“Paano naman kayo nagkakilalang dalawa?”
Napahinto siya mula sa paglalakad dahil sa biglaang tanong na iyon ni Evermore. “It was an accident,” pagbabalik tanaw niya sa unang pagkikita nila ng babae. Awtomatiko sa pag-ukit ang kaniyang malaking ngiti.
Kumunot ang noo nito. “An accident?” gulat na tanong nito sa kaniya. “What do you mean by that?”
Napahikab siya at napakamot sa buhok. “Inaantok na ako, Evermore. Ayaw mo pa bang magpahinga?”
Sinulyapan niya ng tingin ang kaniyang kuwarto sa kanilang mansion na tanaw mula sa garahe.
“P-Pero hindi pa tayo nakakapag-usap nang matagal, Gila,” tila dismayadong sambit nito.
Ibinalik niya ang tingin rito. “Look, Evermore…” Naiinat niya ang kaniyang leeg. “Alam kong pareho tayong pagod dalawa sa mahabang byahe. I want to catch up with you too but I just think now isn’t the right time for that.”
Akmang aalis na siya nang muli itong magsalita. “Look at the moon, Gila! Na-miss ko nang tanglawin ang buwan mula rito sa inyo. I’ve missed a lot of things,” ramdam niya ang panghihinayang mula sa boses nito.
Ipinulupot nito ang kamay mula sa kaniyang braso at hinintay siyang magsalita ngunit nanatili siyang walang imik.
“But it was your decision to leave Araceli in the very first place, Evermore,” pagpaalala niya rito. Wala na siyang hinanakit para rito. Matagal ng panahon ang lumipas. Iyon ang napatunayan niya kanina habang kasama ito.
Natakot siya noong pag-alis nito. Evermore was the first ever friend he made. Nasanay siya noon na palagi itong nariyan. They were best friends that it hurts him knowing that she already left without further notice that time. Sa loob ng tatlong taon na nawala ito, ni hindi sumulat at nagparamdam.
“Galit ka ba, Gila?”
Napailing siya dahil sa klase ng tanong nito. “Saan mo naman nakuha ang ideya na maaaring galit ako sa’yo?” Ngumiti siya rito. “Hindi, Evermore.”
Kusa nitong binitawan ang kaniyang sariling kamay. “Kung gano’n bakit pakiramdam ko, iniiwasan mo ako palagi simula noong isang araw na pagkabalik ko rito sa Araceli? Ha, Gila?”
Hinarap niya ito. Sinalubong niya ang naluluha nitong mga mata. “Sadyang abala lamang ako nitong mga nakalipas na mga araw, Evermore.”
Napangisi ito. “Busy ka ngayong araw, pero bakit nagawa mo pa ring bisitahin ang Emrys na iyon?” panghuhuli nito sa kaniya.
Nag-iwas siya ng tingin mula rito. “Emrys is a good friend too. Mayroon talagang sadya ang pakikipagkita ko sa kaniya ngayong araw,” palusot niya rito.
“Sige nga, Gila,” panghahamon nito sa kaniya. “Anong rason iyon?”
Hindi agad siya nakasagot. “I’m already tired, Evermore. Kung ikaw may energy pa to question me, please excuse me.” Naglakad na siya at walang likod-lingon na iniwan ito mag-isa roon.
“Fine!” pagsigaw nito bigla. “Uuwi na lamang ako. You sleep well,” madiin na sambit nito.
Hinayaan niya na lamang ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit sa huli ay hindi niya rin ito natiis. Nilingon niya muli ito para sana pagsabihan ngunit malayo na talaga ito.
Inilabas niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang driver upang maihatid nito si Evermore.
“Kuya Rubort,” bati niya sa driver ng kaniyang ama.
“Yes, Crown Alpha?” sagot nito sa kaniya.
“Puwede bang pakihatid mo si Evermore sa kanilang tahanan?” pakiusap niya rito. “Patungo na po siya sa gate ngayon. Pakihabol na lamang po sana.”
“Masusunod, Crown Alpha,” agad nitong sagot.
“Sige, Kuya Rubort. Paki-update na lamang po ako,” mahigpit niyang bilin rito.