Chapter 37
“Let’s go, Diomar,” ani Gila pagkasakay sa loob ng sarili niyang sasakyan. Niyaya niya itong samahan siya sa Aswun upang dalawin si Skiah.
May dahilan siya upang dalawin si Skiah at isa pang dahilan para hindi siputin si Evermore.
Naupo siya sa tabi ng driver’s seat at tahimik na isinandig ang likod sa back seat.
He’s planning to take a nap while Diomar is driving.
“May nakalimutan nga pala akong sabihin, Gila,” ani ng kaniyang butler habang ang tingin nito ay nasa daan ng minamanehong sasakyan.
Pumipikit na ang kaniyang mga mata. “Oh?” itinaas na lamang ang kaniyang tinig rito.
Ngunit bago pa ito makasagot ay naunahan na ito ng isang hindi inaasahang panauhin.
“Nasa’n na tayo?” Napatalon siya sa gulat dahil sa boses na nagmula sa kaniyang likuran.
Nanlalaki ang mga mata niya na biglang napadilat. Hiniling na lamang niyang lumuwa ang sahig ng sasakyan at lamunin siya. Si Evermore ang pinakahuling tao na gugustuhin niyang makita sa oras na ito but it was too late.
Awtomatiko siyang napatingin rito at napangiwi. “W-What are you doing here, Evermore?” kyuryos niyang tanong rito habang nakatuwid ng upo. Ipinaglipat-lipat ang tingin rito at kay Diomar.
Ngumiti ang inosenteng si Evermore na hindi alam ang sususnod na mangyayari. Nagulat siya.
Kumaway ito sa kaniya habang nakangiti nang malawak. “Gusto kong mamasyal sa Aswun, Gila.” Mababanaag sa ekspresyon nito na wala na itong balak na umatras pa.
Mariin siyang napapikit. Nagkamali siya. Dapat ay sinipot na lamang niya ito. Ngayon ay sasama pa tuloy ito sa Aswun. Naiirap niya sa ere ang mga mata. “Napakakulit mo, Evermore.” Naiiling na isinandig na lamang niya ang kaniyang likod sa backseat.
Humagikhik lamang ito. “What friends are for, Gila?” pabirong kuwestiyon nito sa kaniya. “Na-miss kaya kita. Hindi mo man lang ba ako nami-miss?”
Huminga siya nang malalim at napahawak sa kaniyang sentido. Did he miss her? Of course. Ilang taon din itong nawala at namalagi sa malayo. Ngunit taliwas sa inaasahan nilang dalawa nito, nasanay siya.
Kinurot niya nang palihim sa hita si Diomar at sinenyasan niya ito na natutulog siya.
Agad naman nitong na-gets ang ibig niyang sabihin.
“Bakit hindi ka na umiimik diyan, Gila?” tanong nito sa kaniya habang lihim siyang nangingiti mula sa upuan.
Sinilip siya kunwari ng butler bago nito pinatunog ang sariling dila. “He’s sleeping already,” anito.
Tila ba may tinadyakan ang babae sa harapan nito. “Argh! Nakakaasar naman. Ganiyan na ba talaga ‘yang boss mo, Diomar? Nakakatampo na ha.”
“Bakit ka naman magtatampo?” kuwestiyon ng kaniyang butler rito. Feel na feel ng mokong ang pagiging numero unong chismoso.
“Aba’y akala niya ba hindi ko napapansin na iniiwasan niya ako? Hmp!” anito.
Tuluyan nang natawa ang mokong. “Iniiwasan? Nino? Ni Boss Gila. Sinasabi ko na agad sa’yo na hindi. Don’t overthink everything. Pagod lamang ang tao kaya naman haya’n nakatulog siya.”
“Ah, talaga ba?” makahulugang tanong nito sa kaniya. “Gaano ka kasigurado na natutulog ‘yan ngayon? Hmp! Paniguradong nagtutulug-tulugan lamang iyan.
Pagak na natawa ang kaniyang butler habang tinatapunan siya ng sulyap. “Malayo pa ang Aswun mula rito, Miss Evermore. Ang mabuti yata ay umildlip ka na lamang din muna para hindi ka mapagod sa byahe.
“Ayaw ko. Gigising din naman ‘yang amo mo mamaya,” mahinahong sambit nito habang nakamasid sa labas ng bintana.
Magkahulugang tingin ang inukol nila sa isa’t-isa ng kaniyang butler. “Ikaw ang bahala,” tinatamad na sambit ni Diomar sa kaibigan ng amo.
Pagkaraan ng ilang minutong pananahimik at kanilang byahe, saka lamang nila napagtanto na tulog na pala ito.
“Alpha, tulog na!” ani Diomar sa malakas na boses na siyang ikinalaki ng kaniyang mga mata sa gulat.
Mabilis pa sa alas-kuwatro na hinampas niya ito sa bandang braso. “Iyang boses mo,” saway niya rito. “Hinay-hinay lang.”
Napakamot naman ito. “Pasensiya na kasi,” anito.
“Pambihira,” napasapo siya sa kaniyang noo. “Gusto mo bang magising ‘yan?” problemadong tanong niya rito kapagdako.
“Hindi na mauulit, alpha,” bawi nito.
Napatango na lamang siya rito kapagdako. “Oh, siya. Sa daan lamang ang tingin. We can’t afford an accident right now.”
Makahulugang ngiti ang rumihestro sa gilid ng mga labi nito. “Bakit, alpha? Dahil ba narito si Miss Galena?” nang-aasar ang himig na tanong nito sa kaniya.
Tuluyan siyang napasimangot. “Ano bang pinagsasabi mo riyan, Diomar?” kuwestiyon niya rito. “Ikaw, kahit na kailan ay napakachismoso mo talaga.”
“Heto na nga at tatahimik na ang mangmang mong alipin,” maagap na sambit nito saka nagtikom ng bibig bago niya pa ito maparusahan.
“Gila,” untag sa kaniya ni Galena na ngayo’y gising na. Saglit na naputol ang kaniyang pagmumuni-muni habang nakamasid sa loob ng paaralan ng mga Luna.
“Gising ka na pala,” labas sa ilong na sambit niya.
Ngunit nanatiling seryoso ang tingin nito sa kaniya. “Anong ginagawa natin dito?” Inilibot nito ang tingin sa paligid na punong-puno ng pagtataka.
“Your tone, Evermore,” saway niya rito.
“Ows? How come you say something about my tone but not to my question,” nalilitng sambit nito.
“Andito ako for some specific reason kaya naman sarili mo lamang dapat ang tinatanong mo kung bakit ka sumama sa akin at nandito ngayon,” ani niya rito.
Napalunok ito. “It’s not what I am thinking right?” kabadong tanong nito sa kaniya.
Kumunot lalo ang kaniyang noo. “Utang na loob. Ano bang iniisip mo, Evermore?” tanong niya rito. “Hindi ako manghuhula.”
Naisuklay nito sa buhok ang sariling mga daliri sa kamay. Maya-maya ay maluha-luha na ito. “N-Naghahanap ka na ba ng Luna mo?” kabadong tanong nito sa kaniya.
Nanlamig siya dahil sa sinabi nito at nasamid sa sarili niyang laway. “H-Hindi ah,” maaagap niyang tanggi. Napaubo siya at agad na nag-iwas ng tingin mula rito. Pinakatitigan nito nang maigi ang kaniyang mukhang pinamumulahan kaya naman maagap niya itong inakbayan upang maitago ang sariling repleksyon. “Ano bang pinagsasabi mo riyan?”
Napayuko naman ito. “Sigurado ka ba?” umaasang tanong nito sa kaniya. “So kung hindi, bakit hindi mo kayang sagutin ang tanong ko kung bakit tayo naririto?”
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago ito sinagot. “I’m actually came here for a family acquaintance. She personally request for one of my plant kasi kaya andito ako ngayon para sana i-check iyon,” palusot niya na medyo totoo naman.
“Ah. Gano’n ba?” Tila ba nabunutan naman ito ng tinik kapagdako. At ngumiti na nga ito sa kaniya. “Akala ko pa naman ay kung ano na.”
Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ang sinabi nito.
Agad siyang naging alerto pagkakita kay Emrys na papalapit sa gate kasama ang kapatid nito. Kumaway siya rito na ikinagulat nito.
“Why?” nagtatakang tanong nito pagkalapit sa kaniya. Ipinaglipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni Evermore.
“She’s my bestfriend,” maagap niyang pagpapakilala sa babae. Si Evermore naman ay nanliliit ang mga matang sinisiyasat si Emrys.
“Why are you wearing mask?” prangka at diretsang tanong ni Evermore kay Emrys.
“Everymore,” maagap niyang saway sa kaibigan.
Ngunit inirapan lamang siya ng kaibigan.
“It’s a secret,” sambit ng kapatid ni Emrys dito.
Nagulat siya nang mapangisi si Evermore kapagdako at naglahad ng palad sa harapan ni Emrys. “Nice meeting you two…”
“Emrys,” nakangiting inabot naman ni Emrys ang palad nito.
Nanatili namang walang imik at nakikiramdam lamang si Graza habang nakamasid sa kanila.
Dumiretso sila sa bahay nila Emrys. Hindi nila nakita ang mga magulang nito.
Iyon nga lamang at kinailangan pa nilang hintayin ang ilang minuto na pagpapaalam ng mga ito sa kanilang magulang na kasalukuyang nasa ibang bansa para sa kanilang business trip. “Here,” nakangiting inilapag ni Emrys si Skiah sa gitna ng lamesa. “Skiah, andito si Gila.”
Napangiti siya dahil sa sinabi ng dalaga. Emrys eyes smiled and all he could say is that it was very pretty.
“Skiah?” kunot-noong sambit ni Evermore sabay higop sa inuming juice.
Napatango siya. “Emrys named her, Evermore.”
“Bakit ikaw ang sumasagot?” nakangising tanong ni Evermore sa kaniya. “Mukhang marami na kayong nalalaman para sa isa’t-isa, ah.”
Tuloy ay wala sa oras na napaubo naman si Graza na kararating lamang din sa salas. “Interview ba ‘yan?” tanong ni Graza kay Evermore at sinadyang ipinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. “Napakadami mo na kasing tanong.” At napaingos pa ito sa huli.
“Graza,” hindi nakatiis na saway ni Emrys sa kaniyang kapatid.
Napairap na lamang sa ere ang huli at naglakad na ulit patungo sa kusina.
“Ayos lang,” walang kakunot-kunot sa noong sambit ni Evermore kay Emrys. He’s glad at nakikisama si Evermore. Walang ipinagbago ang kaniyang kaibigan. Napakabait pa rin nito.
Binuhat niya si Skiah at mataman itong sinuri. Hindi niya inaasahan na napakalaki ng improvement ni Skiah ngayon. Nakikita niya na kasi ang maliliit na tubo ng sanga na malapit nang lumago sa trunks nito.
Nakiusyuso si Evermore sa kaniya. “Is this forever rose?” hindi makapaniwalang tanong ni Evermore sa kaniya. Bahagyang nakaawang ang bibig nito sa pagkabigla.
Hindi agad siya nakaimik. Saglit niyang nilingon si Emrys na kanina pa pala nakatingin sa kanila ni Evermore. Bigla itong tumayo at nagsalita. “A-Ano nga palang gusto niyong drinks?”
Ngumiti siya kay Emrys. “Just water for me, Emrys,” ani niya rito.
“Te’ka lang, Gila. I’m still talking to you,” giit ni Evermore na ikinalingon niya rito.
“Yes,” sa huli’y pag-amin niya rito.
“What?!” hindi makapaniwalang bulalas nito saka napatayo.
Nilakihan niya ito ng mga mata at sinita. “Evermore, you have to calm down,” paalala niya rito. Wala sila sa kanilang pack. Dayo lamang sila ngayon sa pamamahay ng mga Arison.
Mariin itong napapikit at napasapo sa sariling noo. “Fine,” sumusukong sambit nito at nanghingi ng paumanhin kay Emrys. “I’m sorry. Can I have a coffee, Emrys?”
Agad namang napatango si Emrys. “Saglit lang,” paalam nito. “Iwan ko muna kayo saglit dito.” Tumalikod na ito naglakad patungo sa kusina.
“What’s the meaning of this, Gila?” muling tanong sa kaniya ni Evermore nang makaalis na si Emrys.
Ipinagkibit lamang niya ang kaniyang balikat. “Nothing, Evermore.”
Napangisi ito kapagdako. “I see. Napaka-special naman yata ni Emrys sa’yo. Talaga bang friend mo lamang siya?” sarkastikong tanong nito sa kaniya.
Napayuko siya. Masyadong seryoso ang tono ng pananalita nito. “May mga bagay na hindi ko kayang ipaliwanag sa’yo ngayon, Evermore. Naiintindihan mo ba?” kalmadong tanong niya rito.
Hindi naman ito agad na nakaimik.
Tumayo ito na ipinagtaka niya.
“Sa’n ka pupunta?” nagtatakang tanong niya rito.
Isang plastic na ngiti ang remihestro sa gilid ng mga labi nito. “Magbabanyo, bakit bawal?”
Hindi na lamang siya umimik pa nang tunguhin nito ang kusina.
“Pasensiya ka na, Emrys,” paghingi niya ng paumanhin sa babae nang pauwi na sila.
Bahagyang tumaas ang kanang kilay nito. “Ano bang pinagsasabi mo riyan, Gila? Ayos lang. Sus!” Kumaway pa ito sa kanila.
“Thanks Emrys, bye!” paalam ulit ni Evermore.
Napatango si Emrys. “Walang anuman.”
“Sa uulitin,” ani Evermore na ikinalingon niya rito.
Ngunit dinaanan lamang siya nito ng tingin.
“Alis na kami. Paano ba ‘yan, ikaw na ang bahala kay Skiah.”
Muli itong napatango. “Sure. Wala kang dapat ipag-alala pagdating kay Skiah.”
“Good,” sang-ayon niya rito bago pumasok sa driver’s seat.