“That's him,” halos pabulong na sambit ni Gorgie sa gilid ng kaniyang tainga.
Gulat siyang napamaang. Hindi niya lubos inaasahan ang kaniyang nasaksihan.
Pinagtatawanan sa loob ng klasrum si Alpha Kiko sapagkat binu-bully ito ng mga kapwa estudyante nitong lalaki na nakapalibot rito.
“See?” puno ng sarkasmo na sambit ni Ruan. “I'll freak out kung may kaklase tayong baliw na kagaya niya. Bullying the innocents and experiencing the medicine all the time. Tsk!”
Nanlalaki ang mga mata niya pagkakita na sinuntok ito sa sikmura ng kaklase nito.
Nagtangka siyang humakbang papasok at tulungan ito ngunit maagap siyang pinigilan ni Emanya. “Huwag, Emrys. It's not worth to help a crazy guy like him.”
“P-Pero-" naputol ang kaniyang sasabihin nang magsalita si Graza.
“Tama sila, Emrys.” Seryoso ang kaniyang kapatid sa sinabi nito. “That man can sacrifice everything for his personal gain. Nakalimutan mo na ba ang bilin sa'tin nila mom and dad? Huwag tayong basta-basta magtiwala. Halika na.”
Nanlulumo siyang napatitig kay Graza. Alam niyang mas marupok ang puso ng kapatid pagdating sa mga gano'n klaseng bagay kaya naman nahinuna niya na galit talaga ito kay pekeng alpha.
Ngunit ang pag-alis nila ay naudlot pagkakita nila sa biglaang pagkatumba ni Kiko. Nababalot na ng dugo ang noo nito.
“Tama na!” nasasaktang hiyaw nito. “Pakiusap, tama na kasi!” Nakakabingi ang paghiyaw nito. Nakaluhod sa sahig habang namimilipit sa sakit.
“Ghads!” Napatakbo na siya pagkakita sa malaking bakal na handa nang ihampas ng isang lalaki sa ulo ni Kiko.
Nablangko ako sa pagkakatong iyon. Kusa siyang napatakbo palapit sa mga ito.
Isang sipa ang lumipad sa pisngi ng lalaking may hawak ng bakal. Hindi siya ang gumawa niyon kundi si Graza.
“Aray!” angil ng lalaki at napahawak sa sariling panga. “Tangina. Ang ngipin ko!” Paano'y lumipad ang ngipin nito sa sahig.
“Gag*! Sino ka?!” tanong ng isa sa kasamahan ng mga ito.
“Hindi na kailangan,” asik niya sa mga ito. “Mas maganda kung ititikom niyo na lamang ang mga bibig niyo at sa Principal's office na kayo magpaliwanag!”
Nagulat siya nang maghalakhakan lamang ang mga ito pagkakita sa kaniya.
Isang lalaki na nangingitim ang mga mata sa eyeliner ang nakipagtitigan sa kaniya. Sarkastiko ang ngisi nito. “Totoo pala ang sabi nilang may pangit na newbie, hahaha.”
“Hoy, Kulas!” si Gorgie iyon. Pumagitna ito sa kanila at dinuro-dufo ang lalaking tumawag sa kaniya na newbie.
“Gorgie?” biglang kumunot ang noo nito at unti-unting lumambot. “What are you doing here?”
“Wala kang pakialam!” singhal nito sa lalaki. “Layuan niyo ang mga kaibigan ko!” pagtatanggol nito sa kanila ni Graza na ikinalaglag ng kaniyang panga.
Napakurap siya at napatitig nang tuluyan kay Gorgie.
Natatawang namaywang ang lalaki. “Kasalanan ng mga kaibigan mo, Gorgie. Bigla bigla na lamang nakikisawsaw sa usapan ng iba.”
“You call that usapan?” hindi makapaniwalang kuwestiyon nito sa lalaki. “Halos patayin niyo na nga ‘yang impakto na ‘yan!” singhal ni Gorgie rito.
“S-Sinong i-impakto?” hirap na pagsasalita ni Kiko.
Sumeryoso bigla ang mukha ng lalaki. “I'm warning you, Gorgie. Huwag kang makialam rito. Ilayo mo na ‘yang mga kaibigan mo rito bago pa mag-init ang kukute ko sa inyo!”
“Emrys, Graza, and Gorgie!” si Ruan iyon. “Tara na! Huwag niyo nang ipagtanggol ang mga ‘yan.” Natilihan ito.
Napatingin sa kaniya sina Graza at Gorgie. Ayaw niyang namang madamay ang mga ito ngunit natatakot siya para sa Kiko na ito.
Tumitig siya kay Graza at tumango rito. Tumango naman ito pabalik sa kaniya.
“Pinunong Salya!” gulat niyang tawag habang nakatingin sa labas ng pinto. Nagkagulo ang lahat. Nagtakbuhan ang mga lalaki palabas ng klasrum. Nagsibalik naman sa kaniya-kaniya nilang upuan ang mga estudyante.
Pinagpawisan siya ng malapot habang sobrang lakas ng kabog sa dibdib niya. Sinenyasan niya si Gorgie na tulungan siyang buhatin si Kiko.
“Hoy!” angil nito. “Sa'n niyo ko dadalhin?!” pagsisigaw nito.
Sumama ang tingin ni Ruan dito. “Manahimik ka kung ayaw mong katayin ng mga lalaking ‘yon!”
Inalalayan nila ito papuntang clinic. Payatot ito kaya naman hindi sila masyadong nabigatan. Tahimik lamang na nakasunod si Emanya sa kanila habang nagdadapdal si Ruan.
“I can't believe you even help that asshole!” dismayadong sambit nito. “Sinet-up niya na kayo lahat-lahat. Dapat nga matuwa pa kayo na nabug-"
“Anong sabi mo?!” asik ni Kiko. “Iwan niyo na nga ako rito.” Nasa clinic na rin naman kasi sila at hinihintay ang nurse.
“Oh, pleaseee,” umikot ang mga mata ni Gorgie. “Manahimik ka na muna kasi, Ruan.”
Naiiling na pinagkrus naman ng huli ang braso sa harapan ng dibdib at nanahimik. “Mali-late na tayo. Iwan na natin ‘yang mokong na ‘yan rito.”
Nanlaki ang mga mata ni Emrys. “Tara na guys,” yaya niya sa mga kaklase. Naihabilin niya na ang gawa-gawang pangyayari sa katulong ng nurse roon. Ito na raw ang bahala.
Sinulyapan niya si Kiko. “Hindi pa ako tapos sa'yo,” matalim ang mga matang bilin niya rito.
Nagsalubong ang mga mata nito. “Hypocrite,” anito.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “I'm no hypocrite.” Seryoso niyang sinalubong ang mga mata ng lalaki. Mas matalim at mas nagbabaga. “Gusto ko lamang ipamukha sa'yo na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay babalik sa'yo. And curse yourself now kasi mismong binully mo pa ang nagligtas sa'yo. Tinulungan ka namin kasi nakakaawa ka. Kaya sana mag-iingat ka na dahil nariyan lang sa tabi-tabi ang karma. Mas better kung magbabago ka na.”
“Damn it,” rinig niyang sambit nito pagkatalikod niya. Magkakasunod silang lumabas ng clinic.
“Ayos ka lang ba, Emrys?” hindi nakatiis na tanong ni Graza sa kaniya kapagdako.
Kagat-labi siyang napatango rito at napasulyap sa nanahimik na tatlo.
“G-Guys, sorry…” Dinamay niya pa ang mga ito kanina. Which is ngayon lang nag-sink in sa kaniya.
Umiling lamang si Ruan. “It’s okay,” anito. “We are totally fine from head to toe. Hindi ko lang masikmura kanina na nagawa mo pang tulungan ang impakto na ‘yon, Emrys.”
Nahihiya niyang kinagat ang ibaba niyang labi. “I’m sorry,” she mouthed at them.
“Ako lang ba ang umasa na naroroon tayo para banatan ang mokong na ‘yon?” nakangising tanong ni Gorgie. “Well ready na sana ang kilay ko. See?”
Natawa sila sa sinabi nito.
“Ganito ba talaga ‘yang kapatid mo, Graza?” si Ruan. Nakangisi na rin.
Naikiling ni Ruan ang ulo sa kanan. “Masanay na kayong tatlo,” anito.
Natatawa siyang napailing. “Pasensiya na talaga guys. Alam ko kasi ang pakiramdam na ma-bully kaya naman gano’n na lamang ang reactions ko.” Paliwanag niya sa mga ito.
“You don’t have to say sorry,” ani Emanya na pinutol ang sariling pananahimik. “That only shows how pure you are.”
Napapitik sa ere si Gorgie. “Iyan sana ang sasabihin ko. Naunahan mo lang ako,” nakangising napakamot ito sa ulo.
Muli silang nagkatawanan dahil sa sinabi nito.
“Pero, Emrys,” ani Ruan. “Kailangan dapat nag-iingat ka sa mga taong tinutulungan mo. Hindi lahat marunong tumanaw ng utang-loob. Karamihan, ipapahamak ka pa,” makahulugang sambit nito na ikinatango niya sa huli.
“Huwag kang mag-alala, Ruan.” Hinaplos niya ang braso nito. “Tatandaan ko, ‘yang sinabi mo.”
“Halah!” si Graza na napasulyap sa sariling relo. “Five minutes na lamang before ang first subject natin ngayong hapon. Mali-late na tayo guys!” sambit nito na ikinaalarma nila.
Nanlaki ang mata nila ni Graza nang sumigaw si Gorgie. “Guys, takbo!” anito na awtomatikong ginawa rin nila.
Pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyante ngunit wala silang pakialam.
Naabutan nila ang kanilang mga kaklase na nasa labas ng klasrum.
Late na yata sila.
“Aba naman!” Pumalakpak ang isang nilang kaklase. Nakangisi pa ito. “Grupo na pala kayong lima?”
Hindi niya nagustuhan ang intro sinabi nito.
“Huwag niyo na lamang pansinin, guys,” nakangising sambit ni Ruan sa kanila.
Napairap lamang ang babae at umayos na sa pila nito.
Pumila na sila nang hindi alam kung ano ang nangyayari.
“Psst! Allaine.” Kinalabit ni Gorgie ang kaniyang katabi. “Anong gagawin natin?” halos pabulong na tanong nito sa babae.
Umayos si Emrys nang tayo mula sa pila. Sa kaniyang loob ay lihim niyang pinapakinggan ang pakikipag-usyuso ni Gorgie sa kaklase nila.
“Magkakaroon daw tayo ng activity,” rinig niyang sagot nung kaklase nila kay Gorgie.
“A-Ah? Anong activity daw?” tanong ulit ni Gorgie rito.
“Ewan. Wala namang sinabi si ma’am.”
“Okay, thanks!”
“Asan si Emrys?” tanong nito kay Gorgie na ikinalingon niya sa mga ito.
“Andito ako, bakit?” tanong niya rito.
Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kaniya. “Nariyan ka na pala!” gulat nitong sambit. “Kanina ka pa hinihintay ni ma’am. Nasa loob siya.”
Napahawak sa kaniya si Emanya. “Bilisin mo, Emrys. Puntahan mo na muna si ma’am sa loob,” bilin nito na agad niyang ikinatango.
Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang seryosong guro nila. May isinusulat ito sa isang maliit na papel.
“Good afternoon po, ma’am. Sorry I’m late po,” nakangiting bati niya rito.
Nag-angat ito ng tingin. “Emrys, nariyan ka na pala. Halika rito.” Tinawag siya nito.
Agad naman siyang sumunod.
“Pupunta kayo sa library. I want you to lead and discipline your classmates. Huwag mo sila hahayaang lumabas ng library hangga’t hindi pa natatapos ang time ng klase natin, okay?”
Agad siyang tumango rito. “Noted po, ma’am.”
Ngumiti ito. “Glad to hear that. I have to attend something important this time but I don’t want you students waste the period again on playing.”
Nanatili siyang nakatayo roon habang hinihintay ito. So this is the responsibility of the President. She take note of it in her mind. She's new to this kind of task but she'll probably patient enough to learn the process.
Ibinigay sa kanila ni Miss Filamer ang kanilang activity. Psychology ang subject nila rito. Kailangan nilang mag-research upang masagot ang tanong kung ano ang pagkakaiba ng cognitive ng human sa werewolves na kagaya nila. Grinupo sila nito at sa apat. Hinati silang lima ni Miss Filamer sa apat na grupo kaya naman ang ending ay magkagrupo sila ni Ruan. Group 1 sila nito at siya ang itinalaga na lider ni Miss Filamer sa grupo nila. Tahimik na lamang siyang sumunod rito.
“Makinig kayo sa President niyo at sa mga leaders niyo. Understood class?” si Miss Filamer na nakapamulsa at seryosong nakamasid sa kanilang lahat.
“Understood po, ma'am” sabay-sabay nilang sagot.
Tahimik nilang inukyupa ang isang lamesa magkakagrupo sa library. Binuklat niya ang librong dinampot niya kanina. Her eyes search for the word human in the context.
“Guys.” Isa siya sa nag-angat ng tingin dahil sa mahinang pagtawag ng kasama niya sa grupo. “Kita niyo ba?” Inginuso nito ang nakaupo sa kaharap na upuan. “Natutulog na agad ang boss natin. Hahaks!”
Napamaang siya. Nandito sila upang mag-aral at hindi para matulog. Forty-five minutes ang nalalabi sa kanilang period kaya naman paano nila matatapos agad ang task kung hindi sila magtutulungan lahat? Napalingon siya sa ibang grupo. Sa grupo ni Gorgie siya nagtagal ng tingin. Paano'y makikita na halos lahat sa mga kagrupo nito ay interesado naman talaga sa paggawa ng task. Kumpara sa kanila na out of ten people, tatatlo lamang ang may hawak na libro.
Kagat-labi siyang napatikhim. “E-Excuse me, guys.” Sinubukan niyang agawin ang pansin ng mga kagrupo.
Parang may iisang leeg nilingon naman siya ng mga ito.
“Puwede bang subukan nating ibigay ang buong atensyon natin ngayon sa task na ito?” kagat-labi at alumpihit na pakiusap niya sa mga ito.
“Ano raw?” narinig niyang sambit ng kagrupo na babae na katabi lamang ni Ruan. Halos pabulong iyon ngunit narinig niya pa rin.
Nagtawanan ang mga ibang kasamahan nila dahil sa sinabi nito.
“Kaya niyo na ‘yan,” aniya ng babaeng nakapatong ang ulo sa ibabaw ng lamesa at nakapikit ang mga mata.
Umigting ang kaniyang panga sa mga narinig. Mukhang mahihirapan siya sa kaniyang mga ka-group mates.
“Siraulo ka, Pores!” nang-aasar na sambit ng katabi nito. “Minus singko ka sa grado. Hahaks!”
“Shhh!” saway ni Ruan sa mga ito. Inis nitong ibinagsak ang hawak na libro. “Ang iingay niyo. Puwede ba kung wala naman kayong iaambag, kahit hiya na lamang sa aming seryoso sa task na ito.”
Nag-angat ng tingin ang babaeng umiidlip kanina. “Pakialam mo ba, Ruan?” asik nito.
Matalim na tingin ang iniukol ni Ruan rito. “Ang sabi ko, manahimik ka,” mapanganib na banta nito.
Nagulat siya nang walang nagawa ang babae sa huli kundi manahimik. Ngunit halatang masama ang loob nito. Masasalamin iyon nsa awra nito habang nakakuyom ang mga kamao.
Katahimikan ang namayani sa kanilang grupo na tila ba may anghel na dumaan sa kanilang harapan.
Napasulyap siya kay Ruan. Alam niyang may kakaiba rito at napapasunod nito ang mga kagrupo nila nang gano’n lamang. Lihim siyang humahanga rito. Mukhang kailangan niyang matuto mula rito ng mga bagay-bagay upang mas maging epektibo ang kaniyang pagiging lider. Gusto niya ring mapakinggan at sundin ng mga kaklase.
Nais niyang makita ng mga ito ang halaga niya.