nito sa babae at halos naghahalikan na ang mga ito.
“Kanina pa ba ‘yang si Yuan rito?” hindi nakatiis na pag-usisa niya kay Roju.
Napatingin ito sa kaniyang pinapanood. “Kanina pa ‘yan rito. Iba ang chicks na kasama niyan kanina,” naiiling na sambit ni Roju sa huli.
Natatawang naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. “Paniguradong magwawala na naman ang pinsan ko kapag nakarating na naman sa kanya ang kalokohan ng lalaki na ‘yan,” sinundan niya iyon ng pagak na tawa.
“Ang mga babae nga naman. Matalino pero pagdating sa pag-ibig, pati sa babaero bumabagsak,” komento nito.
Mas lalo siyang natawa dahil sa sinabi ni Roju. “Wala akong alam diyan, pare.”
Napahalakhak ito nang malakas. “Aba’y nakalimutan mo na ba na ikaw ang pinakanumero uno nila, pare?” prankang panlalaglag nito sa kaniya.
“Siraulo,” sambit niya rito. Tawang-tawa siya rito.
Ito ang gusto niya sa lugar na ito. Kilala lamang siya bilang si Gila. Walang alam ang bartender na ito na siya ang Crown Alpha. Iyon ang mas nagpalawak ng pagkakaibigan nila ni Roju. Nakakapagbiruan sila nang wala itong inaalala.
Natigilan siya nang maramdaman na nagba-vibrate na naman ang cellphone niya. May tumatawag. Inilabas niya iyon at sinulyapan kung sino ang tumatawag. Muntik na siyang magsisi nang makita niya na si Evermore pala iyon. Ayaw niyang sagutin ngunit dis-oras na ng gabi. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama rito.
“Why are you calling?” seryoso ang boses na tanong niya rito.
Hinintay niya itong magsalita ngunit tila ba wala talaga itong balak.
“I’m busy right now kung wala kang sasabihin ay—”
“W-Where are you?” kabadong tanong nito sa kaniya sa kabilang linya.
Sumenyas siya ng pasasalamat kay Roju at kinuha ang inaabot nitong inumin. Inuyog niya iyon sa kaniyang kamay. “Andito ako sa club, why?” walang pag-aalinlangan na sagot niya rito.
“C-Club?” gulat na sambit nito.
Tumango siya kahit na hindi niya ito nakikita. “Why?” agad niyang tanong rito.
“W-Wala naman,” tipid na sagot nito. “Ano oras ka nga pala uuwi—”
Napangisi siya nang masilayan ang kadarating lamang na kaibigan, si Liumar. Sinenyasan niya ito nang magtama ang kanilang paningin at itinaas niya ang inumin dito.
“Sige na, Evermore. Andito na kasi ang mga kaibigan ko.” Agad niyang pinatay ang tawag pagkatapos.
Hinintay niyang makalapit si Liumar sa mismong kinaroroonan niya.
Ngingiti-ngiti ito nang makalapit sa kaniya. “Ngayon ka na lamang ulit napadalaw, pare.” Tinapik siya nito nang marahan sa kaniyang balikat.
Natatawang ipinagkibit na lamang niya ang kaniyang balikat sabay lagok ng alak.
“Huwag mo sabihing fasting ka ngayon sa pambababae,” biglang sumulpot si Yuan sa kanilang gilid.
“Ul*l!” naiiling na sambit niya rito. “Makapuna naman kayo sa’kin ni wala pang isang buwan akong hindi nagpakita.”
Nginisihan lamang siya ng mga ito. Alam niyang nagtataka lamang ang mga ito sapagkat noo’y hindi niya matiis na hindi dumaan sa bar gabi-gabi. Wala iyong palya.
Inismiran lamang siya ni Yuan at naupo sa kaniyang gilid. “Hindi ka naman kasi ganiyan dati. Kahit na gaano ka kaabala sa trabaho at mga responsibilidad mo noon, naisisingit mo pa rin ang pagsasaya.”
Ibinaba niya ang kaniyang baso sa ibabaw ng lamesa at kunot-noong hinarap ng tingin ang mga ito. “Bakit kailangang kuwestiyunin niyo ako ngayon imbes na magsaya tayong lahat? Haysss!” angil niya sa mga ito.
Nagkatawanan naman ang mga ito. “My bad, pare!” humahalakhak na sambit ni Yuan. Pabiro siya nitong sinapak sa kaniyang balikat.
Ngumisi lamang siya sa mga ito. “Tigilan niyo nga ako. Nais ko lamang ng katahimikan ngayong gabi,” kuwelang pahayag niya sa mga ito.
“Katahimihan? Pfft…” Sinadya siyang asarin ni Liumar. Wala talaga yatang balak ang mga ito na tantanan siya.
“Siraulo ka talaga, Liumar!” saway rito ni Yuan. “Sumeryoso ka na nga riyan. May importante ka naman kayang sasabihin kay Gila. Aba’y sabihin mo na ngayon din bago pa biglang mawala na naman ang kaibigan nating ‘yan.”
Naagaw niyon ang atensyon niya. Seryoso siyang napalinga sa paligid saka hinila ang kaibigan na si Liumar paupo sa kaniyang katabing upuan.
“Na-check mo na ba ang background ng lalaking ipinapatrabaho ko sa’yo?” blangko ang tingin na inukol niya sa kaibigan sabay lagok ng inumin mula sa kaniyang baso.
Awtomatiko rin ang pagseryoso nito. Isang tango ang iniukol nito sa kaniya. “Yes, Crown Alpha. His full name is Durante Razon. Your guess is totally right. Isa nga siyang butler ng napakaimportanteng Asong Lobo sa Hethigo,” mahabang paliwanag nito sa kaniya sa mababang boses.
“The only Alpha Akal?” he keep guessing.
Isang tango muli ang iginawad sa kaniya ng lalaki. “Siya nga, Crown Alpha.”
“What else, Liumar?”
Nagkibit-balikat na lamang ang lalaki. “Iyon lamang talaga ang nahagilap ng main source ko, pare, ngunit ayon sa sarili kong researches, malakas ang loob ng mokong na iyon dahil protektado talaga ito ng alpha. It’s like the cat enjoying the show everytime na mouse is away.”
Napatango siya. “I guessed, ganiyan lamang talaga ang buhay pero mali siya ng binangga. I want every bit of information regards with that asshole,” mahigpit niyang bilin rito.
Nagtratrabaho bilang secret agent ang kaibigan niyang ito kaya naman masuwerte siya kapag may kailangan siyang halughugin tungkol sa isang tao.
Namilog ang mga mata ni Yuan. “Siya ba ‘yong lalaki na nambastos doon sa babaeng nakamaskara?” nakangising tanong nito.
Nahuli iyon ni Liumar kaya naman hindi napigilang mag-react ng lalaki. Binunggo nito sa braso si Yuan. “Siraulo! Bakit ka nakangisi riyan? May nakakatuwa ba roon?”
Napalingon siya kay Yuan dahil sa pagsita ni Liumar dito. Nahuli niya nga itong nakangisi.
“B-Bakit naman?” nauutal na tanong nito sa kanila at napakamot. “Ano naman kung nakangisi ako ngayon?”
Naikiling niya ang kaniyang ulo sa kanan. Madalas ay loading din talaga ang lalaki na ito. “Anong nakakatuwa sa lalaking nambastos ng isang babae, pare?”
Hindi agad ito nakapagsalita. Nalunok na yata nito ang sariling dila.
“Doon ka nga,” ingos ni Liumar dito. “Mas mabuti pa kung maghanap ka na lamang ng chickababes doon sa dance floor at mukhang may tama ka na naman.” Hinampas nito ang lalaki sa braso nang malakas.
Napakamot ito sa ulo. “Mabuti pa nga,” palusot nito at may pagmamadali sa kilos na sumibat agad ito ng lakad paalis.
Pinagmasdan nila itong lumapit sa isang babae na mukhang kakilala naman nito.
“Tignan mo nga ang siraulong ‘yon,” sambit ni Liumar.
“Paniguradong mas malaking porsyon na ng utak niyon ang kalandian,” komento niya saka muling binawi ang tingin.
“Haysss! Sinabi mo pa,” dagdag nito.
Lumapit na muli ito sa kaniya at handa na muling magsalita.
Sinenyasan niya ito na mas lumapit sa kaniya. “How about the other thing that I asked you?” agad niyang tanong dito.
Pinatunog nito ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa bago nagsalita. “The girl named Emrys Arison? She’s the younger daughter in the Arison mansion.”
Tumango siya rito. “That’s right!” sang-ayon niya rito sabay lagok ng alak mula sa basong hawak niya. “Ano pang meron?” dagdag niyang tanong rito habang matamang nakatitig rito.
Tatango-tango itong sumenyas ng alak mula kay Roju. Agad naman um-okay ang isa rito. Halatang-halata na iniiwasan siya nito at wala na itong masabi pa sa kaniya ngayon.
Nanliliit ang mga matang iniukol niya rito. “Wala ka na bang ibang sasabihin, ano?” panghuhuli niya rito. Hindi na siya nakapaghintay pa.
Nagpakawala ito ng pagak na tawa at akmang makikipag-apir pa sa kaniya nang irapan lamang niya rito.
“Pasensiya ka na pare. Iyon lamang talaga ang nasagap ko, eh,” ani nito.
Natawa siya dahil sa sinabi nito. “Kailan mo balak ipasara ang kompanya mo, pare?” seryoso at prangkang tanong niya rito na ikinalaki ng mga mata nito.
“Pare naman!” angil nito sa kaniya. Hindi nito matanggap ang kaniyang sinabi.
Umiling siya rito. “Just a girl at kakapiranggot lamang ang nasagap mo, pare? Anong nangyari sa ipinagmamalaki sa buong Araceli na detective?” Sinadya niyang magtunog dismayado.
Nanlalaki ang mga mata na inilapit nito ang bibig sa kaniya. “Shhh!” nag-aalalang saway ng kaibigan sa kaniya. “Well, it’s not that easy as you think it is, pare. Maniwala ka man o hindi, ilang mahuhusay na detective na ang ipinadala ko upang mag-research tungkol sa babaeng ‘yon pero kahit isang maliit na importanteng balita ay wala silang nasagap. That thing make me so confused. Sino ba naman kasing maniniwala na may isang asong lobo na walang kahit na anumang bakas ng kaniyang pagkatao. Pare, para siyang protektado ng buong mundo. After that, ako na mismo ang pumunta upang mag-usisa tungkol sa pagkatao ng baabeng iyon just to prove na wala talaga. Hindi mo alam kung ano kahihiyan na sinapit ko nang wala rin akong napala. Nagalit-galit pa ako sa mga empleyado at pinarusahan sila tapos isa rin pala ako.”
Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa kaniyang narinig. “You are lying,” sambit niya rito. Ayaw niyang maniwala rito.
“Who’s lying who?” nanliliit ang mga matang napakamot ito sa sarili nitong buhok. “Nagpakahirap ako sa trabahong ito tapos iyan lamang ang sasabihin mo sa akin ngayon, pare?”
Naiiling na tinawanan lamang ito. “Of course, that was your job but you still have to try and try your best until you got something, right?” kuwestiyon niya rito bilang kaibigan.
“Thanks, bro!” pasasalamat nit okay Roju nang iabot ng lalaki ang inumin nito.
“Siyempre naman pare,” mariin na giit nito. “Sino ba namang nagsabi na sumuko na ako?” Nakangisi na ito ngayon.
Tumango siya rito. “So what’s your plan?” agad niyang tanong dito.
Hindi man nito naitatanong ngunit masaya dahil sa sinabi nito.
“Secret,” nakangising sambit nito.
Muntikan na niya itong mamura sa sobrang inis. Isang matalim na tingin lamang ang iniukol niya rito.
“Fine,” sumusukong sambit niya rito. “I’ll wait for the result of that plan of yours.” Iyon na lamang ang sinabi niya. Ayaw niya nang pahabain pa ang usapan.
Marahan siya nitong tinapik sa balikat. “You have to trust me, pare.”
“Cheers!” Itinaas niya ang inumin sa ere at sumang-ayon na lamang sa huli.