Chapter 12

1968 Words

Damon’s POV Ramdam ko… bawat paghinga niya. Bawat kilos niya. Bawat katahimikan na para bang sumisigaw sa akin ng sakit na pilit niyang nilulunok. Pero bilang asawa, bilang lalaking dapat niyang sandalan, hindi ako pwedeng panghinaan. Hindi ako pwedeng sumabay sa pagbagsak niya kahit gustuhin ko. Bago pa kami umuwi, tinawagan ko na ang mga tao sa bahay. Mahigpit ang bilin ko Walang iiyak. Walang magbabanggit ng kahit anong makakapagpaalala sa kanya sa pagkawala ng anak namin. Ayokong madagdagan pa ang bigat sa puso niya. Kaya pagpasok naming dalawa sa bahay, tahimik ang lahat. Walang nagtanong. Walang bumati. Lahat sila parang naging anino naroon, pero walang ingay. At doon ko lang napagtanto kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng nangyari. Napaiyak pa rin si Camille. At ako?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD