“Everyone, be alert…” Kalmado ngunit puno ng panganib na bilin niya sa mga body guards. “This is the crucial time. We can’t let anyone get hurt again. Understood?” “Copied, crown alpha. Narinig niyo ‘yon?” ani Diomar. “Focus muna tayo sa trabaho bago. Wala munang kakain. So we don’t miss the culprit.” Bahagya niyang naikiling ang kaniyang ulo sa bandang kanan dahil sa pinagsasabi ni Diomar. Kinutungan niya ito sa kaniyang tabi. Paano’y dinig na dinig ang pagnguya nito ng sitsirya. Tapos ito pa ang may ganang magpuntirya ng iba. “Ouch, crown alpha,” angil nito. “Huwag niyong gayahin itong butler ko. Walang ibang ginawa ang mokong ngayong araw kundi kumain. That’s all. I hope you are all be safe too until the end of the event. Kahit na hindi natin mahuli ang culprit.” Ibinaba niya na

