Camille’s POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Basta pagdilat ko… malamig na kisame, maputing ilaw, at ang amoy ng ospital ang una kong naamoy. May nakakabit dextrose sa kamay ko. Napakabigat ng dibdib ko. Pero ang tiyan ko… walang laman. Wala akong maramdaman. Pakiramdam ko para akong binasag. Tulad ng isang babasaging kristal na nahulog mula sa mataas na estante wasak, durog, wala nang buo. Mabilis akong nilapitan ni Nurse KC, private nurse na itinatalaga sa akin simula nang bumaba ang buwanang dugo ko sa pagbubuntis. “Ma’am Camille… gising na po kayo,” malungkot ang tono ng boses niya. Pero mas malungkot ang mga mata niya. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kinaya. Hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kumot. “Ang… baby ko? Nurse KC…” mahina, halos pabulong kong

