Camille’s POV “Thirty-eight to forty-eight weeks,” ulit ko habang palinga-linga sa maliit na consultation room. Parang bigla akong kinabahan. Hindi sa ayoko. Pero ang bigat pakinggan. Parang may timer. Parang may deadline. Hinawakan ni Damon ang kamay ko. Mahigpit, pero may lambing. Ikinikiskis niya ang hinlalaki niya sa likod ng palad ko, para bang gusto niyang iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. “Natural muna tayo,” sabi niya. Simple lang, pero punong-puno ng paninindigan ang boses niya. Tumango ako, bagama’t parang may kung anong gumuguhit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kaba ba ‘yon o excitement. “Saka na natin isipin ang IVF,” dagdag pa ng doktor. “Kung hindi pa rin tayo magtagumpay after ng recommended period, we can proceed to option two. But for now… enjoy the process.”

