“Why are you here again?” nanliliit ang mga matang tanong niya rito pagkatapos masiguro na ayos lamang naman ito. Ngumiti lamang ito nang tipid sa kaniya. “Ayaw mo ba?” Bahagya siyang nataranta matapos marinig ang tanong nito na iyon. Umirap na lamang siya rito at bahagyang tumalikod upang hindi agad nito mahalata ang pagbabago sa kaniyang reaksyon pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Inis na itinaas niya ang kaniyang phone sa harapan nito. “Have you seen my driver? Kanina pa ako tawag nang tawag sa kaniya but then he’s not answering the phone.” Mas problemado pa ang kaniyang tono ng boses sa problemado. “Listen, Emrys… May nangyari sa driver mo kaya naman pinayagan na ako ng ama mo na sunduin ka. Huli na rin namin

