Kabanata VI

3635 Words
Malaya Kung mahal mo talaga ang isang tao, papalayain mo ito kung gusto na niyang maglayag mag-isa. Kung gusto niyang iba na ang kasama niya sa paglalayag sa buhay. Kung may mahal na siyang iba at gusto na niya rito sumama, palayain mo na siya. Ipaubaya mo na siya sa taong magpapasaya sa kaniya. Sa taong mas higit niyang mahal, kaysa sa 'yo. Dahil kung ipipilit mo pa ang iyong sarili sa kaniya, sa huli ay ikaw lang din ang masasaktan. Kung piliin ka man niya kaysa sa taong mas mahal niya sa 'yo ay masasaktan ka pa rin. Dahil mararamdaman mo sa bawat sandali na kasama mo siya na may hinahanap siyang iba. Yung mas mahal niya, kaysa sa 'yo. Hindi na pinatagal ang paglalamay kanila lolo at lola. Dalawang araw, pagkatapos nilang mamamatay ay inilibing na sila agad. Okay na rin sa 'kin na inilibing sila ng maaga, dahil mas nasasaktan ako na makita ko sila sa kabaong nila na nakahiga at wala ng buhay. Hindi pumunta si Lucas sa lamay o sa libing nila lolo. Maganda na rin yung ginawa niya. Dahil hindi pa ako handang makita siya. Sunod-sunod yung sakit na nararamdaman ko. Buti na lamang ay kasama ko pa si Neon. Dahil kung mawawala rin siya sa 'kin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay. Napaka sweet sa akin ni kalungkutan. Ayaw niyang humiwalay sa pagkakayakap sa 'kin. Kaya hanggang ngayon ay malungkot pa rin ako. Minsan nga, napapatanong nalang ako, wala na bang isasakit yung mararamamdaman ko? Todo na ba yung sakit na ito? Kasi kung mayroon pa, ibigay na nila sa 'kin agad yung sakit na 'yon. Para isahang pagpapagaling nalang sa sakit. "Kumain ka nga, Sandra. Nangangayayat ka na. Gusto mo bang sumunod agad sa lolo at lola mo?" tanong ni Neon. Matamlay ko siyang tinignan. "Wala lang talaga akong ganang kumain." He rolled his eyes. "Kahit na wala kang gana kumaian, kumain ka pa rin. Masama sa kalusugan ang malipasan ng gutom. Sandra, simula noong namatay ang lolo at lola mo ay palagi ka nang nalilipasan ng gutom. Nako, Sandra. Hindi na talaga ako magtataka kung magkaroon ka ng ulcer." I pouted. "Sige na nga. Kakain na ako." Ngumiti siya. "Tama 'yan. Kumain ka. Marami yung kainin mo. Para hindi ka na mangayayat. Baka multuhin ako nang lola mo, kapag nalaman niyang nangangayayat ka na. Ang huli ko pa namang sinabi sa kaniya ay aalagaan kita." Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Napakabait talaga ni Neon sa 'kin. Simula bata palang kami ay ganiyan na siya sa 'kin. Ayaw niyang nalilipasan ako ng gutom. Kaya nga tumaba ako noong high school kami, dahil sa kaniya. Pinakain nang pinakain niya ako. Dahil libre niya yung pagkain, hindi ko tinanggihan yung mga pagkain na ibinili niya para sa 'kin. "Neon, salamat pala," sambit ko. Kumunot ang noo niya. "Salamat saan?" "Salamat sa lahat. Kasi hanggang ngayon ay inaalagaan mo pa rin ako. Kahit na ang laki ko na. Tumigil ka pa sa pagtatrabaho ngayon, para lang sa 'kin." Ngumiti siya. "Kaibigan mo ako. Matalik na kaibigan. Ikaw nga lang yung nagtiis sa 'kin. Napakasama ng ugali ko, pero natiis mo ako. Ikaw lang yung kaibigan ko nag stay sa 'kin. Kaya salamat din." "Hindi ka naman masama. Nagsasabi ka lang ng totoo. Hindi ka, tayo nanlalait. Nagsasabi tayo ng totoo." Mahina siyang tumawa. "Yan ang gusto ko sa 'yo. Nagsasabi ka rin ng totoo, kaya bestfriend kita." Nakipagkuwentuhan ako kay Neon habang ako ay kumakain. "Neon, inimbitahan pala ako nila papa sa bahay nila," wika ko. "Himala. Naalala ka nila. Akala ko hindi na nila maalala na anak ka rin nila," sarkastikong sambit niya. Napatawa ako dahil sa kaniyang sinabi. "Akala ko nga rin, hindi na nila ako maalala. Sabi sa akin ni papa ay may familiy dinner sila. Dapat daw kumpleto ang pamilya namin. Kaya dapat daw ay pumunta ako roon," saad ko at tinitigan ko si Neon. "Sa tingin mo, Neon. Dapat ba akong pumunta o hindi?" "Sa tingin ko, kailangan mong pumunta roon. Miyembro ka pa rin ng pamilya nila, kahit na hindi mo naramdaman na itinuring ka nilang miyembro nila," aniya. "Samahan mo ako, Neon. Parang hindi ko kayang makasama sila ng ako lang mag-isa." "Minsan talaga ang bobo mo, Sandra. Family dinner nga diba? Hindi naman ako miyembro ng pamilya niyo. Hindi naman kita kapatid," wika niya. Inirapan ko siya. "Minsan lang naman. Hatid mo nalang ako sa bahay nila papa at sunduin, kapag ako ay uuwi na." "Sige. Anong oras ka ba pupunta roon? At anong oras ka rin uuwi?" tanong niya. Napaisip ako sa tanong niya. "Ang sabi kasi ni papa, 6:30 pm daw simula ng dinner namin. Siguro 7:30 pm mo ako sunduin. Uuwi ako agad. 'Pag natapos na yung dinner. Ayokong makipagplastikan sa kanila." Ang asul na kalangitan ay binalot na ng dilim. Ang maliwanag na buwan at mga bituin ay nagpakita na sa kalangitan. "Ihinto mo yung sasakyan mo sa harap ng bahay na 'yan," sambit ko kay Neon habang tinuturo ang bahay nila papa. Inihinto ni Neon ang kotse niya sa harap ng bahay nila papa. Tinignan niya ako. "Ano? Ready ka na bang makaharap sila?" Ngumiti at tumango ako. "Ready na. Matagal ko na rin na gusto silang makita." "Dito lang ako sa labas. Kung gusto mo nang umuwi ay puntahan mo lang ako rito, iuuwi agad kita," wika niya. "Salamat." Lumabas ako sa kotse ni Neon at naglakad patungo sa bahay nila papa. Nagbago na yung bahay namin. Dati ay wala pa itong second floor, ngayon ay mayroon na. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko sa labas ng gate ng bahay namin si mama. Para bang may hinihintay siya. Lumapit ako sa kaniya. "Kamusta na po, mama." Lumingon siya sa direksyon ko. "Sandra," sambit niya at ngumiti siya. "Pasok na tayo sa bahay. Kanina pa kita hinihintay. Mabuti, dumating ka. Akala ko ay hindi ka na darating." Nginitian ko si mama. "Mukhang importante ang family dinner na ito, mama. Kaya imposibleng hindi ako pumunta rito." Kinapitan ko si mama sa kamay niya na ikinabigla niya. "Halika na po, ma. Pasok na po tayo." Kahit na hindi ako masiyadong naalagaan nila mama ay mahal ko pa rin sila. Alam ko naman na walang magulang na hindi mahal ang kanilang anak. Matagal ko na silang pinatawad sa mabilis na pagbigay nila sa 'kin kay lola noong ako ay bata pa. Masaya ang ekspresyon ni mama. "Halika na, anak." Pumasok kami ni mama sa gate ng bahay namin at nagpatuloy kaming naglakad patungo sa pintuan ng bahay namin. Nang makarating kami sa harap ng pinto ng bahay namin ay binuksan ito ni mama. "Renzo. Narito na si Sandra," sambit ni mama kay papa na inalalagay ng maayos ang mga plato sa aming malaking lamesa. Napatigil si papa sa kaniyang ginawa at tumingin siya sa direksyon namin ni mama. "Sandra," wika ni mama. Nginitian ko si papa. "Kamusta po, pa?" Inilapag ni papa ang kapit niyang plato sa lamesa. "Ayos lang ako, anak," sambit niya at lumapit siya sa amin. "Mabuti, nakarating ka." "Sandra?" Napalingon ako sa likod ko, kung saan ang pinanggalingan ng boses. "Kuya Jayren." Isang Chef si Kuya Jayren. Matangkad