Inilabas ni Emanya si Hesa mula sa bag nito.
“Paano mo nga pala nakilala si Hesa?” kyuryos na tanong ni Graza kay Emanya.
Bahagyang tumaas ang kanang kilay ni Emanya at natigilan dahil sa tanong na iyon ni Graza. “Hindi ko alam,” naikiling nito ang ulo sa kanan, “basta sa pagkakatanda ko, hanggang sa nag-kaisip ako . . . kasama ko na talaga siya noon pa.”
Nanlalaki ang mga matang napapitik sa ere. “Are you twins?” panghuhula niya rito.
Naalala niya ang nabasa niya tungkol sa isang Luna na may kakambal na ahas. Not really twins, but it’s just that the snake was born the same date as the Luna.
Natatawang napatango si Emanya. “How did you know?” may bahid ng pagkatuwa sa boses nito.
Mas nagulat siya sa kumpirmasyon nito at napatakip sa sariling bibig. “What?!” Napahalakhak siya sa kaniyang tamang hinala.
“Wait,” ani Graza. Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat. “Nagkakaintindihan ba kayo magkapatid?”
“Uy! Hindi sila tunay na magkapatid. Hahaha,” natatawang pagtutuwid niya kay Graza.
Hindi niya napigilang pagtawanan ang kapatid.
Naguguluhan na napakamot ito ng ulo. “Twins but not blood related?” nagpapasaklolo ang tingin nito. Tuluyan na yata itong nalito.
“Yes, Graza.” Marahang tapik ang iginawad ni Emanya rito. “Nagkataon lamang na anak si Hesa ng alagang ahas ni Lolo at magkasabay kaming lumabas ng araw n gaming kapanganakan,” paliwanag nito.
Napatakip sa bibig si Graza. “Oh, I’m sorry. Hindi ko alam.”
“So it really happens in real life, huh,” tumatangong sambit niya. Buong akala niya sa libro lamang iyon nangyayari.
Nakangiting tumango si Emanya. “Exactly,” anito.
“Hayan na ang cafeteria,” nasisiyahan siyang napakapit sa braso ni Graza.
Natatawang nagkatinginan ang dalawa dahil sa biglaang pagtaas ng energy niya.
“Pagpasensiyahan mo na, Emanya. Gutom lang ‘yang kapatid ko. Ganiyan talaga ‘yan siya kapag nalipasan ng gutom” panlalaglag nito sa kaniya.
Umiiling na nagpipigil si Emanya ng tawa. “I understand. Ganiyan na ganiyan din ako. O lahat naman siguro tayo?” nakangising sambit nito.
Masamang tingin ang iniukol niya kay Emanya. “Huwag mo naman akong ilaglag, Graza,” nagtatampong pakiusap niya sa kapatid.
Nagkamot lamang ng ulo si Graza. “Susubukan ko,” nakangising sambit nito.
Inilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid. “Sobrang lawak naman kasi nitong school natin,” komento niya. “Alam mo bang naligaw ako noong first day of school kakahanap sa cafeteria, Emanya?” Natatawa na lamang siya habang inaalala ang pangyayaring iyon.
“Really?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.
Kagat-labing tumango siya, “Totoo nga!” pamimilit niya rito. “Kahit itanong mo pa riyan kay Graza.”
Nagpapalit-palit ang tingin ni Emanya sa kanilang dalawa ni Graza.
Isang tango ang isinagot ni Graza rito.
Kumunot ang noo ni Emanya. “First day of school. Isn’t it the day we first met?” pagbabalik tanaw nito.
Napapitik siya sa ere. “Exactly! Iyong mismong pagpunta ko sa canteen bago tayo nagkita at napunta sa g-guidance office.” Napasulyap siya kay Graza habang nagsasalita.
Naging blangko ang ekspresyon ng mukha ni Graza. “Muntik ko nang makalimutan na ikaw nga pala ang nabanggit niyang nag-aalaga kay Hesa sa akin.”
Pinihit niya ang pinto papasok. Siya ang unang pumasok sa cafeteria. Nahinto ang kanilang pag-uusap dahil sa sobrang ingay sa loob.
Inilibot niya ang kaniyang tingin sa buong paligid at naghanap ng bakanteng puwesto ngunit nahirapan siya dahil sa sobrang dami ng tao.
“Mukhang wala na yatang bakanteng upuan sa sobrang crowded, ah,” kusang namutawi sa kaniyang bibig.
“Hindi bale,” ani Graza. “Mahaba pa naman ang pila, matatapos din ‘yang iba mamaya.”
“Don’t worry guys,” makahulugang sambit ni Emanya na ikinamaang nila ni Graza. Hindi naman nito in-explain ang ibig sabihin ngunit nanatili silang nakasunod rito.
Nakasunod lamang sila sa likuran ni Emanya. Bitbit nito si Hesa sa kamay. Kyuryos ang tingin na iniukol sa kanila ng ibang mga estudyante. Nagtataka ang mga ito kung bakit kasama na nila ngayon si Emanya.
“Bakit magkasama ang dalawang ‘yan?”
Puro nauukol sa pagka-guidance nila ang topic ng mga ito. Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Graza.
“Guys!” Malayo pa lamang ay naagaw na agad ang atensyon nila sa malakas na pagtawag ni Gorgie. Nasa tabi nito si Ruan. Kumaway din sa kanila.
“See?” ani Emanya.
Bahagya siyang nag-alinlangan sapagkat may iba pang kasama ang mga ito. May dalawang babae na katabi ang mga ito na nasisiguro niyang hindi nila kaklase.
Napahinto siya at napahawak sa braso ni Emanya. “A-Ah, hindi ba nakakahiyang sumabit kami magkapatid sa inyo?” nag-aalangang tanong niya rito.
Sumang-ayon si Graza sa kaniyang sinabi. “Kaya nga, Emanya. Maghihintay na lang kami at siguradong magkakaroon din ng ibang bakante riyan,” sambit nito.
Litong kumunot ang noo ni Emanya at pinagsabihan sila. “Ano ba kayong magkapatid. Huwag nga kayong mahiya kina Portia at Lettia. Mabait ang magpinsan na mga ‘yan,” anito.
Nagkatinginan sila ni Graza.Ramdam ni Emrys na pareho sila nitong nag-aalinlangan.
Napabuntong-hininga si Emanya. “Hayan na naman kayo sa tinginan niyo na kayo lamang ang nagkakaintindihan magkapatid. Halina kasi, doon naman tayo sa kabilang table,” giit nito.
“Gano’n ba?” Nakahinga naman siya nang maluwag sa nalaman.
Tapos na kumain ang mga ito. Mukhang nagku-kuwentuhan na lamang.
“Guys, say hi kina Emrys at Graza!” excited na utos ni Gorgie sa dalawang babae na kasamahan ng mga ito.
Ngumiti naman ang dalawa at nag-hi nga sa kanila.
“H-Hello,” nahihiyang bati niya pabalik sa mga ito.
“Hello.” Seryoso si Graza.
“Si Portia ang napakaputing babae na ‘yan at si Lettia naman ang naka-all pink,” ani Emanya sa kanila. Nauna na itong maupo sa isang bakanteng table.
Sunod silang pumuwesto ng upo ni Graza.
“Nice meeting you guys!” sambit nung naka-all pink.
Pilit siyang ngumiti. “K-Kami rin, hehe.” Napangiwi siya. Hindi niya inaasahan na awkward ang magiging sagot niya.
“Sino sa inyo si Emrys?” tanong nung babae na maputi. Maganda ito at agaw-pansin ang mahabang buhok at mahabang pilik-mata.
Akmang sasagot siya nang maunahan siya ni Ruan sa pagsasalita. Inakala niyang hindi ito iimik sapagkat abala pa ito sa pagre-retouch ng make-up. “Subukan mo ngang hulaan, Portia,” hamon ni Ruan sa babae.
Nanliit ang mga mata ng babae at ipinagpalit-palit ang tingin sa kanila ni Graza. “Alam ko na!” nakangising sambit nito.
