Chapter 14

2150 Words
“Emrys!” Naputol ang pag-uusap nilang dalawa ni Graza nang may biglang tumawag sa pangalan niya mula sa likod. Si Gorgie iyon. Kasama nito si Ruan. Naglakad ang mga ito papalapit sa kanilang upuan. Kumunot ang noo ni Graza. “Kilala mo ba sila, Emrys?” nagtataka ito habang ang tingin ay nasa dalawang papalapit. Agad siyang tumango sa kapatid. “Mga bagong kakilala, Graza.” “Noong first day of school din ba?” pag-uusisa nito. “Yup,” mabilis niyang sagot. Nangalumbaba ito mula sa ibabaw ng arm chair. “You sure know how to make friends,” hindi naitago ang pagkabilib sa boses ng kapatid kahit na halatang inaantok pa ito. “Keep it up!” dagdag pa nito. Hindi na siya nagsalita pa sapagkat nakalapit na ang dalawa sa kanila. Pumalakpak si Gorgie sa kaniyang harapan. “Uy!” masayang tili nito. “Congrats dzai! Huwag mo kaming kalilimutan, kamahalan.” Natatawang napailing na lamang siya nang maalala na nakalimutan niya nga pala ang pangalan ng mga ito kanina. “Ayos lang na once mo nang nakalimutan ang name ko, Emrys… huwag lang ang napakagandang mukhang ito,” nakangising pagbibiro ni Ruan. Taliwas kanina ay nakangiti na muli ito ngayon. Naiiling siyang natawa. Kahit si Graza ay hindi na rin napigilang mapangiti. “Thank you guys sa support! Hayaan niyo at pagbubutihin ko.” Walang mapagsidlan ang tuwa na nararamdaman niya ngayon. Napawi ang bahagyang pag-aalala sa loob ng kaniyang isip. “Hi!” Nagulat siya sa biglaang pagkaway ni Gorgie kay Graza na tahimik na nakamasid lamang sa kaniyang gilid. “Hello rin!” bati pabalik ni Graza sa mga ito. “Ah!” Napapalakpak siya nang maalala niyang ipakilala ang kapatid sa mga ito. “Gorgie. Ruan. This is my sister nga pala, si Graza. We are like twins. Inseparable!” natutuwang pakilala sa mga ito sa kapatid. Nagkatinginan ang mga ito. “What? You are really siblings?” Si Gorgie. Tumango silang dalawa ni Graza. Hindi siya magkakaila. Magaan ang loob niya sa dalawa. Idagdag na rin si Emanya. “Hi Graza!” si Ruan. “I like your hair braid!” bati nito sa buhok ng kaniyang kapatid. Tuluyan nang napangiti si Graza. “Thank you!” hindi nakatiis na sambit nito para sa lahat. Saka lamang niya napansin na bitbit na ng mga ito ang kanilang mga bag. Mukhang may pupuntahan. “May pupuntahan kayo?” hindi nakatiis na tanong niya sa mga ito. “Sa cafeteria,” maagap na sagot ni Ruan. Kumunot ang kaniyang noo. “May klase pa tayo ‘diba?” Nagkibit-balikat si Ruan. “Wala pa rin si Sir Windel! So tatambay muna kami sa cafeteria.” Bahagyang umawang ang kaniyang bibig sa nalaman. So the students here learn ahead of time if the professors are attending the class or not. “Talaga?” Nakangiti niyang tinapunan ng sulyap si Graza. Bahagya siyang na-excite dahil sa nalaman. “Pero paano niyo nalaman na wala pa rin ang Professor natin sa susunod na klase?” hindi papaawat ang kaniyang mga tanong. “Ah, ‘yon ba?” Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Gorgie. “May estudyante na nagsabi kanina, eh. Ipinapasabi raw ni sir sa lahat ng mga klase niya.” “Gano'n pala,” tumatangong sambit niya. “Yep,” ani Ruan. “So kayo ba? Sa'n niyo balak tumambay ngayon?” Napailing siya. “Hindi pa namin alam. Baka i-try naming puntahan ang library.” Tumawa si Gorgie. “Wow!” anito. “Mahilig din pala kayo tumambay sa library?! Alam niyo ba? Kami rin ni Ruan, eh.” Humagikhik ito at marahang hinampas si Ruan sa balikat. Nakangisi itong inirapan ni Ruan. “Hay na'ko! Don't compare your intentions to theirs, Gorgie.” Napalingon silang apat sa nagsalita. Tama ang kaniyang hinala si Emanya nga iyon. Umikot ang mga mata ni Gorgie. “Bakit mo na naman ba ako kinokontra, Emanya?” paangil na tanong ni sa kanilang kaklase. Kumunot ang noo ni Emanya at inosenteng napanguso. “Kinokontra ba ‘kamo?” Umiiling itong napangisi. “Ayaw ko lang na ma-misinterpret ka nila na nerdy kahit hindi naman talaga.” “Nakita mo, Ruan?” nanliliit ang mga matang sambit ni Gorgie sa kaibigan. “She's bullying me.” Bumuntong-hininga lamang si Ruan. Tahimik na napahalukipkip na lamang si Gorgie sa huli. “Hi, Emrys!” nakangiting bati sa kaniya ni Emanya. Kumaway siya rito. “Hello, Emanya!” excited niyang bati. “Where's Hesa?” Hinanap niya ang reyna ng mga ahas rito. Lumapit ito sa kaniyang arm chair at binuksan doon ang sariling bag na ipinatong. Lumabas ang napakagandang si Hesa. Himalang hindi na siya nakaramdam ng takot sa ikalawang pagkakataon na nakita niya iyon. “Wahhh!” eksaheradong natilihan si Graza mula sa kaniyang tabi nang makita nito ang paggapang ni Hesa palabas ng bag ni Emanya. “Uy!” puna ni Gorgie kay Emanya. “Ilayo mo agad si Hesa, Emanya.” Ginawa naman agad iyon ni Emanya. Binuhat nito si Hesa at bahagyang inilayo kay Graza. Napalahakhak siya sa naging reaksyon ng kapatid. First time niyang makita na matakot ang kapatid. Usually, nanatili itong matapang sa lahat ng bagay. “What are you doing, Emrys?” matalim ang tinginnna tanong sa kaniya ng kapatid. “Oh! Hahaha.” Tawang-tawa siya. “I'm so sorry, Graza.” Sumeryoso muli ang mukha ng kapatid. “It's not funny,” anito. Nag-angat siya ng tingin sa nangingiting si Emanya. “Emanya, this is Graza,” pakilala niya ng kapatid rito. Tumango ito. “Yeah, I heard about it. They say, she's your sister…” “Narinig ko rin ‘yan,” ani Gorgie. Mukhang madaldal talaga ito. “Pero I don't think na kayo ‘yong magkapatid na naglinis daw sa oval?” Lumaki ang kaniyang mga mata sa narinig. Grabe naman pala ang chismiss. Napangiwi siya. “A-Ah, eh-" “Ano bang pinagsasabi mo, Gorgie?” saway rito ni Ruan. “Tsk! Napakadaldal mo talaga kahit kailan…” Hindi niya naman dinamdam iyon. Siniko niya si Graza. “Graza, siya si Emanya. Alaga niya si Hesa. Hesa ang pangalan ng ahas na ‘yan at hindi lamang siya basta ahas. She's the queen!” mahabang sambit niya sa kapatid. Kuminang ang mga mata ni Graza. “Queen of snakes?” manghang sambit nito. Tumango si Emanya. “Yes.” “Wow.” Iyon ang tanging nasambit ng kaniyang kapatid. “Nakakamangha naman!” Ngumiti si Emanya. “Thank you!” “Ah, so girls… Mauna na muna kami. Wala pa kasing almusal si Ruan at gutom na rin ako. So, kitakits na lang mamaya?” paalam ni Gorgie sa kanila. Tahimik na tumango si Emanya at tumango sa kanila. Agad silang tumango ni Graza. “Sure,” mabilis niyang tugon sa mga ito. Umalis na nga ang dalawa. Naiwan si Emanya. Humikab ito. “Kayo ba, Emrys? Sa'n kayo pupunta?” nakatakip ng bibig na tanong nito. “Sa library, Emanya. S-Sama ka?” yaya niya rito. Naisip niya lang na kung sasama ito, hindi na sila maliligaw pa. Hindi niya inaasahan ang agad na pagsang-ayon nito. “Sure,” walang pag-aalinlangan na sang-ayon nito. Mabilis niyang iniligpit ang mga nakalabas na gamit pabalik sa loob ng kaniyang bag. “Tara na!” yaya niya sa mga ito. Mas lalo silang pinagtitinginan ngayon ng iba pang mga estudyante pagkalabas nila ng klasrum. Alam niyang nagtataka ang mga ito kung bakit kasama niya si Emanya. Pagkapasok nila sa loob ng library ay namangha siya. Napakalawak at napakaganda niyon ngunit ang tuluyang umagaw ng kaniyang atensyon ay hindi mga libro kundi mga estudyanteng natutulog. “Seryoso?!” nandidilat ang mga matang tanong niya kay Emanya. Humihikab na kumunot ang noo nito. “Bakit?” maang na tanong nito. Ipinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Graza. “Ang astig naman pala rito sa school niyo,” nakangising komento ni Graza sa kaniya. “Yes,” ani Emanya sa mababang boses. “Tara, hanap na tayo ng puwesto…” Nauna na muli ito sa paghahanap. Tahimik lamang silang nakasunod ni Graza rito. “May bakante sa bandang roon o,” itinuro ni Graza ang nasa bandang pinakagitna na lamesa. “Oo nga,” aniya. “Tara, lapitan natin,” si Emanya. Pumuwesto sila ng upo at nangalumbaba agad si Emanya. “Matutulog din ba kayo?” tanong nito sa kaniya habang ipinapasak sa tainga ang earphones. Umiling siya. “Sige lang, Emanya. May hinahanap kasi kaming libro ni Graza,” paliwanag niya rito. Kyuryos na nanlaki ang mga mata nito. “Anong libro?” hindi nakatiis na tanong nito sa kanila. “Maaari ko bang malaman?” Nagkatinginan sila ni Graza. “Uhmm, nagre-research kasi ako tungkol sa mga forever rose. I heard about their rare existence. So I wonder if they still exist in our world,” sagot niya rito. “Forever rose?” sambit ni Emanya. Kumunot ang kaniyang noo. “Do you know something about forever rose?” biglang nabuhayan na tanong ni Graza rito. Naikiling nito ang ulo sa kaliwa. “That's the first time I heard about that thing though,” tanggi nito. “Ayos lang,” aniya rito. “Bihira lang kasi talaga ‘yon.” “True,” ani Graza. Tumayo na si Graza kaya naman sumunod na rin siya sa kapatid. “Dito ka na lang muna, Emanya,” bilin niya rito. Napakurap itong sunod na napaahon ng tayo. “Puwede ko kayong tulungan,” pagmamagandang loob nito. “Na'ko, huwag na,” nahihiyang tanggi niya rito. Napakamot si Emanya. “Hindi, I insisted,” pamimilit nito. “Ayos lang, Emanya. Dito ka na lang para naman hindi maagaw ang puwesto natin ng iba,” pangungumbinsi ni Graza rito. Mukhang effective naman ang sinabi ni Graza at hindi na ito nakatanggi sa huli. Magkatabi silang naglakad ni Graza palapit sa mga bookshelves. “Sana naman may mahanap tayong information sapagkat kahit sa internet ay wala iyon,” sambit niya saka humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Nag-umpisa siyang dumampot ng mga libro at maghanap. “Sa dinami-rami ng mga librong ito, Emrys. Imposibleng wala man lang tayong mahanap.” Napatango siya. “I hope,” aniya rito. Natigilan siya nang biglang may maalala. “Sabagay, nakakapagtaka naman kung wala tayong mahanap. Hindi nga ba't itong library natin ang pinakamalaking library sa buong Hanyas?” Tuluyang nalaglag ang panga niya sa kaniyang isiniwalat. Nagkatinginan sila ni Graza. “That's true!” anito. Nag-inat siya ng kaniyang braso. “Let's split, Graza. Dito ka sa side na ito mag-umpisa at doon naman ako sa kabila. We will work on it.” Sang-ayon itong napatango. “Okay,” anito at seryoso na ngang nagpatuloy sa pagbuklat ng mga libro. Minasahe niya ang kaniyang mga mata. Ngayon niya lamang napagtanto na nakalimutan niya ng kumurap habang nagbubuklat ng mga libro. Napahikab siya at napasulyap sa dami na ng mga librong nabuklat niya ngunit wala pa rin siyang nakikita ukol sa forever rose. Sinilip niya ang kapatid ngunit hindi niya agad ito nakita. Nagtataka niyang ibinalik ang hawak na libro at hinanap si Graza. Hindi niya talaga ito maapuhap. Bumalik siya sa kanilang table para lamang masulyapan na natutulog na roon si Graza kasama si Emanya. Naiiling na bumalik siya sa kaniyang puwesto at naghanap. Kalahating oras muli ang lumipas nang maramdaman niya na ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Pagsulyap niya sa orasan ay tamang hinala siya. Tanghaling tapat na pala at kailangan na nilang kumain sa cafeteria sapagkat may pasok pa sila sa hapon. “Pssst,” narinig niyang pagsipol na ikinalingon niya sa isang makitid na daan. Nagtawanan sina Emanya at Graza. Gising na pala ang mga ito. “Uy!” gulat siyang napatawa. “Lunch na,” mahinang sambit niya sa mga ito. Napahawak si Graza sa kaniyang tiyan. “Kaya pala tumutunog na ang tiyan ko.” Napahagikhik si Emanya. “Ako rin, akala mo ba ikaw lang, haha.” Lumapit siya sa mga ito at tinulungan ang mga itong ibalik ang mga libro na ginulo. “May nakita kayo?” umaasang tanong niya sa mga ito. Napakamot sa ulo si Emanya. “Hindi, eh.” “Wala,” ani Graza sa dismayadong tono. “Aw,” sambit niya. Napatango siya sa huli. “Sige na nga lang. Mukhang wala yata talagang nakatala ukol roon. Kumain na muna tayo.” Sumigla na muli ang mukha ni Graza. “Tara,” sambit niya pagkatapos nilang makuha ang kanilang bag mula sa counter. Nanibago sila sa kanilang body temperature pagkalabas nila at nakakapaso ang init. “Emanya,” nakangiting tawag niya sa kaklase. “O?” ito. “Dahil sinamahan mo kami at tumulong ka, ililibre ka na lang namin ng lunch!” masayang sambit niya rito. Nagulat ito. “Ikaw bahala,” agad nitong pagsang-ayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD