Kabanata I

4028 Words
Ang Iwasan Kakambal ng pagmamahal ang sakit. Hindi ka puwedeng magmahal ng hindi ka nasasaktan. Kaya kung ikaw ay magmamahal, ihanda mo ang sarili mo sa sakit na iyong mararamdaman dulot ng pagmamahal. Kung hindi mo na kaya pang tiisin ang sakit na dinulot sa 'yo ng pagmamahal ay puwede ka munang magpahinga. Puwede mo munang takasan ang sakit na iyong nararamdaman. Hindi masamang umiwas at lumayo kapag hindi mo na kayang tiisin ang sakit. Ang masama ay umiwas at lumayo ka at hindi na bumalik pang muli. Kapag ikaw ay hindi na bumalik pa, isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi siya ang itinadhana ng diyos para sa 'yo. Dahil kung totoong mahal mo talaga siya, kahit na ano pang sakit ang maramdaman at maranasan mo dahil sa pagmamahal sa kaniya ay babalik at babalik at mamahalin at mamahalin mo pa rin siya hanggang sa dulo. Hanggang sa huli. Dahil nga malayo ang loob ko sa aking pamilya ay wala silang alam sa social life ko. Ang alam lang nila ay anak nila ako. Naka-graduate na ako. Isa na akong ganap na Architect. Pero hindi nila alam na may fiancé na ako. Na malapit nang ikasal ang kanilang anak. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapakilala si Lucas sa mga magulang ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya ipapakilala sa mga magulang ko. Simula kasi nang mapunta ako kanila lolo at lola, bihira lamang akong bisitahin nila papa at mama. Halos makalimutan ko na nga ang itsura ng mga kapatid ko dahil ang tagal ko na silang hindi nakikita. Ang alam ko lang ay may dalawa akong kapatid. Isang lalaki at isang babae. Sabi ni Lucas sa akin. Ang daya ko raw, kasi pinakilala na niya ako sa mga magulang niya pero hindi ko pa siya pinapakilala sa mga magulang ko. Mabait yung mga magulang ni Lucas at okay lang sila sa relasyon namin ni Lucas. Pero sabi nga nila, ang lahat ng relasyon ay binibigyan ng pagsubok at problema. Siguro ito ang pagsubok na binigay sa 'min ng diyos. Neon texted me. He said, Lucas was cheating on me, but i did not believe him. Ayaw ko siyang paniwalaan para hindi kami mag-away ni Lucas at isa pa, hindi ako naniniwalang kaya akong lokohin ni Lucas. Ang tagal na naming nagsasama, six years na kami. Naniniwala akong hindi niya sisirain lang basta-basta ang six years na pinagsamahan naming dalawa. But Neon send gave a evidence that Lucas, was really cheating on me. He send a picture to me of Lucas. In the picture, i saw Lucas hugging a girl. Hindi ko nakita yung mukha ng babae sa pagkat naka-focus kay Lucas yung picture. Hindi ko pa rin 'yon pinaniwalaan kasi baka kaibigan niya lang 'yon. So to cut it in short, i gave him a benefit of the doubt. Si Neon nga niyayakap ko pero hindi naman umangal si Lucas. Hindi na ako nakatira sa bahay nila lola dahil tumira na kami ni Lucas sa iisang condo. Pinayagan naman ko ni lola na tumira sa condo kasama si Lucas kasi fiancé ko na siya. Malamig sa condo namin kasi bukas yung aircon pero pakiramdam ko iba yung lamig na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nanlalamig na sa 'kin si Lucas. Bihira na lamang niya ako kausapin. Bihira na lamang din kami kumain ng sabay sa hapagkainan. Bihira nalang siya rito sa condo. Ang dahilan niya ay busy siya. "Lucas, anong oras ka uuwi mamaya? Magluluto ako ng pagkain, anong gusto mong ulam natin mamaya?" Tanong ko. Sinuot ni Lucas ang polo niya, "Untian mo lang yung lutuin mo. Baka gabihin ako ng uwi. Paniguradong hindi ako makakasabay sa 'yo sa pagkain mamaya kaya pang isang tao nalang yung lutuin mo." Nang masuot niya ang polo niya ay sinuot naman niya ang necktie niya at kinuha niya ang itim na shoulder bag niya. Lumapit siya sa 'kin at hinalikan niya ang pisngi ko, "Alis na ako." Nginitian ko siya, "Ingat ka." Pagkaalis niya ay napakapit ako sa aking pisngi, kung saan ako hinalikan ni Lucas. Bakit sa pisngi na niya nalang ako hinalikan? Bakit hindi na sa labi? Nanlalamig na ba talaga siya sa 'kin? O napaparanoid lamang ako? Tama nga ba ang hinala ni Neon na may ibang babae si Lucas? Bakit, parang tama si Neon. Napatingin ako nang mag-text ulit sa 'kin si Neon, "Meet me in our favorite coffee shop." Ano na naman kaya ang problema ng lalaking 'to. Parang hindi busy ngayon si Neon, ah. Ano na naman kayang chismis sa 'kin ng lalaking 'to. Tuwing gusto niya sa 'king makipagkita ay may chismis na naman siya sa 'kin or may rants na naman siya sa buhay. Namiss ko rin yung lalaking 'to. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakita, ang tagal na rin noong huling beses kaming magkasamang manlait. I texted him back, "Sige. What time ba?" After a few seconds, he replied to me, "9 am, sharp. Sharp, bhie. Sharp. Baka late ka na naman dumating. Magbagong buhay ka na. 9 am, sharp!" Napatawa nalang ako sa reply niya, "Galit na galit, bhie? Oo na! 9 am, sharp. 8 am palang nandiyan na ako. Tutulungan ko na si Aling Fely na magbukas sa coffee shop niya." I reply to him. "Ayusin mo lang, ha. Sige na. Maghahanda na ako. Maghanda ka na rin, para hindi ka ma-late," he replied to me. "Okay, noted!" I reply. Tinignan ko kung anong oras na. "7 am palang pala," sabi ko sa aking sarili. 7 am palang kaya nagpalipas oras muna ako. Wala akong pasok ngayon kasi umalis ako sa architect firm na pinapasukan ko rati. Masiyado na kasing mapang-abuso yung boss namin. Mababa na nga ang sahod namin, palaging delay pa naming nakukuha ito. Sabi sa 'kin ni Lucas na umalis na ako sa architect firm na 'yon at maghanap ng bago. Ganoon din ang sinabi sa 'kin ni Neon. Kahapon lang ako umalis sa dating architect firm na pinapasukan ko. Naligo ako at nag-ayos sa sarili. Puting bistida na may nakaburdang mga bulaklak at paro-paro ang sinuot kong damit. Hindi na ako nagsuot ng sandals. Flat shoes nalang ang sinuot ko dahil sa coffee shop lang naman ako pupunta. Nilagay ko sa aking maliit na shoulder bag ang aking cellphone at wallet. Lumabas ako sa condo namin ni Lucas at ni-lock ko ito. Nang makarating ako sa harap ng favorite coffee shop namin ni Neon ay kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at tinignan ko kung anong oras na. Napangiwi ako nang makita kong, 10 am na. Late na ako sa oras ng kitaan namin ni Neon. "Sandra, kamusta ang 9 am sharp? Akala ko ba 8 am ka darating? Tutulungan mo pa nga si Aling Fely na magbukas ng coffee shop niya, diba? So bakit, 10 am ka dumating?" Napatingin ako sa likod ko nang may marinig ako na pamilyar na boses. Bigla akong natigilan nang makita ko ang nagsalita. Si Neon. His glow up makes my jaw drop. Hindi naman siya ganiyan dati. His black straight hair turn into brown curly hair, na mas lalong bumagay sa kaniyang brown eyes. Ngayon ko lang napansin na he got a thick brows, long lashes and perfect narrow nose! Ang pogi pala ni Neon, bakit ngayon ko lang ito napansin. He is wearing brown slacks and white over size polo na mas lalong nagpaguwapo sa kaniya dahil bagay na bagay ito sa kaniya. Matangkad siya at maputi kaya mas lalong bumagay yung brown and white na suot niya. He smirked, "Am i handsome?" He confidently asked. I nodded at him, "Yes. Mr. Neon Alfaro, you're handsome. Pero bakit ngayon ka lang nag-ayos sa sarili mo? Dapat matagal mo na 'yang ginawa." "Alam mo kasi Sandra. Ang dahilan ko kung bakit ko hindi inilabas ang kapogian ko rati ay para hindi ko masapawan si Lucas. Baka kasi, imbes na kay Lucas ka ma-inlove ay sa 'kin ka ma-inlove." Dahil sa kaniyang sinabi ay hinampas ko siya, ang yabang nitong lalaking 'to. "Aray! Ang bigat naman ng kama-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil niyakap ko siya. Namiss ko ng sobra ang lalaking 'to. "Namiss kita, Neon." Niyakap niya ako pabalik, "Namiss din kita, Sandra." Humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kaniya, "Ngayon ka lang din dumating?" Tanong ko sa kaniya. He smiled, "I know you, Sandra. Alam kong late kang darating, kaya late rin akong dumating." Mahina akong tumawa, "Kilalang-kilala mo talaga ako." "Paanong hindi kita makikilala? Simula bata pa tayo ay palagi na tayong magkasama," sambit niya. "Tara na. Namiss ko na magkape sa coffee shop ni Aling Fely." Kinapitan niya yung kamay ko at hinatak niya ako papasok sa loob ng coffee shop. "Magandang umaga! Aling Fely, hindi pa rin kumukupas ang kagandahan mo. Hanggang ngayon ay maisim ka pa rin," saad ni Neon kay Aling Fely. Tumawa si Aling Fely. "Hanggang ngayon ay mapagbiro ka pa rin, Neon. Muntik na kitang hindi makilala, Neon. Lalo kang naging gwapo." Hindi matatanggi na maganda nga si Aling Fely. Kahit na matanda na siya ay hindi pa rin kupas ang kagandahan niya. Halatang napakagandang babae ni Aling Fely noong dalaga siya. "Aling Fely, hindi ka talaga marunong magsinungaling," sambit ni Neon. Ang yabang talaga ng lalaking 'to, pero may ipagmamayabang naman talaga siya. Totoo naman yung sinabi ni Aling Fely. Lalo nga siyang naging gwapo. Kaso lalo rin yumabang. Ang sarap batukan sa ulo. "Aling Fely, ganoon pa rin po yung order namin," sambit ko kay Aling Fely. Nginitian ako ni Aling Fely, "Lalo ka rin gumanda, Sandra. Ang tagal niyo rin ni Neon na hindi pumunta rito. Akala ko nga mawawala na yung dalawang favorite customer ko." "Lately po kasi naging sobrang busy po ako. Ngayon na nga lang po ako hindi naging busy," saad ko. "Ang hectic ng schedule ko noong mga nakaraang araw, Aling Fely. Kaya ngayon nalang ulit ako nakapunta rito," sambit ni Neon. "Black Coffee with milk pa rin ba?" Tanong ni Aling Fely. Tumango ako, "Opo." "Humaanap na muna kayong upuan diyan at umupo habang naghihintay sa kape niyo. Ibibigay ko nalang sa inyo kapag natapos ko na itong timplahin." Kaya ito yung naging favorite coffee shop namin ni Neon kasi the best ang coffe shop ni Aling Fely. Ang ganda na ng ambience rito ang sarap pa ng kape niya. Nature friendly yung coffee shop ni Aling Fely. Napakaraming magandang halaman na namumulaklak ang naka-display sa coffee shop niya kaya amoy bulaklak ang loob ng coffee shop niya. Kaya kapag stress na stress na ako at dito lang ako pumupunta para mawala yung stress ko. Sobrang nakaka-relax sa coffee shop ni Aling Fely. Nang makahanap kami ng bakanteng upuan at lamesa ay umupo na agad kami ni Neon. Tinitigan ko si Neon. "Lets get straight to the point. Ano yung dahilan kung bakit gusto mong makipagkita sa 'kin dito?" Sumeryoso ang itsura ni Neon. "Balita ko you resign to your previous architect firm." "Tama ang nasagap mong balita. Hanggang ngayon ay updated ka pa rin lagi," sambit ko. Mahinang tumawa siya, "Ako pa ba? Baka nakakalimutan mong isa akong chismoso, kaya dapat palagi akong updated." "Hindi ka pa rin nagbabago talaga, Neon. Chismoso ka pa rin." Inirapan niya ako, "Akala mo ikaw, hindi ka chismosa ha. Parang noong nakaraan lang chinismis mo pa sa 'kin na na-ghost si Desiree ni Luke. Hindi ka pa rin din nagbabago. Chismosa ka pa rin, Sandra." Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Noong nakaraan kasi nabalitaan ko na broken si Desiree. Kaibigan namin ni Neon. May nakilala kasi siyang lalaki sa f*******: then naging sila. Hindi pa nga niya kilala ng lubusan si Luke ay naging sila agad. 'Yan tuloy, na-ghost. Kawawa naman yung babaeng 'yon. Nagmahal lang naman siya. Pero sa tingin ko hindi talaga nila mahal yung isa't isa. Infatuated lang sila. Naka-move-on na kasi agad si Desiree. Pero dahil sa ginawa ni Luke sa pag-iwan kay Desiree ng walang paalam ay naging bisexual ang gaga. Babae na ang kaniyang nais. Hindi na lalaki. Kaya ang daming nagiging bisexual na babae, e. Na-ghost kasi sila. Kaya ayaw na nila sa lalaki. "Oo na! Chismosa pa rin ako! Hindi ko kasi mapigilan na alamin yung mga nangyayari sa paligid ko. Gusto kong updated din ako." "Neon, Sandra. Ito na ang kape niyo." Napatingin kami ni Neon sa gilid namin nang marinig namin si Aling Fely. May dala siyang tray at nasa ibabaw ng tray ang kape namin ni Neon. Inilapag ni Aling Fely ang kape namin sa lamesa. "Salamat po," pagpapasalamat namin ni Neon kay Aling Fely. "Walang anuman. Enjoy your coffee. Huwag masiyado manlait ng tao, ha. Magbago na kayong dalawa." Napatawa kami ni Neon dahil sa sinabi ni Aling Fely. Dati kasi, tuwing nagkakape kami ni Neon dito ay nanlalait kami. Pero sabi kasi sa 'kin ni lola huwag magsinungaling. Hindi ko naman sila nilalait, nagsasabi lang ako ng totoo. "Hindi na po kami manlalait, nagbago na ako, Aling Fely," natatawang sambit ni Neon. "Chismis nalang po ang ginagawa ko. Wala ng halong panlalait, Aling Fely. Nagbagong buhay na rin ako," natatawang sambit ko. Nang umalis si Aling Fely ay tinikman ko ang kape ko. Napangiti ako nang malasahan ko ang kape ko. Ang sarap pa rin. Hindi pa rin nagbabago yung kape ni Aling Fely. "Sandra, kaya gusto kitang makausap ng personal ay may gusto akong sabihin sa 'yo," seryosong sambit ni Neon. "Sandra, may gusto akong ialok sa 'yo." Tinitigan ko siya, "Ano 'yon?" "Gusto kong imbitahan ka sa architecture firm namin. Sa Arch Dream. Alam mo naman na ang Arch Dream ay isa sa pinakamalaking architecture firm sa pilipinas. Ang may-ari nito ay isa sa pinakamayan sa buong mundo, kaya siguradong malaki ang sahod dito. Marami pa ang benefits dito," sambit sa 'kin ni Neon. Bigla akong napaisip sa sinabi ni Neon. Tama nga siya, Isa sa pinakamalaking architecture firm sa pilipinas ang Arch Dream. Gusto ko rin pumasok sa Arch Dream dati kaso hindi na sila hiring dati. "Kaso may problema. Sa Japan tayo ma-a-assign." "Sa Japan? Wala bang sa Pilipinas?" Tanong ko. "Oo, sa Japan. Wala, e. Sa Japan lang. May malaking project kasi ang Arch Dream sa Japan. Kaya kailangan nila ng madaming Architect ngayon." "Pag-iisipan ko. Sasabihan nalang kita kapag nakapagdesisyon na ako," sabi ko kay Neon. Dahil sa pag-uusap namin ni Neon. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala yung kape ko. Masiyado kasing seryoso yung pinag-uusapan namin ni Neon. Hindi ko tuloy na-enjoy yung kape ko. May inilapag na brown envelop si Neon sa may Lamesa, "Buksan mo 'to kapag nakauwi ka na sa condo niyo ni Lucas. Huwag mo na ako tanungin kung ano ang laman niyan." Kinuha ko ang brown envelop, "Parang gusto ko na tuloy umuwi. Nacucurious ako sa laman nito." "Sandra, puwede mo rin na huwag mo na 'yang buksan. Pero mas maigi kung bubuksan mo 'yan at titignan mo ang laman niyan," sambit ni Neon. Tumayo si Neon, "Sandra, mauuna na ako. May pupuntahan pa pala ako. Pag-isipan mong maigi yung sa may Arch Dream." Tinanguhan ko siya, "Sige. Pag-iisipan ko 'yan nang mabuti." Nang makaalis si Neon sa coffee shop ay saka ko lang na-realize na hindi pa pala siya nagbabayad sa kape niya. "Ang lalaking talagang ito! Hindi pa rin nagbabago!" "Umalis na naman ba si Neon na hindi nagbibigay sa 'yo ng bayad niya sa kape?" Natatawang tanong ni Aling Fely. I pouted, "Opo. Nakakainis talaga 'to si Neon. Kalalaking tao, palagi nalang nagpapalibre sa 'kin. Ang yaman-yaman na niya kasi regular na siya sa Arch Dream!" "Napakapilyo pa rin pala ni Neon. Nakakatuwa talaga ang batang 'yan," saad ni Aling Fely. Ikaw lang ang natutuwa aling Fely. Ako hindi. Hinding-hindi. Hmp! Kainis siya. Binayaran ko ang kape na ininom namin ni Neon. Nang ibinigay ni Aling Fely ang sukli ko ay nagpaalam na ako sa kaniya na uuwi na rin ako. Pag-uwi ko sa condo namin ni Lucas ay umupo agad ako sa sofa. Nang mapansin ko ang brown envelop na ibinigay sa 'kin ni Neon ay muli akong nacurious sa laman nito. Nag-aalangan ako kung bubuksan ko ba ito o hindi. Pero dahil gustong-gusto ko na malaman ang laman nito ay nawala na ang pag-aalinlangan ko. Nang mabuksan ko ito ay napatulala ako. Ang laman ng brown envelop ay picture. Picture ni Neon na tanging short lang ang suot niya, kaya kitang-kita ang collar bone, anim na abs at ang V line niya. Basa at may tumutulong tubig sa curly hair niya at katawan niya kaya mas lalong naging makalaglag panga ang litrato niya. Ang hot niya sobra sa picture na ito. May note sa picture. "Huwag mong tignan ang iba pang picture kung ayaw mong masaktan." Dahil sa kuryusidad ko ay tinignan ko ang iba pang litrato. Bigla akong natigilan at nanghina ang buong sistema ko nang makita ko ang sunod na litrato. Si Lucas. May kahalikan siyang babae sa litrato. Hindi ko makita ang mukha ng babae sa pagkat naka-focus ang litrato kay Lucas. Kasama sa picture ang mga kaibigan ni Lucas. Totoo ba 'to? Kung totoo 'to, bakit hindi nagsumbong sa 'kin ang mga kaibigan ni Lucas? Hindi ba ako sapat kay Lucas? Nagsasawa na ba siya sa 'kin? Habang tinitignan ko ang mga litrato ay nanginginig ang aking mga kamay. Nang mapansin kong nabasa ang litrato ay napakapit ako sa pisngi ko. Basa rin ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang mga luhang kumuwala sa mga mata ko at inilagay ko sa brown envelop ang mga litrato. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumumog ito. Nang buksan ko ito ay nakita kong nag-text sa 'kin si Neon. "Sandra, kung tatanungin mo ako, kung totoo ba ang nasa litrato. Totoo 'yan. Ayaw kong ipakita sa 'yo 'yan, kaso naawa ako sa 'yo. Niloloko ka ng fiancé mo ng hindi mo alam." Pumunta ako sa kuwarto ko at humiga ako sa kama ko. Ilalabas ko na ang lahat ng luha ko, para kapag kinausap ko si Lucas mamaya ay hindi na ako maiiyak. Mabilis na tumakbo ang oras. Gabi na. Nagising ako dahil nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nakatulog na pala ako kakaiyak. Nang tignan ko yung nagbukas ng kuwarto ko ay bigla na lamang bumalik ang sakit na naramdaman ko nang makita ko ang litrato ni Lucas na may kahalikan siyang ibang babae. "Bakit namumugto ang mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Lucas. Mapait akong ngumiti, "Oo. Umiyak nga ako." Puno ng pag-alala ang mukha ni Lucas, "Bakit ka umiyak? Ano ang dahilan nang pag-iyak mo? Sino ang nagpaiyak sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong niya. Tumayo ako sa higaan ko at naglakad ako papunta sa kaniya. Huminto ako nang makarating na ako sa harap niya. Mahigpit ko siyang niyakap at umiyak ako, "I-Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit ako umiyak. Kung bakit ako umiiyak ngayon." "A-Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at kinuha ko ang mga litratong nakakalat sa aking kama. Ibinigay ko sa kaniya ito. "Tignan mo 'yan. 'Yan ang dahilan kung bakit ako umiyak." Biglang natigilan si Lucas nang makita niya ang litrato, "S-Saan mo ito nakuha?" Hindi ko sinagot ang tanong niya, "Totoo ba ang nasa litrato? Lucas, mahal mo pa ba ako?" I saw in his eyes the shock, guilt and fear. Dahil sa reaksyon niya ay mas lalong lumakas ang kutob ko na totoo ang nasa litrato. "Hindi totoo 'yan," he said. "Sana nga, hindi totoo 'yan, Lucas. Sana nga." Niyakap ako ni Lucas, "Maniwala ka sa 'kin, hindi totoo 'yan." "Sana nga talaga, Lucas. Hindi totoo 'yan, kasi ang sakit. Ang sakit-sakit." "Tama na, Sandra. Huwag ka na umiyak." Madiin kong pinikit ang aking mga mata at niyakap ko pabalik si Lucas. This time. I will believe you. Lumipas ang araw. Umaga ngayon. Kaya ako nalang ulit mag-isa sa condo namin ni Lucas kasi pumasok na siya sa trabaho niya. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. May nag-text ata. Nang buksan ko ang cellphone ko ay nakita kong nag-text sa 'kin si Kiel. Kaibigan ni Lucas. "Look at my message in you, on messenger." Dahil sa kuryusidad ay sinunod ko ang sinabi ni Kiel. Nang makita ko ang message sa 'kin ni Kiel ay bumalik ang paghihinala ko kay Lucas. "Watch the video, Sandra." "Kaibigan ko si Lucas, pero hindi ko kayang konsintihin ang kagagohan niya." Nanginginig ang kamay ko nang pindutin ko ang video. Bigla na lamang nagbaksakan ang aking mga luha nang mapanood ko ang video. Napakapit ako sa dibdib ko nang maramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Ang sakit. Totoo nga ang litratong ibinigay sa 'kin ni Neon. Ang video na sinend sa 'kin ni Kiel ay si Lucas na may kahalikang babae. Pinatay ko na agad yung video sa pagkat hindi ko kaya itong tapusin panoorin. Masiyado ng masakit, kaya kailangan na itigil ang video. Nang bumukas yung pinto ng condo namin ni Lucas ay madali kong pinunasan ang mga luhang kumuwala sa aking mga mata. "Kamusta, Sandra," pagbati sa 'kin ni Lucas. "Okay lang," sambit ko kahit hindi naman talaga. Yung itsura ni Lucas ay para bang wala siyang ginawang masama sa 'kin. Para bang hindi niya ako niloko. Lumapit siya sa 'kin, hahalikan niya sana ako sa aking mga labi ngunit ginilid ko ang aking ulo kaya sa pisngi niya ako nahalikan. Parang hindi ko kayang halikan yung mga labi niya sa pagkat may iba ng babaeng nakahalik dito. "Lucas, magsabi ka sa 'kin ng totoo. Kailan mo pa ako niloko?" Biglang natigilan si Lucas dahil sa tanong ko, "Anong ibig mong sabihin? Sandra, hindi kita niloloko." Sinungaling. Nginitian ko siya, "Tama na Lucas. Alam ko na." Kumunot ang noo niya, "Sandra, tungkol na naman ba ito sa picture na ipinakita mo sa 'kin noon? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi 'yon totoo!" "Huwag ka maniwala riyan. Kung sino man ang nagbigay sa 'yo niyan ay sinisiraan niya lang ako," galit na sambit niya at nilampasan niya ako. Pumunta siya sa kuwarto namin. Habang lumilipas ang araw ay lumalamig nang lumalamig ang pakikitungo sa 'kin ni Lucas. Kahit nasa tabi lang niya ako ay hindi niya ako pinapansin. Para bang hindi niya ako kilala kung ako ay ituring niya. Hindi dahil sa ma-pride ako kaya hindi ko rin siya pinapansin. Hindi ko siya pinapansin kasi hindi ako makatingin sa kaniya, sa pagkat sa tuwing ako ay tumitingin sa kaniya ay nasasaktan ako. Pero bakit ganoon? Kahit hindi naman ako sa kaniya nakatingin ay nakikita ko siya. Kahit na ako ay nakapikit ay nakikita ko pa rin siya. Kapag hindi niya ako pinapansin ay nasasaktan ako. Kapag nakikita ko siya ay nasasaktan ako. Ang laki ng pinagbago ni Lucas, dati on time siya umuuwi. Minsan nga, maaga siya umuuwi para makasama niya ako. Pero bakit ngayon ay palagi siyang gabi na umuuwi at madalas ay madaling araw na siyang umuuwi, at minsan pa ay hindi na siya umuuwi. Inilagay ko sa maleta ko ang mga damit na palagi kong ginagamit. Inilagay ko rin dito ang mga mahahalagang dokumento ko. Nang matapos ako sa paglagay ng mga gamit ko sa maleta ko ay kumuha ako ng ballpen at papel. Hindi naman siguro masama kung lilisan muna ako. Masiyado na kasing masakit. Mahal, patawad kung ako ay aalis na muna. Masiyado na kasing masakit. Parang hindi ko na kakayanin yung sakit, kapag nag-stay pa ako rito sa bahay, kasama ka. Mag-cool-off na muna tayo. Tinanggap ko na ang alok sa akin ng kaibigan ko na mag trabaho sa Arch Dream. Sa Japan ako ma-a-assign. Magpapalamig na muna ako. Isipin mong mabuti yung maling ginawa mo sa 'kin. Isipin mong mabuti yung eight years na relasyon nating dalawa. Nagmamahal, Sandra Valientos
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD