Paalam, Patawad
Kapag natapos mo nang matanggap ang lahat. Ang sunod mong gagawin para tuluyan mo siyang mapakawalan ay palayain at patawarin ang iyong sarili.
Palayain mo ang iyong sarili sa kulungan ng nakaraan at sa kadena ng kalungkutan na nakatali sa iyo na napakahigpit.
Patawarin mo ang iyong sarili at patawarin mo siya.
Patawarin mo ang iyong sarili sa pagsuko mo sa laban. Patawarin mo siya sa hindi niya paglaban sa iyo.
Patawarin mo ang iyong sarili sa pagpili mo sa 'yong sarili. Patawarin mo siya sa hindi niya pagpili sa iyo.
Patawarin mo ang iyong sarili sa paglayo sa kaniya. Patawarin mo siya sa pag 'di niya paghabol sa iyo.
Kapag ikaw ay nagtagumpay na kumuwala sa kulungan ng nakaraan at kadena ng kalungkutan, ang sunod mong gawin ay mag paalam ka. Mag paalam ka sa lahat ng sakit, pait at pighati na naranasan mo noong nasaktan ka niya.
Kapag 'yan ay nagawa mo, ang ibig sabihin nun ay malaya na siya. Malaya ka na.
Pagsapit nang umaga ay agad akong umalis sa Condo namin ni Sandra. Sumakay ako sa aking kotse at pinaandar ko ito papunta sa hospital kung nasaan si Sandra.
Alam kong napakalaki ng kasalan ko kay Sandra, kaya gusto ko siyang makausap at humingi ng tawad sa kaniya. Kahit na kailanganin kong humingi ng tawad sa kaniya ng isang milyon na beses ay gagawin ko, para lamang mapatawad niya ako.
Pagdating ko sa hospital ay agad kong pinuntahan ang kuwarto na pinuntahan namin ni Sydney kahapon. Huminto ako sa paglalakad nang makarating ako sa harap ng pinto kung nasaan si Sandra.
Huminga ako ng malalim at lakas loob kong binuksan ang pinto. Pumasok ako sa silid at hinanap si Sandra. Binalot ng kaba ang sistema ko nang hindi ko makita si Sandra. Tanging maayos na kama na lamang ang nadatnan ko sa silid. Para ako ay makasigurado, binuksan ko ang pinto ng comfort room ng silid niya, ngunit hindi ko pa rin nakita roon si Sandra.
"Sir, ano po yung ginagawa niyo rito?"
Napatingin ako sa likod ko at may nakita akong nurse. Mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Nasaan na yung pasyente rito? Si Sandra. Sandra Valientos?" nag-aalalang tanong ko.
"Sir, kanina lang po siya na discharge. Okay na naman po siya, kaya puwede na siyang umuwi," sagot ng nurse.
Nakahinga ako nang maluwag nang malaman ko na ayos na siya. Buti nalang ay ayas na siya, hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung lumala pa yung kalagayan niya.
"Salamat." Pagkatapos kong magpasalamat sa nurse ay lumabas na ako ng silid. Siguro ay nasa bahay na siya ng lola niya ngayon.
Bago ako pumunta sa bahay ng lola ni Sandra ay pumunta muna ako sa super marker para bumili ng prutas para kay Sandra. Bumili na rin ako ng paborito niyang pulang rosas. Dati, tuwing binibigyan ko siya ng pulang rosas kapag galit siya sa 'kin ay bigla na lamang naglalaho ang galit niya sa 'kin. Alam kong 'di mawawala ng rosas na ito ang galit niya sa 'kin. Pero umaasa pa rin ako, na sana mawala ang galit niya sa 'kin kahit kaunting lang, kapag binigay ko sa kaniya ang rosas na ito.
Pagdating ko sa harap ng bahay ng lola ni Sandra ay bigla na lamang akong natigilan. Naka lock ang gate nila. Siguro ni-lock ni Sandra ang gate nila, para hindi ako makapasok. Galit na galit pa rin siya siguro sa 'kin.
Sinubukan kong tawagan si Sandra, ngunit hindi ko siya matawagan kasi nakapatay ang kaniyang cellphone.
"Sandra!" Malakas na sigaw ko.
Walang sumagot sa bahay ng lola nila Sandra kaya tinawag ko ulit ng malakas ang kaniyang pangalan. Kung kailangan ko siyang kulitin para makausap at makahingi ako ng tawad sa kaniya ay gagawin ko.
Tinawag nang tinawag ko ang pangalan niya hanggang sa mapagod ako kakatawag sa pangalan niya.
"S-Sandra..." napaupo ako sa harap ng gate nila.
"Sandra. Kung nariyan ka man sa bahay niyo. Please papasukin mo ako. Gusto kitang makausap. Gusto kong humingi sa 'yo ng tawad. Patawarin mo na ako, Sandra."
Hininto ni Neon ang kaniyang kotse sa tapat ng napakalaking gate. Gate palang nila Neon ang laki. Tuwing pumupunta ako sa bahay nila Neon ay bigla na lamang akong naliliit. Ang yaman kasi nila sobra, yung mga gamit pa sa bahay nila ay halatang mahal. Pinaghalong antigo at bagong gamit ang laman ng kanilang bahay.
Nang buksan ng guwardiya nila Neon ang kanilang gate na napakalaki ay pinaandar muli ni Neon ang kaniyang kotse.
Muling hininto ni Neon ang kaniyang kotse. Ipinarada niya ang kotse niya sa parking area nila na may nakaparada na maraming sasakyan at ang lahat ng ito ay mukhang mamahalin sasakyan.
Lumabas kami ni Neon sa kotse niya ay naglakad patungo sa bahay nila na napakalaki. Wala ring pinagbago yung bahay nila. Hanggang ngayon kapag naglalakad kami ni Neon, may mga maid na sumasalubong ng tungo sa amin.
Sa totoo lang, hindi na kailangan pang mag trabaho ni Neon. Napakayaman kaya ng pamilya niya. Yung daddy niya ay isa sa pinakamayaman sa Pilipnas. Ang daddy niya lang naman ang may-ari ng pinakamalaking mall sa pilipinas. Ang Mall of Crayser. Pati sa ibang mga bansa ay may branch ang mall nila.
Gusto ng daddy ni Neon na business management ang kunin ni Neon na course, kasi gusto niyang si Neon ang magmana ng business nila. Pero hindi sinunod ni Neon ang gusto ng papa niya. Architecture ang kinuha niya. Ang dahilan kaya Architecture ang kinuha ni Neon at hindi business management ay gusto ng kapatid niya na siya ang mag manage ng business nila. Pinaubaya ni Neon sa nakababatang kapatid niya ang business nila.
Dahil sa ginawa ni Neon na 'yon, mas pinaghusayan ng nakababatang kapatid niya ang pag-aaral niya. Nag tapos ang nakababatang kapatid ni Neon sa Harvard bilang Suma c*m Laude.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila Neon ay nakita ko agad si Tita Alisha at Tito Victor na nag-aaway. Si Tita Alisha ay napakaganda pa rin, kahit na medyo matanda na siya. Bagsak ang mahabang kulot niyang buhok na kulay brown. Bumagay sa kulay ng buhok niya ang kulay ng kaniyang mga mata. Brown ang kulay ng mga mata niya. Nakasuot siya ng bistida na gawa sutla. Halata sa suot niyang bistida na mahal ito dahil sa ganda ng tela nito.
Si Tito Victor ay nakasuot ng black suit, papasok na siguro siya sa trabaho niya. Malaking tao si Tito Victor kaya napakamanly niyang tignan, lalo na sa suot niyang black suit.
"Buy me a new purse. Namantasahan yung hermes na handbag ko kaya ayoko na niyan. Gusto ko chanel yung ibibili mo sa 'kin," sambit ni Tita Alisha.
"Alisha, why are you acting like spoiled brat again?! Kakabili ko lang sa 'yo kahapon ng Louis Vuitton na handbag sa 'yo kahapon!" Galit na sigaw ni Tito Victor. Lumalabas na yung mga ugat sa gilid ng noo ni Tito Victor at umiigting na rin ang kaniyang mga panga dahil sa galit.
"Whether you like it or not. Bibilhan mo ako ng Louis Vuitton na handbag. Wala ka nang magagawa pa," madiin na sambit ni Tita Alisha.
"Hindi pa rin kita bibilhan, Alisha." madiin na sambit ni Tito Victor.
"Bibilhan mo ako o ihahampas ko sa 'yo 'tong hawak ko na hermes na handbag? Mamili ka." Pinakita ni Tita Alisha kay Tito Victor ang kapit niyang handbag.
"Ayoko pa rin."
"Bubutasin ko yung gulong ng Lamborghini Veneno mo at babasagin ko yung salamin nito o ibibili mo ako? Mamili ka. Huli na 'yan. Kapag hindi mo ako pinigilan ay gagawin ko talaga yung sinabi ko. Kilala mo ako Victor Alfaro, tinutupad ko palagi ang aking sinasabi," pangbabanta ni Tita Alisha.
Para namang natablan si Tito Victor ng pangbabanta ni Tita Alisha kasi napalitan ng takot ang galit niyang ekspreyon. Kung ako ang nasa kalagayan ni Tito Victor, matatakot din ako. Four million and five hundred thousand kaya yung Lamborghini Veneno.
"Fine. You win," sambit ni Tito Victor.
Mabilis na yinakap ni Tita Alisha si Tito Victor. "Ang bait mo talagang asawa, honey bunch ko!"
Humiwalay si Tita Alisha sa pagkakayakap kay Tito Victor at tinawag niya yung maid na malapit sa kaniya.
"Yaya, itapon mo na nga 'tong hermes handbag ko. Ang dumi na kasi niyan. Mag alcohol ka nalang after mo matapon 'yan, baka kasi dumikit sa 'yo yung germs na napunta sa handbag na 'yan," sambit ni Tita Alisha.
Napailing na lamang si Tito Victor dahil sa inasal ng asawa niya. Hindi pa rin pala sila nagbabagong dalawa. Palagi pa rin silang nag-aaway at palagi pa rin panalo si Tita Alisha sa away nila.
"Magandang umaga po, Tita Alisha, Tito Victor." Pagbati ko sa kanilang dalawa.
Lumingon silang dalawa sa direksyon namin ni Neon. Nanlaki ang mga mata ni Tita Alisha nang makita niya ako.
"Sandra!" Sigaw ni Tita Alisha at mabilis siyang lumapit sa 'kin. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik. "I miss you my darling Sandra."
"I miss you rin po, Tita."
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin. "Balita ko namatay na ang grand father and grand mother mo. Condolence for your lost."
Lumapit din sa amin si Tito Victor. "Condolence for your lost, Sandra."
Nginitian ko silang dalawa. "Salamat po."
"Papasok na ako sa trabaho. Malapit na ako ma-late dahil sa 'yo, Alisha!" sambit ni Tito Victor kaya napatawa kami ni Neon.
"Neon, alagaan mo nang mabuti si Sandra. Wala na ang lolo at lola niya. Wala nang mag-aalag sa kaniya," sambit ni Tito Victor kay Neon.
Tumango si Neon, "Yes, Dad."
Hinalikan ni Tito Victor si Tita Alisha sa labi. "Alis na ako."
"Ingat ka. Huwag mong kalimutan yung chanel na handbag ko pag-uwi mo," wika ni Tita Alisha.
"I know, I know. Baka may mangyari masama sa Lamborghini Veneno ko kapag nakalimutan ko yung chanel handbag mo," sambit ni Tito at umalis na siya.
Marami akong handbag sa bahay at ang lahat ng 'yon ay galing kay Tita Alisha. Ibinigay niya sa 'kin yung mga hindi na niya ginagamit na handbag. Nahihiya man akong tanggapin ang mga binigay niya, wala akong nagawa kundi ang tanggapin ito. Masiyadong mapilit si Tita Alisha. Si Tito Victor, gusto niya ako bigyan ng kotse, ngunit tinanggihan ko siya. Nakakahiya naman kung tatanggapin ko yung binibigay niyang kotse sa 'kin.
"Balita ko hiwalay na raw kayo ng fiancé mo, Sandra." sambit ni Tita Alisha.
"Opo. Hiwalay na po kami. Paano mo po nalaman?" tanong ko.
Tumingin siya kay Neon at mahinang tumawa. Napabuntong-hininga na lamang ako sa inasal ni Tita Alisha.
"Napaka chismoso mo talaga, Neon."
"Ikaw din naman."
"Doon tayo sa living room mag-usap. Huwag dito. Nangangalay na akong tumayo," sambit ni Tita Alisha.
Pumunta kami sa living room nila at umupo kami sa sofa. Napakalambot talaga ng sofa nila.
"Tita, kaya pala ako narito kasi gusto ko po munang makitira muna rito. Ayaw ko po muna sa bahay nila lola. Namimiss ko pa kasi sila lola kapag nasa bahay nila ako," saad ko.
"Sandra, kung gusto mong tumira rito ay okay lang! Ano ka ba, hindi ka na iba sa amin. Kung gusto mo nga sa kuwarto ka pa ni Neon matulog. Okay na okay lang sa 'kin!" masayang sambit ni Tita Alisha.
Nahihiya akong ngumiti. "Nakakahiya naman po, kung sa kuwarto ako ni Neon matulog."
"Huwag kang mahiya sa 'kin, Sandra. Ako lang 'to. Si Neon na poging bestfriend mo," mayabang na sambit ni Neon.
"Okay lang kay Neon. Kaya okay lang na matulog ka sa kuwarto niya!" saad ni Tita Alisha. Makikita sa mata ni Tita Alisha na siya ay masaya. Masaya ba siyang matulog ako, katabi si Neon?
"Tita, binubugaw mo ba si Neon sa 'kin?" tanong ko.
"What is binubugaw?" naguguluhang tanong ni Tita Alisha.
"Binubugaw ako sa kaniya ay means, you want her to be mine. Gusto mo siyang maging daughter in law mo," pagpapaliwanag ni Neon.
Napatango si Tita Alisha at ngumiti. "Oo, binubugaw kita kay Neon."
Tumawa ako ng mahina. "Tita, wala namang gusto sa 'kin si Neon. Ang tagal na niya akong kasama pero hindi naman niya sinabi na gusto niya ako bilang kasintahan."
"Neon is a shy type guy. Nahihiya lang siya sa 'yo."
"Mom is right," Neon said.
"I know. Im always right. Kaya nga palaging talo ang daddy mo sa 'kin," wika ni Tita.
Tumngin si Neon sa 'kin. "Im shy, shy-yo lang. Ikaw lang ang mahahalin ko."
"Ang corny mo, kuya."
Napatingin kami sa nagsalita. Nakita namin ang nakababatang kapatid ni Neon. Si Sky. Nakasuot din ng black suit and black slacks si Sky gaya ni Tito Victor. Mana si Sky sa papa niya. Malaki ang katawan nito at hindi kulot ang buhok niya. Gaya ng kulay ng buhok niya, itim ang kulay ng mga mata niya. Gaya ni Tito Victor, si Sky ay palaging seryoso.
"Good morning, Sky." pagbati ko sa kaniya.
Seryoso niya akong tinignan. "Good morning, Sandra."
"Mom, Kuya, alis na po ako. Papasok na ako sa trabaho," sambit ni Sky.
"Ingat ka sa pagmamaneho ng sasakyan mo," sambit ni Neon.
"Mag-ingat ka sa biyahe. If you see your dad, remind him to buy me a chanel handbag," saad ni Tita.
"I will." sambit niya at umalis na siya.
Nang makaalis na si Sky ay nagpaalam ako kay Tita Alisha na pupunta na ako sa kuwarto na tutuluyan ko na muna. Pinilit pa ako ni Tita Alisha na sa kuwarto ako ni Neon tumuloy muna pero hindi ako pumayag. Ang sabi ko, sa kuwarto na palagi kong tinutuluyan dito ako muna tutuloy.
Kaya hindi na ako nagdala ng damit ko, kasi may sarili akong wardrobe sa bahay nila Neon. Dahil magkasing laki lang kami ng katawan ni Tita Alisha ay binigyan niya rin ako ng napakaraming damit. Hindi ko na nadala yung iba na damit ibinigay niya sa 'kin, kaya inilagay ko nalang 'yon sa wardrobe ng kuwarto na ito.
"Anong plano mo?" tanong ni Neon na nakaupo sa aking kama.
"Travel. Sabi nila, nakakatulong daw ang pagtatravel sa pagmomove on," sagot ko.
"Outside our country or inside?"
"Dito lang sa Pilipinas. Gusto ko pumuntang Palawan. Maganda raw yung mga tanawin sa Palawan."
"Sasamahan kita mag travel. Masaya mag travel kapag may kasama," saad niya.
"Paano ang trabaho mo?" tanong ko.
"Hindi na muna ako papasok. Saka na ako papasok kapag alam kong okay ka na," nakangiti niyang sambit. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya na ikinabigla niya.
"Salamat, Neon. Salamat sa lahat."
Sumapit ang gabi.
Humiga ako sa kama at tumingin sa gilid ko. Napangiti ako nang mapait nang makita ko ang imahe ni Lucas sa tabi ko. Nasanay na akong siya ang palagi ang katabi ko sa pagtulog. Tumalikod ako at tumingin sa kabilang gilid ko. Napapikit ako at napakagat sa aking ibabang labi nang maramdaman kong parang may yumakap sa 'kin. Sa tuwing tinatalikuran ko si Lucas kapag kami ay natutulog ay niyayakap niya ako.
Tumayo ako at lumapit sa bintana ng kuwarto ko. Binuksan ko ang bintana at tumingin ako sa itim na kalangitan na napakaraming kumikinang na bituin. Nang matanaw ko ang buwan ay muli na lamang akong napangiti ng mapait.
Naalala ko pa noong sinayaw ako ni Lucas sa ilalim ng asul na buwan. Ang sabi niya, kapag sinayaw raw ng isang tao ang kaniyang mahal sa ilalim ng asul na buwan ay hindi na sila maghihiwalay.
Siguro hindi totoo ang sinabi sa 'kin ni Lucas, tungkol sa asul na buwan. O baka naman, totoo 'yon, pero hindi lang talaga ako totoong mahal niya, kaya nagkahiwalay pa rin kami.
Paalam, Lucas.
Nahanap mo nga yung sarili mo noong naging tayo, pero nawala naman ako, noong hindi na naging tayo. Hindi mo ako masisisi kung ako ay sumuko na, dahil sa ating dalawa. Ikaw ang unang sumuko. Ikaw ang unang umatras sa laban. Umtras ka sa laban ng hindi mo man lang sa 'kin sinasabi, kaya noong napagtanto ko na, ako nalang pala yung lumalaban ay sumuko na ako.
Patawad sa aking pagsuko, Lucas.
Tumingala ako sa kalangitan. Nang makita ko yung buwan ay napangiti na lamang ako ng mapait. Ang sabi ko pa noon kay Sandra, kapag siya ay sinayaw ko sa ilalim ng asul na buwan ay hindi na kami magkakahiwalay. Pero ngayon, hiwalay na kami.
Paalam, Sandra.
Mukhang ikaw ay tuluyang sumuko na. Hindi naman kita masisisi, kung ako ay sinukuan mo na. Dahil kasalanan ko naman kung bakit mo ako sinukuan. Naduwag ako. Madali akong natakot, kaya umatras agad ako sa laban.
Patawad sa hindi ko paglaban, Sandra.
Labis akong nasaktan noong hindi ako ang pinili ni Lucas, kasi ako, kahit na ang sakit-sakit na, paulit-ulit ko pa rin siyang pinipili. Oras na siguro para sarili ko naman ang aking piliin.
Patawarin mo ako sa pagpili ko sa aking sarili, Lucas.
Gustuhin ko man piliin si Sandra, ay hindi ko ito magagawa. Sa pagkat ayaw kong lumaki ang magiging anak namin ni Sydney ng walang ama.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagpili sa 'yo, Sandra.
Alam ko sa aking paglayag ay masasaktan ko si Lucas. Hindi ko man siya gustong masaktan, pero ito lang ang tanging paraan ko para mahanap ko ang aking sarili. Para mabuo ko ang sarili ko na nasira niya, noong hindi ako ang piliin niya.
Patawad sa aking paglayo, Lucas.
Kung ang paglayo lang sa 'kin ni Sandra, ang tanging paraan para maghilom ang sugat ng puso niya ay tatanggapin ko ito. Hindi na muna ako lalapit sa kaniya. Hindi ko na siya hahabulin pa. Ang tanging hiling ko lang sa kaniya ay sana maging ayos na siya at mapatawad na niya ako.
Patawarin mo ako sa hindi ko paghabol sa 'yo, Sandra.
Hindi mo man pinakinggan ang aking mga dahilan, Sandra. Hindi mo maitatanggi na mahal na mahal kita. Sana sa iyong paglayag, ako ay iyong maintindhan.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung saan ako nagkulang. Kung bakit nagawa pa ni Lucas humanap pa ng iba.
Pagdating ng tamang panahon, hinding-hindi ko na ulit iiwan si Sandra. Kung ako ay kaniyang pagbibigyan muli.
Hindi na ako babalik kay Lucas. Sapat na yung sakit na ibinigay niya sa 'kin. Hindi ko na kaya pang pagbigyan pang muli ng pagkakataon.
Sabay na pumatak ang mga luha nila Sandra at Lucas, mula sa kanilang mga mata.
"Paalam, Lucas."
"Patawad, Sandra."