Kabanata V

2080 Words
If You Tell Me You Love Me Kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo siya. Huwag mong sabihin na mahal mo siya, kung hindi mo naman pala kaya siyang ipaglaban. Dahil aasa lang siyang ipaglalaban mo siya, dahil sinabi mong mahal mo pa siya. Huwag mong sabihin na mahal mo siya kung hindi mo naman siya sasamahan sa lumaban sa digmaan. Kung iiwan mo lang din naman siya sa isang sulok ng luhaan. Kung hindi mo naman pala kaya siyang ipaglaban. Huwag mo nalang na sabihin na mahal mo pa siya. Para hindi na siya umasa na ipaglalaban mo siya at para na rin hindi na siya masaktan pa ng sobra. Time flew so fast. Parang noong nakaan lang, when im with Lucas I felt like im in the seventh heaven and on a cloud nine. Kahit na saglit lang kami nagkasama ulit, napasaya niya pa rin ako ng sobra. Pero sabi nga nila, pagkatapos mong sumaya ay malulungkot ka. Napasaya niya nga ako, sinaktan at pinalungkot naman niya ako ng sobra. Bakit ba palaging nalulungkot yung tao 'pag tapos nitong sumaya? Siguro nga tuluyan nang sumuko si Lucas. Tuluyan na niya akong sinukuan. Maraming araw na kasi ang lumipas na hindi na siya nagte-text at tumatawag sa 'kin. Bakit ang bilis niya sumuko? Okay lang sana siyang sumuko agad, kung ako yung nanloko. Pero hindi, e. Siya yung nanloko. Nakipagtalik siya sa ibang babae. Sana naisip niya na may fiancé siya na masasaktan kapag siya ay nakipagtalik sa iba. Papatawarin ko rin naman siya. Pero hindi pa sa ngayon. Masiyadong masakit pa kasi. Napatingin ako sa aking cellphone nang ito ay mag-ring. May nag-text sa 'kin. Bumilis ang t***k ng puso ko nang malaman ko, kung sino yung nag-text sa 'kin. Si Lucas. "I want to say something to you. Please, meet me now at Aling Fely coffee shop." This is the golden opportunity to meet him. Gusto ko rin siya makita at makausap. I don't want to put away my pride for him. I don't want to make the first move. Siya ang may kasalanan. Hindi ako. Kaya siya dapat ang unang kumausap sa 'kin. Pinuntahan ko sila lola para magpaalam. "La, alis lang po ako saglit. May kakausapin lang ako." She smiled, "Si Lucas ba 'yang, taong 'yan?" I gave a half-smile, "Opo." She observed me, "Alam kong may problema kayong dalawa. Hindi mo lang sinasabi sa amin kasi ayaw mo na kaming mag-alala pa ng lolo mo." She smiled lightly, "Palagi mong tandaan, Sandra. Ang away ng magkasintahan ay hindi dapat pinapatagal. Dapat inaayos ito agad. Para hindi na ito lumala pa. Kung kailangan mong ibaba ang iyong pride, gawin mo. Para maayos niyo agad ang problema niyong dalawa." A smile danced on my lips. "Opo, lola. Palagi ko po 'yang tandaan." "Sandra, hindi lang pagtitiwala ang sikreto sa matatag na relasyon. Para tumagal ang relasyon ninyo ni Lucas, dapat hindi ka mapagod magmahal. Huwag kang mapagod na mahalin at unawain siya. Kapag kayo ay may problema, alamin mo ang nararamdaman niya, ang side niya. Hayaan mo siyang magpaliwanag sa 'yo. Para madali maayos ang hindi pagkakaintindihan kung alam niyo ang side ng isa't isa." "Sa tagal nang pagsasama namin ng lolo mo, 'yan ang mga natutunan kong leksyon. Huwag mapagod magmahal. Palaging unawain ang minamahal. Palaging ayusin agad ang hindi pagkakaintindihan at problema." I smiled, "Maraming salamat po, lola. Pupuntahan ko na po si Lucas. Aayusin ko na po ang problema." Pagkatapos kong magpaalam kay lola ay kinuha ko ang aking maliit na bag at cell phone at umalis na ako sa bahay. Sumakay ako sa taxi. Hindi rin nagtagal ay nakarating din yung taxi na sinasakyan ko sa harap ng coffee shop ni Aling Fely. Nagbayad ako sa taxi driver at lumabas ako sa taxi. Pagpasok ko sa coffee shop ni Aling Fely ay natanaw ko agad si Lucas. Nakaupo siyang mag-isa at nakatulala, tila ba ay malalim ang kaniyang iniisip. Lumapit ako sa kaniya. "Huwag mong hayaan lumamig ang kape mo. Hindi na masarap 'yan inumin kung malamig na," sambit ko. His pupils were dilated when he saw me. "S-Sandra," he uttered. He scrutized me. Hindi ba siya makapaniwala na pumunta ako rito para makipagkita sa kaniya? "Lucas," I said. "I miss you a lot," wika niya. My eyes narrowed, "Lets get to the point, Lucas. Bakit mo ako pinapunta rito." Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ni Lucas. Umupo siya sa kanina niyang kinauupuan. He sighed, "I want to apologise to you. Im really sorry, Sandra. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ka nakipaghiwalay sa 'kin." "Then?" I asked. "Alam ko rin na maling-mali yung ginawa ko," sambit niya. "Buti alam mo," mahinang sambit ko. I stared at him, "Yan lang ba ang dahilan mo kaya mo ako pinapunta rito?" "Gusto ko rin na sabihin sa 'yo na mahal parin kita." I smiled, "Mahal pa rin din kita, Lucas." Mahirap kalimutan at hindi na mahalin yung taong napakatagal mong nakasama. Yung taong kasama mo noong mga panahon na malungkot at masaya ka. His whole place lit up but it became saddened in a blink of an eye. "Mahal kita, Sandra," he smile sadly. "Pero sa tingin ko, hanggang dito nalang yung pagmamahal ko sa 'yo. Kailangan ko nang itigil yung pagmamahal ko sa 'yo." My expression hardened and my lips parted, "What do you mean?" He avoided my gaze, "May mas mahal ko siya kaysa sa 'yo." Nangihina ang buong sistema ko dahil sa aking narinig. Tama ba ang aking narinig? May mas mahal siyang iba, kaysa sa 'kin? I intently stared at him, "Yung nakatalik mo ba sa condo natin? Siya ba?" "Yes. Its her." Mapait akong ngumiti, "Lucas, saan ako nagkulang? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ka nakahanap agad ng kapalit ko. Binigay ko naman yung lahat sa 'yo. Wala na ngang natirang pagmamahal sa 'kin, e. Kasi binigay ko na sa 'yo lahat." "Sandra." "Lucas, mas maganda ba siya sa 'kin? Mas mabait? O talagang hindi mo na ako mahal?" "Sandra, mahal kita." I shook my head and i force myself to smile, "No, Lucas. Hindi mo ako mahal." His expression saddened, "Maniwala ka sa 'kin, mahal kita." "Kung mahal mo ako ay ipaglalaban mo ako. Hindi ka makakahanap ng kapalit ko agad, noong hiniwalayan kita. If you trully love me, you'll fight for me, you won't don't leave me in a corner in tears. You won't easily give up on me." "Sorry," he apologised. He stand up and he saddened look at me, "Palagi mong tandaan na mahal kita at hindi ka nagkulang. Napakagago ko kasi. Nakagawa ako ng isang napakalaking pagkakamali kaya nasira yung relasyon natin. Kaya hindi na natin puwedeng ituloy yung pagmamahalan natin. Paalam, Sandra. Mahal na mahal kita." Bumagsak ang luha kong kanina ko pang pinipigilan kumawala sa aking mga mata nang umalis si Lucas. Bakit ganoon? Akala ko pa naman maaayos na namin yung away namin. Akala ko, magkakabati na kami. Pero bakit naging ganito? Mas lalo pang lumala yung sitwasyon namin. Mababalik ko pa ba yung dating kami? Yung masaya. Kung may mahal na siyang iba. Mas mahal niya kaysa sa 'kin. Napatigil ako sa pag-iyak nang mag-ring ang cellphone ko. May tumatawag sa 'kin. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Neon. Sinagot ko yung tawag. "Hello?" "Where are you, Sandra?" Tanong ni Neon. Bakas sa boses ni Neon ang pagkataranta. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi. "Nasa coffe shop ni Aling Fely," i responded. "Pumunta ka sa Crayser Hospital. Bilisan mo. Ang lolo at lola mo nasa hospital. Na-stroke ang lolo mo ulit at ang lola mo naman ay inatake ng sakit niya." My face went blank, "Si lola? Inatake ng sakit niya? Wala naman siyang sakit." "May lung cancer siya, ayon sa doctor. Pumunta ka nalang dito. Para malaman mo yung buong pangyayari. Bilisan mo, Sandra," mabilis na sambit niya. "Papunta na ako riyan. Abangan mo ako sa labas ng hospital." Pinatay ko ang tawag at mabilis akong lumabas ng coffee shop. Nang may makita akong taxi na paparating ay sumakay ako agad dito. "Kuya, sa Crayser Hospital po. Bilisan niyo po. Magbabayad po ako ng malaki, basta bilisan niyo lang," tarantang sambit ko. I bit my lower lip. Please, Lord. Huwag niyo muna sa akin kunin sila lola. Kailangan na kailangan ko pa po sila. Lalo na ngayon. Huminto ang taxi na kasalukuyang sinasakyan ko sa harap ng Crayser Hospital. Binayaran ko ang taxi driver ng sobra at mabilis ang lumabas sa taxi niya. Pagpasok ko sa Crayser Hospital ay nakita ko agad si Neon. Mabilis ko siyang nilapitan. "Neon, kamusta sila lolo?" His expression is dulled, "Nasa emergency room sila." "Ano ang sinasabi mo kanina, na inatake si lola ng sakit niya?" Tanong ko. "Ang sabi ng Doctor sa 'kin ay may lung cancer ang lola mo at stage 4 na ito. Sinabihan na raw ng Doctor yung lola mo dati na magpa-confine na siya rito, noong stage 2 palang ang cancer niya sa baga, pero hindi raw pumayag ang lola mo. Kung na-confine raw ng maaga ang lola mo ay hindi lalala ang sakit niya. Sandra. Yung lola mo, sumuka siya ng dugo kanina at sobrang nahihirapan siyang huminga. Ang lolo mo naman ay na-stroke." "S-Sandra, nag-uusap lang kami ng lola mo kanina sa bahay nila nang biglang na-stroke ang lolo mo. Pagkatapos ma-stroke ng lolo mo ay nataranta kami ng lola mo. Umiyak yung lola mo at bigla nalang siyang sumuka ng dugo at nahirapan huminga ng sobra." Pinigilan ko na hindi umiyak. "Salamat, Neon," wika ko. "Samahan mo ako sa emergency room, Neon." Kinapitan ko ang kamay niya at hinatak ko siya papunta sa emergency room. Papasok na sana kami sa emergency room ngunit pinigilan kami ng nurse. "Sorry po, ma'am. Bawal pumasok ang hindi pasyente," sambit ng Nurse. "Kailangan kong pumasok diyan! Nandiyan ang lolo at lola ko!" Sigaw ko. Pilit pa rin akong hinaharangan ng Nurse. "Sorry po talaga, ma'am. Bawal po talaga." "Tama na, Sandra," sambit ni Neon. Tinignan ko siya, "Neon, kailangan kong pumasok diyan. Nariyan ang lolo at lola ko. Alam kong kailangan nila ako." May lumabas na lalaki sa emergency room. Lumapit siya amin. "Kayo ba ang pamilya ni Mr. at Mrs. Valientosm?" "Lolo at lola ko sila. Kamusta sila? Ayos lang ba sila? Okay na ba sila?" Sunod-sunod na tanong ko. Malungkot na tumingin siya sa 'kin, "Pasensya na. Hindi na namin sila nailigtas. Noong mamamatay ang lolo mo ay sumuko na ang lola mo. Hindi na siya lumaban. Namatay na rin siya." Para bang tumigil nang saglit ang aking puso sa pagtibok. "H-Hindi t-totoo 'yan! Buhay pa ang lolo at lola ko!" "Pasensya na." "Nagsisinungaling ka! Buhay pa sila. Umalis kayo daan, papasok ako sa emergency room. Kailangan ako ng lolo at lola ko." Pinabayaan nila akong dumaan. Hindi na nila ako hinaranagan. Pagasok ko sa emergency room ay may nakita akong dalawang kama at baway kama ay nakataklob na kumot. Dahan-dahan akong lumapit dito at lakas loob kong tinanggal ang kumot sa isang kama. Nanghina ang buong katawan ko nang makita ko ang nasa ilalim ng kumot. Si lolo. Nakapikit siya at nakitingin sa direksyon ng kamang katabi niya. Nang tanggalin ko ang kumot sa isa pang kama ay napaluhod na lamang ako bigla. Si lola. Nakapikit siya at hindi na rin humihinga, katulad ni lolo. Nakangiti at nakatingin siya sa direksyon ni lolo. Bumuhos ang luha ko dahil sa aking nakita, "Lolo! Lola! Gumising po kayo! Kailangan ko pa po kayo!" Bakit kailangang mawala sa akin sila lolo at lola? Nawala na nga sa 'kin si Lucas, pati ba naman sila lola? Hindi naman ako naging masamang tao. Bakit nangyayari sa 'kin ang ganito. Napapikit ako nang maramdaman kong may yumakap sa 'kin. "Tahan na, Sandra. Magiging ayos din ang lahat." Iminulat ko aking mga mata at tinignan ko siya, "Neon, hindi ko kayang tumigil sa pag-iyak. Neon, ang sakit-sakit. Nawala na si Lucas sa 'kin, bakit pati ba naman sila lola ay nawala rin sa 'kin?" Pinunasan niya ang luha ko, "Huwag kang mag-alala. Hindi ka magiging mag-isa. Palagi lamang akong nasa tabi mo. Hindi kita iiwan." Niyakap ko si Neon, "Salamat..." Biglang dumilim ang aking paningin at nawalan ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD