“Anak ng teteng!” Nagitla siya pagkarinig ng isang malutong na mura. Iyon ay matapos niyang mabitawan ang librong hawak. Lumikha iyon ng malakas na tunog ng pagkabagsak na gumising sa kung sinuman na natutulog na iyon at humihilik pa kanina. Isang lalaki ang mabilis na napaahon ng upo mula sa ibabaw ng upuan at maang na itinuon ang salubong na tingin sa banda niya. To her surprised, ang pinakahuling tao sa school na gugustuhin niyang makita ang nasa harapan niya ngayon. Ang nakakunot nitong noo ay awtomatikong napalitan ng kakaibang ngiti pagkalapat ng tingin sa kaniya. “Ikaw,” nakangising sambit nito. Napatalon siya sa gulat pagkatapos nitong umahon at maglakad papalapit sa kaniya. Nanatili ang nakakakilabot na ngisi nito sa mga labi. Sobrang bilis n

