Damon’s POV Hindi ako makatulog. Nakahiga siya sa tabi ko, mahimbing, pero ang kamay niya ay nakaipit pa rin sa braso ko na parang ayaw akong pakawalan. Tahimik ang buong bahay, pero sa utak ko, parang may malakas na orasan na tumitiktak. Thirty-eight to forty-eight weeks. Ang haba pakinggan. Pero para sa akin… kulang pa rin ‘yon. Alam kong ayaw niya ipakita, pero ramdam ko ang bigat na dinadala ni Camille. Ilang taon na siyang lumalaban sa ideya na baka may mali sa katawan niya. Pero para sa akin, hindi siya kailanman naging kulang. Kaya ngayong may binigay na sa’kin si Doc na simpleng instructions kahit unan lang ‘yon sa ilalim ng balakang gagawin ko nang paulit-ulit, araw-araw kung kailangan. Bumangon ako nang dahan-dahan, sinilip siya. Ang buhok niya nakalugay sa unan, may bak

