Patawad
Hindi nagtatapos sa pagpapaalam at pagpapatawad sa taong minahal mo nang lubusan, na pinalaya at pinatawad mo, ang pag move on.
Kailangan mo rin patawarin ang iyong sarili at palayain ang sarili mo sa nakaraan na kayo pa. Patawarin mo ang iyong sarili sa pagkakamaling ginawa mo na labis mong pinagsisihan. Huwag mong siyang kalimutan. Huwag mong kalimutan ang inyong ginawang masaya at malungkot na alaala. Tanggapin mo na tapos na kayo. Wala ng kayo. Hindi na puwedeng maging kayo. Dahil kayong dalawa ay hindi itinadhana sa isa't isa.
Buwan na ang lumipas simula noong umalis si Sandra. Nilisan niya ako nang hindi man lang siya nagpapaalam sa 'kin. Kung nasaan man siya ngayon, sana ay masaya na siya. Sana ay mahanap na niya ang sarili niya.
Pinutol ni Sandra ang komunikasyon niya sa amin. Hindi namin siya ma-contact. Nagtataka na nga ang mga magulang niya kung bakit hindi pa nila ulit nakikita si Sandra. Lalo na at malapit na ang kasal namin ni Sydney. Hindi muna namin ni Sydney ipinaalam sa mga magulang niya kung bakit umalis si Sandra. Ang sinabi lang namin ay may mahalaga itong pinuntahan. Kaya matagal siyang mawawala at hindi makakapunta sa kasal namin ni Sydney.
Saka nalang namin ipapaalam sa mga magulang ni Sydney, kung bakit lumayo si Sandra kapag nakasal na kaming dalawa. Baka kapag nalaman nila Tito at Tita kung bakit lumayo si Sandra ay hindi matuloy ang kasal namin. Masasayang lang yung ginawang pagpapaubaya ni Sandra. Baka lalong hindi ako mapatawad ni Sandra kapag nalaman niyang, nasayang lang ang pagpapaubaya niya.
Nitong nakaraan lang nalaman ni mama na hiwalay na kami ni Sandra. Sobra siyang nagalit sa 'kin, noong malaman niya yung dahilan kung bakit ako hinawalayan ni Sandra. Tapos noong sinabi ko pa na ikakasal na ako, mas lalo pa siyang nagalit sa 'kin. Ayaw niya pa nga pumayag na ikasal ako sa iba. Ang gusto niya kay Sandra lang ako ikakasal. Gusto niyang hiwalayan ko si Sydney at habulin ko si Sandra.
Pero nang maipaliwanag ko sa kaniya kung bakit ko nagawang makipagtalik kay Sydney at kung bakit gusto kong pakasalan si Sydney ay kumalma na siya. Naintindihan na niya ako. Sana hinayaan ako ni Sandra na makapagpaliwanag ko sa kaniya. Sana bago siya umalis ay nasabi ka na muna sa kaniya yung mga dahilan ko. Siguro kung nakapagpaliwanag ako sa kaniya, hindi na niya kakailanganin umalis.
Ang tanga ko kasi.
Ang sama ko.
Bakit ba, kapag ikaw ay nagmahal ay masasaktan ka? Nagmahal ka lang naman. Hindi ba puwedeng kapag nagmahal ka ay hindi ka masasaktan? Wala kang masasaktan?
Inaamin ko, hanggang ngayon, tuwing ako ay gumigising sa umaga ay siya pa rin ang nasa isip ko. Pero hindi na siya ang nasa puso ko.
Wala na rin namang saysay kung magkakabalikan pa kaming dalawa. Wala na yung saya at tamis noong unang beses niya akong hagkan.
Mahirap na ibalik sa dati ang kape, kapag ito ay lumamig na. Kahit na lagyan mo itong muli ng mainit na tubig, para ito ay muling uminit. Hindi pa rin ito babalik sa dati. Kahit na lagyan mo ito ng asukal para ito ay muling tumamis. Hindi pa rin ito babalik sa dati. Mahirap nang maibalik yung unang tinimpla mong kape.
