Kabanata IX

2322 Words
Paalam Mahirap mag paalam lalo na kung sa mahal mo ikaw magpapaalam. Dahil ikaw ay lilisanan na. Iiwan mo na siya. Pero kung ang paglisan lamang ang tanging paraan para maghilom ang sugat sa puso mo na ibinigay niya ay gawin mo. Kailangan mong mag paalam sa lahat. Sa inyong naraan, pagmamahalan, pangakong hindi natupad at sa sakit. Kailangan mong mag paalam, para gumaan ang iyong pakiramdam. Para ikaw ay tuluyan nang makalaya sa nakaraan. Kasabay nang paglisan ni Sandra ay ang pagkawala ng aking pag-asa, na siya ay babalik pa sa 'kin. Hindi ko masisisi si Sandra na iwan niya ako ng walang paalam. Dahil kasalanan ko naman kung bakit siya umalis. Kasalanan ko naman, kung bakit kami nagkahiwalay. Pero sana, bago siya umalis, nagpaalam muna siya. Hindi lang naman siya yung nasaktan. Pati ako nasaktan ng sobra. Hindi ko naman sinasadya na makipagtalik kay Sydney at mabuntis siya. Nagtatampo ako kay Sandra, kaya nag-inom ako ng alak sa bar. Miss na miss ko na si Sandra, kaya noong nalasing ako, hindi ko na nakilala si Sydney. Akala ko siya si Sandra. Magkamukhang-magkamukha kasi silang dalawa. Kaya ko nga niligawan noon si Sandra, dahil kamukha niya si Sydney. Matagal ko nang kilala si Sydney, noong high school kami ay dapat liligawan ko siya. Pero hindi ko natuloy ang balak kong panliligaw sa kaniya dahil may naunang nanligaw sa kaniya. Ang sabi ko noon sa bestfriend ko, may gusto ako kay Sydney. Sabi niya, tutulungan niya akong manligaw kay Sydney, pero ang 'di ko alam, hindi niya ako gustong tulungan manligaw kay Sydney. Gusto niya akong unahan manligaw kay Sydney. Ang sabi pa niya sa 'kin noon, huwag ko munang ligawan si Sydney. Saka na, kapag kami ay college na. Nagtagumpay siya sa panliligaw kay Sydney. Naging sila. Kaya noong ako ay college na, humiwalay talaga ako sa kanila ng university na papasukan. Para makalimutan ko na si Sydney at para na rin makalimutan ang panloloko sa 'kin ng bestfriend ko. Nag-aral ako sa Polytechnic University of the Philippines, samantalang, sa Ateneo naman nag-aral sila Sydney. Akala ko noong una, sa Polytechnic University of the Philippines din nag-aral si Sydney noong unang beses kong makita si Sandra. Magkamukha kasi silang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang aking naisip, bigla ko na lamang nilagawan si Sandra. Noong kinantahan ko siya ng hinahanap-hanap kita, sa battle of the band ay naiisip ko si Sydney. Simula noong makita ko si Sydney ay hinahanap-hanap na siya palagi ng aking mga mata. Gusto ko na sanang itigil ang panliligaw ko kay Sandra, pero habang tumatagal na kasama ko siya napamahal na ako sa kaniya. Magkaiba pala sila ni Sydney. Mas better siya kaysa kay Sydney. Si Sandra yung tipo ng babae, na masarap magmahal. Kapag nagmahal kasi siya ay sobra-sobra. Mararamdaman mo talaga na mahal na mahal ka niya. Napakamaalalahin niya. Palagi niya akong pinapaalalahan na matulog ng maaga, huwag magpalipas ng gutom at palaging ngumiti at huwag malungkot. Lahat ng masasamang bisyo ko ay nawala noong naging kami. Ang laki ng pinagbago ko dahil sa kaniya. Binuo niya ang wasak na puso ko. Binuo niya ako. Pero noong makita ko ulit si Sydney, pagkatapos ng maraming taon ay bigla nalang bumalik yung pagmamahal ko sa kaniya, at natumbasan pa nito ang pagmamahal ko kay Sandra. Pero noong maalala ko yung mga pinagsamahan namin ni Sandra ay mas lumamang ang pagmamahal ko kay Sandra, kaysa kay Sydney. Noong nalasing ako, akala ko si Sandra yung kahalikan ko, kasi kamukha niya yung hinahalikan ko. Kamukha niya si Sydney. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na huwag na nilang sabihin pa kay Sandra yung maling nagawa ko. Pinaliwanag ko sa kanila kung bakit ko nahalikan si Sydney. Naintindihan naman nila ako, kasi kamukha naman talaga ni Sandra si Sydney. Nalaman ni Sandra na nahalikan ko si Syndey sa kaniyang mga labi. Pero pinatawad niya pa rin ako. Noong dumalas ang pagkikita namin ni Sydney ay muli akong nahulog sa kaniya. Bigla ko na lamang nakalimutan na may Fiance pala ako na naghihintay sa 'kin sa condo namin. Narealize ko na lamang na mali na pala yung ginagawa ko kay Sandra noong umalis siya at pumunta sa Japan para magtrabaho. Iniwasan ko si Sydney noong umalis na sa Pilipinas si Sandra. Ayaw ko na muna siyang makita para hindi ko na muling magawan ng pagkakamali si Sandra. Pero ayaw talaga ng tadhana sa amin ni Sandra. Bumalik nga ulit sa akin si Sandra, aksidente ko namang nabuntis si Sydney, kaya muli akong iniwan ni Sandra. Lumaki ako na walang tatay. Si mama lamang ang nagpalaki sa 'kin, maaga kasing namatay ang aking ama. Kaya pinangako ko sa aking sarili, kapag ako ay nagkaroon ng anak ay hindi ko hahayaan na lumaki siya ng walang tatay. Kaya kahit na gusto ko pang bumalik kay Sandra, hindi ko na ito ginawa. Dahil ayokong lumaki ang anak namin ni Sydney na walang tatay. Hindi ko sinabi kay Sydney na may naging relasyon kami ni Sandra, dahil alam kong malulungkot siya kapag nalaman niya 'yon. Masama sa buntis ang malungkot. Hindi ito healthy sa baby na ipinagbubuntis niya. Pilit talaga kaming ipinaglayo ng tadhana ni Sandra. Huli na nang malaman kong nabuntis ko rin siya, dahil nalaglag na ang anak namin na ipinagbubuntis niya. Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa. Siguro si Sydney talaga ang para sa 'kin. Pero kahit na ganoon ay mahal ko pa rin si Sandra. Kahit na hindi na kami, kahit na ikasal na kami ni Sydney, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Paalam, Sandra. Sana sa muli nating pagkikita ay ayos ka na. Nahanap mo na ang sarili mo. Mayroon nang taong magmamahal sa 'yo na hindi ka sasaktan, tulad ng ginawa ko sa 'yo. Sana huwag mong isipin na ikaw ay hindi naging sapat. Dahil ikaw ay naging sapat, kahit na itinapon ko ang lahat. Hindi ko naman gustong saktan ka. Nagmahal lang naman ako. Isang linggo na rin ang lumipas simula nang umalis si Sandra. Sa loob ng isang linggo na 'yon ay palagi pumupunta sa bahay ng lola niya. Umaasa na sana bumalik siya sa bahay ng lola niya. Bumalik siya sa akin muli. "Aalis ka na naman ba?" tanong ni Sydney. Tinanguhan ko siya. "Oo." Pilit siyang ngumiti. "Saan ka pupunta? Sa bahay na naman ba nila lola? Hinihintay mo bang bumalik si Sandra roon?" Iniwasan ko ang tingin niya kaya siya ay napatawa siya ng mahina. "Lucas, isang linggo ka nang pumupunta roon. Isang linggo ka nang naghihintay na parang tanga kay Sandra sa harap ng bahay nila lola," sambit niya at lumapit siya sa 'kin. "Lucas, tanggapin mo nalang na wala na kayo, na iniwan ka na niya. Lucas, hayaan mo na si Sandra. Hayaan mo na siyang sumaya." Tinitigan ko siya at pilit akong ngumiti. "Sydney, tanggap ko na naman na wala na kami. Na hindi na puwedeng maging kami. Kasi may tayo na. May tayo na, na malapit ng magkaroon ng anak. Gusto ko lang naman siya makausap para makahingi ako sa kaniya ng tawad. Sydney, sobra kong nasaktan si Sandra. Gusto ko marinig niya ang paliwanag ko para maibsan yung sakit na nararamdaman niya." Siguro kapag nalaman ni Sandra na hindi ko naman siya sinasadyang saktan ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Baka mapatawad niya pa ako, kapag nalaman niya ang mga dahilan ko. "Huli na ito, Sydney. Gusto ko lang talaga siyang makausap." Niyakap ako ni Sydney. "Sorry, Lucas. Kung hindi dahil sa 'kin, kayo pa rin ni Sandra. Sorry talaga, Lucas." Niyakap ko rin siya pabalik. "Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan. Huwag ka na malungkot, masama yan sa kalusugan ng baby natin." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin. "Kapag nakausap mo si Sandra. Ihingi mo rin ako ng tawad sa kaniya." "Sige." Nakangiting sambit ko. Umalis na ako at muling pumunta sa bahay ng lola ni Sandra. Inilagay ko ang mga importanteng gamit ko sa loob ng aking malaking bag. Ngayon namin ni Neon sisimulan ang pag-travel namin. Gaya ng sinabi ko kay Neon, sa Palawan kami pupunta. Maganda mag travel sa palawan kasi napaka nature friendly ng palawan. Naparami pang magandang beach doon. "Tapos ka na ba maghanda?" Napatawa ako nang tumingin ako sa direksyon ng pintuan. Nakita ko si Neon, ready na ready na siya. Nakasuot siya na pang travel na damit at suot-suot niya rin ang malaking bag niya. Hindi halatang ready si Neon. Parang hindi natulog si Neon kagabi. Ginugol niya lang siguro yung oras niya kagabi sa paghahanda. "Malapit na." Nang malagay ko ang huling damit na dadalhin ko sa loob ng malaking bag ko ay agad kong sinara ang zipper ng bag ko. Nginitian ko si Neon. "Tapos na ako!" Sinuot ko ang bag ko at lumapit ako sa kaniya. "Tara na. Paalam ba muna tayo kay Tita, bago tayo umalis." "Sige." sambit niya at pumunta kami sa sala ng bahay nila. Naabutan naman si Tita Alisha na umiinom ng tsaa. Nang makita niya kami ay ibinaba niya ang tasa ng tsaa na kaninang iniinom niya. "Aalis na kayo?" nakangiting tanong niya. Tumango at ngumiti ako, "Opo, Tita. Salamat po, Tita sa pagpapatuloy mo sa 'kin dito." Mahinang tumawa si Tita, "Ano ka ba, Sandra. Hindi ka na bago sa amin. Mag-ingat kayo sa pag travel niyo. Uwian niyo ako ng pasalubong, ha!" "Sige po." Lumapit si Neon sa mama niya at hinalikan niya ito sa pisngi. "Alis na po kami, ma." "Umalis na kayo, Sandra. Mukhang hindi na makapaghintay si Neon na umalis kayo," natatawang sambit ni Tita Alisha. Mahina akong tumawa. "Sige po." Lumabas kami ni Neon sa bahay nila at pumunta kami sa parking area nila. Inilagay namin sa backseat ng kotse ni Neon ang suot naming malaking bag at sumakay na kami sa kotse niya. Habang pinapaandar ni Neon ang kotse niya ay bigla kong naalala sila lola at lolo. "Neon, daan muna tayo sa bahay nila lola. Kahit saglit lang. Gusto kong makita yung bahay nila lola bago tayo umalis." "Sige." wika ni Neon. "Saan sa Palawan mo gusto munang pumunta, Sandra?" tanong niya. "Siguro sa Coron muna. Maganda raw yung lake roon. Gusto kong puntahan yung Kayangan Lake at Barracuda Lake. Pagkatapos nating pumunta sa Coron sa El Nido naman tayo," sambit ko. "Maganda sa El Nido. Matagal ko nang gustong pumunta sa Big Lagoon at Nacpan Beach ng El Nido," sambit ni Neon habang siya ay nagmamaneho. "Pagkatos natin pumunta sa El Nido, sa Puerto Princesa naman tayo. Gusto kong pumunta sa Underground River ng Puerto Princesa," wika ko "Sige, 'yan ang sunod natin puntahan. Maganda riyan. Nakapunta na kami riyan dati nila mommy," sambit ni Neon. "Kailan?" tanong ko. "Matagal na 'yon. Bata pa ako noon, hindi pa masiyado busy sila daddy at mommy niyan sa trabaho nila, kaya nakakapasyal pa kami," sagot niya. Hininto ni Neon ang sasakyan niya sa harap ng bahay nila lola. "Bababa ka ba?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi. Sisilipin ko lang naman yung bahay nila lola." Napatulala na lamang ako bigla, nang maalala ko na naman ang lahat ng alaala namin ni Lucas. Masakit man kalimutan ang sakit na ibinigay niya sa 'kin, kakayanin kong kalimutan ito, para tuluyan na akong makalaya sa kulungan ng nakaraan at kadena ng kalungkutan na nakatali sa 'kin. Paalam, Lucas. Gustuhin ko man na muli kang sulyapan at tanungin, kung ako ba ay naging sapat sa 'yo. Dahil ako ay naguguluhan, kung bakit mo kinailangan makipagtalik kay Ate Sydney. Hindi ko na magagawa pang ikaw ay tanungin. Dahil baka kapag ikaw ay aking nakita ay baka hindi na ako umalis. Baka ako ay bumalik na naman sa 'yo. Hindi man ako sa 'yo nakapagpaalam bago ako umalis, gusto kong malaman mo na nagpapaalam na ako sa atin, Lucas. Paalam sa ating nakaraan. Paalam sa mga pinagsisihan. Paalam sa aking nadarama. Paalam sa ating naging pagmamahalan. Paalam sa mga pangakong naiwan. Paalam, wala na akong pagsisihan. Tatanggapin ko nalang ang lahat. Tatanggapin ko nalang na wala ka na sa 'kin. Tatangapin ko nalang na hindi ikaw ang nilaan ng diyos, para sa 'kin. Tatanggapin ko nalang na ikaw at ako ay hindi itinadhana para sa isa't isa. Tinignan ko si Neon. "Tara na, Neon. Paandarin mo na ulit ang kotse mo." Pagkaalis ng kotse ni Neon sa tapat ng bahay ng lola ni Sandra ay dumating naman si Lucas. May dala itong isang dosenang rosas. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita kong naka lock pa rin yung gate ng bahay ng lola ni Sandra. Hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon. Siguro matagal pa siya bago makauwi. Napangiti na lamang ako ng mapait nang maalala ko kung paano ako sinagot ni Sandra sa labas ng bahay nila. Noong araw na sinagot niya ako ay narealize ko na mas mahal ko na pala siya, kaysa kay Sydney. Noong araw na rin 'yon, nangako ako sa aking sarili na hinding-hindi ko siya sasaktan. Aalagaan at poprotektahan ko siya. Akala ko noon, matutupad ko ang pinangako ko sa aking sarili, na hindi ko siya sasaktan. Mali pala ako. Pati ang mga pangko ko kay Sandra ay hindi ko na rin natupad. Oras na siguro para mag paalam na ako sa lahat. Paalam, Sandra. Gustuhin ko man na makausap ka, bago ka umalis. Hindi ko na magagawa, dahil huli na ako. Nakaalis ka na. Nakalayo ka na sa 'kin. Kung nasaan ka man ngayon, patawad. Patawarin mo ako. Kung iniisip mo na ikaw ay hindi naging sapat at ikaw ay hindi ko minahal, nagkakamali ka. Naging sapat. Sobra pa nga, e. Mahal na mahal kita, kailan man, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo. Paalam sa ating kahapon. Paalam sa binuo nating mga alaala. Paalam sa pagmamahalan natin na nag wakas na. Paalam sa sakit, pighati at kalungkutan na ating naramdaman. Paalam, aking mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD