Chapter 17

2110 Words
“Rei!” Alertong napalingon si Emrys kung saan nagmula ang ingay na iyon. It was the group three. Mukhang nagkakagulo ang mga ito. Kunot-noo siyang napatitig sa salarin. Isa sa mga lalaki ay nakatayo at walang pakialam na naglakad patungo sa pintuan. Tinatawag ito ng mga kasamahan nito sa grupo ngunit nagtuloy-tuloy lamang ito. “Hey!” tawag niya sa lalaki. Agad siyang tumayo at hinabol ito. Maang siya nitong nilingon. “Bakit, miss?” kunot-noong tanong nito. Sinalubong niya ang malamig na titig nito at sinigurong hindi siya titiklop ng kurap. “Sa’n ka pupunta?” diretsang tanong niya rito. Napakibit-balikat ito at tinalikuran lamang siya nang walang pasabi. Nabastusan siya sa inasal nito. “Lalabas ka? Hindi maaari,” pigil niya rito, pilit tinatagan ang boses. Nagtataka siya nitong nilingon muli. Napakurap ito at maang siyang sinuri ng tingin mula ulo hanggang paa “Sino ka ba?” sarkastikong tanong nito sa kaniya. “Baka isipin ng iba niyan girlfriend kita,” nakangising sambit nito na awtomatikong ikinalaglag ng kaniyang panga. Gulat siyang napalunok. Ramdam niyang nasa kanila nakatutok ngayon lahat ng tingin sa loob. “I'm the classroom president and excuse me, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, classmate.” Pinakadiinan niya ang huli niyang sinambit rito. “I see,” puno ng sarkaso ang tinig nito bago tumalikod at nagpatuloy muli sa paghakbang palayo. “Anong pangalan niya, classmates?” tanong niya sa mga kaklase na nasa malapit. “Rei!” Madami ang sumagot. Napatango siya. “Makakarating lahat ng kilos niyo kay ma'am, Rei. Huwag mo sanang pagsisihan ang pagpapasaway mo,” banta niya rito saka tumalikod. Wala na siyang balak patagalin pa ang pakikibaka sa lalaki. Humugot siya ng isang malalim na hininga habang naglalakad pabalik sa kaniyang upuan. Wala pang isaang Linggo ng klase, makakaya niya kaya ito? Nakita niya sa kaniyang pheriperal vision na bumalik ito sa sariling puwesto. Padabog nga lamang. “May nasulat na kayo?” sinadya niyang tanungin ang mga kasamahan pagbalik sa kaniyang inuupuan upang mabawasan ang tensyon. Umiling ang mga ito habang titig na titig sa kaniya. “Paano kung walang masulat?” tanong ng isa niyang kasamahan sa kaniya. “Walang ambag malamang walang grades,” ani Ruan. Blangko ang mukha. “Ahayssss!” aniya nung babae na natutulog kanina. Padabog itong tumayo at inirapan sila ni Ruan. “Sa'n ka naman pupunta, ‘oy” kunot-noong tanong ng katabi nito rito. Mas tumalim ang tingin nito sa kaniya. “Sa'n pa ba idi aalis na lang kaysa naman magtunganga pa rito na walang ambag. Duh?” Umikot ang mga mata nito. Pabigla siyang tumayo at sinalubong ang matalim nitong tingin. “Bakit hindi ka na lang kaya mag-quit sa school?” walang kakurap-kurap na tanong niya rito. “Tutal, mukhang alam mo naman nang wala kang iaambag sa lahat.” Tinatakot niya lamang ito. Nanliliit ang mga nito sa gulat. “W-Walang ambag sa lahat? Sino ka para pagsabihan ako?!” singhal nito at walang pakundangang dinuro siya. Ngumisi siya rito. “I'm your clasroom president… Hinalal ako ng karamihan sa inyo kaya naman weather you like it or not, kailangan niyo akong sundin.” Pinakadiinan niya ang huli niyang sinabi rito. Dinuro siya nito. “You're such a clown,” nakangisi siya nitong tinawanan. “In such a short period of time, sobrang feel na feel mo na. Well the job was meant for you but the recognition still belong to Vim.” Vim? Pamilyar sa kaniyang ang pangalan na iyon. Mukhang narinig niya na iyon somewhere. Maang siyang napayuko. Nasaktan siya dahil sa narinig. “I don't care just leave now,” mariing utos niya rito. Sa huli, naglakad na nga ito palabas. Masama ang loob na naupo siya sa kaniyang inuupuan. “You look mad,” pabulong na sambit ni Ruan sa kaniyang tabi. Isang blangkong tingin lamang ang iniangat niya rito saka ito ginawaran ng manipis na ngiti. “May mga ideas na ba kayo?” tanong niya sa kaniyang mga kagrupo. Puwede niyang itanong nang direkta kung may sagot na ang mga ito ngunit maaaring meron pa rin sa mga ito ang wala kaya naman mas minabuti niyang iyon ang itanong. Gaya ng kaniyang inaasahan. Mayroon naman na lahat. Nasisiyahan siyang tumango. “Good, isulat na sana natin then I'll collect that one to write our final answer and finalize everything before the time's up,” pakiusap niya sa mga ito. Nagsitanguan naman ang mga ito at sa madaling salita ay sumang-ayon ang lahat. Pagkatapos ng klase, nagpasama siya kay Ruan at dumiretso sila sa faculty. Kailangan niyang ipasa ang kanilang mga sagot sa table ng kanilang guro sa Psychology. Kumatok siya. Ngunit bago buksan ang pinto ay nakahanda na ang kaniyang ngiti. Nagsilingunan sa dako niya ang ibang mga guro sapagkat ang iba ay nanatiling abala sa kaniya-kaniya nilang mga gawain. “Magandang hapon po ma'am and sir!” bati niya sa mga ito. Sumenyas ang mga ito na tumuloy. “Magandang hapon din!” bati ng iba sa mga ito. Napatitig siya sa isang guro na may napakalawak na ngiti. Dito niya balak magtanong. “Ma'am, puwede po bang malaman kung sa'n banda ang table ni Ma'am Rosmie?” kagat-labi at mahinahong pakiusap niya rito. “Ay, hayo'n anak,” itinuro nito ang isang malinis at malawak na table na punong-puno ng mga kulay pink na mga gamit. Nakangiti siyang tumango at nagpasalamat, “maraming salamat po, ma'am.” Wala siyang sinayang na oras na inilapag sa table ng kanilang guro ang nga sagot nila. “Done?” si Ruan. Nakangiti siyang tumango rito. “Yep, thank you!” sinserong pasasalamat niya rito. Isang makahulugang tingin ang iniukol nito sa kaniya. “Luh,” nagpipigil ng tawa na sambit nito. “Para ka namang others niyan.” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Gusto ko lang talagang magpasalamat sa'yo.” Madamdaming sabi niya rito. “Sa inyong lahat magkakaibigan,” pagtutuwid niya sa kaniyang sinabi bago nagpatuloy, “sapagkat napakabait at ramdam kong genuine kayo.” Humalakhak ito. “Dahil gusto namin kayong maging kaibigan,” anito na ikinatigil niya sa paglalakad. “H-Ha?” maang niyang ulit sa sinasabi nito. Kumunot naman ang noo nito. “Kaibigan,” nalilitong sambit nito. “Hindi pa ba tayo magkakaibigan?” kyuryos nitong tanong na ikinalawak ng kaniyang ngiti. “Bago pa lamang tayong magkakakilala, k-kaibigan na agad?” kinakabahan niyang tanong rito dahil sa loob-loob niya'y lihim din siyang umaasa na balang araw ay magiging magkakaibigan silang lahat nito. Agad itong tumango. “Bakit ba? Sa click tayong lahat,” sinundan nito iyon ng pagak na tawa. Napatakip siya sa kaniyang bibig na may takip naman na talagang maskara. “T-Talaga?” natutuwang tanong niya rito. Nakangisi itong tumango. “Oo, ngunit iyon ay kung nais niyo rin kaming maging kaibigan,” anito. Naisip niya sila Ruan, Gorgie at Emanya. Masayang kasama ang mga ito kaya naman mahirap paniwalaan na nais siyang kaibiganin ng mga ito. “Nais din ba kaming maging kaibigan nung tatlo?” kagat-labing tanong niya rito. “Super,” anito na tuluyan niyang ikinatango sa tuwa. “I'll tell Graza, paniguradong matutuwa iyon.” Kumikislap ang kaniyang mga mata sa sobrang katuwaan. “Okay,” anito habang nakangiti nang malawak. Maaga silang nauwi kinahapunan. Paano'y wala na ang kanilang mga guro sa sumunod na subjects. “Hay!” eksaherado niyang ibinagsak ang ulo sa headboard ng kaniyang inuupuan. “I can't believe that we already make friends in such short span of time, Graza!” Sobrang saya niya. Para sa kaniya, it was an answered prayer. Ngingiti-ngiti lamang si Graza pero napakadami niya pang nais sabihin sa kapatid. “Sobrang cool ni Ruan. I like how she deal with things. Constantly. Kaya niyang ipaglaban ang gusto niya. She didn't give in to standards, ‘cause she’s like, she already set her mind up. Which is definitely a bomb but she's the standard though,” kinikilig na pagkukuwento niya sa kapatid ng impresyon niya kay Ruan. Napatango si Graza. “Yep,” tipid nitong sagot bilang pagsang-ayon sa kaniya. Napatitig siya kay Graza. “Ikaw, anong masasabi mo kay Ruan?” tanong niya rito. Kumunot ang noo nito. “Bakit ako?” tinatamad itong nag-iwas ng tingin. Marahan niyang hinampas ang kapatid sa braso nito. “Siyempre ay may sabihin ka rin dapat,” pangungulit niya rito. Ayaw niyang maniwala na wala itong impresyon sa sa mga ito. Humugot ito ng isang malalim na hininga at nag-isip. “Hmnn,” she make it sounded like wala siyang naihandang sasabihin as of now. “I like her hair,” tipid na sagot nito na tuluyan niyang ikinahalakhak. “Ang tagal mo pinag-isipan ‘yan, ha. Grabe!” Naiiling na sabi niya rito. Minabuti na lamang niyang itutoo ang tingin sa labas ng bintana. Binuksan niya ang kaniyang bintana nang bahagya upang lumangha ng hangin nang sawayin siya ni Graza. “Tignan mo't baka liparin ang maskara mo,” saway nito sa kaniya. Nakasimangot niya iyong isinara ulit kaagad. “Huwag na nga lang,” sambit niya. Tahimik na lamang siyang nagmasid sa paligid. “Alam mo Graza, napakaganda sa mansyon ng mga Cox. Hindi ka maniniwala na isang lalaki ang nagtanim ng mga naggagandahang halaman at mga bulaklak sa hardin na iyon.” Awtomatikong rumihestro ang mukha ng binatang hardinero sa kaniyang isipan. Hindi niya na dapat pa inalala iyon sapagkat naaalala niya na naman ang nasaksihan niya. “That Gila Cox again?” iring nito at pinagmasdan siyang maigi. “Too pity you hate that guy now.” Naiikot niya ang kaniyang mga mata. “Don't overthink,” pigil niya rito. “I don't want to criticize the existence of that guy right now.” “Talaga ba? Bakit ka namumula?” kuwestiyon nito sa kaniya. May himig pang-aasar sa tinig ng kapatid. Kumunot ang kaniyang noo at defensive niya itong sinamaan ng tingin. “Sinong namumula?” asik niya rito. Napahawak siya sa magkabila niyang pisngi. “You're acting weird again, Emrys,” ani Graza rito. Naningkit ang kaniyang mga mata. “Ha? Ano bang pinagsasabi mo, Graza?” Blangko ang tingin na napapikit na lamang siya. “Sabagay, malay ko ba kasi kung ano ang totoong laman ng isip mo ngayon,” anito. Nanatili na lamang siyang nakapikit at abala sa kaniyang pag-idlip kunwari. “Where's mom po, ate?” agad na salubong ni Emrys sa kanilang katulong nang hindi niya makita ang ina. “Umalis po, miss.” “Gano'n ba…” Paakyat na siya sa hagdan nang maalala niya ang ibinilin niya rito kagabi. Muli siyang humarap rito. “Siya nga po pala, ate. Nadiligan niyo po ba at napainitan ang halaman sa terrace ng kuwarto ko?” umaasang tanong niya sa kanilang katulong. Napatingala ito sa kaniyang kinaroroonan habang nanlalaki ang mga mata. “A-Ah kasi po-" Laglag ang panga na napakurap siya..”H-Huwag mo sabihing hindi?” sobrang kabado niya. Nahihiyang tumango ito. Mabilis pa sa alas-kuwatro na tumakbo siya paakyat sa kaniyang kuwarto. Nanliliit ang mga mata na pinagmasdan niya ang forever rose. Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kaniyang kuwarto. Si Graza iyon. Alam niya kahit hindi niya ito lingunin. “Anong gagawin ko kapag tuluyang nalanta ang halaman na ‘to?” nanghihinang sambit niya habang pinagmamasdan iyon. “Haysss!” iring nito. Naglakad patungo sa kaniyang table. Nag-angat siya rito ng tingin nang abutan siya nito ng isang botilya ng mineral water. “Diligan mo na,” seryosong sambit nito. Naiiling na binuksan niya ang plastic bottle at maingat na ibinuhos ang laman na tubig niyon sa tuyong soil ng forever rose. Naibagsak niya ang wala ng laman na botilya sa sahig at hindi naiwasang magdrama. “Ugh!” angil niya. “Paano kung mamatay ito? A once in a life time flower. Paniguradong gold na ang presyo nito, Graza. Saan ako kukuha ng ipambabayad ko?” Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. “Madali lang ‘yan,” anito.” Nanliliit ang mga matang iniukol niya rito. “Anong madali roon? Sige nga, sabihin mo sa'kin.” Hamon niya rito. Inagaw nito sa kaniya ang plastic bottle at umahon na ng tayo. “Just promise him, you can be his Luna when he ascend to the throne of an Alpha,” nakangising sambit nito sabay takbo palabas ng pinto. Natilihan siya sa sinabi nito. “Ano?!” Gitla siyang napatayo dahil sa sinabi nito. “Nakakaloka ka, Graza!” Akmang hahabulin niya ito upang gantihan nang tuluyan na itong makalabas ng kaniyang kuwarto. “Haysss!” Muli niyang naihiga ang sarili sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD