Pagkarating na pagkarating nila’y nag-umpisa agad silang mag-practice. Hindi na nila hinintay pa ang iba. Iyon ang ipinag-uutos ng kanilang lider. Pinag-inat na pa nga agad sila nito pagkarating na pagkarating nila. Kung noong nakaraang practice ay sadyang nakakailang ang katahimikan, mas dumoble na ngayon. Hindi na sila halos magpansinan. Mabuti na lamang iyon kaysa naman muling magkaroon ng kaguluhan. “Nakita mo ba si Gila kanina?” tanong sa kaniya ni Gorgie nang makalabas na sila mula sa gymnasium. Gabi na. Alas-nuebe na pa nga ng gabi. Katatapos lamang talaga ng practice nila. “Yes,” tipid niyang sagot dito. Medyo nag-aalangan pa siya na sagutin ito. Pinunasan niya ang sariling pawis gamit ang towel na inilabas niya mula sa loob ng sariling bag. Tinapik siya n

