Saglit
Ang isa sa mga susi para tuluyan mong mapalaya ang taong mahal mo, na may mahal ng iba ay ang pagtanggap sa lahat.
Tanggapin mo na walang permanente sa mundo. Ang lahat ay nagtatapos. Pati ang pagmamahal niya sa 'yo.
Tanggapin mo na wala na siya sa 'yo. Wala ng kayo. Dahil may iba na siya. Maging masaya ka para sa kaniya, sa kanila, kahit na ikaw ay nasaktan nila.
Kapag hindi mo tinanggap na hindi na siya sa 'yo at wala ng kayo ay patuloy ka lamang masasaktan. Patuloy ka lamang dadalawin ng kalungkutan at patuloy na sisikip at bibigat ang kadena ng kalungkutan na nakatali sa 'yo. Bibigat at sisikip ito, hanggang sa hindi mo na makayanan ito. Hindi mo mamamalayan na bumighay ka na pala. Hindi mo na pala kinaya ang sakit na iyong nararamdaman.
Dahil sa sunod-sunod na sakit na aking naramdaman ko nitong mga nakaraang araw, akala ko manhid na ako sa sakit. Pero mali pala ako.
"Sandra mabuti hindi ka na umiiyak," sambit ni Neon. Makikita sa ekpresyon ng mukha ni Neon na nag-aalala siya sa 'kin.
Mapait akong ngumiti at umiling ako. "Mali ka Neon. Umiiyak pa rin ako. Hindi lang halata kasi naubos na yung mga luha ko. Kaya wala ng luha na lumapabas sa aking mga mata."
Niyakap ako ni Neon. "Tahan na. Magiging okay din ang lahat."
Bago pa kami makauwi sa bahay ni lola kagabi ay bigla na lamang akong nahimatay. Kaya mabilis akonh dinala ni Neon sa pinaka malapit na hospital sa amin.
Nang magising ako, si Neon ang una kong nakita. Namumugto ang kaniyang mga mata at kita ko sa mga mata niya na naaawa siya sa 'kin. Nang ilibot ko ang paningin ko sa aking paligid ay napansin kong wala ako sa bahay nila lola. Parang ako ay nasa hospital.
"A-Anong nangyari, Neon?" naguguluhan kong tanong.
"S-Sandra, huwag kang mabibigla. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan," wika niya.
Kumunot ang aking noo at lalo akong naguluhan dahil sa winika niya. "A-Ano ang ibig mong sabihin, Neon?"
"Buntis ka, Sandra."
Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi ni Neon. Kung buntis ako, isa lang ang puwedeng maging ama nito. Si Lucas. Siya lang naman ang lalaking nakatalik ko.
Mayroon pang pag-asa.
Mayroon pang pag-asa na maging kami. Na bumalik siya sa 'kin. Dahil ako ay buntis din. Hindi pa naman sila kasal ni, ate. Ikakasal palang sila, kaya may pag-asa pa.
"Buntis ka, Sandra. Ngunit, nalaglag ang iyong ipinagbubuntis. Nakunan ka, Sandra."
Nilamon ng katahimikan ang silid na kinaroroonan namin ni Neon. Nakunan ako? Nalaglag yung batang ipinagbubuntis ko. Yung nag-iisa kong pag-asa na magpapabalik kay Lucas sa 'kin, nawala na. Namatay yung anak namin. Wala na ba talagang pag-asa na maging kami ulit ni Lucas?
Sana hindi nalang namatay yung anak ko. Wala naman siyang kasalanan. Hindi man lang niya nasilayan ang mundo, bago siya mamatay. Kung ang paglayo ko lang kay Lucas ang paraan para hindi mamatay ang anak namin ay ginawa ko na. Bakit parang sobrang galit sa 'kin yung tadhana? Para lang tuluyan kaming magkalayo ni Lucas, pati yung anak namin ay dinamay niya.
"Sandra, ang sabi ng Doctor sa 'kin, kaya ka raw nakunan ay dahil sa sobrang stress. Sabi niya pa, kapag if the pregnant was stress, her brain releases several hormones. Including the corticotropin-releasing hormone. If the pregnant has a high levels of corticotropin-releasing hormone in their bloodstream, mayroong high posibility na maglaglag ang pinagbubuntis niya," pagpapaliwanag sa 'kin ni Neon.
Tinignan at kinapitan ko ang aking tiyan. "Baby ko. Patawarin mo si mama. Hindi sinasadya ni mama na malaglag ka sa sinapupunan niya. Hindi lang talaga kinaya ni mama yung sakit na nararamdaman niya, kaya ka nalaglag. Mana ka sa mama mo, baby. Kasabay nang pagbitaw ko sa papa mo ay bumitaw ka rin sa sinapupunan ko. "
Sana huli na ito. Hindi ko na kakayanin pa, kapag ako ay nasaktang muli ng sobra. Tama nang si Lucas, ang anak namin, at si lolo at lola ang nawala sa 'kin. Tama na yung sakit na aking nararamdaman. Ayoko nang masaktan pang muli. Ayoko na.
Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Neon nang bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan ko.
Saglit akong natigilan nang makita ko yung pumasok sa silid. Napangiti ako ng mapait nang makita ko si Lucas at ate.
Tinignan ko si Neon. "Anong ginagawa nila rito?"
"Tinawagan ko sila para pumunta rito. Para malaman nila yung nangyari sa 'yo," sagot ni Neon sa 'kin.
"Anong nangyari sa 'yo, Sandra? May masakit ba sa 'yo?" pag-aalalang tanong ni Lucas. Oo mayroon. Ang puso ko. Sobrang sakit ng puso ko. Masiyado mong sinaktan ang puso ko, ang laki ng sugat na iniwan mo rito.
Lalapit sana si Lucas sa 'kin nang bigla siyang sapakin ni Neon sa mukha. Gaganti sana siya kay Neon ngunit mabilis siya ulit nitong sinapak.
Pumagitna si ate kanila Lucas at Neon kaya tumigil na si Neon sa pagsapak kay Lucas. "Tama na! Huwag na kayo mag-away!" sigaw ni ate.
Masamang tinitigan ni Lucas si Neon. "Ano bang problema mo, Neon?!" galit na tanong niya. Nagdugo ang gilid ng labi ni Lucas dahil sa suntok ni Neon sa kaniya.
"Ano bang problema mo kay Lucas?" pagalit na tanong ni ate kay Neon.
Ngumisi si Neon. "Hindi lang kay Lucas ako may problema. Pati sa 'yo. Alam mo, napakalandi mo. Pati fiancé ng kapatid mo, inagaw mo. Wala ka na ba talagang makitang ibang lalaki? Kaya sa fiancé ng kapatid mo ikaw nagpakamot? Nagpakantot?"
"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan si Sydney!" galit na sigaw ni Lucas.
Mahinang tumawa si Neon. "Bakit Lucas? Ayaw mo bang sabihin ko yung totoo? Na nagpakantot siya sa 'yo? Kahit kayo pa ni Sandra? Alam mo, napakatagal na akong nagtitimpi sa 'yo, tang ina ka. Palagi mo nalang sinasaktan si Sandra. Binigay naman niya yung lahat sa 'yo, pero niloko mo pa rin siya. Hindi ka pa nakontento sa panloloko mo sa kaniya, hayop ka. Pinagpalit mo pa siya sa makati niyang kapatid."
"Tumahimik ka. Wala kang alam!" sigaw ni Lucas.
Napatawa si Neon sa sinabi ni Lucas. "Wala akong alam? Mali ka Lucas. Marami akong alam. Alam ko nga rin na pinagtatakpan ng mga kaibigan mo dati ang pang bababae mo. Kahit na alam nila na mali ang ginawa mo ay kinunsinte pa rin nila yung kataranraduhan mo."
"Neon, tama na," sambit ko.
Tumingin si ate kay Lucas. "Ano ang ibig sabihin niya," sambit niya at tumingin naman siya sa 'kin. "Naging kayo ni Lucas, bago maging kami? I-Inagaw ko ba siya sa 'yo?"
Iniyuko ni Lucas ang kaniyang ulo at nag-iwas naman ako ng tingin.
Pumalakpak si Neon. "Ang galing mo! Tama ang sinabi mo. Akala ko bukod sa mang-aagaw ka ay tanga ka rin."
Bumagsak ang mga luha ni ate mula sa kaniyang mga mata at lumapit siya sa 'kin.
"S-Sorry, S-Sandra... H-Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na may karelasyon pa pala si Lucas. Hindi niya sa 'kin sinabi na may fiancé siya," sambit niya at niyakap niya ako. "S-Sorry talaga. P-Patawarin mo ang ate mo. Ang tanga ko. Hindi ko agad napansin na may fiancé pala si Lucas. Kaya pala bihira niya akong papuntahin sa condo niya."
"Tang ina mo talaga!" sigaw ni Neon, kaya napatingin kami sa kaniya. Sinuntok niya ulit si Lucas kaya bumagsak ito sa sahig.
"Hindi lang pala si Sandra ang niloko mo. Pati yung kapatid niya rin pala. Hobby mo bang manloko ng babae?" sambit ni Lucas at tumingin siya kay ate. "Sorry sa mga sinabi ko sa 'yo kanina. Akala ko alam mo na yung lahat. Biktima ka rin pala rito," tumingin siya kay Lucas. "Niloko ka rin pala ng gagong 'to."
Tumayo si Lucas at tinignan niya kami ni ate. "Sorry, Sydney. Sorry, Sandra. Alam kong napakagago. Alam kong napalaki ng kasalanan ko sa inyo. Maniwala man kayo o sa hindi. Hindi ko sinasadya na masaktan ko kayo."
"Hindi sinasadya? Grabe naman yung hindi sinasadya mo na 'yan, Lucas. Sana noong una palang ay sinabi mo sa 'kin na may relasyon kayo ni Sandra. Para hindi na ito umabot sa ganito! Sana hindi ko nasaktan ng sobra yung kapatid ko! Lucas, sobra na siyang nasaktan noong mawala sila lolo at lola. Tapos, nadagdagan ko pa yung sakit na nararamdaman niya," sambit ni ate kay Lucas at tumingin siya sa 'kin. "Sorry talaga, Sandra."
Nginitian ko si ate. "Okay lang ate. Sanay na akong masaktan. Pero ikaw ate, hindi. Huwag kang masiyadong magalit at malungkot. Masama 'yan sa kalusugan mo at sa batang ipinagbubuntis mo. Baka matulad ka sa 'kin kapag masiyado kang na stress."
"A-Anong ibig mong sabihin, Sandra? Na baka matulad ako sa 'yo?" tanong ni ate.
"Nakunan po ako. Nalaglag yung bata na dinadala ko." Tumingin ako kay Lucas. "Namatay yung anak natin, Lucas."
Napatulala sa 'kin si Lucas dahil sa aking sinabi. "B-Buntis ka, Sandra?"
Umiling ako. "Hindi na. Nalaglag na yung ipinagbubuntis ko. Ngayon ko lang din nalaman na, Ang sabi ng Doctor kay Neon. Kaya ako nakunan dahil sa sobrang stress. Kapag stress daw ang buntis, naglalabas yung brain ng mga hormone. Kasama na sa nilalabas nito ang corticotrapin-releasing hormone. Kapag mataas daw yung corticotrapin-releasing hormone ng nagbubuntis. Malaki ang tiyansa na makunan siya."
Ngumiti ako ng mapait. "This past few days, sobra akong stress. Iniwan na ako ni lolo at lola. Pati ikaw. Iniwan mo na rin ako. Hindi mo lang ako basta-basta iniwan, sinaktan mo muna ako ng sobra bago mo ako iniwan," sambit ko at mahina akong tumawa. "Hindi na ako nagtataka na, na stress ako ng sobra. Ikaw ba naman, mamatayan ng lolo at lola na mahal na mahal mo, tapos iwanan at saktan ka pa ng lalaking mahal na mahal, na sobrang pagmamahal mo sa kaniya ay ibinigay mo ang lahat ng pagmamahal mo sa kaniya. Wala ka ng tinira sa sarili mo kasi malakas ang loob mo na hindi ka niya lolokohin kasi mahal na mahal ka rin niya at ang tagal niyo nang nagsama. Hindi ko alam, yung lalaki na pinagbigyan ko ng lahat ng aking pagmamahal ay may mahal ng iba," tumingin ako kay ate. "At ate ko ang mas mahal niya, kaysa sa 'kin."
"S-Sandra..." wika ni ate.
Nginitian ko si ate. "Kung iniisip mo na hihiwalayan mo si Lucas para sa 'kin, ate. Huwag mong gawin. Alam kong mahal mo siya, at alam ko rin na mahal ka niya. Extra lang naman ako sa love story niyo. Ikaw naman talaga ate ang totoong mahal niya. Hindi lang naging kayo agad, dahil naging kami. Kayo ang para sa isa't isa. Hindi kami."
Lalapit sana si Lucas sa akin ngunit pinigilan ko siya. "Huwag ka munang lumapit sa 'kin, Lucas. Hindi ko pa kaya na malapit ka sa 'kin." Baka kasi bumighay na naman ako ulit. Baka maisip kong bumalik na naman sa kaniya. Tama na ang kahibangan ko na magiging kami pa ni Lucas.
Dahil sa istorya ni Lucas, hindi ako prinsesa na bida. Ako ang kontrabida sa buhay niya na hinahadlangan, ang pag-iibigan nila ng prinsesa. Ako yung kontrabida na minsan nagnais na maging bida, na nagnais na maging asawa ng bida. Ngunit malupit ang tadhana sa buhay ng kontrabida. Hindi na nga siya ang naging bida, labis pa siyang sinaktan ng bida. Para sa isang kontrabida na katulad ko, ang saglit na kasama ang bida at ang sandaling naging sa kaniya yung bida ay ang pinakamasayang nangyari sa buhay namin. Kahit na sinaktan ng bida ang kontrabida, mahal pa rin siya nito.
Sa susunod na magmamahal ako. Aalamin ko na muna kung ako ba yung prinsesa ng bida. Ayoko na kasing maging kontrabida sa bida. Masiyadong masakit maging kontrabida. Gusto ko maranasan kung paano maging prinsesa ng bida. Masaya ba? Sa tingin ko kasi masaya. Kasi noong kontrabida ako, kahit sandali lang naging akin yung bida ay napakasaya ko.
Gusto kong makasamang tumanda yung bida. Gusto ko siyang makasama hanggang sa pumuti na ang aming buhok. Napakasaya siguro sa pakiramdam na ang mahal mo ay mahal ka rin.
"Lucas, ate, iwan niyo muna kami ni Neon." sambit ko.
Malungkot na ngumiti si ate. "Sige. Magpahinga ka na muna."
"Ate, huwag mong sabihin yung mga nalaman mo ngayon kanila papa. Paniguradong magagalit sila sa 'yo at kay Lucas," mahina akong tumawa. "Sayang lang yung pagpapaubaya ko kay Lucas, sa 'yo. Kung hindi rin naman pala kayo magkakatuluyan."
Tinignan ko si Lucas. "Lucas, alagaan mong mabuti ang ate ko. Huwag mong gawin sa kaniya yung ginawa mo sa 'kin."
Tumango si Lucas. "Pangako. Aalagaan ko siya nang mabuti."
"Huwag kang mangako, Lucas. Gawin mo."
Nang umalis sila Lucas at ate ay muling nilamon ng katahimikan ang silid na kinaroroonan namin ni Lucas.
"Sandra. Ang sabi nga pala ng doctor kanina sa 'kin ay puwede ka nang lumabas sa hospital. Gusto mo na bang iuwi kita sa bahay ng lola mo?"
Umiling ako. "Ayoko na munang umuwi sa bahay nila lola."
Kumunot ang noo niya. "Saan ka uuwi ngayon? Sa bahay ng mga magulang mo?"
"Hindi rin doon." sagot kom
"Saan?" muling tanong niya.
"Puwede bang doon muna ako sa bahay niyo?" tanong ko.
"Baka kasi puntahan ako ni Neon sa bahay nila lola. Ayaw ko na munang siyang makita. This time, i will moving on in the past. Hahanapin ko muna yung sarili ko na nawala, noong sinaktan niya ako."
"Sige, doon ka na muna sa bahay namin. Mayaman kami kaya malaki ang bahay namin. Marami pang bakanteng kuwarto sa bahay namin." pagyayabang niya.
"Napakayabang mo!"
"Nagsasabi lang ako ng totoo, Sandra."
"Oo na! Palagi ka naman nagsasabi ng totoo. Kaya kanina sinabihan mo rin ng totoo si ate. Kawawa naman 'yon, 'di niya pala alam na may relasyon kami ni Lucas."
Makikita ekspresyon ng mukha ni Neon na na-guilty siya sa sinabi niya kay ate kanina. "Kasalanan niya rin naman 'yon. Dapat kasi sinisigurado niyang walang karelasyon yung nilalandi niya. Huwag landi nang landi lang. Kaya karamihan sa mga babae nagiging kabet ng hindi nila nalalaman. Hindi muna nila inaalam kung may karelasyon ba yung lalaking nilalandi nila."
Napatawa ako sa sinabi niya. Pero may point naman siya. Pero ang bulgar lang masiyado ng words niya.
"Nilalandi talaga?"
"Oo, nilalandi. Iba na kasi yung ginawa niya, hindi na harot. Nakipagkantutan na siya kay Lucas."
"Neon Alfaro! Yung salita mo na naman! Napakabulgar mo talaga!"
"Bakit? Tama naman yung sinabi ko. Nakipagkantutan siya kay Lucas kaya nga nabuntis siya. May mali pa sa sinabi ko?" nagtatakang tanong niya.
Napaka direct to the point talaga nito ni Neon. Ang inosente niya pa. Tama naman yung sinabi niya, pero para sa iba, mali yung sinabi niya. Yung mga banal-banalan yung tinutukoy ko. Masunurin kasi si Neon kaya natuto siyang magsalita nang ganiyan. Noong senior high school kami. Ang sabi ng teacher namin, dapat daw hindi kami matakot magsalita ng t**i, p**e at iba pang mga bulgar na salita. Dahil 'yon naman talaga yung tawag doon. Walang masama kung sasabihin namin yung tawag sa salita na 'yon.
"Wala. Masiyado lang talagang bulgar yung mga salita mo. Pero okay na sa 'yo na sa bahay niyo muna ako titira?"
"Okay na nga. Kung gusto mo sa kuwarto ko nalang ikaw matulog. Malaki yung kuwarto ko. Pati yung kama ko malaki. Pati yung ano ko malaki rin."
"Ano yung malaki sa 'yo?"
Pilyong ngumiti siya sa 'kin. "Yung kamay ko malaki."
"Pero malaki rin yung ano ko na iniisip mo."
"Neon Alfaro! Nakakainis ka talaga!"
Tumawa siya. "Joke lang, ito naman, hindi mabiro."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pagdating natin sa bahay niyo, isusumbong kita kay tita!"
"Sandra Valientos. Kahit na isumbong mo pa ako kay mama. Hindi pa rin niya ako papagalitan. Ang lakas ko kaya kay mama." mayabang na sambit ko sa kaniya.
Inirapan ko siya. "Tignan nalang natin kapag nakapunta na tayo sa bahay niyo."
Namiss ko rin pumunta sa bahay nila Neon. Ang tagal na rin noong huling beses akong nakapunta roon. Siguro ang dami nang nagbago sa bahay nila Neon.