siya at maputi. Well built ang kaniyang katawan, ang kaniyang kilay ay makapal, ang kaniyang pilikmata naman ay mahaba at mayroon siyang dalawang dimple sa magkabilaang pisngi, na lalong nagpa-attractive sa kaniya. "Kamusta ka na, Sandra?" tanong niya. "Okay lang po." "Umupo na muna, tayo," sambit ni mama. Mayroong anim na upuan sa tabi ng aming lamesa na pa-rectangle. Umupo ako sa upuan na katapat ng dulo ng lamesa. "Sandra, may boyfriend ka na ba?" tanong ni kuya. Ngumiti at umiling ako. "Wala po," sagot ko. Nasa iba kasi siya ngayon. Kumunot ang noo ni Kuya. "Sa gandang mong 'yan? Wala kang boyfriend?" "Kakahiwalay lang po namin ng boyfriend ko noong nakaraan," sagot ko. "Alam mo Sandra, ang tanga boyfriend mo. Ang ganda mo na, may maganda ka pang trabaho. Pero hiniwalayan ka pa rin niya," wika ni kuya. "Oo nga, Sandra. Ang tanga niya," sambit pa ni mama. "Alam mo Sandra. Para sa akin lang, ha. Hindi ka niya talaga mahal, kasi kung mahal ka ng ex mo, babalik siya sa 'yo. Lalo na ngayon, na kailangan mo ng taong magcocomfort sa 'yo. Dahil kakamatay lang nila mama. Sila ang nagpalaki sa 'yo, kaya alam kong ikaw ang pinaka nasaktan," sambit ni papa. "Palagi kaming nag-aaway at naghihiwalay mama mo noon, pero sa huli ay bumabalik pa rin kami sa isa't isa. Nagkakabalikan kami ulit kasi totoong mahal namin yung isa't isa. Kung totoo ka talagang mahal ng ex mo, babalik siya," dagdag pa ni papa. Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi ni papa. Siguro tama si papa. Hindi talaga ako mahal ni Lucas. "Wala, e. Ang tanga niya. Pinakawalan niya ako, ang ganda-ganda ko kayo, namana ko yung kagandahan ko kay mama," sambit ko. "Tama ka riyan, anak! Namana mo sa 'kin yung kagandahan mo!" masayang pagsangayon ni mama sa 'kin na ikinatawa namin nila kuya at papa. Dapat siguro, sinunod ko yung payo sa 'kin ni lola, na dumalaw ako ng madalas sa bahay nila papa. Ang saya pala kasama ang pamilya mo. "Basta ako, namana ko ang kaguwapuhan ko kay papa," wika ni kuya. "Sangayon ako sa 'yo, anak!" masayang sambit ni papa kaya muli kaming nagtawanan. "Basta ako, namana ko yung kagandahan ko kay mama." Napatingin kaming lahat sa direksyon ng pinto, nang makarinig kami nang nagsalita rito. "Nariyan ka na pala, Sydney," sambit ni papa kay ate. Si Ate Sydney ay isang Engineer. Katamtaman lang ang tangkad niya at maputi rin siya, tulad namin ni mama. Tama si ate. Namana namin kay mama yung ganda namin. Kung tititigan kaming dalawa ni ate ay magmumukha kaming kambal. Magkamukha na magkamukha kami. Ang pinagkaiba namin ay kulay brown ang buhok niya at mahaba ito, samantalang, kulay black ang buhok ko at hanggang balikat ko lamang ang haba nito. Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang tao sa likod ni ate. Si Lucas. Anong ginagawa ni Lucas dito? Bakit siya kasama ni ate? Nang magtama ang paningin namin ni Lucas ay biglang nanghina ang buong sistema ko. Biglang bumalik yung sakit at pagmamahal ko sa kaniya. Yung pagnanais kong bumalik sa kaniya. Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Lucas nang makita niya ako. Hindi lang din naman siya ang nagulat. Pati ako. Gulat na gulat ako. "Sandra, kaya ka namin inimbita sa family dinner kasi may importanteng sasabihin ang ate mo sa atin," sambit ni mama. "Ma, Pa, Kuya Jayren, Sandra, si Lucas nga pala. Ang aking fiancé," pagpapakilala ni ate kay Lucas. Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa sinabi ni ate. Fiancé? Bakit naging fiancé agad siya ni Lucas? Parang noong nakaraan lamang ay ako pa yung fiancé niya. Lalong nanghina yung buong sisyema ko nang biglang pumasok sa isipan ko alaala ko noong makita ko yung litratong may kahalikan si Lucas na babae. Si ate pala 'yon. Si ate rin siguro yung nakita kong babaeng nakikipagtalik kay Lucas sa kuwarto namin. Paniguradong siya 'yon, siya yung pinalit sa 'kin ni Lucas. Pero bakit sa dami ng puwede niyang ipalit sa 'kin, bakit yung ate ko pa? "Magandang gabi po," wika ni Lucas. "Umupo na kayo. Para makakain na tayo," saad ni papa. Umupo si Lucas sa upuan sa tapat ng dulo ng lamesa ko. Sa tapat ko. Sa tabi naman niya umupo si Ate Sydney. "Kumain na tayo. Masarap yung mga pagkain na nakahain sa lamesa. Si Jayren ang nagluto ng lahat na 'yan," sambit ni mama. Ngumisi si kuya. "Masarap talaga 'yan. Masarap kasi yung nagluto." Napatawa na lamang sila mama dahil sa sinabi ni kuya. Pero ako, nanatili akong tahimik at nakatingin kay Lucas. "Kanina ka pa nakatingin kay Lucas, Sandra. May problema ka ba kay Lucas?" tanong ni ate sa 'kin. Ngumiti ako. "Mayroon po." Napahigpit pagkakakapit si Lucas sa kapit niyang kutsara dahil sa sinagot ko kay ate. Tumingin siya sa 'kin na para bang nagmamakaawa siya na huwag kong sabihin ang naging relasyon namin. "Ano ang problema mo kay Lucas, Sandra?" tanong ni mama sa 'kin. "Hindi ko pa po kasi kilala si Lucas. Baka po kasi saktan niya si ate. Hindi ako sigurado kung maipagkakatiwala ko ba sa kaniya ang ate ko," sambit ko. Napangiti si ate sa sinambit ko. "Sandra, huwag kang mag-alala. Mabait si Lucas." May mabait bang nanloloko at nang-iiwan. May mabait bang ipinagpalit agad yung dating fiancé niya pagkatapos nilang maghiwalay? "Sige po, ate. Sabi mo yan, e," wika ko. "Saka Sandra, matagal ko nang kilala si Lucas. Kaibagan ko siya, simula noong elementary palang kami. Nagkahiwalay lang kami noong nag college na kami," sambit ni ate. "Mahal ka naman niya, ate?" tanong ko. Tumingi si ate kay Lucas at ngumiti siya. "Mahal mo ba ako Lucas?" Tinignan ako ni Lucas ng sandali at ibinalik niya ang tingin niya kay ate. "Mahal kita, Sydney. Mahal na mahal." Napangiti na lamang ako ng mapait sa sinabi ni Lucas. Tama nga siya. Mahal na mahal niya nga talaga si ate. Nagawa niya nga itong gawing fiancé agad, pagkatapos naming maghiwalay. "Simula palang noong unang araw na makita kita ay nahulog na ang loob ko sa 'yo. Hindi ka na mailis sa puso at isip ko. Palagi ka nang hinahanap-hanap ng aking mga mata. Simula noon, hanggang ngayon, mahal na mahal kita. Hindi lang kita naligawan noon, kasi nahihiya ako at dahil nga sa nahihiya ako, may naunang lalaking nanligaw sa 'yo at sinagot mo siya. Pero ngayon, nasa akin ka na. Hindi na kita papakawalan," dagdag pa ni Neon. Kung mahal niya si ate simula noong unang beses niyang makita ito, hanggang sa ngayon. Nasaan ako? Minahal niya lang ba talaga ako? O pilit niya lang ba ako minahal kasi nakikita niya si ate sa 'kin? Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maalala ko noong nagpaalam siyang manligaw sa 'kin. Noong kinantahan niya ako ng hinahanap hanap kita. Mukhang hindi sa 'kin yung kantang 'yon. Para siguro kay ate 'yon. Sabi niya, simula noong unang beses na makita niya si ate ay hinahanap hanap na ng mga mata niya si ate. Puwede akong magkaroon ng award na best sister of the year. Yung lalaking binuo ko, napunta na sa ate ko. Inilapag ni ate ang kapit niyang kutsara at tinidor at tumingin siya sa 'min. "May good news ako sa inyo. Magkakaroon na ako ng anak. Buntis ako. Si Lucas ang ama," sambit niya at tumingin siya kay mama at papa. Mahina siyang tumawa. "Magiging lolo at lola na kayo." Nabitawan ko ang kapit kong kutsara, dahil sa aking narinig. Buntis si ate? Si Lucas ang ama? Magkakaroon na sila ng anak? Nagbunga yung kataksilan nila ni Lucas sa 'kin. Pilit kong nilakasan ang aking loob, para hindi ako maiyak sa harap ng aking pamilya. Tinignan ko si Lucas ngunit iniwasan niya ang tingin ko sa kaniya. "Handa po akong panagutan ang magiging anak namin ni Sydney. Bago po si Sydney manganak ay papakasalan ko na siya," sambit ni Lucas. Gusto kong tumayo at umalis na rito. Parang hindi ko na kakayanin kung mananatili pa ako rito. Lalong lumaki yung sugat sa puso ko, dahil sa aking nalaman ngayon. Seryosong tinignan ni papa sila ate. "Hindi ba kayo nabibigla sa sinasabi niyo? Magpapakasal na kayo agad. Mahirap magsama kapag wala pa kayong sariling bahay." Ngumiti si ate. "May ipinapagawa na po kami ni Lucas na bahay. May design na po kasi si Lucas na magiging bahay namin. Magaling na Architect si Lucas kaya ang ganda nang ginawa niyang design. Friendly nature po yung bahay na pinapagawa naming bahay, malapit po ito sa maraming mga puno. May second floor po ito, sa sa second floor po yung magiging kuwarto namin ng mga anak namin. Sa taas naman ng bahay namin ay may swimming pool. Kapag nag swimming ka po, sa swimming pool namin, tanaw na tanaw niyo yung magandang view sa labas ng bahay namin," sambit ni ate. Natigilan ako dahil sa sinabi ni ate. Kaya pala pamilyar yung sinasabi niyang bahay, dahil 'yan yung pangarap namin ni Lucas na maging bahay. Yung ginawa namin noong kami ay college pa lamang. Bakit naman ganoon? Bakit niya tinupad yung pangarap na bahay namin sa iba? Bakit sa ate ko pa? Nang tignan ko ulit si Lucas ay iniwas niya yung tingin niya sa 'kin ulit. Unti nalang. Unti nalang ay tatakas na ang aking mga luha aking mga mata. "Sandra. Gusto ko, ikaw yung maging maid of honor ko," masayang sambit ni ate sa 'kin. Pilit akong ngumiti. "Sige po." Ako dapat yung bride ni Lucas sa kasal niya, pero bakit naging maid of honor nalang ako? Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga. Tinignan ko sila mama. "Ma, pa, uwi na po ako. Sumakit po kasi yung ulo ko. Gusto ko na po magpahinga." Hindi ko na talaga kakayanin kapag nanatili pa ako rito. Ayoko nang saktan pa yung sarili ko, kaya aalis na ako rito. "Dito ka na magpahinga, Sandra. Hanggang ngayon pa rin naman ay narito pa rin ang kuwarto mo," may pag-aalalang sambit ni mama sa 'kin. "Hindi na po. Doon nalang po ako sa bahay nila lolo. May kailangan din po kasi akong gawin sa bahay nila lolo," pagtanggi ko kay mama. "Hatid na kita sa bahay nila lola, Sandra," wika ni Kuya Jayren. Nginitian ko siya. "Huwag na po. Kaya ko na po yung sarili ko. May maghahatid na rin po sa 'kin sa bahay nila lola. Nandiyan po sa labas yung kaibigan ko." "Sige, kung 'yan ang gusto mo," sambit niya. Tumayo ako. "Alis na po ako." "Ingat ka anak," sambit ni papa. "Magpahinga ka agad, 'pag uwi mo," wika ni mama. "Ingat ka sa pag-uwi, Sandra," sambit ni kuya. "Ingat ka, Sandra," saad ni ate. "Sige po," sambit ko at lumabas na ako sa bahay nila papa. Kasabay nang paglabas ko sa bahay namin ay ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko na napigilan ang mga aking luha