“Right now, one of our sponsors is here with us.” Nakangiting sambit ng babaeng nagsasalita sa harapan. Isa yata ito sa mga guro. “Nagkataong nagtungo siya rito sa ating paaralan kaya naman hindi na kami nagdalawang-isip na imbetahan siya sa ating huling pagpupulong.” Naiwan na bahagyang nakaparte ang kaniyang mga labi. Totoo nga kaya lahat ang kaniyang naririnig? Sa muling pagkakataon ay napasulyap siya sa mismong kinaroroonan ni Gila ngunit wala na ito roon. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at inisip na marahil nagbibiro lamang ang tadhana. Naramdaman niya muli ang pagkalabit ng babae mula sa kaniyang gilid. “Miss…” Gustuhin man niyang balewalain at isnabin ito’y hindi kaya ng kaniyang konsensiya. “Yes, miss?” tipid ang ngiti na t

