Ikaw Pa Rin
Kapag mahal mo talaga ang isang tao. Kahit na nagawa ka nitong lokohin ay mamahalin mo pa rin ito.
Ang pagmamahal ay bulag.
Kapag ikaw ay sobrang nagmahal ay hindi mo na mapapansin ang mga mali sa iyong taong minamahal. Kahit na ang minamahal mo ay nagawa kang lokohin ay mamahalin mo pa rin ito. Sa pagkat ikaw ay nabulag na ng pagmamahal. Mas mangibabaw na ang puso mo sa utak mo.
Kung ikaw ay magmamahal dapat pantay lamang ang timbang pagmamahal at pag-iisip mo. Kung ikaw ay may magmamahal, iyong palaging tandaan, huwag mong hayaan na mangibabaw ang puso mo sa utak mo. Dahil kapag ito ay ginawa mo ay mabubulag ka. Mabubulag ka sa pagmamahal.
Dahil sa sobrang pagmamahal mo ay hindi mo na namamalayan na ikaw nalang pala yung nagmamahal. Ikaw nalang pala yung lumalaban.
Hindi masama kung ikaw ay lumayo sa pagkay ikaw ay nasaktan ng sobra ng iyong minamahal. Lumayo ka lamang para magpahinga at magpagaling. Para humilom ang sugat sa puso mo, na nilikha ng sakit ng ibinigay sa 'yo ng iyong minamahal.
Time flies so fast.
Isang taon na rin ang lumipas simula noong ako ay umalis sa Pilipinas. Simula noong iwan ko si Lucas sa Pilipinas para ako ay makapagpalamig at makapagtrabaho sa Japan.
Noong nasa Japan ako ay saglit kong nakalimutan ang sakit na dinulot sa 'kin ni Lucas. Tinuon ko ang lahat ng oras ko sa pagtatrabaho para saglit kong makalimutan si Lucas.
Pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko muna kay Lucas. Baka kasi kapag nawala ako ay hanapin niya ako. Maisip niya na ang laki ng mawawala sa kaniya kapag ako ay nawala. Para na rin makapag-isip siya ng maayos at maayos niya yung sarili niya.
Naiinis nga sa 'kin si Neon. Ayaw ko raw siyang samahan mamasyal sa Japan. Hindi naman ako pumunta sa Japan para mamasyal, pumunta ako sa Japan para magtrabaho.
Ako ay nasa eroplano ngayon. Pabalik na ako sa Pilipinas. Hindi pa sumabay sa 'kin umuwi sa Pilipinas si Neon kasi kailangan pa siya ng team namin sa Arch Dream sa Japan. Mataas kasi yung posisyon ni Neon kaya kailangan siya roon hanggang sa matapos yung project namin.
Sapat na rin siguro ang inipon kong lakas ng loob at tapang para maharap ko ulit si Lucas.
Hindi lang ako umuwi sa Pilipinas dahil kay Lucas, ang isa ko pang dahilan kaya ako umuwi sa Pilipinas ay dahila kanila lolo at lola. Nagkaroon kasi ng sakit si lolo. Wala silang kasama sa bahay nila, kaya ako na ang sasama at mag-aalaga sa kanila.
Noong bata ako na kailangan ko na mag-aalaga sa 'kin ay inalagaan nila ng walang pag-aalinlangan. Oras na para suklian ko naman ang mabuting loob na ginawa nila sa 'kin. Ako naman ang mag-aalaga sa kanila.
Nang makababa ang eroplano na sinasakyan ko sa Pilipinas ay napangiti ako. Sa wakas. Nakauwi na rin ako sa Pilipinas.
Nang makababa ako sa eroplano ay naramdaman ko na agad ang init ng araw nang tumama sa balat ko ang sinag ng araw.
Sinuot ko ang shades ko para hindi ako masilaw sa mainit na sinag ng araw.
Nasa Pilipinas na nga talaga ako. Ramdam na ramdam ko na yung init ng Pilipinas.
Nang makuha ang aking maleta ay naghanap ako ng taxi na masasakyan. May humintong taxi sa harap ko ay sumakay ako rito.
"Saan po Ma'am?" Tanong ng taxi driver.
Napaisip ako sa tanong ng taxi driver. Saan nga ba? Sa condo ba muna namin ni Lucas o sa bahay nila lolo at lola.
"Ma'am?"
Nginitian ko ang taxi driver at sinabi ang lokasyon ng bahay nila lolo at lola.
Kanila lolo at lola muna ako pupunta. Mas namiss ko sila kaysa kay Lucas.
Huminto ang taxi sa tapat ng bahay nila lola. Binayaran ko yung taxi driver at hindi ko na rin kinuha yung sukli ko.
Kapit ang maleta ko. Naglakad ako papasok sa bahay nila lola. Habang ako ay naglalakad hindi ko mapigilan maisip kung anong nangyari kanila lola noong nasa Japan ako. Okay lang kaya sila? Magaling na ba si lolo?
"Sandra?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pangalan ko. Nasa loob na pala ako ng bahay namin.
Nang makita ko si Lola ay hindi ko napigilan na hindi umiyak. Binitawan ko ang maleta ko at dali-dali ko siyang niyakap.
"I miss you, lola."
Niyakap niya ako pabalik, "Namiss din kita, apo."
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya nang tawagin niya akong apo. Namiss kong tawagin niya akong apo.
Humiwalay ako sa pagkakayap sa kaniya, "Kamusta po lola? Ayos na po ba si lolo? Magaling na po ba siya?"
"Pumunta na muna tayo sa sala, Sandra. Nandoon ang lolo mo," saad ni lola at naglakad na siya patungo sa sala.
Sumunod ako kay lola papunta sa sala. Nang makaratin kami sa sala ay nakita ko si lolo na nakaupo sa sofa.
Binitawan ko ang maleta ko at mabilis ako na lumapit kay lolo at niyakap ko siya.
"Namiss kita, lolo!"
Niyakap din ako pabalik ni lolo, "Ikaw na ba 'yan, Sandra?"
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at nginitian ko siya, "Ako na nga po ito, lolo."
"Namiss din kita, apo."
"Lo, ayos ka na po ba? Magaling ka na ba?" Pag-aalala kong tanong.
"Ayos na ayos na ako, apo. Malakas ata 'tong lolo mo," sambit niya habang pinapakita ang kaniyang muscle.
Napatawa ako ng mahina sa ginawa ni lolo. "Salamat sa diyos. Ayos ka na po."
"Ikaw, apo? Ayos ka na ba?" Tanong ni lola.
Kumunot ang aking noo, "Ano po ang ibig mong sabihin lola?"
Nginitian ako ni lola, "Apo, alam na namin ng lolo mo ang lahat. Sinabi na sa amin ni Neon ang sitwasyon niyo ni Lucas ngayon."
I pouted, "Napakachismoso talaga nito ni Neon. Pati sa inyo, chinismis yung away namin ni Lucas."
Mahinang tumawa si lola, "Concern lang si Neon sa 'yo, kaya niya sinabi sa amin 'yon."
"Apo, umalis ka agad na hindi man lang nagpapaalam ng personal kay Lucas. Mali ang 'yong ginawa. Hindi man lang kayo nagkausap ng maayos bago ka umalis," sambit ni lola.
"Sorry po. Pero lola, kaya ko lamang 'yon nagawa kasi sobra akong nasaktan."
Umupo si lola sa tabi ni lolo at umupo naman ako sa harap nilang dalawa.
"Alam mo apo, dapat bago ka gumawa ng desisyon ay isipin mo muna ito ng maraming beses. Alamin mo muna dapat yung negatibo at positibo na mangyayari kapag ginawa mo yung desisyon na ginawa mo," sambit ni lolo.
"Alam mo ba apo, simula nang umalis ka ay palaging pumupunta rito si Lucas para itanong sa amin kung ayos ka lang. Hindi ka raw kasi niya ma-contact. Sobra siyang nag-aalala sa 'yo," dagdag pa ni lolo.
"Lolo, sa tingin mo pa ba, kapag bumalik ako kay Lucas ngayon ay magagalit siya?" Pag-aalalang tanong ko.
"Hindi ko alam, apo. Pero noong iniwan ako ng lola mo kasi nang babae ako. Ang tagal, bago niya ako binalikan. Pero noong bumalik siya sa 'kin ay buong puso ko siyang tinanggap. Alam ko naman na ako ang mali, kaya noong bumalik siya ay nagbago ako. Mas lalo ko pa siyang minahal sa bawat araw na lumilipas," sambit ni lolo.
"Apo, kung totoong mahal ka ni Lucas ay hindi siya magagalit kapag ikaw ay bumalik sa kaniya, at isa pa, siya naman ang may kasalanan kung bakit ka umalis," dagdag niya pa.
"Lola, makikipagkita muna ako kay Lucas. Gusto ko siyang kamustahin. Doon muna ako sa condo namin matutulog ngayon, pero bukas, dito na ako matutulog. Gusto ko pong dito na muna ako ulit tumira," nginitian ko sila. "Gusto ko rin pong alagaan kayo. Matanda na kayo, kaya hindi niyo na kaya ang mabibigat na gawain, wala pa naman akong trabaho sa ngayon. Kaya hayaan mo niyo pong pagsilbihan ko naman kayo."
Kinapitan ni lola ang aking mga kamay, "Napakabait mo talaga, Sandra."
"Lola, hindi naman po ako magiging mabait kung hindi niyo po ako tinuruan kung paano maging mabait."
Napangiti si lola dahil sa sinabi ko. Totoo naman ang aking sinabi, tinuruan ako ni lola kung paano maging mabait.
"Apo, palagi mong tandaan. Kapag ikaw ay magmamahal, huwag sobra-sobra. Mag-iwan ka rin ng pagmamahal sa 'yong sarili," sambit ni lola.
Tumango at ngumiti ako, "Opo, lola."
Nagpahinga muna ako ng saglit sa bahay nila lola bago ako pumunta sa condo namin ni Lucas.
Nandito ako sa harap ng pinto ng condo namin ni Lucas. Yung lakas ng loob at tapang na inipon ko noong nasa Japan ako ay tila ba ay naglaho, parang bulang.
Nag-aalangan ako kung bubuksan ko ba ang pinto ng condo namin o hindi. Ramdam ko ang pag bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba.
Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga. Nang buksan ko ang pinto ng condo namin ay bigla nanghina ang sistema ko sa aking nakita.
Si Lucas.
Nakaupo siya sa sofa at may kapit ng bote ng alak. Sa paligid niya ay may nakakalat na maraming bote ng alak na walang laman.
Yung itsura ni Lucas ay ang layo sa itsura niya noong iniwan ko siya. Para bang hindi siya nag-aahit ng bigote at balbas sa pagkat ang kapal na ng bigote at balbas niya. Yung buhok niya na palaging clean cut noon ay mahaba na ngayon.
"Lucas."
Napatingin siya direksyon ko nang tawagin ko siya.
Binitawan niya ang bote ng alak na hawak niya at tumayo siya, "Sandra? Ikaw na ba 'yan, Sandra?"
Matamlay akong ngumiti, "Ako na nga ito."
Anong nangyari sa kaniya? Ang laki ng pinagbago niya. Masiyado niyang pinabayaan ang sarili niya.
Mabilis siyang lumapit sa 'kin at niyakap niya ako ng napakahigpit.
"I miss you so much, Sandra. Please, don't leave me again," he said while he was crying.
Niyakap ko siya pabalik, "You know the reason why i left you."
"Please, don't do that again. Don't cheat on me again," i said.
"S-Sorry, hindi ko sinasadya. Lasing ako noon. Patawarin mo ako, Sandra."
"Lucas. Matanda na tayo. Alam mo na alam ko kapag nalasing ang isang tao ay lumalakas lamang ang loob niya, pero alam niya pa rin ang ginagawa niya," sambit ko.
Marahan ko siyang tinulak kaya nahiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin.
"Lucas, mahal mo pa ba talaga ako?" Tanong ko.
Tinitigan niya ako, "Oo, Sandra. Mahal na mahal kita. Kailan man ay hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo. Pangako ko sa 'yo 'yan, Sandra."
"Sandra, patawarin mo ako sa ginawa ko sa 'yo. Maniwala ka man o sa hindi ay pinagsisisihan ko ang ginawa kong pangbababae," sambit niya.
"Noong iniwan mo ako ay napagtanto ko na ang hirap palang wala ka. Hindi ako sanay na gumising sa umaga na wala ka sa aking tabi," dagdag niya pa.
Kinapitan ko ang kamay niya, "Patawarin mo rin ako, Lucas. Kasi alam kong mali rin ako. Iniwan kita nang hindi man lang ako nagpapaalam sa 'yo ng personal."
Kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilan kong bumagsak ang aking mga luha, "Ang sakit lang kasi talaga Lucas. Noong nakita ko yung video mo na nakikipaghalikan sa babae ay para bang sinasaksak ng patalim ang aking puso ng paulit-ulit. Ang s-sakit, Lucas. Ang s-sakit-sakit..."
Napakit ako nang yakapin niya ako, "Shhh, huwag ka na umiyak. Tumahan ka na. Patawarin mo ako, Sandra."
"Patawarin mo rin ako, Lucas. Patawarin mo ako sa pag-iwan ko sa 'yo,"
"Hindi mo na kailangan pang humingi ng tawad sa 'kin, Sandra. Naiintindihan kita kung bakit ka umalis," humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin at pinunasan niya ang mga luha kumawala sa aking mga mata, "Ako dapat ang humingi ng tawad sa 'yo, dahil napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa 'yo at labis kitang nasaktan, Sandra."
"Pinatawad na kita, Lucas. Kalimutan nalang natin ito. Magsimula nalang tayo ng ulit sa umpisa."
"Pangako, magbabago na ako, Sandra."
Tumango at ngumiti na lamang ako sa sinabi niya.
Kinapitan ko ang bigote at balbas niya, "Ano ba 'yang nangyari sa 'yo? Nawala lang ako ng saglit ay hindi mo inalagaan yung sarili mo. Tignan mo 'tong balbas mo, ang haba na," kinapitan ko ang buhok niya, "Itong buhok mo naman, ang haba na."
Sinamaan ko siya ng tingin at tinuro ko ang mga bote ng alak na nakakalat sa lapag, "Diba sinabi ko sa 'yo na huwag kang mag-iinom ng alak. Lalo na ang beer dahil nakakataba 'yan," inangat ko ang suot niyang damit, "Tignan mo 'tong tiyan mo. Wala ka ng abs, bilbil nalang."
Tumawa si Lucas dahil sa ginawa ko sa kaniya, "Sorry na. Na-miss ko 'tong pagsesermon mo sa 'kin kapag napapabayaan ko ang sarili ko."
Inirapan ko siya, "Hmp!"
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
Umiling siya, "Hindi pa."
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ko ang braso niya, "Diba sabi ko sa 'yo, kahit na anong mangyari ay huwag kang magpapalipas ng gutom? Bakit ang kulit mo! 9 pm na, pero hindi ka pa rin kumakain."
Niyakap niya ako at nginitian, "Sorry na."
"Tigilan mo ako! Linisin mo yung mga kalat mo sa sala, ipagluluto kita ng makakain mo."
"Aye aye, captain!" Sambit niya at sumaludo pa siya sa 'kin.
"Che! Maglinis ka riyan!"
Pumunta ako sa kusina namin at binuksan ko ang refrigerator namin. Nandilim ang paningin ko nang makita ko na puro alak ang laman ng refrigerator namin. Wala man lang na laman na pagkain ang refrigirator namin.
"Lucas! Yawa ka talaga! Napakalasinggero mo! Itapon mo yung mga alak mo sa labas!" Malakas na sigaw ko.
"Sorry na!" Sigaw niya pabalik.
"Walang sorry-sorry! Itapon mo yung mga alak mo!"
"Oo na!"
"Huwag mo akong sigawan! Pumunta ka rito!"
Nang makating si Lucas sa kusina ay mabilis kong ipinatapon sa kaniya ang mga alak na nasa loob ng refrigerator namin.
Binuksan ko ang mga maliliit na drawer sa tabi ng refrigerator para humanap ng puwedeng lutuin na pagkain.
Napangiti ako nang may makita akong ramen sa drawer. Spicy ramen sea foods. Okay na 'to, kaysa walang makain si Lucas.
Mabilis kong niluto ang ramen para makain na si Lucas. Bukas na bukas talaga ay bibili ako ng mga pagkain para magkaroon na ng laman ang refrigerator namin.
Pagdating ni Lucas ay naluto na ang ramen na niluluto ko. Nilagay ko sa mangkok ang ramen at binigay ko ito kay Lucas. Kumuha ako ng tinidor at binigay ko ito kay Lucas.
Nginitian ako ni Lucas, "Salamat."
"Bukas ay mamamalengke tayo, para magkaroon na ng laman yung refrigerator natin," sambit ko.
Tumango si Lucas.
"Bukas din ay magpapagupit ka na. Hindi bagay sa 'yo na mahaba ang buhok."
Tumango siya ulit.
"Bukas din ay pupunta tayo sa bahay nila lola."
Muling tumango si Lucas.
Kumunot ang noo ko, "Nakikinig ka ba talaga ba sa 'kin? Puro tango ka riyan."
Tinignan ako ni Lucas, "Nakikinig ako! Sabi mo, mamamalengke tayo bukas at magpapagupit ako. Pupunta rin tayo sa bahay ng lola mo."
"Oo nga pala Lucas. Hindi nga pala muna ako titira sa condo natin."
Napatigil siya sa pagkain ng ramen dahil sa sinabi.
Seryoso niya akong tiningnan, "Bakit naman?"
"Matanda na sila lola. Mahina na sila at nagkaroon pa ng sakit si lolo. Hindi na nila kaya yung mabigat na gawain. Kaya sa bahay nila lola muna ako ulit titira. Gusto ko silang alagaan, gaya ng ginawa nila sa 'kin noong ako ay bata pa," sambit ko.
Napangiti si Lucas dahil sa sinambit ko, "Ang bait talaga ng asawa ko."
"Matagal na!" I proudly said.
Nang matapos si Lucas kumain ay pumunta na kami sa kuwarto namin. Gusto na matulog dahil napagod ako sa biyahe. Hindi sapat yung pinahinga ko sa bahay nila lola.
"Isang taon din ang lumipas simula noong huling beses kitang nakatabi sa pagtulog," sambit ni Lucas.
Niyakap niya ako at idinikit ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib.
"Na-miss ko 'to, Lucas. Ang tagal ko rin ninanais na makatabi kita ulit sa pagtulog, para kapag ako ay nagising, ikaw ang una kong makikita."
Hinimas ni Lucas ang aking buhok at hinalikan niya ang aking noo.
"Matulog na tayo, Sandra."
"Good night, Lucas."
"Good night, Sandra."
Parang kahapon lang ako umalis at pumuntang Japan. Parang panaginip lang ang aking pag-alis. Hindi ko talaga kayang iwan ang lalaking ito ng matagal.
Mahal na mahal ko ang lalaking ito.