na bumagsak. Napatigil ako sa aking paglalakad nang maramdaman kong may kumapit sa akin. Tinignan ko yung kumapit sa 'kin. "Huwag mo akong kapitan!" sigaw ko at inalis ko ang pagkakapit ni Lucas sa akin. "L-Lumayo ka sa 'kin. Huwag kang lumapit sa 'kin..." "Sorry, Sandra," wika niya. "Sorry? Sorry nalang ba ang palagi mong sasabihin sa 'kin? Sorry ka nang sorry, pero paulit-ulit mo pa rin akong sinasaktan. Huwag kang mag sorry, Lucas. Magbago ka." "Sorry talaga, Sandra." "Lucas, mapapawi ba ng sorry mo yung sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon? Lucas, parang awa mo na. Huwag mo na akong saktan," umiiyak na sambit ko. Bumagsak ang mga luha ni Lucas mula sa kaniyang mga mata. "Sorry, Sandra. Kung sorry lang alam kong sabihin sa 'yo. Sorry sa lahat." "Sorry sa paggamit sa 'kin? Hindi mo kasi nakuha yung ate ko noong highschool kayo, kaya ako ang nilagawan mo. Kahit hindi mo naman ako mahal. Sorry kasi ginamit mo yung ginawa nating design ng pangarap nating bahay sa ibang babae? Sorry sa pang bababae mo? Sa pakikipagtalik mo sa totoong mahal mo? Ayan ba ang gusto mong sabihin, na hindi mo masabi?" tanong ko. Lumapit siya sa 'kin ngunit agad akong lumayo sa kaniya. "Mahal kita, Sandra." Napatawa ako dahil sa sinabi niya. "Lucas, hindi mo ako mahal. Kailangan mo lang ako. Pero ngayon na nasa iyo na ang totoong mahal mo, yung ate ko. Hindi mo na ako kailangan." "Maniwala ka man o sa hindi, mahal kita. Oo noong una, hindi pa kita mahal. Tama ka. Niligawan kita kasi nakita ko si Sydney sa 'yo, pero habang tumatagal na nagsasama tayo ay nahulog na ako sa 'yo. Minahal na kita, mas minahal na kita kaysa kay Sydney." "Mas minahal? Mas minahal pero pinagpalit mo ako sa kaniya. Sabihin mo, mas mahal mo siya kaysa sa 'kin." Nanghina ako nang bigla akong yakapin ni Lucas. "Sorry talaga, Sandra." "Lucas, bakit ganoon? Mahal pa rin kita kahit na sobra mo akong sinaktan. Lucas, bakit ang sakit mo mahalin? Bakit mo ako sinaktan ng sobra? Minahal lang naman kita." "Sorry, Sandra." Ipinikit ko ang aking mga mata at niyakap ko si Lucas pabalik. Ito na ang huling beses na yayakapin ko siya. Papatulugin ko na muna yung puso ko na labis na nasaktan. Ayoko nang mangarap na bumalik sa 'kin si Lucas. Dahil alam ko naman na hindi na siya babalik sa 'kin. Malabong bumalik siya sa 'kin sa pagkat magiging ama na siya. Ngunit hindi ako ang magiging ina ng kaniyang anak. Kung pipilitin ko pang umasa ay lalo lamang akong masasaktan. Isusuko ko na ang aking sandata. Aatras na ako sa laban. Hindi dahil sa ako ay naduduwag, kundi dahil mahal ko siya. Alam kong mas sasaya siya kay ate. Nauna lang akong maging kasintahan niya, pero hindi ako ang naunang minahal niya. Pinapalaya ko na siya. Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Lucas at pinunasan ko ang luha ko sa aking pisngi. "Malaya ka na, Lucas. Pinapalaya na kita. Hahayaan na kitang sumaya sa piling ni ate." Kita sa mukha ni Lucas na nalulungkot siya. "Patawad, Sandra." Iniwan ko si Lucas sa tapat ng bahay namin at pinuntahan ko kung saan nakaparada ang kotse ni Neon. Nakita ko si Neon na nakasandal sa kotse niya. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa 'kin. "Ihatid na kita sa bahay ng lola mo?" tanong niya. Tumango ako sa kaniya. "Oo, tara na." Sumakay kami ni Neon sa kotse niya at pinaandar niya ito. Tinahak ng kotse niya ang direksyon ng bahay nila lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD