“Where’s Emrys?” Si Vim iyon. Hinahanap siya nito habang naglalakad papasok sa loob ng klasrum. Nasa likuran siya at kasalukuyang nakikipag-usap kila Ruan kaya marahil hindi siya nito makita. “Andito ako!” Tumayo siya at itinaas ang kanang kamay para rito. “Bakit mo nga pala ako hinahanap?” dugtong niyang tanong dito nang hindi agad ito agad na umimik. Lantaran siya nitong inirapan kapagdako. “May pagpupulong daw kayo mamaya. They informed me about it because they thought I am still the president. Nakakatawa right?” nakangisi nitong sambit sa huli. “Talaga,” ani Ruan sabay bagsak nito ng sariling upuan bago ito naupo. Inirapan nito si Vim. Masamang tingin ang inukol nila kay Ruan magkakabigan. Agad naman itong natauhan at tumawa nang pagak kapagdako habang ang tingi

