Chapter 36

2509 Words
“Betlog na naman!” nanlulumong sambit ni Emanya sabay lamukos nito ng sariling papel. Maang na kinagat ni Emrys ang kaniyang ibabang labi. Hindi katulad nina Gorgie at Ruan na talagang nagtatawanan pa nang lantaran. “Pfft. Nagbibiro ka ba, Emanya?” si Gorgie iyon na napapalakpak pa. “Ang dali-dali na lamang ng exam.” Galit na tingin ang iniukol nito sa dalawa lalo na kay Gorgie. “Ha? Talaga ba?” nanliliit ang mga matang asik nito kay Gorgie. “Ilan nga ulit ang kuha mo, Gorgina?” Napatikhim lamang si Gorgie at bago pa maagaw ni Emanya ang papel nito'y naitago na agad nito iyon sa loob ng bag. “Pfft. Huwag kayong palilinlang kay Gorgina, sampung piraso lamang ang tama niyan,” pambubuko ni Ruan rito habang nakangisi. Pinanlakihan ng mga mata ni Gorgie ang huli. “Manahimik ka, Ruan. Bakit mo naman ako ibinuko?!” “Bakit naman hindi?” nakangising tanong niya rito. “Akala ko ba magkakampi tayo rito?” nagsisising sambit nito. “Pasensiya na, hindi ko napigilan,” ani Ruan. “Wala akong pakialam, Ruan,” nagtatampo pa rin na sambit ni Emanya. “Pinagtawanan mo rin ako.” “Ha! See?” pambabawi na asar ni Emanya kay Gorgie. “Nakita ko rin naman na nagpipigil ng tawa si Emrys,” turo ni Gorgie sa kaniya. “H-Ha?” napamaang siya. Salubong ang kilay na itinuon ni Emanya ang tingin sa kaniya. “Ilan ang score mo, Emrys?” ungkat nito sa kaniya. Napalunok siya. “Hulaan mo,” ani niya rito. Wala naman kasi talaga siyang balak sabihin ang score niya. Kung ano ang sinabi nito'y sasang-ayunan na lamang niya. “Twenty?” panghuhula ni Emanya. Akmang tatango na siya nang sumabat bigla si Graza. “Perfect niya,” anito na ikinalaki ng mga ito. “Fifty ang scores mo?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Emanya sa kaniya. Inis niyang nilingon si Graza at pinanlakihan ito ng mga mata. “How did you perfect the exam?” kagat-labing tanong sa kaniya ni Gorgie sabay tingin nito kay Ruan. “Ruan only got score of twenty-five,” kagat-labing sambit nito. “Anong nakakalungkot sa twenty-five?” nalolokang tanong ni Emanya sa kanila. Pinandilatan ng mga mata ni Gorgie si Emanya. “Kaya naman palagi kang betlog kasi wala kang pakialam,” pang-aasar nito sa kaibigan. “Paulit-ulit?” asik naman na tanong ni Emanya rito. Tinawanan lamang ito ni Gorgie. “Ruan, ayos lang ‘yan hindi pa naman kasi end of the world,” kiming sambit ni Emanya. Labas iyon sa ilong ng dalaga. Masamang tingin ang iniukol nilang lahat magkakaibigan kay Emanya. “Argh!” asik ni Ruan dito. “Puwede bang manahimik ka na lamang, Emanya?” “Grabe ka naman, Ruan,” may hinanakit na sumbat ni Emanya sa kaibigan. Tinawanan lamang ni Gorgie ang mga ito. “Pagbigyan niyo na si Emanya. Minsan lamang ‘yan mag-ingay.” Nagsitanguan sila. Totoo nga naman ang sinabi ni Gorgie. Madalas ay tahimik lamang si Emanya na nakikinig at nakikiramdam. Nanliliit ang mga mata na iniukol ni Emanya rito. “Talagang kinokontra niyo ako, ano?” “Tama na ‘yan,” mahinahong saway ni Emrys sa mga ito. “Baka kung saan na ‘yan mapunta mamaya. Kung mababa man ang kuha niyo ngayon, better luck next time na lamang… Konting review na lamang iyan sa sunod. Makakabawi rin.” Ngumiti siya upang makumbinsi ang mga ito. “Accck!” angil ni Ruan. Tamad na tamad ito nang tumayo at inihilamos ang mukha sa sarili nitong mga palad. Tumalikod ito at walang paalam na nagtungo sa sarili nitong upuan. “Guys, bilisan niyo at magmeryenda na tayo!” malakas niyang sambit upang marinig lahat ng mga ito iyon. “Oo nga pala!” Napakamot sa ulo si Gorgie. “Nagugutom na nga pala ako. Hindi bale, isang chicken burger na lamang ang katapat nitong badtrip ko.” Lihim niyang inihatid ng tingin si Gorgie habang papalayo ito. Sumunod ang nananamlay ring si Emanya rito. “Hindi mo na lamang dapat sinabi na perfect ang score ko, Graza,” mahinahon niyang pagkausap sa kapatid. Ngunit nakonsensiya siya pagkatapos nitong tumango. “Iyon nga rin ang nasa isip ko, Emrys,” mahinang sambit nito. Mukhang nagsisisi nga talaga ito. Nakita niya ang pagtupi nito sa sariling papel at pagsingit nito niyon sa bulsa ng sarili nitong bag. “I-Ilan ang score mo?” kabadong tanong niya sa kapatid. Naging mailap ang mga mata nito at agad na nag-iwas ng tingin sa kaniya. “S-Sakto lamang,” anito. Saka niya lamang napagtanto na walang nagtanong sa score nito kanina. Sinadya niya iyong hablutin mula rito. Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat. “Talaga, sis?” nakatawang pagbibiro kunwari rito. “Emrys!” nanliliit at nagbabadya ang inis sa mga mata nito. “Hindi ka na nakakatuwa.” “Madaya ka kaya,” ani niya rito. “Kailangan ko rin naman malaman kung ilan ang score mo para patas. Hindi ba? Hmp! Hayaan mo, kapag mas mataas kaysa sa akin, I’ll treat you a burger ngunit kung mababa, bibitbitin mo ang bag ko pagkauwi natin…” Sadyang panghahamon niya rito. Hindi niya inaasahan ang pagngisi nito kapagdako. “Sure!” confident nitong sagot. Nakangisi niyang binuksan ang papel nito. Napangiti siya pagkakita sa score nito. Twenty-five iyon. “Ano? Nalunok mo na ba iyang dila mo?” kampanteng tanong nito sa kaniya. Napatakip siya sa kaniyang bibig at naikiling ang ulo sa kanan. “Oh, my, twenty mo rin!” hindi niya na naitago ang kaniyang tuwang naramdaman para sa kapatid. “Deserve ko ng libreng burger dahil natalo ka lang naman sa sarili mong pusta, right?” nakangising tanong nito sa kaniya. Hindi agad siya nakaimik. Pero sure siya kanina na mababa ang score nito. Itinupi pa nito ang papel na animu’y nalugi sa lotto. “You tricked me!” asar talong akusa niya sa kapatid. Nginisihan lamang siya nito. “Wow! Parang masama pa ang loob mo sa isang burger, ah,” pang-aasar nito sa kaniya. “Ano bang pinagtatalunan niyo?” kunot-noong tanong sa kanila ni Gorgie. Nagkatinginan silang magkapatid at nagkatawanan sa huli. “Tanungin mo ‘yang kapatid ko na iyan… Mukhang may balak pang takbuhan ang isang burger na ipinangako niya sa akin,” naiiling na sambit nito. Natatawang isinukbit niya ang sarili niyang bag at tumayo. “Hindi ah,” nakangising tanggi niya rito. “Wala naman akong sinasabi na gano’n.” Muntikan na siyang mapahalakhak nang simangutan lamang siya ni Graza. “What?” ani Emanya. “Totoo ba ‘yan na nag-aaway kayong magkapatid dahil lamang sa isang burger. Goodness! Kahit yata isang grocery store ang maubos niyo kada araw ay hindi problema sapagkat anak kayo ni Delta Luki.” “That’s not true!” sabay nilang sambit magkapatid. “H-Ha?” kunot-noong tanong nito sa kanila. “What’s wrong with my words?” Napaismid si Graza. “You don’t have to ask, Emanya. Trust me… Hindi ka rin naman maniniwala.” Mas nauna pa itong tumayo kaysa sa kaniya bitbit ang sarili nitong bag. Naiwang tulala si Emanya habang nakatitig sa kaniya. “Emrys?” maang na sambit nito sa kaniya. Humugot siya ng isang malalim na hininga saka nagsalita. “Kapag sinabi ko bang isang daan lamang baon namin, maniniwala ka?” seryosong tanong niya rito habang nakakrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. “Siyempre ay hindi,” nanlalaki ang mga matang sagot nito nang mabilis. Napapitik siya sa ere at seryoso itong tinapunan ng blangkong tingin. “Exactly,” sambit niya rito. Iyon lamang at sumunod na siya sa kaniyang kapatid na sumunod na kina Gorgie at Ruan na nakaabang sa labas ng kanilang klasrum. “Te’ka lang!” habol sa kanila nito. “Hintayin niyo kaya ako!” Dating gawi. Nakipagsiksikan sila sa loob ng canteen magkakaibigan pagkapasok nila mismo sa loob. Kunot-noong napasulyap si Emrys kina Gorgie at Emanya. Kakaiba ang tinginan ng mga ito. Sa totoo lamang ay kanina niya pa nakikita ang makahulugang tinginan ng mga ito sa isa’t-isa. Naghagikhikan pa ang mga ito. “Don’t mind them,” nakalabing sambit ni Ruan sa kaniya habang ang kamay nito ay nakapulupot sa loob ng kaniyang braso. Isang makahulugang ngisi ang iniukol niya kay Ruan saka siya napatango rito. Tama nga si Gorgie. Makakalimot din naman agad ito. Sa madaling salita, hindi basta nagkikimkim si Ruan ng sama ng loob para sa isang kaibigan. “Emrys and Graza,” untag ni Gorgie sa kanila pagkalapag nila ng mga bag sa kaniya-kaniya nilang mga puwesto. “Yes?” agad niyang sagot sa kaibigan. Seryosong tingin lamang ang isinagot ng kaniyang kapatid sa mga ito. “Kayo ang nakatoka ngayon umorder?” nakangiting tanong nito sa kanilang dalawa. “Obvious naman, ‘diba?” sarkastikong tanong ni Ruan sa mga ito. “Haya’n nga at nakaupo na tayong tatlo habang nakatayo pa silang dalawa magkapatid.” Tinabing nito ang buhok palikod na aakalain mong sobrang stress. Inisnab lamang ito ni Gorgie. “I’m not talking to you, friend.” Napapahiyang natamik naman si Ruan nang wala sa oras. “Ops na ‘yan guys,” saway niya muli sa mga ito at napakamot sa ulo. “Kami nga magkapatid ang nakatoka. Anong ipapabili niyo guys?” Ngumiti siya sa mga ito upang pagaanin ang atmosphere. Sinabi ng mga ito ang order na pagkain hanggang sa biglang may pasingit na naman si Gorgie. “Paano ba ‘yan? Narinig ko kanina na ililibre mo si Graza ng burger. Puwede bang ako rin!” nakangiting sambit nito. Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan silang dalawa magkapatid. “H-Huh?” gulat niyang sambit dito. “Ayieeeh!” anitong namimilit. “Sige na, Emrys.” “Uy!” nanlalaki ang mga matang saway ni Ruan sa kaibigan. Sa huli ay nakangiti siya tumango kay Gorgie. “Sige ba,” maikling sagot niya. Wala namang masama sa pakiusap nito. “Ako rin, Emrys.” Nanlaki ang mga mata niya nang maging si Emanya ay magsalita. “Sagot ko na ang burger mo, Emanya,” nakangiting sambit ni Graza rito. “Thanks!” malaki ang pagkakangiti na pasasalamat nito sa kaniyang kapatid. “Hindi puwede iyan,” ani Gorgie. “Dapat ilibre mo naman ako ng drinks, Graza!” “Guys, mahiya naman kayo. Centavo nga lamang ‘yang halaga ng ipinapalibre ninyo kumpara sa mga baon niyong dalawa!” nakangiwing puna ni Ruan sa mga ito nang may pagdududa. Natigilan siya. Maging siya man ay nawiweirduhan sa sinasabi ng dalawa. Nanliit ang mga mata niya nang maalala ang makahulugang bulungan ng mga ito kanina. Marahan itong hinampas ni Gorgie sa bandang puwet. “Ang dami mong alam, Ruan!” putol ni Gorgie rito. “Ang sabihin mo, nais mo rin magpalibre!” Nakangising naikiling na lamang ni Emrys ang kaniyang ulo sa bandang kanan niya. That make sense now. “Anong gusto mo, Ruan?” tanong niya na rin sa kaibigan. Wala namang masama kung magpapalibre ang mga ito. Paminsan-minsan lang naman siya gagastos at may ipon naman sila ni Graza kahit papaano. Kahit na ano pa ang pinaplano ng dalawa, hindi niya iyon mamasamain. Napapangiti pa nga siya ngayon sa pagpipigil na matawa. Nakapangalumbaba na napailing si Ruan. “Iyong palagi kong order lamang at ako na ang magbabayad ng sa’kin.” Napaismid si Gorgie nang matabang. “Hindi kasi kami kasing yaman mo, kamahalan,” labas sa ilong na sambit nito. Inirapan lamang ito ni Ruan. Naglakad na silang dalawa paalis ni Graza patungo sa pila. “Ang weird ni Gorgie,” nakangiting sambit ni Graza sa kaniya. Tipid na ngiti lamang ang isinagot niya sa kaniyang kapatid. “Napansin mo rin ba?” muling tanong nito sa kaniya. Tumango siya rito. “Hayaan mo na. Nalito lang ‘yon. Mukhang hindi makapaniwala sa sinabi nating halaga ng baon natin.” “Exactly,” anito. “Mabubungi muli ang hulog ko ngayong araw,” aniya sa kapatid. Natawa lamang ito. Bitbit ang kanilang mga order na pagkain ay nakangiti silang bumalik sa puwesto. “Yeeehey!” napapalakpak si Gorgie. “Thank you, guys!” Sinsero ang pasasalamat nito. Ngumiti lamang siya sa mga ito. “Walang anuman. Kain na.” “Emrys!” Wala pang ilang minuto ay nag-angat siya ng paningin pagkarinig sa boses ni Galena. Napasulyap siya sa likuran nito. Himala nga at wala ang mga alalay nito ngayon. “Oh?” nakangiting sambit niya rito. Napatayo na rin siya. Ramdam niya ang pagbaling ng mga tingin ng ibang estudyante sa kanilang kinaroroonan. “Pipila sana ako at nakita kita, Emrys.” “Wala kang kasama?” nagtatakang tanong niya rito. Nagkibit lamang ito ng balikat. “Meron… Mga kaibigan ko at naghihintay sila sa table namin kaya naman bibilisan ko na. Ano nang desisyon mo? Payag ka ba?” Natigilan at awtomatikong pinanlakihan ng mga mata. “Halah!” sambit niya sa sobrang gulat. Nakalimutan niya na. Ni hindi na iyon sumagi pa sa kaniyang isipan. Napasulyap siya kay Graza. “Eh kasi…” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Puwede ba talaga ako riyan, Galena?” Nakatawa itong tumago, “Aba’y oo naman, Emrys! Kaya nga ikaw nag kinukuha ko dahil ikaw mismo ang pinaka perfect candidate!” “Ehem!” Napalingon siya kay Ruan nang napatikhim ito. Sinamaan ito ng tingin nina Gorgie at Emanya. “Bakit? Biglang sumakit ang lalamunan ko. Masama?” makahulugang palusot nito na ipinagkibit-balikat na lamang nila. “Emrys?” muling untag sa kaniya ni Galena. Naghihintay pa rin ito ng sagot niya. Kagat-labi siyang napahugot ng isang malalim na hininga at napatango sa huli. “Fine,” pagsang-ayon niya rito sa wakas. “Bahala na si batman.” Nakangiti niyang pagsasaad rito. “Really, Emrys?” Inabot nito ang kaniyang mga palad at niyakap siya nito sa sobrang katuwaan. “Thank you so much!” “Uhu!” muling tikhim ni Ruan. “Masakit talaga, Ru?” tanong ni Gorgie rito. “Oo! Malaking bara sa lalamunan yata itong patty ng burger…” “I’ll see you around then,” ani Galena nang pakawalan siya. Tumango siya rito. “Thank you talaga, Emrys!” pasasalamat nito. Umiling siya. “Walang anuman, Galena.” “Una na ko! Happy lunch, guys!” Kumaway ito saka naglakad patungo sa pila. “Plastik!” rinig niyang angil ni Gorgie. Nilakihan ito ng mga mata ni Ruan. “Yabang mo!” komento nito sa kaibigan. “Makapuna ka riyan, isa ka rin naman pala. Ang pagkakaiba nga lamang natin, kung kailan wala na saka ka pa puputak.” “Cheh!” ani Gorgie rito. “Alin doon ang sinabi mo? Iyong ehem at dahil lamang masakit kunwari ang lalamunan mo?” Hindi rin ito papatalo. “Guys,” nanlulumong puna niya sa mga ito. “Kalma lang. Nasa tapat tayo ng pagkain.” “Sorry,” halos sabay na paghingi ng mga ito ng paumanhin saka muling sumeryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD