“Excuse me po. I’ll just take this call…” Sinabayan niya agad ng tayo pagkatapos niyang magpaalam sa mga ito. Nginitian lamang siya ng mga ito. “Kumusta riyan, Diomar?” seryoso ang boses na tanong niya sa lalaki. Isang malalim na buntong-hininga ang narinig niyang pinakawalan nito. “Hey,” untag niya muli rito. “Kinakausap kita. May balak ka pa bang magsalita?” “Where are you already, crown alpha?” bagkus ay tanong nito sa kaniya kapagdako. “I’m still here at Principal’s office. Why?” direktang tanong niya rito. Alam niyang may problema dahil hindi naman ito magtatanong kung wala. Ngunit hindi niya iyon agad malalaman kung magpapaliguy-ligoy pa rin ito. “Malapit nang mapuno ang gymnasium, alpha… And also, nakita ko kanina ‘yong babaeng de