Mahirap nang ibalik ang dati kaming, mahirap nang ibalik ang init at tamis ng aming pag-iibigan.
Para patuloy na manatili ang kape mo na mainit at na may pait pero lamang naman ang tamis. Kailangan mo itong patuloy timplahin. Huwag mong hayaan maubos ang kape mo, dahil kapag naubos mo ito, mawawala na siya sa 'yo.
Yung kape ko naubos ko na, kaya siya ay nawala na sa 'kin. Naubos ko na yung pasensya at pagmamahal sa 'kin ni Sandra, kaya sinukuan na niya ako.
Patuloy mo lamang timplahin ang kape mo, huwag kang mapapagod sa pagtimpla rito. Kahit na hindi mo na makuha ang saktong tamis at init ng unang tinimpla, patuloy mo pa rin ito timplahin. Habang ikaw ay nagtitimpla, higpitan mo yung kapit mo sa tasa mo. Huwag mo ito hayaang mahulog. Dahil kapag nahulog mo ito ay mababasag ito. Kung hindi man ito mabasag, magkakaroon naman ito ng lamat na magiging sanhi na unting-unti nitong pagkasira.
Napagod ako sa pagtimpla ng kape ko. Kaya nabitawan ko ang tasa ko. Napagod ako kay Sandra. Kaya noong nabitawan ko siya, nagkaroon na ng lamat ang relasyon naming dalawa, na dahilan kung bakit unti-unting nasira ang relasyon namin. Nasaktan ko siya nang sobra noong mabitawan ko siya. Hindi ko lang siya isang beses na nabitawan. Maraming beses. Pagkatapos kong mabitawan ang tasa ko, napansin kong mayroon na itong lamat. Kaya naghanap na ako ng panibagong tasa at kape, na lalong nagpasira sa una kong tasa, na mayroong lamat. Kay Sandra.
"Tara na, Lucas."
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Sydney. Nakasuot siya ng puting gown at may hawak siya na bulaklak.
Kinapitan ko ang kamay niya. "Tara na."
Naglakad kaming dalawa papunta sa harap ng altar. Ngayong araw yung kasal namin. Ngayong araw sana kami ikakasal ni Sandra. Ito 'yong araw na matagal na naming hinihintay.
Nakakalungkot lang. Hindi yung babaeng pinangakuan kong kasal yung ikakasal sa 'kin.
Ito na ang huling paalam ko kay Sandra. Sa nararamdaman ko sa kaniya. Sa nakaraang binuo naming dalawa. Sa pagmamahalan naming nagwakas na.
Patawad kung ikaw ay aking nasaktan. Patawad sa mga pangakong aking binitawan na hindi ko natupad. Patawad sa pag-atras ko sa laban. Patawad kung hindi ko naibigay sa iyo ang kailangan mo. Patawad sa hindi ko pagpili sa 'yo
Ang huling pangako na maibibigay ko sa 'yo, sa ating dalawa. Wala nang sisihan sa ating desisyon.
Patawad, paalam sa ating nakaraan.
Sa loob ng isang buwan namin na namasyal at nagsaya ni Neon sa Palawan ay sandali kong nakalimutan yung sakit na ibinigay ni Lucas sa 'kin. Na-realize ko rin na, kaya ko rin palang sumaya kahit wala si Lucas. Ang tagal na rin kasi naming nagsama. Kaya nasanay na akong maging masaya, kapag kasama ko siya.
Napakaganda rito sa Palawan. Worth it mamasyal rito. Mag move on. Yung tanawin palang rito ay sulit na. Nakaka-relax dito sa Palawan, lalo na sa Nacpan Beach ng El Nido. Nakakarelax panoorin yung paglubog ng araw sa Nacpan Beach. Pero mas nakakarelax itong panoorin kung mag-isa ka lang. O kaya kung wala kang kasama, katulad ni Neon.
Pinapanood ko ang paglubog ng araw. Tanaw na tanaw ko rito sa puwesto ko ang paglubog ng araw. Ang ganda.
"Sandra, kaya ka ba nakatulala dahil nakita mo ang matcho kong katawan?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko si Neon. Tinignan ko siya. Nakasuot lamang siya ng trunks. Kaya kitang-kita ko ang well built niyang katawan. Ang anim niyang abs at ang almost perfect niyang V-line. Nakangisi siya habang nakatingin sa 'kin, kaya kitang-kita ko rin ang maputi niyang ngipin. Saka ko lang napansin na marami palang nakapaligid sa amin. Halos matakpan na nila yung magandang view. Yung pagpubog ng araw Ang daming babaeng nakapaligid at nakatingin kay Neon.
"Ang hangin mo. Lumayas ka nga sa harap ko. Natatakpan mo yung magandang view. Lumayo ka sa 'kin, para umalis yung mga babae na nakapaligid sa 'yo, natatakpan niyo yung view." Pagsusungit ko sa kaniya.
Noong nasa big lagoon kami, hindi kami nakasisid sa lagoon, kasi hindi raw siya marunong lumangoy. Ayaw naman niya na iwanan ko siya. Kaya at the end, nag relax na lamang kami sa bangka.
Napangiti na lamang ako ng mapait nang makita ko ang imahe ni Lucas at Ate Sydney sa tubig. Bukas na pala yung kasal nilang dalawa. Kasal dapat namin ni Neon 'yon. Ang tagal naming hinintay yung araw na 'yon.
Nakakalungkot.
Ako yung pinangakuan niya ng kasal, pero sa iba niya tinupad yung pangako niya.
"Sana lahat, pinili," wika ko.
"Mali ka," saad ni Lucas, kaya napatingin ako sa kaniya.
"Lahat naman tayo ay pinili. Ang malas lang talaga ng iba sa 'tin. Dahil pinili silang saktan at iwan. Hindi sila ang piniling kasama panghabang buhay ng kanilang mahal," sambit niya.
Tama siya.
Pinili rin naman ako. Kaya dapat maging masaya rin ako.
Ang malas ko nga lang.
Pinili akong saktan at iwan.
Narito kami ngayon ni Neon sa Puerto Princesa. Sa Subterranian, sa loob ng underground river. Nakasakay kami ni Neon sa bangka. Ito na ang huling araw namin ni Neon sa Palawan. Ito na rin ang araw, na dapat kasal namin ni Lucas. Ito na ang araw na ikakasal ang ate ko sa dati kong fiancè.
"Alam mo ba na may alamat ang Puerto Princesa, Sandra?" tanong ni Neon sa 'kin.
Umiling ako. "Hindi."
"Hindi talaga Puerto Princesa ang pangalan ng lugar na ito. Mayroong hari at reyna rito noon. Ang kanilang anak ay si Princess Asuncion. Maagang namatay si Princess Asuncion, dahil sa sobrang pagmamahal ng hari at reyna sa anak nila, kinuha nila ang pangalanan ng lugar nito sa pangalan ng kanilang anak. Pinangalan nila ang lugar na ito na Puerto de la Princesa. Na kinalaunan ay napalitan ng Puerto Princesa," kuwento sa 'kin ni Neon.
"Kawawa naman sila, maagang namatay yung anak nila," sambit ko.
"May isa pa akong alam na alamat sa Puerto Princesa," wika niya.
"Ano naman 'yon?" tanong ko.
"Ang alamat ng kuweba ng subterranian. Ang dahilan kung bakit dito nanirahan sa Puerto Princesa ang mga Magulang ni Princess Asuncion ay dahil sa kuweba na ito. Dito sa kuweba na ito, sinabi ni Haring Francisco ang nararamdaman niya kay Reyna Isabella. May paniniwala na kapag sa loob ng kuweba na ito, sinabi mo ang pagmamahal mo sa taong mahal mo, malaki ang tiyansa na kayo ay magkakatuluyan," sambit niya.
"Naniniwala ka roon?" tanong ko.
Ngumiti siya. "Oo naman. Dito kasi sinabi ng lolo ko ang pagmamahal niya kay lola, kaya sila ay nagkatuluyan. Dito rin sinabi ni daddy ang pagmamahal niya kay mommy, kaya sila ay nagkatuluyan."
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Hindi ko alam 'yan. Hindi mo sa 'kin kinuwento 'yan!"
"Hindi ko talaga kinuwento sa 'yo 'yan. Kasi gusto kong sabihin sa 'yo 'yan, kapag sasabihin ko na yung pagmamahal ko sa 'yo," sambit niya.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata. "Alam kong hindi ka pa handang magmahal ulit. Pero hindi na ako makapaghintay na sabihin ito. Ayoko nang maunahan ulit sa 'yo. Sandra, mahal kita. Higit pa sa isang kaibigan."
"Neon..."
"Alam ko. Alam kong hindi ka pa ready. Kaya ko namang maghintay. Simula noong unang beses na nagkita tayo, naghintay na ako sa 'yo. Ang malas ko lang. Naunahan ako ni Lucas sa 'yo."
Bigla pumasok sa isip ko yung sinabi sa 'kin ni lola.
"Sandra, huwag mong hanapin yung kalahati mo. Yung bubuo sa 'yo. Yung taong nilaan ng diyos para sa 'yo. Dahil kapag hinanap mo siya, mas lalo mo lamang siyang hindi makikita. Baka dahil sa kakahanap mo sa kaniya, mapunta ka sa maling tao. Malay mo, nasa tabi mo nalang pala yung hinahanap mo. Hindi mo lang siya makita kasi naghahanap ka pa ng iba."
Tama si lola. Dapat nakinig ako sa kaniya. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon. Dahil sa kakahanap ko sa taong itinadhana sa 'kin, maling tao yung nahanap ko. Ang tanga ko. Nasa tabi ko lang si Neon palagi, pero hindi ko pa rin siya nakita. Siguro kung hindi ko hinanap yung nakalaan sa 'kin, hindi ako mapupunta kay Lucas. Nasabi na sa 'kin siguro ni Neon na mahal niya ako. Kami na siguro ngayon. Mahal ko na naman si Neon, dati pa. Pinigilan ko lang yung nararamdaman ko sa kaniya kasi baka masira yung pagkakaibigan namin. Ayokong masira yung pagkakaibigan namin dahil sa sinabi ko yung nararamdaman ko sa kaniya. Ayokong iwasan niya ako.
"Hintayin mo ako, Neon. Sana hindi ka mapagod sa paghihintay mo sa 'kin."
Ngumiti siya. "Kailanman, hindi ako mapapagod hintayin ang babaeng mahal ko."
Niyakap ko siya. "Salamat, Neon. Salamat kasi hindi mo ako iniwan. Salamat kasi hanggang ngayon ay nandito ka pa rin sa tabi ko. Salamat sa lahat."
Paalam, Lucas.
Paalam na sa ating kahapon. Paalam na sa nasayang nating pagsasama. Paalam na sa lahat.
Paalam sa lahat ng sakit.
Paalam sa pighati.
Paalam sa kalungkutan.
Pinapalaya ko na ang sarili ko sa kulungan ng nakaraan. Sinisira ko na ang kadena ng kalungkutan na nakatali sa 'kin. Handa na ulit akong maglayag. Kaya ko nang maglayag nang hindi siya kasama.
Pinapatawad ko na si Lucas. Pinapatawad ko na siya sa lahat ng sakit at pighati na ibinigay niya sa 'kin.
Pinapatawad ko na ang aking sarili.
Simula ngayon, ako nalang. Wala ng kami ni Lucas.
Ako nalang.
Ako.
Ako ay masaya na.
Paalam, patawad sa ating nakaraan.