Camille’s POV Minsan iniisip ko, paano kaya kung hindi ko nakilala si Damon? Kung hindi niya pinilit ang pagmamahal na meron kami ngayon, baka hanggang ngayon nasa dilim pa rin ang buhay ko. Nang isinilang ko si Saphire, akala ko doon na matatapos ang takot at pagod ko. Pero hindi pala, doon lang nagsimula ang tunay na laban bilang ina. Ramdam ko pa rin sa balat ko ang hapdi ng bawat contraction noon, ang bigat ng katawan ko, pero higit sa lahat ramdam ko pa rin ang init ng kamay ni Damon sa balakang ko habang tinutulungan akong labanan ang sakit. “Love, kaya mo ’yan… konti na lang,” paulit-ulit niyang bulong sa akin. At iyon ang naging sandigan ko. Noong unang beses kong mahawakan si Saphire, para akong muling ipinanganak. Parang natanggal lahat ng sakit at pagod. Wala nang mas h

