Before It Sinks In
Kung alam mo na, na talo ka na sa laban. Umatras ka na. Sumuko ka na. Para hindi ka na masaktan pa ng sobra.
Sumuko ka na agad, habang mayroong pagkakataon ka pa. Dahil mahirap nang umatras sa laban, kapag malapit na itong matapos.
Dahil sa pagnanais mong manalo sa laban. Hindi mo namamalayan na ikaw nalang pala ang mag-isang lumalaban. Yung pinaglalaban mo ay nasa kamay na ng iyong kalaban at tila ba ay nagkakabutihan na sila. Kaya malapit nang matapos ang laban. Talo ka na.
Umatras ka na habang maaga pa. Dahil masakit matalo sa laban. Masakit na makita yung pinaglaban mo ay madaling sumuko sa laban.
Hindi naman masamang sumuko sa laban, lalo na kung alam mo naman na talo ka na sa digmaan ng pag-ibig.
Mahirap lumaban kung ang hari o reyna mo ay nahulog na sa kamay ng kalaban. Ano ba ang magagawa mo? Isa ka lamang munting sundalo. Hindi mo puwedeng utusan ang hari o reyna na huwag sumuko sa laban.
Pero kung alam mo naman na mayroon pang pag-asa na manalo ka sa laban. Kahit na unti lang ang tiyansa na ito. Lumaban ka. Para wala ka na rin pagsisihan sa huli. Dahil ginawa mo naman ang lahat hanggang sa huli.
Naiinis ako sa aking sarili. Bakit ang bilis ko magtiwala? Bakit naniwala na agad ako na hindi na magloloko si Lucas kasi nagbago na siya. Kasi sabi niya hindi na niya ulit ako lolokohin, kasi ayaw niyang masaktan akong muli.
Bakit niya nagawang makipagtalik sa iba? Hindi ba ako sapat? Dahil ba nagatampo siya kasi hindi ko siya nabibigyan ng atensyon nitong mga nagdaang araw? Kung 'yon ang dahilan niya, ang babaw niya. Alam naman niya yung kalagayan ni lolo.
"Anong order mo, Sandra? Ganoon pa rin ba?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko sa harap ko si Aling Fely.
Dahil sa kakalakad ko, hindi ko namalayang dinala na pala ako ng aking mga paa sa coffee shop ni Aling Fely.
Pagkatapos kong umalis sa condo namin ni Lucas ay hindi na muna ako umuwi sa bahay namin. Naglakad-lakad muna ako para mailabas ko ang sama ng loob ko at luha ko. Para pag-uwi ko sa bahay nila lola ay ubos na ang luha ko. Hindi ko na kakailanganin pang umiyak sa harap ni lola.
Alam kong masasaktan si lola kapag nakita niyang umiyak ako. Nasasaktan ni si lola dahil sa kalagayan ni lolo. Ayoko nang dagdagan ang sakit na nararamdaman niya.
"Ganoon pa rin ba ang order mo, Sandra?" Tanong ulit sa 'kin ni Aling Fely habang siya ay nakangiti.
Mapait akong ngumiti at tumango, "Opo. Ganoon pa rin po."
Nang makita kong bakante ang upuan paborito naming inuupuan ni Neon ay umupo ako roon agad.
Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko pero wala akong mapaglabasan nito.
Hindi ko puwedeng ilabas ang sama ng loob ko kay lola sa pagkat ayaw ko nang pag-alalahin siya sa 'kin.
Pumikit ako at kinapitan ko ang kuwintas na ibinigay sa 'kin ni Neon noong kami ay bata pa.
Ang kuwintas na ito ay kalahati lamang. Ang kalahati nito ay na kay Neon. Solar eclipse ang kuwintas na ito. Nasa akin ang araw at na kay Neon naman ang buwan. Gusto ko nga sana na sa 'kin ang buwan, ngunit hindi niya sa 'kin ito ibinigay. Ipinagpilitan niyang, araw ang akin.
"Sandra, dahil ikaw ang unang naging kaibigan ko ay may regalo ako sa 'yo," nakangiting sambit ni Neon.
Walang gustong kumaibigan kay Neon sa pagkat napakapilyo at bully niya. Ako lang ang naglakas ng loob na makipagkaibigan sa kaniya.
Kaya walang gustong makipagkaibigan sa kaniya, dahil kalat na sa aming paaralan na salbahi siya. May sinaksak siya na classmate namin gamit ang kaniyang lapis.
Kaya niya lang naman ginawa 'yon kasi binu-bully ako ng classmate namin na 'yon. Pinagtanggol niya lang ako.
"Ano ang regalo mo sa 'kin? Pagkain ba? Kung reregaluhan mo ako ng pagkain gusto ko cake. Yung cake sa red ribbon yung gusto ko."
Napakamot si Neon sa kaniyang batok, "Hindi pagkain ang reregalo ko sa 'yo."
"Hindi pagkain. Sayang. Nagugutom na pa naman ako," i pouted. "Ano ba yung reregalo mo sa 'kin?" Tanong ko.
Ngumiti siya, "Kuwintas," ipinakita niya sa 'kin ang kuwintas na hawak niya. Magkadikit na half moon at araw ang kuwintas na hawak niya. Ipinaghiwalat niya ang araw at buwan kuwintas, "Sa 'yo yung araw. Sa 'kin yung buwan."
"Ayoko ng araw. Gusto ko buwan. Mahilig kasi ako sa moon," wika ko.
"Hindi puwede. Dapat sa 'yo yung araw," sambit niya.
"Ayaw."
"Sige na, Sandra."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Gold ba 'yang araw na 'yan?"
Tumango siya, "Oo. Sabi sa akin ng mama ko. Gold daw yung kuwintas araw na ito."
Mabilis kong kinuha ang kuwintas na araw sa kamay niya, "Dapat kanina mo pa sa 'kin na gold 'yan."
Muli siyang napakamot sa batok niya. May kuto ba siya? Sabi pa naman ni lola huwag ako makikipaglaro sa batang may kuto kasi baka magkaroon din ako ng kuto.
"Ngayon mo lang naman kasi tinanong sa 'kin, e," sambit niya.
"Neon, may kuto ka ba?"
Kumunot ang noo niya, "Wala, bakit?"
Tumango-tango ako, "Wala lang."
Puwede ako makipagkaibigan sa kaniya. Wala naman siyang kuto.
"Sandra, kapag may problema ka at kailangan mo ng tao na maipaglalabasan ng loob. Kapitan mo lang ang kuwintas na araw na 'yan ng mahigpit at tawagin mo ang pangalan ko. Pangako. Darating agad ako sa tabi mo."
Madiin kong ipinikit ang aking mga mata at mahigpit kong kinapitan ang kuwintas na araw na ibinigay sa 'kin ni Neon.
"Neon, please dumating ka. Kailangan na kailangan kita."
Napadilat ako nang makaramdam ako na para bang may yumakap sa 'kin.
"Shh. Huwag ka na umiyak. Nandito na ako."
Umiiyak na pala ako. Hindi ko man lang namalayan.
Hindi ko napigalan ang sarili ko na yakapin si Neon pabalik, "N-Neon..."
"Tahan na, Sandra."
"N-Neon, h-hindi ko kayang pigilan ang luha ko na tumakas sa aking mga mata," umiiyak na sambit ko.
Mas lalo pang hinigpitan ni Neon ang yakap niya sa 'kin, "Handa akong makinig sa problema mo. Ilabas mo sa 'kin ang lahat ng sama ng loob mo at makikinig ako. Nakakagaan sa pakiramdam kapag nalabas mo yung sama ng loob mo na nagpapapigat sa loob mo."
Hindi muna ako nagsalita. Umiyak nang umiyak lamang ako habang ako ay yakap ni Neon.
Nang kumalma na ako ay humiwalay na ako sa pagkakayakap kay Neon.
"Okay ka na? Handa ka na bang sabihin sa 'kin ang problema mo?" Tanong ni Neon.
"Mukha seryoso ang pag-uusapan niyo," napatingin kami kay Aling Fely nang magsalita siya, "Ito na ang order mo, Sandra." Inilapag niya ang kape ko sa may lamesa at nginitian niya ako, "Kung kailangan mo ng kakausapin nandito lang ako. Handa akong makinig sa 'yo. Parang anak ko na rin kayong dalawa ni Neon."
I smiled lightly at her, "Salamat po."
"Walang anoman, Sandra." Sambit niya at bumalik na siya sa front desk.
"Neon ang sakit," panimula ko.
"Akala ko nagbago na siya. Nangako kasi siya sa 'kin na hindi na niya uulitin yung ginawa niyang pang bababae noon. Neon, pumunta ako sa condo namin para bigyan ko siya ng ulam para pang peace offering ko sa kaniya kasi lately, hindi ko siya nabibigyan ng atensyon."
"Pagpasok ko sa condo namin may nakita akong mga damit na nakakalat sa lapag at may narinig akong u-ungol sa kuwarto namin. Nang sumilip ako sa kuwarto namin ay nakita ko si L-Lucas n-na... n-nakikipagtalik sa ibang babae."
"Damn him! Napakagago niya! Paano niya nagawa sa 'yo 'yon?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan kong bumagsak ang aking mga luha, "H-Hindi ko alam. Binigay ko naman ang lahat ko sa kaniya. Kaya hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Pati nga lahat ng pagmamahal ko ay ibinigay ko na sa kaniya, wala na akong itinira sa sarili ko. Mahal na mahal ko siya, Neon."
Seryoso akong tinignan ni Neon, "Ano ang desisyon mo? Makikipaghiwalay ka ba o hindi?"
"H-Hindi ko alam. Gusto kong makipaghiwalay na ayoko. Sabi ng isip ko, makipaghiwalay na ako kay Lucas. Kasi nagawa niya akong lokohin ng dalawang beses, kaya hindi na imposibleng lokohin niya ako ulit. Ang sabi naman ng puso ko, huwag ko siyang hiwalayan. Kasi magbabago pa siya."
"Sandra, kapag lumaban ka ay mahirap nang umatras sa laban. Pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo."
"Dalawa lang 'yan. Kapag nanalo ka sa laban, liligaya ka ng sobra sa piling niya, kapag natalo ka naman ay masasaktan ka ng sobra. Ano? Lalaban ka pa ba?"
"Ayos ka lang ba, apo? Kanina ka pa riyan nakatulala," sambit ni lola.
"Okay lang po ako," wika ko, kahit na hindi naman.
Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin ang huling sinabi sa 'kin ni Neon. Lalaban ba ako o hindi?
"Apo alam kong may problema ka. Sabihin mo sa 'kin ang problema mo at ako ay makikinig," saad ni lola.
Mapait ako na ngumiti, "Wala po akong problema, lola. Ayos lang po talaga ako."
"Lola may tanong po ako sa 'yo."
"Ano ang iyong tanong?"
"Lola, ano ang iyong gagawin kapag ang kaibigan mo ay muli kang niloko. Kapag muli nitong sinira ang tiwala mo sa kaniya? Papatatawarin mo pa rin ba siya?" Tanong ko.
Ngumiti si lola, "Papatawarin ko pa rin siya, apo. Pero hindi na tulad ng dati ang ituturing ko sa kaniya. Maraming araw muna ang lilipas, bago ko siyang pagkatiwalaang muli. Pagkakatiwalaan ko lamang siyang muli, kapag napatunayan niyang nagbago na talaga siya talaga," sambit ni lola.
Itinuro ni lola ang aking dibdib, "Apo, huwag puro ito ang gamitin mo kapag ikaw ay nagmahal," itinuro niya ang aking ulo. "Gamitin mo rin ito. Gamitin mo rin ang isip mo. Huwag mong hayaang mangibabaw ang puso mo, kaysa sa isip mo."
Siguro oras na para ang sarili ko naman ang piliin ko. Ang mahalin ko.
Nakapagdesisyon na ako.
Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga. Lakas loob kong binuksan ang pinto ng condo namin ni Lucas.
"Sandra. Kamusta, buti dinalaw mo na ako. Na-miss kita ng sobra," nakangiting sambit ni Lucas.
Biglang bumalik ang aking alaala noong gabing nakita ko siyang nakikipagtalik sa ibang babae, kaya biglang nanghina ang buong sistema.
Pilit kong tinapangan ang loob ko at pilit kong pinigilan ang mga luha ko na kumuwala sa aking mga mata.
Lumapit sa akin si Lucas. Yayakapin niya sana ako, ngunit mahina ko siyang tinulak, kaya siya ay napalayo sa 'kin.
"Bakit? May problema ka ba, Sandra?" Tanong niya.
Seryoso ko siyang tinignan, "Hindi ako narito para makipagyakapan sa 'yo. Nandito ako para makipaghiwalay sa 'yo."
Mahina siyang tumawa, "Prank ba 'to? Kung prank ito, Sandra. Hindi nakakatuwa. Itigil mo na ito."
"Hindi rin ako natutuwa, Lucas. Hindi ito prank. Seryoso ako."
"Hindi. Hindi ako makikipaghiwalay sa 'yo," sambit niya.
"Lucas, wala kang magagawa kung gusto kong makipaghiwalay sa 'yo!" Tumaas na ang aking boses dahil sa inis.
"No. I will not let you go," firmly said.
"I don't need you to let me go. Makikipaghiwalay ako sa 'yo at wala nang magagawa pa."
"Ganoon nalang ba 'yon? Makikipaghiwalay ka sa 'kin. Hindi mo nga man lang sa 'kin sinasabi yung rason mo kung bakit gusto mong makipaghiawalay sa 'kin. Hindi mo man lang ba naisip yung 9 years pinagsamahan nating dalawa?"
Mapait akong ngumiti, "Hindi mo man lang nga din sinabi sa 'kin, kung saan ako nagkulang. Hindi mo man lang din ba naisip yung 9 years nating pagsasama, bago ka makikapagtalik sa babae mo?"
Bakit ang lakas ng loob niya sabihin sa 'kin yung 9 years na pagsasama namin? Hindi niya nga man lang naisip yung 9 years na pagsasama namin bago siya nakipagtalik sa ibang babae.
"W-What do you mean?" Makikita sa ekpresyon sa mukha niya na siya ay natataranta.
"You know what i mean, Lucas."
Lumapit siya sa 'kin, "Let me explain, Sandra."
"I don't need to explain your explanation, Lucas. Noong una beses kang nagloko ay pinatawad kita. Pero bakit mo inulit? Bakit sa condo pa natin? Bakit sa kuwarto pa natin?"
Bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na huwag kumala sa aking mga mata nang ako ay yakapi ni Lucas.
"S-Sorry.. S-Sandra. H-Hindi ko naman sinasadya. My mind is in mess that time because im drunk. I thought... she was you. P-Patawarin mo ako."
Kahit na nanghihina ako, dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko ngayon ay pilit ko pa ring itinulak si Lucas papalayo sa 'kin.
"L-Lucas tama na. Ang sakit-sakit na," pagmamakaawa ko.
"Mahal kita, Sandra. Please don't leave me," umiiyak na sambit niya.
Ngumiti ako ng mapait, "Totoo ba 'yan o hindi? Hindi ko na kasi alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga sinasabi mo. Nahuhirap na akong maniwala sa 'yo. Kasi puro kasinungalingan na lamang ang lumalabas na salita sa bibig mo."
Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya pero dahil sa ginawa niyang panloloko sa 'kin. Ang hirap nang maniwala sa mga sinasabi niya.
"Totoo 'yon, Sandra. Mahal kita. Patawarin mo na ako," sambit niya.
"Kung mahal mo talaga ako, sa 'yo na yang pagmamahal mo. Ang sakit kasi ng pagmamahal mo. Ang sakit mong mahalin."
"P-Please, Sandra. H-Huwag mo akong iwan," utal niyang sambit.
"Hindi mo na ba ako mahal, Sandra?" Tanong niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko, "Mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo, nakalimutan kong mahalin ang sarili ko. Kung selfish ang pagmamahal sa sarili ay gusto kong maging selfish muna."
"Do me a favor, Lucas. Huwag ka na munang pumunta sa bahay nila lolo. Baka lalong lumala ang sakit ni lolo kapag nalaman niya ang ginawa mo sa 'kin. Nangako ka sa kaniya na magbabago ka na, na hindi mo na ulit akong sasaktan. Pero hindi mo tinupad ang pangako mo."
"Sandra..."
Hindi ko na siya pinansin. Lumabas na ako sa condo namin. Muntik na akong matumba nang ako ay makalabas sa condo namin ni Lucas.
Bigla na lamang akong nawalan lakas. Nanghina ang buong sistema ko kaya bumigay na ang aking katawan. Buti na lamang ay may nakasalo sa 'kin.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Neon.
"Ayos na. Hindi na katulad noong nakaraan ang sakit na nararamdaman ko ngayon."
"Maganda 'yan. Hatid na kita sa bahay ng lola mo," sambit niya.
Ngumiti ako, "Sige. Maraming salamat."
Isang buwan na rin ang lumipas simula noong hiniwalayan ko si Lucas. Isang buwan na rin ang lumipas simula noong ma-stroke ulit si lolo.
Sobra akong kaming nag-alala sa kaniya ni lola, buti na lamang ay naka survive siyang muli.
Noong nakipaghiwalay ako kay Lucas ay walang araw na hindi siya nag-text at tumawag sa 'kin. Pero nitong mga nakaraang araw lang ay tumigil na sa pangungulit sa 'kin.
Akala ko pa naman hindi siya agad susuko. Akala ko hindi siya magsasawang kulitin ako para ako ay bumalik sa kaniya. Gusto ko lang naman na suyuin niya ako, e. Pero bakit parang sumuko na siya agad? Parang napagod na siya agad suyuin ako. Ang bilis naman niya mapagod. Wala pang isang buwan, pagod na siya agad.