Sabi-Sabi
Promises are not meant to be broken. Promises are meant to be fulfilled. If the promise is not been fulfilled, its not a promise. Its a lie.
Huwag kang mangako kung hindi mo naman ito kayang tuparin. Dahil pinapaasa mo lamang ang iyong pinapangakuan. Pinapaniwala mo lamang ang mga ito sa kasinungalingan.
Hindi maitururing na pangako ang iyong sinabi na salita sa isang tao kung ito ay hindi mo tutuparin.
Mas mabuti na lamang na itikom mo ang iyong bibig. Huwag ka nalang magsalita at manahimik ka na lamang kaysa mangako ka na hindi mo naman pala kayang tutuparin.
Nagising ako na nasa bisig ni Lucas. Nakayakap siya sa akin ng napakahigpit.
"Good morning, asawa ko," sambit niya sa 'kin, dahil kakagising niya lang ay namamaos ang kaniyang boses.
Nginitian ko siya at mabilis na ninakawan ng halik sa kaniyang labi, "Magandang umaga rin, asawa ko."
"Bumangon na tayo para makapag-almusal na tayo. Para maaga tayong makapamalengke," sambit ko at tumayo ako sa higaan.
"Ayoko pa bumangon. Inaantok pa ako," sambit niya at siya ay dumapa sa higaan.
Kinapitan ko ang kama niya at hinatak ko siya, "Halika na! Bumangon ka na!"
Bumangon siya at sumimangot, "Oo na. Babangon na."
Napangiti ako nang bumangon si Lucas. Hmp! Akala niya siguro uubra siya sa 'kin.
Lumabas kami sa kuwarto namin at naghanda ako ng almusal namin. Dahil wala naman akong lulutuin dahil wala na kaming stock na pagkain bukod sa kape at tinapay ay nagtimpla na lamang ako ng kape.
"Lucas 'pag natapos na tayong kumain ay aahitin ko 'yang bigote at balbas mo. Nagpapahaba ka ng ganiyan, hindi mo ba alam na hindi sa 'yo bagay 'yan? Nakakairita kayang tignan 'yan."
Mahina siyang tumawa. "Masusunod, mahal kong asawa."
Nang kami ay matapos kumain ay pumunta kaming comfort room. Kinuha ko ang kaniyang pang-ahit at sinumulan ko siyang ahitan.
"Wag ka malikot! Baka masugatan ka." Ang ligalig nito. Galaw nang galaw.
"N-Nakikiliti a-ako, e haha," sambit niya habang siya ay tumatawa.
"Tiiisin mo muna! Baka masugatan ka kasi!"
Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa aking noo nang matapos ko siyang ahatin.
Nginitian ko siya, "Tumingin ka sa salamin. Tignan mo yung sarili mo. Ang pogi mo na ulit. Hindi ka na mukhang sinaunang tao, na hindi marunong mag-ahit ng bigote at balbas."
"Oo nga no, ang pogi ko na ulit," sambit niya habang kinakapitan ang kaniyang baba at ang taas ng kaniyang labi na tinutubuan ng bigote.
"Mas popogi ka pa kung magpapagupit ka," sambit ko. "Kaya bilisan mo! Maligo ka na, kasi maliligo rin ako," dagdag ko pa.
Tinignan at nginisian niya ako, "Nagmamadali ka bang maligo?"
Tinaasan ko siya ng kilay, "Oo, bakit?"
Lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang mga labi, "Para mabilis tayong matapos makaligo ay sabay nalang tayo maligo. Tipid na tayo sa tubig, tipid pa tayo sa oras."
Inirapan ko siya, "Tigilan mo ako sa kapilyuhan mo, Lucas. Mas lalo tayong tatagal sa pagligo kapag sabay tayong maligo. Alam kong hindi lang ligo ang mangyayari sa atin kapag sabay tayong maligo." Maraming beses na kaming sabay naligo kaya alam ko na ang mangyayari kapag sabay kaming naligo ngayon. Sinamaan ko siya ng tingin, "Maligo ka na nga lang! Bilisan mong maligo ha."
"Alam ko naman na gusto mong sumabay sa 'kin maligo."
Lalong sumama ang tingin ko sa kaniya, "Tigilan mo ako. Kailangan nating bilisan kasi pupunta pa tayo sa kanila lola."
He pouted, "Mabilis lang naman, 'to.".
"Tumigil ka!"
Lalapit sana siya sa 'kin ngunit mabilis ako na lumabas sa comfort room. Nang makalabas ako rito ay sinarado ko agad ang pintuan nito.
Hindi pa rin talaga nagbago si Lucas. Napakapilyo niya pa rin. Hindi niya alam masakit pa yung ginawa niya sa 'kin kagabi. Napakasinungaling niya. Ang sabi niya ay matutulog na kami pero bakit kinuha niya muna ang lahat ng aking lakas bago kami matulog.
Inihanda ko ang mga susuotin namin ni Lucas. Ang hinanda kong damit sa kaniya ay isang itim na v-neck t-shirt at isang itim na fitted na pantalon. Ganoon din ang hinanda kong damit sa 'kin.
"Hi beautiful."
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto namin ni Lucas nang marinig ko si Lucas na magsalita.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ko sa gilid ng pinto si Lucas. Nakasandal siya sa pinto. Pilyo siyang ngumiti sa 'kin. Nakatapis sa kaniya ang kaniyang tuwalya kaya natakpan ang ibabang parte ng katawan niya. Sayang. Hindi napunasan ng maayos yung mahaba niyang buhok kaya magulo ito at medyo basa pa, kaya may kaunting tubig pa ang tumutulo rito. Kahit na medyo tumaba na siya at ang abs niya ay naging fats na ay ang hot niya pa rin tignan.
"Hello handsome."
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Ang pogi mo na sana, kaso hindi ka marunong magpunas ng maayos. Punasan mo ulit yung ulo mo. Medyo basa pa yung buhok mo," sambit ko at nilagpasan ko siya.
Pumunta ako sa comfort room at inihanda ko ang mga gagamitin kong pang ligo. Nang matapos kong mahanda ito lahat ay nagsimula na akong maligo.
Habang ako ay naliligo ay bigla kong naisip yung ginawa ni Lucas na pang bababae. Sana nga ay hindi na niya ulit gawin 'yon, sa pagkat parang hindi ko na kakayanin pa kapag ginawa niya 'yon ulit.
Sa pagpapalamig ko sa Japan ay ang daming ko na napagtanto. Sobrang mahal ko pala si Lucas. Kahit na niloko niya ako ay mahal ko pa rin pala siya. Hindi ko pala kayang magalit sa kaniya.
Hindi ko pala kayang iwan siya ng matagal. Hindi ko siya kayang tiisin ng matagal.
Siguro tama nga si lola. Dapat kapag ako ay nagmahal ay huwag sobra-sobra. Dapat ay mag-iwan din ako ng pagmamahal sa sarili ko. Para kapag ako ay sinaktan ng minahal ko ay hindi ako masiyadong masasaktan. Madali lamang akong makakabangon sa sakit, at madali lamang maghihilom ang sugat na dinulot ng sakit na naramdaman ko sa kaniya.
Kasulukuyang kaming nasa barber shop. Nasa Mall of Asia kami ni Lucas. Gaya ng sabi ko sa kaniya ay papagupitan ko ang mahaba niyang buhok.
"Ano po ang gupit, sir?" Tanong ng barbero kay Lucas.
"Barbers. Yung manipis," tumingin sa 'kin si Lucas at ngumiti. "Gusto kasi ng asawa ko ay clean cut ang gupit ko. Para lalo raw akong pumogi."
"Sir, kahit na anoman ang gupit mo ay pogi ka pa rin," sambit ng barbero.
"I know," Lucas said, with arrogance in his voice.
Napairap ako dahil sa sinabi niya, "Ang yabang."
He grinned at me, "Im just being honest here, my wife."
"Oo na. Pogi ka na!" Tinignan ko ang barbero, "Kuya, pakigupitan mo na nga po 'yang mayabang na 'yan. Baka kasi kapag ako ay naasar sa kaniya ay makalbo ko siya."
Nginitian ako ng barbero, "Sige po, ma'am."
Natahimik na sa pagyayabang si Lucas nang simulan siyang gupitan ng barbero.
Hindi pa man lumilipas ang isang oras ay natapos na ang barbero sa paggupit kay Lucas.
Tinignan ako ni Lucas at kinindatan niya ako, "Ang pogi ko ba?"
"Oo na. Pogi ka na, mayabang kong asawa."
"Yan ang gusto ko sa 'yo! Nagsasabi ka ng totoo, maganda kong asawa."
Binayaran ni Lucas ang barbaro at pumunta na kami sa market ng mall of asia.
Nang makarating kami sa market ay kumuha kami ng malaking cart para paglagyan ng bibilhin namin.
Una muna naming pinuntahan ang ready to eat food area. Wala na kaming stock ng de lata sa condo. Puro alak lang kasi yung ini-stock ni Lucas sa condo namin noong ako ay pumunta sa Japan. Kainis 'tong lalaking 'to.
Pinalo ko ang kamay ni Lucas ng basta kumuha nalang siya ng de lata.
He look at me, "Why?"
Inirapan ko siya, "Dapat kung kukuha ka ng de lata o anomang pagkain na naka-display sa merkado ay dapat yung nasa likod yung kunin mo."
Kumunot ang noo niya at para bang napaisip siya sa sinabi ko, "Bakit naman?"
"Anak mayaman ka talaga. Halatang hindi ikaw yung namimili ng pagkain niyo sa market. Kalimitan kasi ng mga nasa harap ay luma na. Malapit na mag-expired. Yung mga nasa likod naman ay mga bago. Matagal pa, bago mag-expired," papaliwanag ko sa kaniya, "Gets?" Tanong ko.
Tumango siya, "Siyempre gets ko agad 'yan. Ang talino kaya ng pogi mong asawa."
Ang yabang talaga.
Kaya ko lang nalaman 'yan ay dahil tinuruan ako ni lola. Palagi niya kasi akong sinasama tuwing siya ay mamili ng pagkain namin kapag naubos na yung stock na pagkain namin sa bahay.
"Sandra, Spicy or hindi?" Tanong ni Lucas habang pinapakita niya sa 'kin ang ramen na hawak niya.
"Spicy."
"Small or big?" Tanong niya habang pinapakita ang hawak niyang maliit at malaking de lata.
Ngumisi siya, "Siyempre big. Mahilig ka sa big. Kaya nga gusto mo yung akin."
Napakapilyo talaga ng lalaking 'to!
"Para lang sa kaalaman mo, Mr. Lucas. Hindi ako mahilig sa big. Sa XL ako mahilig," kung pilyo ka ay magpapakapilya ako. Tignan nalang natin kung sino ang mananalo sa asaran natin.
Tumango-tango siya, "Kaya pala gusto mo yung akin kasi XL 'to."
Namula ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nang makita niya ang reaksyon ko sa sinabi niya ay tumawa siya.
"XL kasi 'tong kamay ko, kaya gusto mo 'to," pinakita niya ang kamay niya sa 'kin, "Tignan mo yung kamay ko ang laki. Kaya mo siguro laging kinakapitan yung kamay ko kasi malaki at masarap hawakan. Pero parang mas masarap hawakan siguro yung XL ko na iniisip mo, kaysa sa XL na kamay ko."
Mas lalong pumula ang pisngi ko dahil sa sinambit niya, "Lucas! Tumahimik ka nga! Ilagay mo nalang yung malaking de lata sa cart at pumunta na tayo sa fruit area!"
Tumawa ng malakas si Lucas. Nakakainis 'tong lalaking 'to. Bakit ba palagi nalang ako natatalo sa asaran sa kaniya.
Nang malagay niya yung de lata na hawak niya sa cart ay pumunta na kami sa fruit area. Unting prutas lang ang kinuha namin. Hindi siguro mauubos nila lola kapag marami yung binili namin.
Binayaran namin yung mga pinamili namin ni Lucas. Pumunta muna kami sa condo namin para maiuwi na namin ang aming pinamili, bago kami pumunta sa bahay nila lola.
Hininto ni Lucas ang kaniyang kotse sa harap ng bahay nila lola. Nang bubuhatin ko na sana ang mga prutas na pinamili namin kanina ay pinigilan ako ni Lucas.
"Ako na. Mabigat 'yan," wika niya.
Ito ang nagustuhan ko kay Lucas. Napaka-gentleman niya. Pilyo at mahilig lang talaga siya mang-asar pero mabait siya.
Ayaw niyang nahihirapan ako. Naalala ko pa noong college pa kami, palagi akong nahihirapan sa thesis kaya palagi niya akong tinutulungan na gawin yung thesis ko. Parang siya nga yung gumawa ng buong thesis ko rati, kasi mas marami pa yung nagawa sa thesis ko. Yung nagawa ko lang sa thesis ko palagi ay introduction. Matalino naman ako at kaya ko naman gawin yung thesis ng walang tulong ni Lucas kaso nga lang tinatamad akong gawin 'yon.
Lumabas ako sa kotse ni Lucas at hinintay ko siyang lumabas sa kaniyang kotse para sabay na kaming pumasok sa bahay nila lola.
Yung bahay nila lola ay hindi gaano kalaki at gawa lamang ito sa kahoy. Pero alagang-alaga naman nila lola yung bahay nila kaya kung ano ang kinaganda ng labas nito ay 'yon din ang kinaganda ng loob nito. Yung labas ng bahay nila lola ay puro halaman.
Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko kung sino ang mas mahal ni lola, ang halaman niya o ako? Dati kasi, nasira ko yung paso niya na may halaman kaya namatay yung halaman niya na nakatanim sa paso na 'yon.
Galit na galit sa 'kin si lola noong nalaman niyang napatay ko yung halaman niya. Ang tagal niya rin na hindi ako pinansin. Sabi sa 'kin ni lolo, tuwing nag-aaway sila noon ni lola ay binibigyan niya lamang ito ng halaman para magkabati sila.
Halata sa mga halaman ni lola na alagang-alaga, sa pagkat ang gaganda ng tubo ng mga ito, at yung iba pa ay ang dami na ng bulaklak.
"Tara na?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong nagsalita si Lucas. Dala ni Lucas ang mga prutas na binili namin kanina. Nakalagay ang lahat ng ito sa basket. Nang makita ko yung saging na prutas na nakalagay sa basket ay namula ang pisngi ko.
Kanina kasi ay umiral na naman yung kapilyuhan niya. Habang kami ay pumipili ng prutas na bibilhin namin ay tinanong na naman niya ako.
"Sandra, anong ang masarap at mahaba? Ang saging na ito o ang saging ko?" Tanong niya sa 'kin habang pinapikita sa 'kin ang hawak niya na saging na lakatan.
Napatingin samin yung mga tao pumipili rin prutas na bibilhin nila. Yung tingin nila sa 'kin ay para bang hinuhusgahan nila ako. Para bang napakahilig ko saging. Medyo mahilig lang naman ako sa saging. Hindi sobrang hilig.
"Iha, masiyado ka pang bata. Dapat umiwas ka muna sa saging na buhay. Nakakasira 'yan ng buhay kapag ang buto ng saging ay mapunta sa iyong perlas at ang may-ari ng saging pinabayaan lamang ang kaniyang binhi," sambit ng matandang babae sa aking gilid.
"Tama si lola. Bata ka pa, dapat umiwas ka muna sa buhay na saging na kulay brown. Yung kapit bahay namin na si Nene na anak ni Aling Ising ay nakipaglaro sa buhay na saging. Ngayon ang ay lumubo na ang flat niyang tiyan dati," sambit ng matabang babae sa tapat ko.
"Yung anak din ng kaibigan ng kumare ng kumare ko ay nakipaglaro rin sa buhay na saging, kaya ngayon ay lumubo na rin ang tiyan niya," sambit ng isa pang matabang babae.
"Hindi na niya kailangan na umiwas sa saging ko, dahil hindi naman brown ang saging ko!" Sigaw ni Lucas.
"Ano bang kulay ng saging mo?" Tanong ng matabang babae na nasa tapat ko na may kapit na talong.
"Puti ang kulay ng saging ko at mahaba at mataba rin ito," pagyayabang ni Lucas.
Nabitawan ng matabang babae ang hawak niyang talong nang marinig niya ang sinabi ni Lucas.
Oh Lucas. Tama na. Huwag mo na sila Kausapin. Kung puwede lang maglaho ay kanina ko pa ginawa.
Kinuha ng matabang babae ang talong ng nabitawan niya at pinakita niya ito kay Lucas. "Mas mahaba at mataba ba ang saging mo, kaysa sa talong na ito?"
"Oo naman!" He proudly said.
"Hindi ako naniniwala kulay puti ang saging mo at mahaba at mataba 'yan," sambit ng matabang babae sa gilid ko.
"Ipapakita ko sa 'yo ang saging ko para maniwala ka na totoo ang sinasabi ko," sambit ni Lucas.
Napa-sign of the cross yung matandang babaeng nagbabala sa 'kin na huwag makipaglaro sa saging na buhay nang marinig niya ang sinabi ni Lucas.
Inilagay ni Lucas ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at para bang may kinukuha siya rito. Napatulala ako nang makita ko ang kinuha niya sa bulsa ng pantalon niya.
"Ito ang saging ko. Ang haba at ang taba diba?"
Pinakita ni Lucas sa amin ang kaniyang saging. Tama nga siya. Mahaba at mataba ang kaniyang saging kumpara sa talong na kapit ng matabang babae sa harap ko.
"Hindi naman 'yan puti."
"Ate, puti ito. Tignan mo ang saging ko ng maigi," binalatan ni Lucas ang kaniyang saging.
"Kulat puti nga ang saging mo at mahaba at mataba pa ito. Hindi ka nga nagsisinungaling."
Dahil sa sobrang kahihiyan ay hinatak ko na si Lucas sa fruit area. Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo na kami sa fruit area.
"Gusto mo tikman ang saging ko?" Tanong ni Lucas habang pinapakita ang kaniyang saging sa 'kin.
Hinampas ko siya ng malakas sa braso, "Yawa ka talaga, Lucas!"
"Ano? Tara na?" Tanong niya ulit sa 'kin.
Iniwas ko ang tingin sa saging na nasa basket na hawak niya, "Tara na," pumasok na kami ni Lucas sa bahay nila lola.
Nang kami ay makapasok sa bahay nila lola ay nakita agad namin sila lola. Nasa silang dalawa.
"Magandang hapon po, lola," pagbati ni Lucas kanila lola. "Ito po, prutas. Para sa inyo," inabot ni Lucas ang basket na puno ng prutas kay lola.
Masayang tinanggap ni lola ang mga prutas, "Magandang hapon dib. Maraming salamat sa prutas, Lucas. Nag-abala ka pa," wika ni lola. Inilapag ni lola ang basket sa may upuan at itinuro niya ang bakanteng upuan sa harap nila ni lolo, "Umupo na muna kayo."
Umupo kami ni Lucas, "Magandang hapon din po, lolo," pagbati ni Lucas kay lolo.
Ngumiti si lolo, "Magandang hapon din, Lucas."
"Lucas, kamusta kayo ni Sandra? Ayos na ba kayo?" Tanong ni lola.
Ngumiti si Lucas, "Ayos na po kami."
Sumeryoso ang itsura ni lolo, "Huwag mo na ulit gagawin 'yon sa apo ko. Huwag mo na siyang saktan ulit."
Napangiti ako sa sinabi ni lolo. Mahal na mahal talaga ako nila ni lola. Kaya noong nalaman kong nagkasakit si lolo ay hindi ako nag-alangan na umuwi sa Pilipinas. Gusto kong suklian ang mga kabutihang ginawa nila sa 'kin.
Kinapitan ni Lucas ang kamay ko, "Hinding-hindi ko na po 'yon ulit gagawin. Nagbago na po ako. Hindi ko na po ulit sasaktan si Sandra."
"Sana nga gawin mo 'yang sinabi mo. Ayaw ko na ulit masaktan pang muli ang apo ko. Pati kami iniwan niya noong nasaktan siya," sambit ni lolo.
"Lolo naman, e. Kaya naman ako pumunta sa Japan ay para magtrabaho, e. Hindi ko rin naman ginusto na iwan kayo," pagpapaliwanag ko.
Mahinang tumawa si lolo, "Biro lang, apo. Masiyado kang seryoso."
Tinignan ni lolo si Lucas, "Tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo, Lucas. Seryoso ako sinambit ko sa 'yo."
"Pangako po. Hindi-hindi ko na ulit sasaktan si Sandra."
Lumipas ang oras. Ang kalangitan ay binalot na ng dilim. Kabay ng paglubog ng araw ay ang paglitaw ng buwat ang mga butuin. Muling nagbigay liwanag ang buwan at butuin sa madilim na kapaligiran.
"Lola, lolo. Uuwi na po ako," sambit ni Lucas.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho ng kotse, Lucas," wika ni lola.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi mo, Lucas," sambit ni lolo.
"Salamat po. Mag-iingat po ako," saad ni Lucas.
Tinignan ko sila lola, "Lola, hatid ko lang po si Lucas sa labas."
"Sige, apo."
Lumabas kami ni Lucas sa bahay ni lola. Nang makarating kami sa harap ng kotse niya ay huminto kami sa paglalakad.
"Ingat ka sa pag-uwi mo," sambit ko.
"Wala bang good bye kiss diyan ang asawa ko?"
Humarap ako sa kaniya at tumingkayad para mahalikan ko siya sa kaniyang mga labi.
"Good bye. Pag-uwi mo sa condo ay matulog ka na agad," sambit ko.
Pinasabay ko na kumain si Lucas sa amin kanina para hindi na siya magpa-deliver ng pagkain pagdating sa condo niya.
Sumaludo siya sa 'kin, "Aye, aye captain!"
Pinagmasdan kong sumakay si Lucas sa kotse niya. Nang paandarin na niya ang kotse niya ay pumasok na ulit ako sa bahay nila lola.
Lumipas ang araw.
Mas lalo ko pang pinag-igihan ang pag-aalaga kay lolo, dahil muli siyang inatake ng kaniyang sakit. Nanginig ang buong katawan niya. Ayon sa kaniya, nilalamig ang buong katawan niya. Napaiyak na lamang si lola habang nakikita niyang inaatake si lolo ng kaniyang sakit.
Dahil mas naka-focus ang atensyon ko kay lolo ay hindi ko na nabigyan ng atensyon ko si Lucas. Bihira na niya lamang akong kinakausap. Siguro nagtatampo siya sa 'kin. Hindi ko naman siya masisisi, e. Sabi ko sa kaniya, aalagaan ko lang sila lolo pero palagi pa rin kaming magkikita.
Hindi ko na natupad ang sinabi ko sa kaniya na palagi kaming magkikita, sa pagkat tinuon ko ang lahat ng atensyon at oras ko kay lolo.
Para makabawi ako kay Lucas, pinagluto ko siya ng paborito niyang adobo. Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo kung saan naroroon ang condo namin ni Lucas.
Huminto ako sa paglalakad ng makarating ako sa harap ng condo namin. Gamit ang susi ko, binuksan ko ang pinto ng condo namin.
Pagbukas ko ng pinto ay bigla akong natigilan sa aking nakita. Nakakalat sa lapag ang damit ni Lucas at mayroon din na nakakalat sa lapag na pang babae na damit.
Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto namin ni Lucas nang makarinig ako rito ng ungol.
Dahil sa aking nakita at narinig ay bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang kaba.
Sana mali ang naiisip ko.
Kahit na ako ay kinakabahan ay nilakasan ko pa rin ang loob ko na pumunta sa kuwarto namin.
Habang ako ay palapit sa kuwarto namin ay palakas nang palakas ang naririnig kong ungol.
"Ahh, f-faster!" Napakapit ako sa bibig ko nang marinig ko ang boses ni Lucas.
Nang makarating ako sa harap ng pinto ng kuwarto namin ay nakita kong hindi nakasarado ang pinto ng kuwarto namin. Nakabukas ito ng unti.
Nanghina ang buong sistema ko nang ako ay sumilip sa pinto. Para bang anytime ay puwede na akong matumba.
Si Lucas.
Nakikipagtalik siya sa ibang babae. Nakahiga siya at may nakapatong na babae sa kaniya.
"F-Faster.. b-baby ahh!"
Hindi ko na napigilan ang luha ko na kumawala sa aking mga mata nang masaksihan ko ang kataksilan ni Lucas.
Akala ko ba nagbago na siya? Akala ko ba hindi na niya ako sasaktan? Akala ko lang pala 'yon.
Hindi ba ako sapat?
Sana hindi nalang siya nangako kung hindi naman niya pala kayang panindigan ang kaniyang mga sinabi. Kung hindi naman niya pala kayang tuparin ang mga pangako niya sa 'kin. Para hindi na ako nasasaktan ng sobra ngayon. Umasa kasi ako. Umasa ako sa pangako niya.
Akala ko pangako. Kasinungalingan lang pala.
Ayaw ko nang saktan pa ang aking sarili kaya umalis na ako sa condo namin. Hindi ko na rin iniwan ang niluto kong adobo para sa kaniya, dahil mukhang busog na naman siya sa babae niya.