“Sino aber?” tanong ng babaeng si Lettia.
“Iyang nakasuot ng maskara!” Pumapakpak pa ito. “Her eyes is the reflection of that name. I love her name. Beautiful,” nakangiting sambit nito.
Napakurap ang kaniyang mga mata.
“Oh?” si Emanya na nakangisi. “Why hindi ang isa? Kita naman na maganda rin siya,” nguso nit okay Graza.
Umirap si Portia. “Basta, I trust my intuition,” pagmamatigas nito.
“Okay,” ani Emanya.
“Tama ba ako, girl?” nakangiting tanong sa kaniya ni Portia.
Ngumiti rin siya pabalik rito at tumango. “Ako nga si Emrys,” pagkumpirma niya rito.
Napapalakpak ito. “See, guys?” Maging ito man ay halatang nagulat sa resulta.
“Oo na,” ani Emanya at tumayo. Nilingon sila nito at tinanong. “Ano ang oorderin niyo dalawa?”
Bahagya siyang nataranta at napatayo. “A-Ako na, Emanya.”
Kumunot ang noo nito. “Idi tayo na lang dalawa para may kasama ka,” suhestiyon nito.
“Sige,” masayang sang-ayon niya.
“Kahit ano na lang ang sa’kin, Emrys,” sambit ni Graza sa kaniya.
“Okay. Dito ka lang muna.” Bilin niya kay Graza saka sila naglakad ni Emanya palapit sa pila.
Ilang beses na tinanggihan siya ni Emanya na bayaran ang pagkain nito kung hindi lamang siya nagpumilit. Sa huli ay pumayag ito sa kondisyon na siya naman daw bukas ang ililibre nito.
Bumalik sila bitbit ang mga pagkain na kanilang in-order. Inilapag niya sa harapan ni Graza ang plato na may kargang rice, fried chicken, at chopsuy.
“Thanks!” pasasalamat sa kaniya ng kapatid.
“Una na kami, guys!” paalam nina Portia at Lettia sa kanila.
“Bye!” paalam ni Emanya sa mga ito.
Tipid na ngiti ang iginawad niya sa mga ito habang papaalis. Marahil hinintay lamang ng mga ito na makabalik sila ni Emanya upang makapagpaalam.
“Ka-batch ba natin sila, Emanya?” kyuryos niyang tanong rito.
Umiling ito. “Hindi, ka-batch nina Galena at Fazi,” paliwanag nito na ikinatango niya rin agad.
Napangiti siya. “Nakakatuwa naman kayo,” hindi niya naiwasang sambitin.
“Bakit mo naman nasabi?” si Ruan iyon. Napasulyap siya rito.
“Kasi may kaibigan kayo na mas ahead sa atin pero nakakasabayan niyo pa rin na kumain sa tanghali,” natutuwang paliwanag niya rito. “I mean nakakahanap pa rin kayo ng time para sa isat-isa. Nakakatuwa kayo.”
Tumawa lamang si Gorgie. “Opkors!” anito. “Sa lunch na lang kasi talaga kami nakakapagkita during class days tapos minsan busy pa,” anito.
Napatango siya.
“Bakit hindi niyo ba ginagawa ng friends mo ‘yon noon, Emrys?” tanong sa kaniya ni Ruan.
Kagat-labi siyang napalingon kay Graza na tahimik lamang na kumakain habang nakikinig.
Napakibit-balikat siya at pagak na natawa. “Well, I don’t have friends except for Graza,” amin niya sa mga ito.
Epic ang reaksyon ng mga ito.
“What?!” si Gorgie iyon. Hininto muna ang pagse-cellphone para kuwestiyunin siya.
Napainom naman ng tubig si Emanya nang wala sa oras.
“Are you serious?” si Ruan iyon. Nanlalaki ang mga mata.
“Bakit?” Nahiya tuloy siya bigla sa mga ito. “Itanong niyo pa kay Graza.”
Napakamot ito sa ulo at tumango nang ito ang puntiryahin ng tangin ng tatlo. “Actually, we are the same.”
“But why?” si Ruan. “Hindi naman kayo snob o mukhang snob, ah.”
Nangalumbabang tumango si Gorgie. Nakatutok sa kanilang sasabihin. “Impossible namang may attitude problem kayo ‘cause I swear, ayos na ayos kayong kasama.” Tumawa ito na nagpagaan ng atmosphere.
Napakamot siya sa kaniyang ulo.
“Hindi kasi kami gala,” sambit ni Graza. “Nasanay na kami lamang ang magkalaro at magkasama.”
“I heard, home schooling daw kayo since elementary?” si Gorgie iyon.
Hinampas ito ni Ruan sa braso. “Ang daldal mo, Gorgie!” saway nito sa kaibigan.
“Yes!” nakangiting amin niya rito.
“Isa rin ba ‘yan sa dahilan?” si Gorgie muli.
Muli siyang tumango rito. “Exactly,” sagot niya. Hindi naman siya naiilang.
Napaikot ang mga mata ni Emanya. “Ang dami mong tanong, Gorgie,” puna nito sa kaibigan.
“Ayos lang,” natutuwang sambit niya.
Ngayon na nagkaroon sila ng pagkakataon na makipaghalubilo sa ibang tao, hindi niya mapigilang makaramdam ng katuwaan. It feels so good talking with schoolmates casually.
“Heto na, mananahimik na nga po.” Si Gorgie na ibinalik na muli ang tuon sa screen ng cellphone nito.
Itinuon niya na muli ang buong atensyon sa kaniyang pagkain.
Pabalik na sila ngayon sa kanilang klasrum nang makasalubong nila ang grupo ni Galena.
“Here comes the trouble,” rinig niyang sambit ni Gorgie.
Malayo pa lamang ay malawak na ang ngiti ni Galena habang papalapit sa kanila. Ngunit sobrang taas din ng kanang kilay nito.
Magkakasalubong sila nito.
Humugot siya ng isang malalim na hininga.
“Hi Galena—” nabitin sa ere ang pagbati niya nang lagpasan lamang siya nito.
“Hi Emanya!” nakangiting bati nito. “Where’s Hesa nga pala?”
Gulat na napalingon sa kaniya ang tatlo.
Hindi naman pinansin ni Emanya si Galena at hinila siya na magpatuloy sa paglalakad.
“Ang yabang ni bruha,” ani Fazi.
“Hayaan mo na,” saway ni Galena rito. “Pasalamat pa nga siya at pinansin siya ng isang dyosa,” anito.
“Self-centered b***h,” rinig niyang sambit ni Ruan sa mahinang boses.
Nakalayo na sila mula kay Galena nang bigla siyang usisain ng mga kasamahan.
“Kilala mo si Galena?” si Gorgie ang nagtanong sa kaniya kaya naman wala siyang dahilan upang magsinungaling.
“Yes and partly no,” amin niya sa mga ito.
“Ha?” hindi naitago ni Gorgie ang paglito.
Napakamot siya sa gilid ng kaniyang ulo. "I mean last time, sobrang mali ang impression na naiwan namin sa isat-isa. And I just found out na nagkita na pala kami noong bata pa lamang kami. My parents wants me to get close with her,” ani niya.
“Oh,” bumilog ang mga labi ni Ruan. “Kahit na gano’n ang pakikitungo niya sa’yo? Ipupush mo pa rin ba ‘yan?” kyuryos na tanong sa kaniya nito.
Hindi agad siya nakasagot. “Honestly, I don’t know but I’ll try.”
“Okay,” ani Gorgie. “Moving on.”
Napadaan sila sa oval nang may bigla siyang maalala.
“Bakit hindi ko na nakikita si Alpha Kiko sa klase natin?” si Graza iyon.
Hindi niya iyon inaasahan. Buong akala niya’y siya lamang ang biglang nakaisip ng pangalan na iyon habang nakatingin sa oval.
“Alpha Kiko?” si Emanya. Nakakunot ang noo nito at nagsalubong ang kilay.
“Paano natin magiging kaklase ang baliw na iyon, Emrys?” si Ruan.